You are on page 1of 2

Tagapagsalita: Sa malayong lugar, may isang bayan na napakatahimik at tila napakapayapa sa paningin ng mga

kalapit bayan nito. Sapagkat, may mga bagay na hindi nila alam kung ano talaga ang totoong nangyayari sa bayan ng
Payapa.

Juan: Araw-araw na ba tayong palaging ganito? Wala na ba talagang pagbabago?

Anna: Wala tayong magagawa diyan Juan. Tayo’y mga kapwa mamamayan lang sa bayan na ito. Mas makabubuti sa
atin na sundon nalang ang nakatataas.

Jose: Puro tinapay, gatas, kanin at gulay nalang ba palagi ang kinakain natin? Kailan pa kaya ako makakatikim ng
sinasabi ng kabilang bayan na karne?

Ina ni Jose: Pagpasensyahan mo na anak. Iyan kasi ang produkto na binibigay ng nakatataas sa atin. Magpasalamat
nalang tayo dahil mayroon pa tayong kinakain ngayon at pantay-pantay naman ang dami ng pagkain na binibigay nila
sa bawat pamilya.

Jose: Okay po, Inay. Kamusta na kaya si Tatay sa trabaho niya sa pagawaan ng gatas po, Inay? Sana okay lang siya at
kumakain siya ng Mabuti.

Ina ni Jose: Huwag kang mag-alala anak, alam kong okay lang ang iyong ama.

Tagapagsalita: Habang si Jose at kanyang Ina ay nag-uusap sa kalagayan ng kanyang Ama sa kanyang trabaho, may
ibang kaganapan naman ang nagyayari sa pagawaan ng gatas.

Manager: Magandang umaga sa lahat! Inaanyaya ko lahat ng mga empleyado na makinig sa aking anunsyo. Ang
kabilang pabrika ng mga bakal ay nangagailangan ng dagdag na lakas-tao. Kaya nais kong ipaalam sa inyo na ang utos
mula sa itaas na iba sa mga empleyado dito ay malilipat sa kalapit na pabrika.

Ama ni Jose: Paano po ‘yong mga empleyado na matagal ng hindi nakauwi sa kanilang pamilya? Sila po ba ay
mabibigyan ng eksepsyon sa anunsyong ito?

Manager: Lahat ay pwedeng mapipili. Walang eksepsyon na ibibigay para ang lahat ay pantay. Nakalimutan niyo na
ba na ang sa pagpasok niyo sa trabahong ito na pwede kayong mapunta sa ibang mga pabrika sapagkat, sa nakatataas
naman to lahat.

Tagapagsalita: Labis ang pag-aalala ng ama ni Jose na baka sakaling isa siya sa mapipili na mapunta sa kalapit na
pabrika ng mga bakal. Lubos na ang kanyang paghihinagpis na makita ang kanyang pamilya at makasama sila ng
matagal para mapawi ang kanyang pagod at lungkot. Kinabukasan …….

Manager: Magandang araw sa inyo lahat. Nandito na ako para ipahayag ang sampung (10) mga empleyado na
mapupunta sa kabilang pabrika.

Tagapagsalita: Habang nag-aanunsyo ang Manager, lakas ang panalangin ng Ama ni Jose na sana hindi siya mapili
para makauwi siya sa kanyang pamilya.

Manager: At iyon na ang sampung (10) mga empleyado na malilipat sa pabrika ng bakal. Humanda na kayo dahil
aalis na kayo at nakahanda na ang sasakyan sa likuran.

Tagapagsalita: Abot tinga ang ngiti na naiguhit sa mukha ng ama ni Jose dahil hindi siya napili sa sampung (10)
empleyado. Kaya agad-agad siyang naghanda para umuwi at makikita na niya sa wakas ang kanyang pamilya.
Kinabukasan…….

Jose: Tatay! (dala yakap sa kanyang Ama) Sa wakas nakauwi na po kayo. Matagal po naming kayong inantay ni Inay
at na-miss ka po naming ng labis po Itay.

Ina ni Jose: Nakauwi ka na. (sabay yakap at ngiti). Na-miss ka naming ng sobra, Mahal. Kamusta ka doon sa trabaho
mo? Okay naman ang lahat?
Ama ni Jose: Oo, aking mahal. Okay naman ang lahat. Laking pasalamat ko dahil hindi ako napili sa lilipat ng
pabrika na pagtatrabahuan at kaya nakita ko kayo ngayon, subalit wala akong nadala na sapat na pera sa inyo dahil
walang incentives sa aming trabaho, Mahal.

Ina ni Jose: Okay lang yon, Mahal. Ang importante nakauwi ka sa amin ng malakas at Mabuti.

Tagapagsalita: Patuloy pa rin pagasunod ng mga mamamayan ng Bayan ng Payapa sa kanilang nakakataas sapagkat
ang kanilang bayan ay iisa lamang ang tagagawa ng mga alituntunin kundi ang nasa nakatataas lamang. Wala din
silang pili kung anong pagkain ang maibibigay sa kanila sa isang buwan dahil ang nakatataas nito ang nagsabi. Lahat
ng mga inprastraktura, pagawaan, pabrika ay pagmamay-ari ng nakatataas kaya ang ginagawa ng lahat ng
mamamayan ay sumunod lamang sa lahat ng alituntunin na naibigay sapagkat ang Bayan ng Payapa ay halimbawa ng
Command Economy.

Maraming salamat sa pakikinig sa aming maikling palabas. Sana naintindihan ninyo ang aming naipakita sa lahat.
Magandang araw sa lahat!

You might also like