You are on page 1of 2

Ating basahin ang mga mahahalagang impormasyon sa ating aralin sa ARTS 5

 Mayroong dalawang uri ng Balanse o Balance na ginagamit sa Sining ito ay:


1. Symmetrical Balance - Ang mga bagay na makikita sa kaliwang bahagi ay katulad din ng mga bagay na
makikita sa kanang bahagi nito.
2. Asymmetrical Balance – Ang mga bagay sa magkabilang bahagi ng isang bagay o larawan ay hindi
magkatulad.
Symmetrical Balance Assymetrical Balance

O O

 Cross Hatching - ay isang paraan ng shading kung saan paulit- ulit ang pagguhit ng pa krus na linya.
 Contour shading - ang patagilid na pagkiskis ng lapis o iba pang gamit pangguhit sa papel.
Halimbawa

Cross hatching
Contour Shading

 Ang Cross hatching at contour shading ay mga pamamaraan ng shading upang bigyang lalim, kapal, at
tekstura ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuhit.
 Ang Balangai o Balanghai ay tinatayang pinakamatandang
ginamit na sasakyang pantubig at nagmula sa
Timog-silangang Asya. Natuklasan ang Balangay sa
Butuan City

 Ang Contour Line – ang tawag sa linyang bumubuo sa hugis ng isang iginuhit na bagay.
 Mga uri ng Masisining na Disenyong Arkitektural ng mga Pilipino
1. Bahay Kubo – ito ay isang uri ng payak na tahanang kinagisnan nating mga Pilipino.
2. Torogan – Ito ay isang malaking tirahan ng pinakamataas na antas ng tao sa kanilang lipunan gaya ng
Pinuno ng Maranao: ang DATU. Ang Torogan ay isang magandang tanawin sa Marawi.

PAGGAWA ng ILLUSYONG ESPASYO


 May anim na paraan upang makalikha ng ilusyong espasyo sa tatlong dimensional o 3-D na guhit. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Pagkakapatong-patong o overlapping ng mga bagay.
- mas malapit tingnan ang isang bagay na iginuhit na nakapatong o nasa harap ng isa pang bagay.
2. Posisyon ng mga bagay
- Ang mga bagay na nasa bandang itaas ng isang larawan ay magmumukhang mas malayo sa mga
mata ng tumitingin sa larawan.
3. Sukat ng mga bagay
- Ang mga bagay na mas maliit ay magmumukhang malayo.
4. Detalye ng mga Bagay
- Kapag mas malayo ang mga bagay, mas kaunti ang masisinagang detalye nito.
5. Kulay ng mga bagay
- Mas madilim ang kulay ng mga bagay na mas malapit sa tumitingin habang mapusyaw ang mga
nasa malayo.
6. Perspektibo
- Ito ang paggamit ng mga linya sa paglikha ng ilusyong espasyo.
 Mahalaga ang mga artifact sa ating sining sapagkat ipinapakita nito ang kasaysayan, kabuhayan at paraan ng
pamumuhay noong unang panahon.
Ating basahin ang mga mahahalagang impormasyon sa ating aralin sa PE 5
 Ang Physical Fitness o kakayahang pangkatawan ay isang mahalagang panukat ng pansariling kagalingan.
 Ang Regular na gawaing pisikal ay makakatulong sa pagtatamo at pagpapanatili ng kakayahang
pangkatawan.
 Ang Philippine Physical Activity Pyramid ( PPAP ) – ay isang gabay na sadyang ginawa para sa mga Pilipino
upang makamit at mapanatili ang kakayahnag pangkatawan. Nakalagay dito ang mga iminumungkahing
Pisikal na Gawain at kung gaano kadalas dapat gawin ang mga ito.

Ang HEALTH-RELATED Fitness at ang LIMANG salik nito.


1. Cardio-Vascular Endurance – kakayahan ng ating katawan na makagawa ng mga pisikal na Gawain
nang matagalan. Dito nasusukat ang katatagan ng puso at baga na makapagbigay ng
oxygen sa buong katawan upang maisagawa ang mga aktibidad o ehersisyo.
 3-minute step test – ay maaaring gawin upang masukat o masubok ito.
2. Muscular Strength – kakayahan at lakas ng mga muscle o kalamnan na magsumikap
mapaglabanan ang nakahadlang na pwersa. Ito ang nagbibigay sayo ng lakas na mabuhat, matulak,
at mahatak ang mga bagay, gayundin ang paglundag nang mataas at pagtakbo nang matulin.
 20 seconds Plank test - ay maaaring gawin upang masukat o masubok ito.
3. Muscular Endurance – kakayahan at katatagan ng kalamnan na matagalan ang mga paulit- ulit na
galaw o gawain nang hindi agad napapagod.
 Partial Curl ups - ay maaaring gawin upang masukat o masubok ito.
4. Flexibility – ito ay kakayahan na maihunat ang mga kalamnan at kasukasuhan upang maisagawa
ang ilang mga gawain tulad ng pagsayaw, paglangoy at mga gawaing Gymnastics.
 Zipper Test - - ay maaaring gawin upang masukat o masubok ito.
5. Body Composition – tumutukoy sa dami o kawalan ng taba sa katawan. Sa limang sangkap, ito
lamang ang hindi nasusukat sa pagsasagawa ng anumang gawain. Sa halip ito ay nasusukat sa
pamamagitan ng pagkuha ng BMI o Body Mass Index .

Ang formula para dito ay:

Weight (timbang sa kilo) = Body Mass Index


Height² (tangkad sa metro)

Ang mga salik SKILL-RELATED Fitness


1. BILIS o SPEED – ay ang kakayahang makapunta sa isang lugar sa isang direksyon. Isang halimbawa ng
sports na ginagamitan ng bilis ay ang 100 meter dash o tinatawag ding sprint.
 Maaaring subukin ang inyong bilis sa pamamagitan ng 40m dash.
2. Alerto o Reaction Time – ito ang kakayahan na makatugon o makapagbigay ng reaksyon nang mabilis at
angkop sa isang sitwasyon.
 Ito naman ay sinusubok sa pamamagitan ng Ruler Drop Test.
3. Liksi o Agility – Ito ay kakayahang makalipat sa isang direksyon nang mabilisan habang gumagalaw.
 Shuttle Run naman ang maaaring gawin upang subukin ito.
4. Balance o Balance – Ito ang kakayahan ng katawan na maging tuwid at hindi natutumba.
 Nasusubok ito sa pamamagitan ng Wobble Board test o Stork Test.
5. Koordinasyon o Coordination – ito ang kakayahan ng iba’t- ibang bahagi ng katawan na makagalaw nang
sabay-sabay upang maisagawa nang wasto at maayos ang mga gawain.
 Subukan ito sa pamamagitan ng Wall the Ball Test.
6. Lakas o Power – Sa kasanayang ito pinagsama ang lakas at bilis. Ito ay naisasagawa nang may bilis at
puwersa.
 Subukin ito sa pamamagitan ng Vertical Jump o Standing Long Jump Test.

You might also like