You are on page 1of 11

Isang katamtamang dalawang palapag na bahay bago ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig na may mga table na gawa sa kahoy, ventanilla at mga


bintanang capiz.. Ito ay pag aari ni Manuel Bunag, ang bahay na ito ay
ginawang Japanese Garison noong panahon ng hapon.Sa kasalukuyan ang
tahanang ito ay nahati na bilang kometsyal na tindahan, ang ibang bahagi ay
tirahan kapag umuuwi ditto ang may-ari mula sa Maynila.
Ito ang bahay nina dating Cardinal Vidal sa kahabaan ng Calle Rizal.
Ang ama ng Cardinal na si Juan Sin ay dating Ingat-Yaman ng Probinsya. Ang
kanyang nanay na si Maxima Lachica Sin ay isang tagapagturo ng relihiyon.
Sa ngayon ang bahay hinati upang maging paupahan ang ibabang bahagi,
mayroon itong dalawang pinto na pinapaupahan. Ang taas ay nananatili sa
dating ayos. Ang bahay na ito ay tinayo noong 1900’s.
Isa sa pinaka masalimuot na disensyo ng Ancestral house na
pagmamay-ari ng pamilya ng Go. Ito ay nabili ni Azuncion Llave sa Pamilyang
Go. May mga bahagi ng bahay lalo na sa bandang taas ay sira na. Sa ngayon
ang bahay ay kasalukuyang isang komersyal na lugar. Mayroon ditong gawaan
ng Wig na Umuukupa sa ikalawang palapag, ang babang bahagi naman ay
may Pet Shop at kabilang bahagi ay kainan . Ang namamahala sa kasalukuyan ay si Alex
upang mapanatili ang kaayusan ng bahay.
Ang kahangan-hangang bahay Instsik, isa sa halimbawa ng bahay na bato. Ang bahay ay ginamit
na kanilang tindahan. Ito ay pagmamay-ni Gng. Rolinda Tan. Ang tindahan na ito mga Bicycle Shop.
Hindi alintana ang isang lumang kundiyon ng bahay, makikita pa rin ang mga klasikong disenyo ng
arkitektura na karaniwan sa bansa noong huling bahagi ng ika-19 na siglo at unang bahagi ng
1900’s. Ang bahay na ito ay pag-aari ng mga Pamilya Milambiling sa Bintakay.
Ang bahay na ito ay pag -aari ng Nunez-Bernardo. Sa kasalukuyan ito ay
naipagbili na kay G. Loremer Macunat. Ang ibabang bahagi ay isang Glass
Alluminum store. Ang bahaging itaas ay bahay.
Ang bahay na ito ay pag-aari ng Pamilya Menorca, itinayo ito sa unang
bahagi ng ika 19-siglo. Ang kasalukuyang tayo ng bahay ay hinati na sa ibat-
ibang komersyo.
Matatagpuan sa Calle Rizal, ang bahay na ito ay pag-aari ng pamilya ng
Tomas Monsanto. Taong 1900, ito ay naipagbili na kay Engr Joselito Manoos,
ang ibabang bahagi ay ginawang Korean Café, at ang taas nanantiling bahay.
A unique early 1900 house with a protruding veranda. A prominent judge was said to be the owner.
Ito ay pag-aari din ng mga pamilya ng Go, Ito ay sinasabi na isa lamang
itong bodega ng kanilang mga palay at iba pa. Buong pinagmamalaking
ipininta ng may-ari ang petsa Hulyo 15, 1949 kung kalian ito natapos.

You might also like