You are on page 1of 1

WEEK 3 NAME: _______________________________________________________ SECTION: _________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO: Kalikasang Handog: Pahahalagahan at Pananagutan Ko!

Bilang isang bata at mag-aaral, ano ang pagpapahalagang ginagawa mo o pananagutan para sa
kalikasan?
Ang ating bansa ay napaliligiran ng iba’t ibang yaman ng kalikasan. Mayroong mga kabundukan,
karagatan, ilog at mayabong na kapatagan. Dahil dito ito ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng
mga kapwa Pilipino.
Sa paglipas ng panahon dahil sa kawalan ng pagpapahalaga at pananagutan sa kalikasang
nagbibigay kabuhayan, ito ay unti-unting nasisira at nauubos na. Masyadong inabuso sa mga bagay o
gawain na hindi tama.
Kailan tayo gigising at mababahala? Dapat ngayon na!
Huwag na nating hintayin na ang kalikasang ating pinagkukunan ng kabuhayan ay tuluyan ng
magpapaalam.

Gawain 1: Ikaw ba ay may pagpapahalaga sa kalikasang nagbibigay buhay at kabuhayan?


Isulat ang WASTO kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at DI – WASTO naman kung
hindi.

_________1. Pinapalitan ng mga taga-Sitio Mabuhay ang mga punong kahoy sa kagubatan na
ginagamit nila sa paggawa ng mga kasangkapan.
_________2. Pinapayagan ng Barangay Matiwasay ang pagkakaingin sa kanilang kabundukang nasasakupan.
_________3. Mahigpit na pinagbabawalan ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita.
_________4. Dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig ay ginagamit pandilig sa halaman ni Ella ang pinag-
hugasan ng bigas.
_________5. Sa tuwing pupunta ng palengke si Aling Nida ay may dala-dala siyang bayong upang maiwasan
ang paggamit ng plastik.
_________6. Nakasanayan na ng pamilya ni Erik ang pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at
di-nabubulok.
_________7. Sumama si Lina at ang kaniyang mga kaibigan sa Tree Planting Program ng kanilang barangay.
_________8. Tuwing araw ng Sabado ay itinatapon ni Marissa ang kanilang basura sa katabing ilog.
_________9. Gumawa ng compost pit si Mang Ruben sa kanilang bakuran upang gawing pataba ang mga
nabubulok na basura.
_________10. Patuloy ang pagmimina nila Mang Pedro sa kuweba ng walang pahintulot sa kinauukulan.

Gawain 2: Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita
ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman at MALI naman kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_________1. Pinagbawalan ng punong barangay ang mga mangingisda na huwag gagamit ng malilit na butas
ng lambat, upang hindi masama ang mga bagong sibol na isda.
_________2. Ipinasara ang isang pabrika malapit sa dagat matapos matuklasan na dito tinatapon ang mga
kemikal na kanilang ginagamit.
_________3. Patuloy na hinahayaan ng mga kinauukulan na makabiyahe ang mga taxi sa kanilang lugar sa
kabila ng maiitim na usok na binubuga ng mga ito.
_________4. Upang makatulong sa kalikasan nagbibisikleta na lamang si Maria papasok sa kaniyang trabaho.
_________5. Ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic straw sa mga kainan sa lungsod upang mabawasan
ang sobrang paggamit ng plastik.

Retrospect Batang Batangueño Challenge:


 Mag-isip ng limang (5) paraan na kaya mong gawin upang mapangalagaan ang ating kalikasan.
 Kuhanan ang sarili habang ginagawa ang mga ito at i-post sa iyong facebook account.
 Lagyan ng isang malinaw na paliwanag bilang iyong caption ang mga larawang iyong na-ipost at
lagyan ito ng mga hashtag na #BECSRBBchallenge at #KalikasanKoAalagaanko6section

You might also like