You are on page 1of 34

8

Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

SUBJECT TEACHER:LEAH F. BATILLER


PHONE NO. : 09168563530
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Printed in the Philippines by
First Edition, 2020
Department of Education – Division of Gingoog City

Republic Act 8293, section


Office Address: Brgy. 23,176 statesHighway,
National that: NoGingoog
copyrightCity
shall subsist in any
work of
Telefax: the Government of the Philippines. However,
088 328 0108/ 088328 0118 prior approval of the government
agencyAddress:
E-mail or office wherein the gingoog.city@deped.gov.ph
work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Alging Salazar Lloren, PhD

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Lenore Boa

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Members: Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita .......................................................................................................................... i
Alamin ........................................................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto .......................................................................................................... ii
Mga Icon ng Modyul ............................................................................................................... ii
Subukin .................................................................................................................................... iii
Aralin 1 ...................................................................................................................................... 1
Ang Daigdig .............................................................................................................................. 1
Tuklasin..................................................................................................................................... 1
Gawain: Picture-Suri........................................................................................................... 1
Suriin ......................................................................................................................................... 2
Heograpiya ......................................................................................................................... 2
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao ............................................. 3
Grid ng Daigdig ................................................................................................................... 3
Meridian .............................................................................................................................. 3
Parallel ................................................................................................................................ 4
Latitud ................................................................................................................................. 4
Longhitud ............................................................................................................................ 4
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras ............................................................................. 4
Ang Klima ........................................................................................................................... 4
Pagyamanin .............................................................................................................................. 5
Gawain: Guhit Ko, Tukuyin Mo .......................................................................................... 5
Isaisip ........................................................................................................................................ 6
Gawain: Malayo Man, Malapit Din ..................................................................................... 6
Isagawa ..................................................................................................................................... 7
Gawain: Tala-Puna ............................................................................................................. 7
Aralin 2 ...................................................................................................................................... 8
Ang Mga Kontinente ................................................................................................................ 8
Balikan ...................................................................................................................................... 8
Gawain: Complete It! .......................................................................................................... 8
Tuklasin..................................................................................................................................... 9
Gawain: Alamat, Ikuwento Ko! ........................................................................................... 9
Suriin ....................................................................................................................................... 10
Ang Mga Kontinente ......................................................................................................... 10
Mga Anyong Tubig ........................................................................................................... 11
Mga Uri ng Anyong Tubig ................................................................................................. 12
Mga Anyong Lupa ............................................................................................................ 12
Mga Uri ng Anyong Lupa .................................................................................................. 13
Pagyamanin ............................................................................................................................ 14
Gawain: The Map Says .................................................................................................... 14
Isaisip ...................................................................................................................................... 15
Gawain: Anyo Mo, Ilarawan Ko ........................................................................................ 15
Isagawa ................................................................................................................................... 16
Gawain: Iguhit Ko, Kuwento Ko ....................................................................................... 16
Buod ........................................................................................................................................ 17
Pagtatasa ................................................................................................................................ 18
Karagdagang Gawain ............................................................................................................ 20
Gawain: Barangay Ko, Guhit Ko ...................................................................................... 20
Susi sa Pagwasto .......................................................................................................... 21
Sanggunian: ........................................................................................................................... 22
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang


mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang
maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan
sa ika-walong baitang.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka


sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na!
Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.

Alamin

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nasusuri ang katangiang pisikal ng


daigdig (AP8HSK-Id-4).

Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Ang Daigdig at Ang Mga
Kontinente.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Pagwasto sa modyul.
Subukin

Panimulang Pagsusulit:

Panuto. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.

1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo
patungo sa isa pang polo?
A. Latitud
B. Longhitud
C. Ekwador
D. Meridian

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?


A. Atlantic
B. Indian
C. Pacific
D. Mediterranean

3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang
pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. Africa
B. Amerika
C. Asya
D. Europe

4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan


ng timog at hilaga?
A. Ekwador
B. Parallel
C. Longhitud
D. Meridian

5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat?


A. Burol
B. Elebasyon
C. Relief
D. Talampas

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya


ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan
7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig?
A. Klima at panahon
B. Porma at elebasyon ng lupa
C. Lawak at anyo ng katubigan
D. Lahat ng A, B, at C.

8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?


A. Hindi magkatulad
B. may ugnayan sa isa’t isa
C. magkatulad
D. walang kaugnayan sa isa’t isa

9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may


mahalagang bahagi sa kasaysayan?
A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon
ng kanyang pagsalakay doon.
B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl maamig doon.
D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas.

10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa
radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba’t
ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang
mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang
gampanin bilang residente ng daigdig na ito.
Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan?
A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan
B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao
C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito
D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga taong naninirahan dito.
Aralin
Ang Daigdig
1
Tuklasin

Gawain: Picture-Suri

Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba
upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa
ibaba.

https://freesvg.org/3d-earth-globe

E_R_H
Tanong:

1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?

___________________________________________________________________

2. Anong mga katangian ang nakikitang mong tinataglay ng nasa larawan?

___________________________________________________________________

1
Suriin
Heograpiya

Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia


o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig".

Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical


Geography, na agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng
agham-pangkalikasan.

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang
umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang
mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin,
alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw
sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga
halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon
ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay
na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at
mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km)
palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7
km.

Ang mantle ay isang


patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang


kaloob-loobang bahagi ng daigdi
na binubuo ng mga metal tulad
ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may plate


o malalaking masa ng solidong
bato na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang mga ito
ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa mantle.

Ang daigdig ay may apat


na hatingglobo (hemisphere):
Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na
hinahati ng equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA
Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg
Prime Meridian.

2
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao

Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,


katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat
katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa
nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang
mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang
hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha
buhat sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng
nagbabagong daigdig.

Grid ng Daigdig

Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng


daigdig na nagiging patag sa mga polo.

North Pole Upang masukat ang


Prime Meridian
Prime Meridian kinaroroonan ng isang lugar,
naglagay ang tao ng mga
kathang-isip na guhit sa
Tropic of mundo. Nagsisimula ito sa
Cancer magkabilang dulo ng mga polo
na may tawag na Timog Polo
(South Pole) sa bandang itaas
Tropic of
Capricorn at Hilagang Polo (North Pole)
sa bandang ibaba. Ang guhit
na makikita sa kalagitnaan at
pahalang sa pagitan ng hilaga
at timog ay tinatawag na
ekwador (equator). Ang maliliit
South Pole
na mga bilog na naka-parallel
sa ekwador at ng polo ay
tinatawag itong parallel ng
latitud dahil sa kanilang
relasyon sa ekwador.

https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif

Meridian

Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang
polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na
bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng
katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha ang
salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang
tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali."

3
Parallel

Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila
magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa
pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn,
at ang Antarctic Circle.

Latitud

Latitud ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may
sukat na 10° o 15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador.

Longhitud

Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at
sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang
sabihin muna ang latitud, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog,
hilaga, silangan, o kanluran).

Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras

Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw.
Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito
ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng
mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan
ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo.

Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-
ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil
matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay.

Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa


kanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito
hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat
oras o isang galaw bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin
ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa
silangan.

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng


buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera
at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.

Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang


rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima

4
sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon
din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng


araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na
tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp.
Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng
disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang
maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

Pagyamanin

Gawain: Guhit Ko, Tukuyin Mo

Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon
upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na
patlang.

Equator North Pole


Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle
Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole

___ _____ _____

5
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif

Isaisip

Gawain: Malayo Man, Malapit Din

Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit
o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong
nakasulat sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at
iguhit ang
kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kwaderno.

1. Pagkakaroon ng rainforest

2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe

3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa

4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao

5. Ang pagkakaroon ng disyerto

Tanong:
1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

6
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Isagawa

Gawain: Tala-Puna

Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o


kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga
pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o
nabasa sa isang pahayagan.

Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito?

1. Bagyo

2. Lindol

3. Baha

4. Pagsabog ng bulkan

5. Ipo-ipo

6. El Niño

7
Aralin
Ang Mga Kontinente
2
Balikan

Gawain: Complete It!

Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay
sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon.
Gawin ito sa activity notebbok.

1. Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Earth.

C T

2. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.

M N E

3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at


nickel.

C E

4. Binubuo ng malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.

P A E

5. Ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero.

8
E U R

Tuklasin

Gawain: Alamat, Ikuwento Ko!

Basahin at unawain ang kuwento na nakasulat sa kahon at sagutin ang mga tanong
na nasa ibaba.

Ayon sa isang matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa. Ang
langit at tubig lamang ang namamayani sa daigdig.
May isang uwak na lumipad sa himpapawid ngunit wala siyang madapuan. Sa
sobrang pagod sa paglipad, naisipan ng uwak na paglabanin ang langit at dagat.
Nagkaroon ng matinding labanan ang dalawa. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa
langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito
sinsabing nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.

Tanong:

1. Tungkol saan ang kuwento?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Anong anyong lupa at anyong tubig ang nabanggit sa alamat?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

9
Suriin

Ang Mga Kontinente

Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory:

240 milyong taon

•Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran


ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.

200 milyong taon

•Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa


dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.

65 milyong taon

•Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-


unting dumidikit sa Asya.

Sa kasalukuyan

•Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang


galaw ng North America at Europe bawat taon

Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente
ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa,
Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika,
ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa
Micronesia, Melanesia, at Polynesia.

Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang


kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa
Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito.
Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.

10
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng


Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.


Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor
Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba
pa.

Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa
dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.

Mga Anyong Tubig

Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto
ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.

Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang


kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.

Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng


maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus
sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).

Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na


sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng
panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na
rason o dahilan.

Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang


panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot
hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa
daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.

11
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi
ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java
Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.

Mga Uri ng Anyong Tubig

Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan
kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig.

Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat


ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,
Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang
Southern.)

Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa


karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang
sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat
Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)

Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong
dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.

Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat.

Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong


tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos.

Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy.

Mga Anyong Lupa

Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-


hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya,
at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at
Australia kasama ang Oceania.

12
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28
milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng
lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific
Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga
oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang
ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang
pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.

Mga Uri ng Anyong Lupa

Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating
pang-unawaan sa kasaysayan ng daigdig.

Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa,
patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.

Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at


hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok
Apo.

Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na
kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari
itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang
Pinatubo.

Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang
tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring
mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing


taniman.

Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.

Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at


magkasunud-sunod.

Pulo — Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop.

Tangway — Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway.

Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.

13
Pagyamanin

Gawain: The Map Says

Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png

I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan.

1. Pacific Ocean ___________________


2. Atlantic Ocean __________________
3. Indian Ocean ___________________
4. Arctic Ocean ___________________
5. Southern Ocean ________________

II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?


a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania
2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?
a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America
3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?
a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia

14
4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?
a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean
5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?
a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean

Isaisip

Gawain: Anyo Mo, Ilarawan Ko

Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at


anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian
ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa
gawaing kwaderno.

Anyong Lupa Katangian

Anyong Tubig Katangian

Tanong:

1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang


pinaninirahan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng


kabuhayan ng tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

15
Isagawa

Gawain: Iguhit Ko, Kuwento Ko

Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan.


Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya
kayong ala-ala. Gawin ito sa iyong activity notebook.

16
Buod

Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at


kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog
ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng
halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit
ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at
South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia
kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang
lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.

17
Pagtatasa

Pangwakas na Pagsusulit:

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa
pang polo?
A. Parallel
B. Longhitud
C. Latitud
D. Meridian

2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at


timog?
A. Meridian
B. Parallel
C. Ekwador
D. Longhitud

3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?


A. Kalupaan
B. Katubigan
C. Klima at Panahon
D. Lahat ng nasa itaas

4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat?


A. Elebasyon
B. Meridian
C. Relief
D. Ekwador

5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian
B. Atlantic
C. Mediterranean
D. Pacific

6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?


A. Aprica
B. Europa
C. Asya
D. Hilagang Amerika

7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng
kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima
B. Anyo at lawak ng katubigan
C. Porma ng lupa
D. Lahat ng nasa itaas

18
8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga
bansa?
A. Kabuhayan
B. Panlipunan
C. Pulitika
D. Pangkabuhayan

9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito daigdig bilang tahanan ng tao at
nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay?
A. Pisikal
B. Pulitika
C. Kultura
D.Panlipunan

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?


A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy
nang maayos ang buhay ng tao.

19
Karagdagang Gawain

Gawain: Barangay Ko, Guhit Ko

Gamit ang iyong kuwaderno, iguhit ang mapa ng iyong Barangay at lagyan
ito ng mga marka kung saan dito ang mga lugar na may anyong lupa at anyong
tubig.

20
Susi sa Pagwasto

Panimulang Pagsusulit: Pangwakas na Pagsusulit:


1. C 1. D
2. C 2. C
3. C 3. D
4. A 4. A
5. B 5. D
6. D 6. C
7. D 7. D
8. B 8. B
9. A 9. A
10. D 10. D

21
Sanggunian:

Aklat:

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene
S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

Websites:

Blogger.com, ―Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,‖, http://4.bp.blogspot.com/-


xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde
_Schalenbau.jpg (accessed May 28, 2020).

Countries of the world, ―Continents Map,‖ https://www.countries-of the world.com/img/


continents-map.png (accessed May 28, 2020).

Google Drive, ―Grade 8 DLP First Quarter,‖


https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view (accessed
May 28, 2020).

LRMDS Portal, ―EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,‖ https://lrmds.deped.gov.ph/


detail/6035 (accessed May 28, 2020).

National Geographic, ―Crust,‖ https://www.nationalgeographic.org/ encyclopedia/crust/


(accessed May 28, 2020).

National Ocean Service, ―How many oceans are there?‖ https://oceanservice.noaa.gov/


facts/howmanyoceans.html (accessed May 28, 2020).

Phys.org, ―What are the Earth's layers?,‖ https://phys.org/news/ 2015-12-earth-layers.html


(accessed May 28, 2020).

Pinoy Edition, ―Ang Pinagmulan ng Pilipinas,‖ https://www.pinoyedition.com/mga-


alamat/ang-pinagmulan-ng-pilipinas/ (accessed May 28, 2020).

Pinterest.ph, ―Ako, Ikaw at Tayo,‖ https://www.pinterest.ph/pin/ 232568768236648022/


(accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―Africa,‖ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ commons/thumb/8/86/


Africa_%28orthographic_projection%29.svg/1200px-Africa_%28orthographic_
projection%29.svg.png (accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―Antartica,‖ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ commons/thumb/f/f2


/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-Antarctica_%28orthographic_
projection%29.svg.png (accessed May 28, 2020).

22
Wikimedia.org, ―Asia,‖ https://en.wikipedia.org/wiki/Asia#/media/ File:Asia_(orthographic_
projection).svg (accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―Australia,‖ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ commons/thumb/e/e8/


Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection%29. svg/1200px-Australia-
New_Guinea_%28orthographic_projection%29.svg.png (accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―Europe,‖ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ commons/thumb/4/44/


Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_%28with_borders%29.svg/220px-
Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_%28with_ borders%29.svg.png
(accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―North America,‖ https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/4/43/


Location_North_America.svg (accessed May 28, 2020).

Wikimedia.org, ―South America,‖ https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/thumb/


0/0f/South_America_%28orthographic_projection%29.svg/1200px-South_America
_%28orthographic_projection%29.svg.png (accessed May 28, 2020).

World Geography Glossary, ―Globe,‖ https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif


(accessed May 28, 2020).

23
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like