You are on page 1of 4

WHEELZ ON THE SOUTH

Isang FEASIBILITY STUDY

PARA SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PILING LARANG

IPINASA KAY
GINOONG JIMMY NICOLAS

IPINASA NI
ANJO DAVE Q. OCHO

TALAAN NG NILALAMAN

BUOD ---------------------------------------------------------------------1

ASPEKTONG TEKNOLOHIYA -------------------------------------2

PAMILIHAN NG PRODUKTO O SERBISYO -------------------3

PAGLALARAWAN SA PRODUKTO O SERBISYO -----------4

PAMAMARAAN NG PAGBENTA ----------------------------------5

KAKAILANGANING TAUHAN --------------------------------------6

INAASAHANG KITA AT GASTUSIN ------------------------------7

SCHEDULE --------------------------------------------------------------8

NAPAG-ALAMANG REKOMENDASYON ------------------------9


BUOD

Naisipan naming magtayo ng isang negosyo na siguradong makakatulong


sa lahat ng gumagamit ng sasakyan. Ang aming shop ay gumagawa ng
gulong na mataas ang kalidad at pangmatagalan na kayang tumagal kahit
gaano kahirap ang daan. Makakatipid ka din dahil sa presyong pang masa.

Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa mga plano at mga dapat gawin sa
negosyong itatayo. Ipinakikilala dito ang produktong ibebenta at ang mga
katangian nito.

ASPEKTONG TEKNOLOHIYA

Ang aming produkto ay gawa sa mga materyales na hindi pangkaraniwan


o isang high class na gulong dahil nagtataglay ito ng napakatibay na rubber
na kahit mahirap ang daan o sa mga matutulis na bagay ay hindi ito basta-
bastang mabubutas.

Ang mga produkto ding ito ay binubusising mabuti at dumadaan muna sa


maraming pagtataya bago ilabas sa mga pamilihan.

PAMILIHAN NG PRODUKTO O SERBISYO

Ang main branch ng shop ay matatagpuan sa Brgy. Magugpo South


Tagum City, Davao del Norte. Madali lang itong makita dahil malapit lang ito
sa National Highway. Marami ding Automotive shop na naka basi dito dahil
isang comercial na gusali ang aming pinagtatayoan. At balak din naming
maging supplier ng mga malalaking sasakyan at iba pa.

PAGLALARAWAN SA PRODUKTO O SERBISYO

Ang mga gulong na aming binibenta ay siguradong malakas sa masa dahil


sa mataas na dekalidad at makapal ang rubber nito na syang nagpapatibay
sa aming gulong. Bagong-bago na mas mapaganda ang iyong sasakyan.
Makakatipid ka rin dahil bukod sa affordable na presyo, matagal mo din itong
magagamit at mapapalitan dahil sa pangmatagalan nitong serbisyo.
PRODUKTO BRAND PRESYO
GULONG WHEELZ ON THE 3,000
SOUTH

PAMAMARAAN NG PAGBENTA

Mabibili ang aming produkto sa pamamagitan ng pagbisita sa aming


facebook page: @WheelzOnTheSouth at mag order o pagtawag sa aming
hotline number: 09654531456. Pwede din pumunta mismo sa aming shop.

KAKAILANGANING TAUHAN

MANAGER: Siya ang namamahala at nag aatas ng gawain sa iba pang


empleyado.
TAGABENTA/SALES ASSOCIATE: Sila ang naga asikaso sa mga costumer.
KAHERA/ENCODER: Sila ang tagakuha ng mga perang ibabayad ng mga
costumer at tagatala ng mga pangyayari at mga datos sa operasyon.
UTILITY WORKER: Sila ang naatasan sa kalinisan sa shop at taga ayos din
ng konting sira sa establisyemento.

SCHEDULE
Taong 2021

Tinatayang aabot sa anim na buwan ang panahong igugugol mula sa


umpisa ng operasyon ng itatayong shop.

INAASAHANG KITA AT GASTUSIN

WHEELZ ON THE SOUTH


Projected INCOME STATEMENT
For the fiscal year ended February 2022

Sales:

Mula sa automotive shop P400,000


Mula sa malalaking Kompanya 600,000
Cost of Goods Sold 1,500,000
Gross Income 500,000

Less Expense:

Salaries and Wages 300,000


Light and Water 50,000
Taxes and Licenses 15,000

PROJECTED NET INCOME: 135,000

NAPAG-ALAMANG REKOMENDASYON

Sa isang taon naming operasyon naging matagumpay ang ating negosyo.


Marami ang ating napaglingkuran at lalong nadagdagan ang tumangkilik sa
produkto. Ito ang naging inspirasyon namin para palawigin pa ang operasyon
sa iba pang lugar para mas makilala pa ang aming produkto.

You might also like