You are on page 1of 2

MATEO 6:33

Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay


nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong
pangangailangan.
AWIT 37:3
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain.
MATEO 5:3
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat
mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
AWIT 37:4
Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong
makakamtan.
AWIT 1:2
Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya
ito sa araw at gabi.
AWIT 37:5
Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
KAWIKAAN 3:5
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa
sariling karunungan.
1 SAMUEL 12:24
Subalit matakot kayo kay Yahweh. Manatili kayong tapat sa kanya, paglingkuran
ninyo siya nang buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa
niya sa inyo.
AWIT 103:3-4
3Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit,
ginagamot niyang lahat.
4Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't
habag.

1 SAMUEL 15:22
Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at
hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa
paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.

SANTIAGO 1:22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo
ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

 2 UTOS: MATEO 22:36-39


36“Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.
37Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang
buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.
38Ito ang pinakamahalagang utos. 
39Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili. 

 PAGSUNOD: 2 GANTIMPALA
1 JUAN 3:22
Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang
kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.
JUAN 15:10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad
ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.

 BUNGA NG PAG SUNOD


MATEO 6:33
Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay
nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong
pangangailangan.

You might also like