You are on page 1of 11

1

Aralin Piling Larang Teknikal-Bokasyonal Q1-W3


Ang Anyo at Target ng Bokasyunal
3 Teknikal na Sulatin

Mga Inaasahan

Sa araling ito, malalaman mo ang anyo ng sulating Teknikal Bokasyunal. Aalamin


mo ang target na gagamit ng teknikal bokasyunal na sulatin. Pag-aaralan mo rin ang
iba’t ibang uri ng mambabasa, upang lubos na maunawaan ang gampanin ng bawat
mambabasa sa pag-unawa sa mensaheng nakalahad sa dokumento.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan :
1. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
(CS_FTV11/12PT-0a-c93)
a. Anyo
b. Target na gagamit

Bilang panimula, sagutan mo muna ang paunang pagsusulit.

Paunang Pagsubok
Iugnay ang anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal at uri ng mambabasa na nasa
Hanay A at ang mga halimbawa sa Hanay B. Piliin ang letra ng tamang sagot.

___1. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal A. Brochure


___2. Sulating ukol sa isang produkto B. Memorandum
___3. Sulating ukol sa Pagkain C. Punong Patnugot
___4. Sekondaryang Mambabasa D. Anunsiyo
___5. Gatekeepers E. Librarian
F. Recipe
Isulat ang salitang Tama kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at Mali naman
kung hindi.
____6. Ang leaflets ay isang halimbawa ng sulating promosyonal.
____7. Ang mga audience ay laging nakatuon sa buong teksto kaysa sa mga larawan at
mga biswal na makikita dito.
____8. Mahalaga sa manunulat na malaman ang profile ng kaniyang mambabasa, sa
kadahilanang siya ang makikinabang nito.
____9. Ang saloobin, pagpapahalaga, at pangangailangan mo ang dapat isaalang-alang
bilang isang manunulat upang makabuo ng isang sulatin.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
2

____10. Sa panahon ngayon, mas tinatangkilik ng audience ang mga sulating may
infographics at may makukulay na larawan.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw
Humanap ng tatlong (3) halimbawa ng sulating bokasyunal-teknikal na
matatagpuan sa inyong tahanan batay sa nabanggit sa mga nakaarang aralin,
pagkatapos ay sagutan ang talahanayan sa ibaba. Ang una ay ibinigay na bilang
halimbawa.
Halimbawa ng
Sulating Teknikal Layunin Gamit Katangian
bokasyunal
1. Flyers ng Manghikayat Naghahain ng Inilalahad at
Herbal isang produkto ipanaliliwanag ang
paksa sa paraang
malinaw at maiksi.
2
3.
4.

Bahagyang
Nakamit ang Hindi nakamit
nakamit ang
Kategorya inaasahan ang inaasahan
inaasahan
(5) (2)
(3)
Nilalaman Naglalaman ng May mga Malayong malayo
makabuluhan at paliwanag na ang mga
mabisang salita hindi kailangan sa paliwanag sa
ayon sa napag- kategorya kategorya
aralan
Angkop ang mga May mga 1-2 ang Hindi angkop ang
halimbawang hindi kasama mga binigay batay
Kaangkupan
binigay batay sa araling sa hinihingi.
tinalakay
Kakumpletuhan Napunan lahat ng May 2-3 na Isa lang ang
hinihingi sa kulang naibigay sa bawat
talahanayan kategorya

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang iba’t-ibang anyo ng teknikal-bokasyunal na


sulatin, at malaman mo ang mga halimbawa ng bawat anyong ito. Mauunawaan mo rin

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
3

ang kahalagahan ng mambabasa bilang target na gagamit at iba’t ibang uri nito upang
mabigyang tuon ang pangangailangan ng awdiyens ng sulating teknikal-bokasyunal.
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
1. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal- tumutukoy ang mga ito sa mga
sulating ibinibigay sa isang indibidwal organisasyon o institusyon upang ipabatid
ang mga hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng
layunin ng nagpapadala.
Hal. Liham Pangnegosyo
2. Sulating ukol sa isang produkto- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may
kinalaman sa isang produkto. Hal. deskripsyon ng isang produkto, manwal sa
paggamit ng produkto
3. Sulating Pabatid-Publiko at Sulating Promosyonal- tumutukoy ang mga ito sa mga
sulating naglalayong magpapatid ang impormasyon sa publiko at sa mga
layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo, o kaganapan. Hal. flyers, leaflets
promo material, anunsyo, babala at paalala.
4. Sulating ukol sa Pagkain- tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa
pagkain. Hal. recipe at menu

Target na Gagamit
Ang gagamit o awdiyens ay ang pinakamahalagang salik sa pagbuo ng isang
sulating teknikal-bokasyunal, sa kadahilanang sila ang mga makikinabang sa mga
sulating ito. Napakahalaga sa pagbuo ng sulating teknikal-bokasyunal ay pag-alam ng
profile ng iyong mambabasa sapagkat dito nakasalaylay ang maaaring bubuo sa inyong
sulatin.
Sa modernong panahon kung saan nangingibabaw ang teknolohiya, at ang
panahong kung saan mabilis ng makuha ang mga impormasyon, napakahalagang
bilang isang manunulat na bumuo ng isang makabuluhang sulating teknikal-
bokasyunal kung saan makilala at tukuyin muna ang awdiyens na magsisilbing
mambabasa upang malinaw na maiparating ang mensahe ng sulatin. Napakahalaga
bilang manunulat na malaman ang profile ng mambabasa bago lumikha ng isang
sulating teknikal bokasyunal.

Apat na Gabay sa Pagtatasa ng Mambabasa ng Sulating Teknikal-bokasyunal


(Ayon kay Francisco C.G.C at Gonzales M.G.H)
Ito ang huhubog at tutulong sayo bilang manunulat ng sulating teknikal at
bokasyunal upang masuri ang kakayahan, pangangailangan at pagpapahalaga sa target
na gagamit.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
4

1. Ang mambabasa ay hindi na binabasa ang buong babasahin bagkus ay babasahin


lamang ang kailangan nilang malaman.
2. Inaasahang madaling maunawaan ang paraan ng iyong pagsulat dahil ang
mambabasa ay nagbibigay ng sarili nilang interpretasyon at hindi mo ito
maipapaliwanag sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
3. Mas nahihikayat ang mga ito sa maikling babasahin.
4. Mas tinatangkilik ng mambabasa sa panahong ito ang infographics kaysa sa purong
teksto.
Apat na Uri ng Mambabasa
(Ayon kay Francisco C.G.C at Gonzales M.G.H)
1. Primarya- ang tuwirang patutunguhan ng iyong mensahe na umaaksyon at
nagbibigay pasya.
2. Sekondarya- nagbibigay-payo sa primaryang mambabasa at ang mga ekspertong
may espesyal na kaalaman upang matulungan sa pagpapasya ng primaryang
mambabasa. Halimbawa nito ay mga espesyalita sa iba’t ibang propesyon. (doktor,
inhenyero)
3. Tersiyarya- sila ay maaaring may interes impormasyong matatagpuan sa dokumento
at nagsisilbing ebalweytor o interpreter gamit ang iba’t ibang perspektiba. (reporter,
analyst, historyador)
4. Gatekeepers-ang namamahala sa nilalaman at estilo ng dokumento, bago pa
ipahatid sa primaryang mambabasa.
Sa iyong pagsasagawa ng makabuluhang sulating teknikal-bokasyunal
makabuluhan ang pagtukoy ng pangangailangan, pagpapahalaga. At saloobin sapagkat
maaaring maging salik-sikolohikal na makaapekto sa paraan ngpagkilala, pag-unawa ,
at pagtugon sa mga mambabasa. Sa pag-alam nito ay maaaring mo maitatawid mo ang
mga posibleng hadlang tungo sa pagkamit ng pagkamit ng mabisang komunikasyon, at
matulungan ang mambabasa na makapagpasya.
1. Pangangailangan- ito ang mga impormasyong kinakailangang matugunan o
maaksiyunan ng mambabasa
2. Pagpapahalaga- kinapapalooban ng mga usapin o adyenda, tunguhin o mga
paniniwala na mahalaga sa mambabasa.
3. Saloobin- ito ay nagsisilbing tugon ng mga mambabasa sa iyong sinulat na
makakaapekto sa kanila.

Alam kong naunawaan mo ang ating tinalakay. Maaari mo nang isagawa


ang mga gawain.

Mga Gawain

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita. Ibigay ang kahulugan ng
salitang nabuo.

1.
L Y S T A N A
Kahulugan:___________________

C I P E R E
2. Kahulugan:___________________

3. S Y E N D I A W Kahulugan:___________________

K A L L O H I K O S I
4. Kahulugan:___________________

5.
G R A P F O I N H I C S
Kahulugan:___________________

Gawain 1.2 Pagsasagot ng mga tanong


Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong .
1. Sa iyong pananaw bakit mahalagang malaman ang anyo ng sulating teknikal
bokasyunal batay sa pangangailangan ng mambabasa?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang katagang “mahalagang matukoy ang profile ng mambabasa.”
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Pumili ng pinakamahalagang gabay sa pagtatasa ng mambabasa na makakatulong
sa iyong pangangailangan bilang mag-aaral? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Ibigay ang bawat kaugnayan ng ibang uri ng mambabasa sa primaryang mambabasa?
(Gumamit ng grap sa pagpapaliwanag)
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Bakit dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan, pagpapahalaga, at saloobin


ng mambabasa?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Batayan sa Pagmamarka:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
6

Bahagyang
Nakamit ang Hindi nakamit
nakamit ang
Kategorya inaasahan ang inaasahan
inaasahan
(5) (2)
(3)
Pagpapaliwanag Maayos na May konting Hindi maaayos ang
naipaliwanag ang kalituhan sa pagpapaliwanag.
bawat tanong. pagpapaliwanag sa
tanong.
Kaangkupan Angkop ang mga Mag-ilang salita Hindi angkop sa
paliwanag at ang hindi akma sa tanong ang
salitang ginamit. tanong. paglalahad ng
sagot.
Kakumpletuhan Kumpletong May ilang hiningi Maikli at hindi
nailahad ang sagot sa tanong ang kumpleto ang
sa katanungan. hindi naibigay. kasagutang
ibinigay.

Gawain 1.3 Basahin ang memorandum: Tukuyin at ipaliwanag ang mga uri ng
mambabasa na maaaring kasangkot sa sulatin.

Petsa Ika-21 ng Setyembre, 2020


Para sa Lahat ng Guro sa Departamento ng Senior High School
Mula kay Gng.Virginia P. Santos
SHS- Punong Tagapag-ugnay
Kaugnay Pulong para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Guro 2020

Isang Mapagpalang Araw!

Ang lahat ng guro sa Senior High School ay malugod na inaanyayahan na dumalo sa


pagpupulong higgil sa gagawing pagdiriwang ng Araw ng mga Guro 2020. Ito ay
gaganapin sa ika-24 ng Setyembre sa ganap na ikalabing isa ng umaga sa Silid-Aklatan,
kung saan tatalakayin sa pulong ang mga inaasahang gawain at paghahanda sa mga
kailangan gamitin sa mga paligsahan pangdibisyon, na lalahukan ng mga iba’t-ibang
guro ng buong Caloocan, mga punong- guro, ang ating tagapamanihalang pansangay,
ang ating butihing Alkade, at ang mga panauhing pangdangal.

Umaasa ako sa inyong positibong pagtugon sa bagay na ito.

Maraming Salamat!
__________________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Batayan sa Pagmamarka

Bahagyang
Nakamit ang Hindi nakamit
nakamit ang
Kategorya inaasahan ang inaasahan
inaasahan
(5) (2)
(3)
Bisa ng salita Naipaliwang ng May mga Malayong malayo
maaayos ang mga paliwanag na hindi ang mga
uri sakto sa binigay paliwanag sa uring
na uri. binigay.
Angkop mga May mga 1-2 ang Hindi angkop ang
Kaangkupan sinagot hindi kasama sa mga binigay uri
Bstsy ds hinihingi uring tinalakay
Kakumpletuhan Napunan lahat ng May 2-3 na kulang Isa lang ang
hinihingi ng naibigay sa bawat
gawain kategorya

Mahusay! Naipakita mo na lubos mong naunawaan ang napag-aralang


aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahusayan sa pagsagot sa mga
gawain. Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan
Matapos mong pag-aralan at unawain ang anyo at uri ng mambabasa ng
sulating teknikal-bokasyunal, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang bawat sulating teknikal-bokasyunal ay may iba’t ibang anyo batay sa


pangangailangan ng mga mambabasa.
2. Ang awdiyens ay ang patutunguhan ng iyong gagawing sulating teknikal-bokasyunal
kaya mahalagang malaman mo ang profile nito upang maging mabisa ang iyong sulatin
batay sa iyong mambabasa.
3. Gamitin ang apat na gabay sa pagtatasa ng mambabasa na maaari mong maging
patnubay sa pagbuo ng sulating teknikal-bokasyunal sapagkat ito ay nagbibigay paalala
tungkol sa iyong mambabasa.
4. Mayroong apat na uri ng mambabasa na kung saan ay may sari-saring gampanin
upang lubos na pagandahin ang nilalaman ng iyong sulatin.
5. Bilang isang manunulat, kailangan mong kilalanin ang pangangailangan,
pagpapahalaga, at saloobin ng iyong mambabasa, dahil ito ay ang nakaka-apekto sa
pag-iisip at pagtugon ng mambabasa sa iyong ginawang sulatin. At dahil dito ay
magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa kanilang kaisipan, kasanayan at kanilang
karanasan.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
8

Hindi maitatanggi na lubos mo nang naunawaan ang aralin, nawa’y sa


susunod na bahagi ang iyong alalahanin ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng tama sa susunod na pagsasanay.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipakita ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsunod sa direksyong


ibinigay.
a. Gamit ang infographics itanghal ang natutunan sa aralin sa isang malinis na papel,
gawin itong malikhain. Subukan mong tignan ang www.pinterest.com upang makakuha
ng kaalaman sa paggawa nito.
b. Sa bawat anyo ng sulating Teknikal-Bokasyunal at uri ng mambabasa kailangang
maipaliwanag ang mga ito, at magbigay ng bawat halimbawa.
c. Maaaring kayong maglagay ng mga larawan, o kaya ay gumuhit na aangkop sa bawat
halimbawa at ipinapaliwanag.
Batayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Paliwanag Puntos

-Angkop ang nilalaman ng paliwanag


Nilalaman -Kumpleto at hitik sa impormasyon 10
-Magkaka-ugnay at naipaliwanag nang mga
kaisipan

-Gumamit ng angkop na larawan


Malikhain -Maayos at malinis na naayos ang ng larawan, 10
grapiko, at mga salita.
-Masining ang pagsasagawa
-Malinis ang pagkakasulat
Presentasyon -May maayos na sining o kulay ang bawat bahagi 10
at larawan
-Kumpleto ang hinihinging konsepto
KABUOAN 30

Magaling! Napaghusayan mong tapusin ang mga nakalaang pagsasanay .


Ngayon ay alam kong handa ka na sa pagsagot sa panghuling pagsubok.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.


Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Para sa bilang 1 - 4 : Tukuyin ang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal na ginamit sa


bawat sitwasyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
9

______1. Ang isang kilalang mall ay magkakaroon ng isang pangmalawakang sale kaya
sila ay nagpamahagi ng mga flyers upang iapabatid ito sa mga mamimili.
A. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
D. Sulating ukol sa Pagkain

______2.Magkakaroon ng isang pagpupulong para sa pagpaplano sa nalalapit na


anibersaryo ng kumpanya at ipinaalam ito sa pamamagitan ng isang memorandum.
A. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
D. Sulating ukol sa Pagkain

______3. Magkakaroon ng isang malaking handaan para sa kaarawan ng kaniyang


mahal na ama sa isang kilalang restawrant, at dito pipili ng iba’t ibang masasarap na
putahe na makikita sa menu na pagkain upang masayahan ang mga dadalo.
A. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
D. Sulating ukol sa Pagkain

______4. Sa sobrang init ng panahon napabili ng bagong aircon si tatay ngunit


naguguluhan siya kung paano ito maikakabit kaya tinignan niya ang manwal ng aircon
upang magamit na ito.
A. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
D. Sulating ukol sa Pagkain
Para sa bilang na 5-8: Tukuyin ang uri ng mambabasa sa mga sumusunod na sitwasyon.
______5. Naguguluhan si Madel sa ibinigay ng reseta sa kanya ng docktor kaya
ipinaliwang ng nars na kapatid ang nakasulat dito.
A. Primarya B. Sekondarya C. Tersiyarya D. Gatekeepers

______6. Ipinadala ang kaniyang ginawang memorandum sa punongguro ng paaralaan


na naglalaman ng pabatid sa mag-aaral upang makita kung tama ang impormasyong
nakadetalye dito.
A. Primarya B. Sekondarya C. Tersiyarya D. Gatekeepers

______7. Bago ilabas sa merkado ang ibinigay na gamot galing Tsina, ay sinuri muna ng
FDA ang laman at pabalat upang masigurado ang kaligtasan ng mga gagamit nito.
A. Primarya B. Sekondarya C. Tersiyarya D. Gatekeepers

______8. Sinisigurado ni Aling Maria na masarap ang kaniyang nilulutong pagkain para
sa kaniyang pamilya kaya gumagamit siya ng recipe ng pagkain.
A. Primarya B. Sekondarya C. Tersiyarya D. Gatekeepers

Para sa bilang na 9-10: Tukuyin ang salik- sikolohikal na nakakaapekto sa paraan ng


pagkilala sa mambabasa sa mga sumusunod na sitwasyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
10

______9. Ang R Clothing Brand ay kilala sa buong bayan dahil sa iba’t ibang uri ng damit
na makikita sa kanilang brochure dahil isinasa-alang-alang nito ang iba’t ibang uri ng
tao sa kanilang lugar.
A. Pangangailangan B. Pagpapahalaga
C. Saloobin D. Wala sa nabanggit

______10. Sa ginawang proposal ng may-ari ng kumpanya para sa bagong proyekto ay


sinigurado niya na sa huling bahagi nito ay may nakalagay na “Ang inyong suhestiyon
ay mahalaga para sa pagbuo ng proyekto.”
A. Panganagailangan B. Pagpapahalaga
C. Saloobin D. Wala sa nabanggit

Bago tayo magwakas sa araling ito, mangyaring sagutin mo ang panghuling


gawain.

Pagninilay

Sa bahaging ito, iyong pagnilayan ang araling tinalakay. Isapuso at isaisip ang
nakalaang gawain.

Isipin mong isa ka nang propesyunal at nagtatrabaho sa isang kumpanya kung


saan ito ay batay sa iyong tinapos na kurso, pumili ka ng isa sa sumusunod na sulating
teknikal-bokasyunal na maaaring kakailanganin ng iyong kompanya:

A. Memorandum D. Flyers

B. Liham Pangnegosyo E. Recipe

C. Leaflets F. Menu ng Pagkain

Direksyon:

A. Mag-isip ka ng isang trabaho at kumpanya na alam mong angkop sa


iyong tinapos. Isulat ang pangalan ng kumpanya at posisyon mo bilang
isang mangagawa. Maaring magtanong sa iyong mga magulang at kaibigan.

B. Pumili ka ng isa sa mga sulating teknikal-bokasyunal na ibinigay sa itaas


kung saan, iyong ikonsidera ang katangiang mayroon ang iyong kumpanyang
napili.

C. Gawin ang napiling sulating teknikal-bokasyunal kung saan dito ay


makikilala kung ano ang katangian at uri ng kumpanya ang iyong
pinapasukan.

D. Ilagay ito sa isang malinis na papel. At pagkatapos mabuo ang ginawang


sulating teknikal-bokasyunal ay tukuyin ang anyo at uri ng mambabasa na
maaaring maging sangkot sa iyong binuong sulating teknikal-bokasyunal.

Batayan ng Pagmamarka:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
11

Mahusay- Kailangan
Napakahusay Mahusay
husay ng tulong
Pamantayan
(10 puntos) (5 puntos)
(8 puntos) (3 puntos)

1. Nilalaman

(May kakayahang maglapat


ng ideyang naaangkop sa
sulating isinagawa.)

2. Kaangkupan

(Angkop ang napiling sulating


teknikal-bokasyunal sa
katangian ng kumpanya
isinalarawan.)

3. Organisasyon

(Nagbibigay ng kaayusan sa
pagitan ng larawan at
salitang ginamit, may lohikal
at magkakaugnay ang
konsepto.)

4 Gamit ng Wika

(Lohika at magkakaugnay
ang salitang ginamit sa
buong sulatin.)

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi


sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong
guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like