You are on page 1of 14

MODYUL

sa
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
(1st Quarter)

Inihanda ni:

G. Niel Vincent B. Catapang


PAKSA: Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Ang teorya ay ang masusing pananaliksik sa isang bagay o pangyayari. Ito ay


ginagamitan ng siyentipikong paraan upang mahanap ang sagot sa isang katanungan,
o mapatunayan ang isa pang teorya. Mayroong dalawang (2) uri ng teorya; biblikal at
Siyentipiko

TEORYA NG TORE NG BABEL

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis Kabanata 11:1-8)

TEORYANG BOW-WOW

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa
aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.

TEORYANG DING-DONG

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalauna’y nagpabagubago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito
ni Max Muller na simbolismo ng tunog.

TEORYANG POOH-POOH

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

TEORYANG YO-HE-HO

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay


natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y
nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog
ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

TEORYANG TA-TA

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa
wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang
tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

TEORYANG YUM-YUM

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng


pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

TEORYANG SING-SONG
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

TEORYANG HOCUS POCUS

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng


pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.

TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng
mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

HARING PSAMMETICHUS

Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento


si Psammetichus kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol
siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig
ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang
bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang
wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.

PAKSA: WIKA: KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT KATANGIAN

KAHALAGAHAN NG WIKA

✓ Ang wika ay ginagamit sa pagkuha ng impormasyon pagtatamo ng edukasyon


gayundin sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan.
✓ Ang wika ay nakapagpapabilis at nakapagpapagaan ng isang gawain.

KAHULUGAN NG WIKA

✓ Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.

✓ Pinagsama-samang makabuluhang tunog at simbolo.

✓ Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa


isa’t isa.

WIKA

✓ Tinatayang may 6000 hanggang 7000 ang mga wika sa daigdig.

✓ Linggwistika ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng wika.

✓ Ang salitang wika ay nag-ugat sa wikang Malay.

✓ Nagmula naman sa kastila ang isa pang katawagan sa wika na Lenggwahe,


katulad ng salitang language sa wikang Ingles.

LENGGUWAHE

✓ Ang salitang lengguwahe ay nagmula sa salitang latin na lingua na


nangangahulugang dila, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong
kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon,
may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

DEPENISYON NG WIKA

✓ Ginagamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at


pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa madaling
salita, ang wika ay ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
(Paz et.al, 2003-Pag-aaral ng Wika).

✓ Ang wika ay pangunahin at pinakamabisang anyo ng gawaing pansagisag ng tao


(Archibald Hill-mula sa Tinig:Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2008).
✓ Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay may masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog napinili at isinaayos sa paraang arbitrayo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang kultura.

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay may masistemang balangkas


1. Ponema – Tunog
2. Morpema – Salita
3. Sintaks – Pormulasyon ng pangungusap
4. Semantiks – Kahulugan

2. Ang wika ay may sinasalitang tunog


Tandaan: Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsulat ay representasyon
ng wika na gumagamit ng simbolo tulad ng letra.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.


Ang wikang napagkasunduan ay may taglay na konseptong kinakatawan ng
mga simbolong rumerihistro sa isip ng mga gumagamit nito.

4. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon


5. Ang wika ay kakaugnay ng kultura.
6. Ang wika ay pantao
7. Ang wika ay natatangi
8. Ang wika ay may gramtikang pantay- pantay
May kakayahan at nalalaman ang tao sa kanyang wika (liguistic competence)
kaya taglay niya ang gramatika ng wika (linggwistika). Ito ang magpapatunay na
may univeral grammar ang wika ng tao (Chomsky, 1970). Mailalahad dito na
tunay nga na walang superyor na wika.
9. Lahat ng wika ay nagbabago.
Ang panahon ay nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin.
Ang tao ay may kultura at kaugnay nito ang wika kung kaya’t ang wika ay
nagbabago. Nangangahulugang ang wika ay buhay.
10. Ang wika ay malikhain.

PASKA: WIKANG PAMBANSA

Tagalog- isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita


(Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang
bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at maging sa Metro Manila)

Samantala, pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa noon


ngang 1959. Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng pagbatay sa wikang pambansa
sa Tagalog noong 1937.

BATAS NG 1987, ARTIKULO XIV,SEKSYON 6


“Ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.” (amin ang pagbibigay-diin)

PAKSA: WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO

ATHUR CASANOVA
Tagapangulo Ng Komisyon sa Wikang Filipino

WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ang magiging wika ng talastasan sa pamahalaan. Ibig
sabihin ito ang wikang gagamitin sa lahat ng transakyon o uri ng komunikasyon
ng anumang sangay o ahensya ng pamahalaan.
WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ginagamit
sa aklat o midyum ng pagtuturo.

KONSTITUSYON NG 1987, ARTIKULO 14, SEKSYON 7


Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Arabic at Kastila

UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA


ESTRUKTURA NG WIKA

HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS

Ang Homogenous na wika ay may iisang estruktura o paraan ng pagkabuo. Samantala


ng Heterogenous na wika ay may maglkakaibang estruktura. Ang Hetero ay
nangangahuluhugang magkakaiba at genous ay nangangahulugang lahi/uri.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAROON NG HETEROGENOUS NA WIKA

Accomodation Theory – Howard Giles

Linguistic Convergence

Isang kondisyon na kung saan ay nagkakaroon ng pagkakataong gumaya


o bumagay sa pag sasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa,
pakikilahok o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.

Linguistic Divergence

Nangyayari kung ang gumagamit ng wika ay tumatangging gayahin ang


wikang namamayani sa pangkat na sinasamahan.

Switching at Mixing – bunga ng interference at interlanguage

Interference - Nakakaimpluwensya ang unang wika sa pagkatuto ng iba pang


wika

Inter-language - Nakabubuo ng mental grammar ang tao kaya’t nakalili kha ng


pagsasama ng dalawang wika sa isang salita o pahayag.

Langue - Ito ay tumutukoy sa sistema ng wika o mismong wika. Ito rin ay sistema
ng mga tuntunin ng nalalaman ng isang komunidad, kaya sinasabing panlipunan ang
wika.

Parole - Ito ay tumutukoy sa aktong pagbigkas ng wika o ang paraan ng


pagbikas ng wika ng bawat indibidwal.

Linggwistikong Komunidad - Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol


naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at
baryasyon ng wikang Filipino. Linggwistikong komunidad ang tawag sa sa mga wikang
ito.

PAKSA: MGA BARAYTI NG WIKA

Dayalek

-ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

Idyolek

- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring
pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek.

- ito ay ang pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal.

Sosyalek

Ayon kay Rubico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng


istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga
grupo na kanilang kinabibilangan.

✓ Gay lingo
Kabilang sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding gay lingo.
✓ Conyotik/ Conotic
isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na
inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na
nangyayari.
✓ Jejemon
Isa pang barayti ng sosyolek para naman sa mga kabataang jologs, ang
“jejemon o jejespeak”.
3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw?, aQcKuHh iT2h
✓ Jargon
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay
may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa: Exhibit, Appeal, compliant (abogado)

REGISTER

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa siwatsyon at sa kausap Nagagamit ng nagsasalita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na
katungkulan , nakatatanda, o hindi niya masyadong kilala

ETNOLEK

Nagmula sa etnikong at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

EKOLEK

Wkang nabubuo sa loob ng tahanan.

PIDGIN

(nobody’s native language) ay isang bagong wika na nabubuo mula sa dalawang taong
may magkaibang unang wika na nagtatangkang mag-usap ngunit hindi makaintindihan
na siyang nagbubunga naman ng tinatawag na makeshift language.

CREOLE

Ito ay tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang
isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga
tuntuning sinusunod ng karamihan.

Halimbawa: Wikang Chavacano

PAKSA: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ang Pitong Gamit ng Wika


Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at
ang tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng
ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na
tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura.
Sa ganon, tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating
wikang Filipino. Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa
pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari
may kommunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino sa kanilang mga emosyon. Sa sariling
wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng isang tao.

Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa
isang bansa ay hindi lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon
kundi ito’y magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga aspetong ito ay tinatawag na
gamit ng wika na kung saan ay may maraming mga halimbawa nito.

Pito sa mga halimbawa ng gamit ng wika ay:

· 1. Instrumental

Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng


mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito
upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o
pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay
panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.


§ Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.

· 2. Regulatoryo

Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon
o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon,
direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon,
pagtutol, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”

§ “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

· 3. Interaksyonal

Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak
sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa
kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam,
pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Kita tayo mamaya!

§ Salamat po!
· 4. Personal

Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad
ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at
walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o
pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

· 5. Heuristiko

Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at


gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal
at akademikong libro o pinanggalingan. Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong,
pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at
iba pa.

· 6. Imahinatibo

Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na


bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto.
Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa
ng nobela, at iba pa.

· 7. Impormatibo

Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang


pagsusulat at pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis,
research paper; pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa

You might also like