You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

FILIPINO 11/12 – IKALAWANG MARKAHAN

• Kompendyum sa Pagsulat ng Piling Anyo ng Sulating Teknikal-bokasyunal
Deskripsyon ng Produkto

A. KOMPETENSI/MELC:

CS_FFTV11/12PB-0g-i-106
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal.
CS_FTV11/12WG-0m-o-95

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

B. GAWIN NATIN

Magandang Araw! Ngayon, ay tatalakayin natin ang panibagong aralin na Deskripsyon ng

Produkto.

Sinusuri mo bang mabuti ang iyong mga binibili sa merkado? O sa anumang pamilihan? Mabuti
iyan. Magandang suriin mo muna ang kalidad ng iyong mga produkto. Nais mo bang malaman kung ano
ang paraan sa pagtukoy ng magandang kalidad na produkto? Tara! Simulan Natin.

Nais kong maghanap ka ng kahit anumang produkto na nasa inyong tahanan.

1. Ano ang iyong napansin sa mga nakasulat sa mga produkto?

2. Sa tingin mo, bakit kailangang maglagay ng mga detalye sa produkto?

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

C. PAGYAMIN NATIN

Bigyang kahulugan ang salitang kwantidad at kalidad sa pagnenegosyo.

KWANTIDAD

KALIDAD

Ano ang iyong paraan sa pagbili ng mga produkto?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Nasubukan mo na bang bumili ng gamit o anumang produkto na sobra mong nagustuhan?

Ano ito at bakit mo ito nagustuhan?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

D. IUGNAY NATIN

Maghanap ng mga produkto na mayroong deskripsyon sa anumang parte

o pabalat. Isulat ang pangalan ng produkto at ilahad ang deksripsyon ng mga ito.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Sa tingin mo mayroon bang pagkakaiba sa mga deskripsyon ng produkto?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ano kaya dahilan kung bakit inilalagay ang mga ito sa bawat produkto?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Isa sa mga paraan ito ng mga tao dahil …

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

E. TALAKAYIN NATIN

Alamin naman natin ngayon, kung ano ang kahulugan

ng deskripsyon ng produkto.

Deskripsyon ng produkto

Ito ang pananaw ng mamimili tungkol sa isang produkto kasama ang mga benipisyo, anyo,
pagtatanghal, presyo, layunin at iba pa.
Ang paglalarawan ng produkto ay makakatulong upang mabenta ang mga produkto.

Bakit ito ay nakaaakit:

• ito ay nagsasabi tungkol sa mga produkto, kung paano gamitin ang produkto at nagiging ang
pakiramdam tungkol sa pagbili ng mga produkto.

• Ito ay para sa isang tiyak na kailangan ng kostumer – “Napananatiling ligtas ang lahat ng iyong
mga daliri”

• Direktang binibigyang-impormasyon ang mga kostumer at nagsasabi ng isang natatanging

kuwento.

• Gumagamit ito ng “ikaw” at “ang iyong” at may kaswal na tono.

• Ang mga tampok at benepisyo ay nagagawang ang pamimili ay isang matalinong bagay na
ginagawa.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya ay ang tinatawag na produksyon. Dito

nililikha ang mga bagay o produktong kailangan ng mga mamamayan. Upang umikot ang ekonomiya
kinakailangan nito ang pagpapalitan o distribusyon, palitan at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo o
ang ekonomiya.

• Ang produkto ay tumutukoy sa mga hilaw na materyales na kinakailangan ng bawat tao.

• Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo na matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

ANG IYONG NEGOSYO

Mahalagang gawan ng plano kung nais mong magnegosyo, kung ano ang mga layunin ng iyong
negosyo at ano ang nagbigay-sigla sa iyo na magsimulang magnegosyo, bumili o palaguin ang negosyo.
Halimbawa:
• Isama ang pangalan ng kompanya, tirahan, numero ng telepono, at mga pangalan ng mayari o
kasosyo.
• Sabihin ang kinabukasan ng negosyo at isalaysay ang pakay (dapat ihanay ito sa iyong target na
pamilihan)
• Sabihin ang mga mahalagang buod at layunin ng iyong negosyo at may-ari nito.

BENIPISYO NG KALIDAD SA NEGOSYO

Kasaganaan - sasagana ang iyong negosyo kung maraming kostumer ang tatangkilik sa iyo.
Kayamanan - darami ang yaman mo kung masagana ang iyong negosyo.
Kasikatan - makikila hindi lang ang iyong produkto at serbisyo kundi pati rin ikaw.
• Kaginhawaha - giginhawa hindi lang ang buhay mo at ng iyong pamilya kundi pari rin ang mga
manggagawa mo.
• Katatagan - magiging matatag ang kompanya mo sa anumang pagsubok dahil alam mong
dekalidad ang iyong serbisyo. Mangingibabaw ka pa rin sa anumang kresis o kompetisyon.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

F. PALALIMIN NATIN

IBA'T IBANG ANYO NG PRODUKSYON

1. Elementary utility - ito ang anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang

dumaan sa kahit anong prosesong gawa ng tao. Isa itong produkto na maaari
na agad pakinabangan ng tao tulad ng prutas at gulay. Tinatawag din itong
natural utility.

2. Form Utility - ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa
natural utility subalit hindi sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya
kailangan sumailalim sa isang proseso upang mabago ang anyo. Halimbawa
nito ang trosong nagiging kasangkapan, papel at iba pa; at ang mga butil ng
palay na ginagawang harina.

3. Time Utility - Ito ang mga produktong ginagawa sa angkop na panahon. Isang
halimbawa nito ang pagtitinda ng mga napapanahong pagkain tulad ng halo-
halo kung tag-init at lugaw naman kung tagulan.

4. Service Utility - ito ang anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng

tao. Binabayarang serbisyo ng isang tao ang service utility upang matugunan
ang kanyang mga pangangailangan. Halimbawa nito ang serbisyo ng abogado,
gwardya, doktor, drayber, electrician, massage therapist at iba pa.

5. Possesion or Ownership Utility - Ito naman ang anyo ng produksyon kung

saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit kailangan
ipagbili sa isang taong higit na nakikinabang. Halimbawa nito ang mga alahas.

6. Place Utility. May mga produktong tumataas ang kapakinabangan pati na rin
ang halaga kapag ito ay inililipat ng lugar o pook. Ang bigas na ani sa gitnang
luzon kapag dinala sa Maynila ay tataas ang halaga. Ang mga prutas ng Davao
ay lalong tataas ang presyo kapag inexport sa Japan.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

MGA SALIK NG PRODUKSYON

• May apat na salik sa pagbuo ng isang produkto. Hindi mabubuo ang isang produkto kung
mawawala ang alinman sa mga salik na ito. Kabilang sa mga salik na ito ang lupa, lakas-
paggawa, puhunan o kapital at kakayahan ng entrepreneur.

Lupa bilang salik ng produksyon

• Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.
Maaaring gamitin ang lupa sa iba't ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay,
pagtatayuan ng tanggapan, pagawaan at iba pa. Walang hanggan ang maaring
gamit ng lupa.

Lakas-paggawa bilang salik ng produksyon

• Ito ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-
paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng
kapakipakinabang na bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng mga hilaw na
sangkap o likas na yaman ngunit nakasalalay sa kamay ng tao ang paglinang
nito upang maging kapaki-pakinabang ito. 

Ang Kapital o Puhunan bilang salik ng produksyon

• May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan. Magiging kapaki-
pakinabang lamang ang lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa
paggawa ang puhunan upang matugunan ang pangangailangan. Nagiging
maunlad ang industriyang pinaglalaanan ng malaking puhunan.

Ang kakayahang Entreprenyur bilang salik ng produksyon

• Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng
malaking kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa likod ng produksyon.
Sa kanyang matalinong pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng isang negosyo.
Siya ay tinaguriang tagapamahala, superbisor, innovator at risk bearer sa
produksyon.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

G. TANDAAN NATIN:

Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto

1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga
a. benepisyo
b. katangian
c. gamit
d. estilo
e. presyo
Mahalaga rin ang deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na
ang produkto ay akma sa kanilang mga pangangailangan.
Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalas ang
kompetensiya ng iba’t ibang kompanya
Hindi lamang boutique o mga pisikal na estruktura ng mga tindahan ang
gumagawa ng mga deskripsyon ng produkto na dati inilalagay sa mga magazin.
Laganap na rin ang mga online store na totoong may mas mahigpit na kompetensiyon
dahil sa malawak ang maaring marating ng produkto at mas maraming potensiyal na
kliyente.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

H. SUBUKIN NATIN

Panuto:
Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa paksang tinalakay at bigyan ito ng kahulugan

K A P I T A L A I B L H

X W E G S E R B I S Y O

O Y A L K B I O B K J P

T I S N A K U I S A N U

K E R Q T N A P R L Z H

U A P S K I S A Y I O U

D B R A M U D L R D Y N

O X L U P A K A T A S A

R Z K L I M A S D D O N

P L A K A S T A O U G F

R U N E R P E R T N E Y

V P R O D U K S Y O N X

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

SA PALAGAY MO?

Isulat ang kahalagahan ng paggawa ng mga flyers o leaflets at promo materyals.

Mahalaga ang deskripsyon ng produkto dahil ….

_______________________________________________________________________

J. AYOS NA!

Isulat sa iyong kwaderno ang kahalagahan ng pagsulat ng deskripsyon ng

produkto.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

TAYAIN NATIN

Sa isang long coupon bond, lumikha ng isang poster ng isang patalastas para sa isang
produktong batay sa iyong interes o hilig.
• Maaring tunay o piksiyunal ang produkto.Iguhit ito at maging kaakit-akit sa paningin
ng inyong mamimili.
• Sumulat ng maikling deskripsiyon bilang pangganyak o pan-engganyo sa mga
posibleng mamimili ng iyong produkto.

Pamantayan:
Pamantayan sa pagsulat:
Nilalaman - 20
Layunin/Panghihikat -20
Kasiningan - 10

_________________
Kabuuan 50 pts.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

TAGUMPAY
!
Binabati kita sa iyong matagumpay na pagsasagawa ng mga
gawain sa compendium na ito. Gayundin ang iyong magulang sa
paggabay sa iyo sa pagsasakatuparan ng mga kompetensi na nakatalaga
para sa araling ito. Patuloy na maging masigasig sa pag-aaral! Maghanda
na para sa susunod na bahagi!

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph

You might also like