You are on page 1of 27

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Hindi Kalilimutan, Pangakong
Binitawan!
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Hindi Kalilimutan, Pangakong Binitawan!
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Joan F. Tuazon


Co-Author - Content Editor : Cris V.Regala
Co-Author - Language Reviewer : Maria Fe A. Visda
Co-Author - Illustrator : Jeffrey R. Cordova
Co-Author - Layout Artist : Joan F. Tuazon

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Marlon D. Paguio
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Hindi Kalilimutan, Pangakong
Binitawan!
Paunang Salita
Para satagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao –


Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Hindi Kalilimutan, Pangakong Binitawan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mong paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Hindi Kalilimutan,
Pangakong Binitiwan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman `1o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
saPagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawainbago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Naranasan mo na ba ang magbitaw ng pangako sa iyong kaibigan o kakilala?


Tinupad mo ba ito? May mga pangako ka na bang hindi natupad? Ano ang
naramdaman mo nang hindi mo ito nagawa?

Ang pagtupad sa pangakong binitawan ay ugaling hangad natin na taglayin ng iba


sapagkat ang gusto nating makasama at maging kaibigan ay ang mga taong may
iisang salita at hindi tumatalikod sa kanilang pangako. Tayo bilang tao ay
nagnanais ding magkaroon ng ganitong katangian dahil ang taong may iisang
salita ay taong may integridad at paninindigan. Ang ganitong uri ng tao ay hindi
pagdududahan at madali ring pagkatiwalaan. Gusto mo bang pagkatiwalaan ka rin
ng mga taong nakapaligid sa iyo? Halika’t ating alamin sa pamamagitan ng modyul
na ito.

Sa modyul na ito ating tatalakayin ang kahalagahan ng pagtupad sa pangakong


binitawan.

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na naipamamalas mo ang


kakayahang:
* Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa
- 1.1 Makatutupad sa pangakong binitawan

- 1. 2 Makapagbibigay ng mga sitwasyon na nagpapakita ng pagtupad sa


mga pangakong binitawan

Subukin

Iguhit sa sagutang papel ang tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pagtupad sa pangakong binitawan at ekis (x) naman kung hindi.

1. Si Marlon ay nangako sa kaniyang sarili na mag-aaral nang mabuti ng mga


aralin. Makalipas ang ilang buwan ang kaniyang mga grado sa mga pagsusulit
ay tumaas at palagi na siyang nakikilahok sa mga talakayan sa klase.

1
2. Si Anna ay nangako sa ina na magluluto ng pananghalian dahil aalis ang
kaniyang ina upang magpunta sa palengke. Pag-uwi ng kaniyang ina ay wala
itong nadatnang pananghalian kaya siya rin ang nagluto.

3. Si Marco ay nangako sa kaniyang mga magulang na uuwi nang maaga galing


sa bahay ng kamag-aral upang gumawa ng proyekto ngunit takipsilim na ay
wala pa rin siya sa bahay.

4. Maagang bumangon si Liza upang mag-almusal dahil nangako siya sa


kaniyang ina na tutulong siya sa pagtitinda ng gulay sa palengke.

5. Nangako si Vincent sa kaniyang guro na hindi na mag-iingay sa oras ng


kanilang klase. Makalipas ang ilang araw mapapansin na palagi na siyang
tahimik sa klase at magsasalita lamang kung sasagot o makikilahok sa
talakayan.

6. Si Ken ay palaging maaga kung pumasok sa paaralan upang maglinis ng


silid-aralan sapagkat nangako siya sa guro na tutulong lagi sa paglilinis at
pagpapaganda ng kanilang silid-aralan.

7. Si Marie ay nangakong magdadala ng bote na gagamitin para sa kanilang


gawain sa Science. Kinabukasan, walang natapos ang kanilang grupo sapagkat
wala silang nagamit.

8. Nangako si Lucio kay Juan na darating sa takdang oras ng kanilang usapan


upang gawin ang proyektong iniatas sa kanila ng kanilang guro. Kinabukasan
maaga pa lamang ay nakita na ni Juan na parating si Lucio.

2
9. Nangako si Dan sa kaniyang ina na pupunta sa bahay ng kaibigan upang
gumawa ng takdang aralin. Pagkarating sa bahay ng kaibigan ay agad na
naglaro ng online games si Dan.

10. Si Roy ay nangako sa mga magulang na magiging mabuting bata ngunit


araw –araw naman ay siyang nakikipag-away sa mga kakilala.

Aralin
Pangakong Binitawan,
1 Tuparin.
Ang taong may isang salita ay pinagkakatiwalaan ng lahat dahil ginagawa niya ang
pangakong binitawan. Ang pagbibitaw ng pangako ay may kaakibat na
responsibilidad. Halina’t sabay nating tuklasin ang laman ng araling ito.

Balikan

Isulat ang TUMPAK kung ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng pagiging


mabuting kaibigan at LIGWAK naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Pinapaalalahanan ni Matt si Felix na bawasan ang paglalaro ng online games


sapagkat ito ay nakasasama sa kalusugan bagkus ay dagdagan na lamang ang
oras sa pag-aaral.
2. Tinutukso ni Luis ang kaibigan na mahina sa talakayan sa klase.
3. Palaging niyaya ni Bon si Set na huwag nang pumasok sa paaralan at gamitin
na lamang ang baon pambayad sa computer shop.
4. Inaalala ni Rico ang kapakanan at kaligtasan ng kaniyang mga kaibigan.
5. Pinagtatakpan ni Rita ang ginagawang kamalian ng kaniyang kaibigang si
Wendy upang hindi ito mapagalitan.

3
Mga Tala para saGuro
Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa
ikaanim na baitang upang malaman at malinang ang kakayahan
nila sa pagtupad ng binitawang pangako at magkaroon ng iisang
salita.

Tuklasin

Naranasan mo na bang magbitaw ng pangako sa iyong pamilya o maging sa iyong


kaibigan? Tinupad mo ba ito? May mga pangako ka na bang hindi natupad? Alam
mo ba na ang pagbitaw ng pangako ay mayroong kaakibat na responsibilidad?
Halika’t basahin natin ang kuwento ni Roy at ang kaniyang binitawang pangako.

Pangako Hindi Dapat Mapako

Si Roy ay anak ng mag-asawang magsasakang sina Aling Rosy at Mang


Berto. Siya ay nasa ikaanim na baitang na. Si Roy ay isang mabait na anak at
mabuting kaibigan. Sa tuwina ay inaalala niya ang kapakanan ng kaniyang mga
magulang at ng kaniyang mga kaibigan. Kahit na mahirap ay isang matalinong
bata si Roy. Siya lagi ang ginagawang pinuno sa tuwing magkakaroon sila ng
pangkatang gawain sa paaralan. Malaki ang tiwala sa kaniya ng kaniyang mga
magulang at mga kaibigan.

4
Isang araw sa kanilang klase nagkaroon ng proyektong pangkatan sa
kanilang silid-aralan. Ang proyektong ito ay maaari nilang gawin sa kanilang
tahanan. Namili ng lider ang grupo ni Roy at siya ang iminungkahi ng lahat ng
miyembro. Pumayag naman si Roy at napagkasunduan ng lahat na pagdating ng
araw ng Sabado ay pupunta sila sa bahay nila Mario upang gawin ang kanilang
proyekto.

5
Araw ng Biyernes, abala ang mga magulang ni Roy sa bukid dahil panahon
na naman ng pagtatanim ng palay. Habang kumakain ng agahan, kinausap si Roy
ng kaniyang ama na tulungan ang kaniyang ina sa pagdadala ng pananghalian
para sa mga magtatanim sa bukid.

“Ngunit Itay, mayroon po kaming gagawing proyekto bukas sa bahay nila


Mario,” sabi ni Roy.

“Pero walang tutulong sa iyong ina. Mabigat pa naman ang mga bitbitin.”
wika ng kaniyang ama.

6
“Nakapangako na po kasi ako sa aking mga kagrupo,” sabi ni Roy.

“Anak, hindi naman natin maaaring iurong ang araw ng pagpapatanim.


Hindi mo ba magagawan ng paraan ang paggawa ninyo ng proyekto?” tanong
naman ng ama kay Roy.

“Sige po Itay, ako na pong bahalang kumausap sa aking mga kagrupo.”


wika ni Roy.

Biyernes ng hapon, kinausap ni Roy ang mga kagrupo.

“Hindi ako maaaring umalis bukas ng umaga dahil tutulungan ko ang


aking inay na magdala ng pananghalian sa bukid para sa mga magsasaka.” sabi ni
Roy sa kaniyang mga kagrupo?

“Ngunit nangako ka Roy sa amin na bukas ay gagawa tayo ng proyekto.


Paano natin matatapos iyon?” tanong ni Mario.

7
“Pupunta pa rin naman ako, Mario. Tutulungan ko lamang ang aking ina
pagkatapos ay pupunta na ako sa inyo. Simulan na ninyo ang proyekto kahit na
wala pa ako. Susunod na lamang ako, pangako.” wika ni Roy.

Kinabukasan, tinulungan ni Roy ang kaniyang ina sa paghahatid ng


pagkain sa bukid, pagkatapos ay nagpaalam na ito upang magpunta sa bahay ng
kamag-aral at gumawa ng proyekto.

Dumating ang araw ng Lunes, masaya ang grupong pumasok at nagpasa ng


kanilang proyekto sa kanilang guro.

8
Ngayon ay tapos mo nang basahin ang kuwento ni Roy at ang kaniyang naging
pangako. Sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang lubos mong maunawaan
ang kuwentong iyong binasa.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Ano ang iniatas ng guro sa mga mag-aaral na kailangang maipasa ng Lunes?

3. Ano ang naging usapan ng grupo ni Roy tungkol sa ipinagagawa ng guro?

4. Tumupad ba si Roy sa pangako niya sa kaniyang mga kagrupo?

5. Ano ang masasabi mo sa ipinakitang ugali ni Roy sa kaniyang mga kagrupo?

Suriin

Basahin ang akrostik sa ibaba at unawain ang nais nitong iparating.


P – angako at salitang
A – king tinuran
N - ais kong tuparin
G – agawin lahat ng makakaya upang
A – king matupad pangakong sinambit
K – apuwa ay pagkakatiwalaan
O – ras na pangako ay ‘di mapako

T – uwina ay gawin
U – galiin natin
P - agtupad sa pangako
A – t kaakibat nitong
R – esponsibilidad
I – siping mabuti pagkat
N – amutawi sa labi’y ‘di na mababawi

N – gayon ay pakatandaan
A – ting pangako ay mahalaga
T – updin tuwina
I – ntegridad at buong pagkatao
N – atin ang katumbas sa bawat pangakong sasambitin

9
Pagyamanin

Gawain 1

Isulat sa sagutang papel ang Oo kung ginagawa mo ang mga sumusunod na


pahayag at Hindi naman kung hindi mo ito ginagawa.

Pahayag Ginagawa mo ba ito? Oo o Hindi?

1. Ginagawa mo ang pangakong hindi


na mahuhuli sa pagpasok sa paaralan.

2. Tumutupad ka sa pangakong
magsasauli ng gamit na hiniram
pagkatapos itong gamitin.

3. Sinasabi mo na tutulong ka sa
proyekto sa paaralan ngunit hindi ka
naman dumarating sa lugar na usapan.

4. Sinasabi mo sa iyong magulang na


gagawa ka na ng mga takdang aralin
ngunit malimit kang pumasok na wala
itong mga sagot.

5. Tumutupad ka sa binitawang salita


sa lahat ng oras.

6. Nagsasabi ka sa iyong guro na


tutulong sa mga Gawain sa silid-aralan
kaya naman madalas kang pumasok
nang maaga upang gawin ito.

7. Dumarating ka sa takdag oras ng


usapan ninyong magkakaibigan.

10
8. Iniisip ko muna ang aking sasabihin
bago ako magbitaw ng isang pangako.

9. Hindi ko ipinapagawa sa aking mga


magulang o nakatatandang kapatid ang
pagsagot ng mga aralin sa aking mga
modyul dahil nangako ako sa aking guro
na aaralin ko ang mga ito.

10. Hindi ko rin sinusulatan ang mga


modyul na ipinahiram sa akin dahil
nagbitaw ako ng salitang iingatan ko
ang mga ito.

Gawain 2

Ang mga sumusunod ay mga sitwasyong nagpapakita ng pagtupad sa mga


pangakong binitawan. Lagyan ng markang tsek (✓) kung ito ay tama at ekis (x)
naman kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Si Hana ay nangakong pupunta sa bahay ni Rissa upang gumawa ng takdang


aralin. Ngunit gabi na ay hindi pa rin ito dumarating.

2. Malimit sabihin ni Jerry sa sarili na tuwing umaga ay babangon na siya nang


maaga kaya naman ikaanim pa lamang ng umaga ay naghahanda na itong
pumasok sa paaralan.

3. Nangako si Maita na magbabakasyon sa tiyahin niyang nasa probinsiya.


Pagsapit ng bakasyon ay masayang kapiling nito ang kaniyang tiyahin na
inabangan ang kaniyang pagdating.

4. Si Pedro ay nagsabi na pupunta sa kaarawan ni Lito. Umaga pa lamang ay nag-


ayos na si Pedro upang pumunta sa bahay ni Lito.

5. Hindi nakapagpasa ng proyekto si Dan sa kabila ng pagsasabi sa gurong


magpapasa siya sa takdang oras.

6. Nagsabi si Patty na pahihiramin niya ng papel si Girlie ngunit patapos na ang


pagsusulit ay hindi pa rin niya ito binibigyan kaya naman sa iba humiram si Patty.

7. Nanghiram ng pera si Carlo kay Mark at nagsabing isasauli rin ito kaagad.
Ngunit umabot ang dalawang linggo bago niya ito nabayaran.

11
8. Nagkasundo ang grupo ni Xander at Patrick na maagang papasok upang
magdilig ng halaman sa gulayan ng kanilang paaralan. Ngunit patapos na ang
lahat ng gawain nang dumating si Patrick.

9. Nangako si Andres na sasagutan niya ang modyul na binigay ng guro gamit ang
sariling kakayahan. Lumipas ang maghapon at hindi nakitang naglaro si Andres
dahil abala siya sa pag-aaral ng kaniyang mga modyul.

10. Nagsabi si Lucy sa kaniyang guro na iingatan at hindi pupunitin ang mga
modyul na ipinahiram nito. Nang isasauli na ni Lucy ang mga modyul, makikita sa
itsura ng modyul ang maayos na paggamit sa mga ito.

Gawain 3

Balikan sa iyong isip ang mga binitawan mong salita o pangako sa iyong pamilya at
mga kaibigan na iyo ring tinupad. Isulat ang mga ito sa tsart na nasa ibaba. Gawin
ito sa sagutang papel.

12
Isaisip

Gamit ang tsart sa ibaba, isulat mo kung ano ang mga natutuhan mo sa araling ito
at ibigay ang kahalagan ng mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ano ang natutunan ko sa araling ito? Ano ang kahalagahan nito?

Isagawa

Gawain 1

Gamit ang sariling pananaw, magbigay ng limang sitwasyon na nagpapakita ng


pagtupad sa pangakong binitawan. Gawin ito sa sagutang papel.

1. ____________________________________________________________
____________________________________________________________

2.___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. ____________________________________________________________
____________________________________________________________

13
5. ____________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 2

Buuin ang crossword puzzle sa ibaba. Punan ang mga kahon ng letra upang
mabuo ang mga salitang kaugnay ng aralin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pababa

1. Ang bawat pangakong binitiwan ay may kaakibat na______________

4. Kung ikaw ay tumutupad sa iyong mga pangako, ikaw ay may_________

Pahalang

2. Ano ang dapat na hindi napapako?

3. Ang pagtupad sa pangako ay nagpapakita ng pagiging _____________ sa


pakikipagkapwa-tao

5. Kung ginagawa mo ang iyong mga pangako, ang mga taong nakapalibot sa iyo ay
magkakaroon ng ___________ sa iyo.

14
Gawain 3

Sa iyong sagutang papel, sumulat ng isang pangako na nagsasaad na ikaw ay


magiging tapat at gagawin mo ang iyong makakaya upang tuparin ang binitawang
salita sa lahat ng oras at pagkakataon

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____

15
Tayahin

Isulat ang HOORAY sa iyong sagutang papel kung ang sinasaad na sitwasyon sa
bawat bilang ay tama at HEPHEP naman kung ito ay mali.

1. Nanghiram ako ng lapis sa aking kaklase at sinabi kong isasauli ko kaagad


pagkatapos ko itong gamitin. Natapos ang aming Sining kaya naman isinauli ko
agad ang lapis na aking hiniram.

2. Dahil sa pagliban ko sa aming klase kahapon ay nanghiram ako ng kuwaderno


sa aking kamag-aral upang kopyahin ang mga naging aralin. Ipinangako kong
iingatan ko ang paggamit nito. Kaya isinauli ko ito na nasa maayos na kalagayan.

3. Nagsabi si Minda kay Rina na sasamahan siya nitong mamili sa palengke ngunit
kinabukasan ay iba ang sinamahan ni Minda.

4. Palaging sinsabi ni Niko na maaga na siyang papasok ngunit panay pa rin


siyang napapagalitan ng guro dahil sa madalas na pagkahuli niya sa oras ng klase.

5. Tulad ng ipinangako ni Tina sa kaniyang mga magulang na pagbubutihan ang


pag-aaral, madalas na siyang manguna sa mga pagsusulit at talakayan sa klase.

6. Sinabi ni Miko sa sarili na susundin niya ang payo ng mga eksperto na


panatilihin ang distansiya sa iba upang maiwasan ang virus ngunit madalas pa rin
siyang makipagsiksikan at makipag-unahan sa palengke.

7. Ipinangako ni Lulu sa kaniyang mga magulang na iingatan ang kaniyang


kalusugan kaya naman tuwing lalabas siya ng bahay ay may suot siyang facemask
at faceshield upang makaiwas sa COVID-19.

8. Sinabi ni Pia sa sarili na susundin ang utos ng gobyerno na limitahan ang


paglabas ng bahay upang maiwasan ang virus ngunit halos araw-araw ay nasa
bahay naman siya ng mga kaibigan.

9. Naranasan ng mag-asawang Marta at Tino ang mawalan ng hanapbuhay dahil


sa pandemya. Kaya naman nangako ang mag-asawa na mag-iipon na kung
magkaroon ulit ng hanapbuhay bilang paghahanda sa sakuna tulad ng pandemya.
Nang magkaroon muli ng trabaho ay nagtatabi na ang mag-asawa para sa kanilang
ipon.

16
10. Malimit ang paalala ni Cecil sa mga kamag-anak at kaibigan ng tungkol sa
panganib na dala ng pandemya dahil nangako siyang pagmamalasakitan niya ang
kaniyang kapwa.

Karagdagang Gawain

Gawain 1

Ano ang kaugnayan ng pagtupad sa binitawang pangako sa pagiging reponsableng


kapwa? Paano mo maiuugnay ang mga ito? Ihayag mo ang iyong sagot sa sagutang
papel.

______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

17
Gawain 2

Basahin ang tula at isabuhay ang nais iparating nito.

Bata Mang Maituturing

ni Joan F. Tuazon

Ako’y bata man sa iyong paningin,

Pagtupad sa pangako aking adhikain.

Binitawang salita’y hindi lilimutin;

Pagkat gusto ko’y pagkatiwalaan din.

Bata man maituturing kaya ko ring gawin,

Pangakong sinambit nitong munting labi;

Sa abot ng makakaya’y aking tutuparin.

Binitawang salita’y hindi iwawaksi.

Bata mang maituturing, batid ko ang kahalagahan,

Nitong pagtupad sa pangako at salitang binitawan.

Sa mga ito nakasalalay ang tiwala ng tao,

Pagka’t ang katumbas nito ay buo kong pagkatao.

18
Susi saPagwawasto

19
Sanggunian

Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa MakabagongPanahon


6. Quezon City: Vibal Group, Inc.

ESP 6 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st ed.


https://drive.google.com/file/d/16guz__kV4NV-
BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan- Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like