You are on page 1of 31

KABANATA 11

ANG KURIKULUM AT ANG PAGTUTURO NG WIKA


___________________________________________________________________
PANIMULA

Ang ikalawang bahaging ito ay tungkol sa mga batayang kaalaman o kabatiran


para sa mabisang pagtuturo ng sining ng wika. Nilalaman nito ang kurikulum na
pinakapuso ng ating edukasyon, kasama na ang mga dulog, metodo, at estratehiya sa
pagtuturo ng wika.
Inaasahan na ang mga mag-aaral na magiging guro sa elementarya ay
makapagdisenyo ng sariling kagamitan na angkop gamitin sa pagtuturo ng wika.
Makabuo ang mga mag-aaral na magiging guro sa elementarya ng banghay
aralin na angkop sa target na grading tuturuan. Pagkatapos nito, ang bawat isa ay
magsipaghanda para sa pakitang-turo na magiging daan sa ikatatagumpay ng
pagtuturo at pagkatuto.
Alam naman natin na isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang
kaalaman sa Filipino ay ang sistema ng paaralan. Dito itinuturo ang Filipino bilang isang
wika at midyum ng pagtuturo sa ilang asignatura sa kurikulum. Ang pagiging epektibo at
kabisaan ng Filipino ay dahlil sa itinuturo ito sa isang kapaligirang pabor sa wika. Bunga
nito, naging mabilis ang pag-unlad at pagyabong ng wika.
______________________________________________________________________
PANGKALAHATANG LAYUNIN

1. Matalakay ang kurikulum at ang pagtuturo ng sining ng wika pati na ang dagdag
na kaalaman tungkol sa mga ito.
2. Matanto ang kaugnayan ng paguturo at pagkatuto ng wika, ayon sa kontekstong
pangklasrum.
3. Masigasig ang pagpapahalaga wika sa pamamagitan ng mga gawaing
pampagtuturo.
4. Malinang ang mga kaalaman , metodo, estratehiya o Teknik sa pagtuturo ng
wika.

1
ARALIN 1: ANG FILIPINO SA KURIKULUM

Panimula
Ang kurikulum ang pinakapuso ng ating edukasyon. Lalong matagumpay ang
isang guro sa kanyang pagtuturo kung may kabatiran at nauunawaan niya ang mga
katangian ng kanyang mga mag-aaral. Sa isang pag-aaral nina Rubin at Thomson
(1983), nagtalaya siya ng mga katangian ng isang magaling na estudyante ng wika.
Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at
pagkatuto ng wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman at estilo sa
pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o
kawilihan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika.

Layunin
1.Naibibigay ang mga patnubay at simulain sa paglinang ng isang kurikulum
para
sa mga sining ng wika
2.Naipaliliwanag ang mga kaukulang Teknik sa pagtuturo ng wika sa
elementarya

Pagtalakay
Maraming tungkulin o papel na ginagampanan ang guro sa loob ng klasrum, ilan
sa mga ito ay ang pagbibigay impormasyon at paglalahad ng kaalaman, paglalaan ng
patnubay at tulong sa mag-aaral upang pagsanayan ang mga natamong kaalaman,
pagbibigay ng angkop na pangganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at
nakawiwiling Gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
natutuhan. Higit sa lahat ang palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.

1.1. Ang Wika sa Larangan ng Edukasyon


Patuloy ang pagpapaunlad at pagpapalaganap mg wikang Filipino, bilang wikang
Pambansa at wikang opisyal sa Pilipinas at bilang wikang panturo sa mga paaralan. Sa
Saligang Batas noong 1987, maraming magagandang probisyong pangwika ang
nakapaloob dito kaugnay sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wikang panturo.
Ito ang isinasaad ng Artikulo X1V, Seksyon 7: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
2
itinadhana ang batas, ukol sa Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.”
Mapapansin sa seksyon 7 ng 1987 Konstitusyon, tiniyak ang mga wikang panturo.
Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon (Department of
Education o DepEd sa ngayon) ng pulisiya sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa
DECs Order No.52, s.1987 na may pamagat na “Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng
1987.”Layunin ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal ang pagtatamo ng magkapantay
na kasanayan sa paggamit ng Filipino at Ingles sa antas Pambansa sa pamamagitan
ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum na pagtuturo sa
lahat ng antas ng edukasyon. Magiging wikang pantulong ang mga wikang rehiyunal sa
mga unang Baiting ng Paaralang Elementarya. Isang mithiin ng Sambayang Pilipino na
magkaroon ng kasanayan ang mga mamamayan sa wikang Filipino upang
magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang Pilipino, at kasanayan sa wikang Ingles
upang matugunan nila ang mga pangangailangan ng bansa sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
Sa unang talata ng Kautusang Pangkagawaran Blg.52, malinaw na tinutukoy na ang
edukasyong bilinggwal ay ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang
wikang panturo sa mga tiyak na aralin sa kurikulum. Sa pagpapakahulugang
operasyunal (ayon sa aktwal na paggamit), ang Filipino ay gagamiting wikang panturo
sa mga aralin na may tuwirang kinalaman sa kultura, samantalang ingles ang wikang
panturo sa mga araling walang kinalaman sa kultura. Gagamiting wikang pantulong ang
bernakular sa mga tiyak na pangangailangan sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang
lugar at rehiyon. May pag-aangkop ang mga pamamaraang ito sa mga aralin mula
elementarya hanggang tersyarya at maging sa mga paaralang gradwado (graduate
school).

1.2. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya


Ayon kay Gonzales (1998), isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang
kaalaman sa Filipino ay ang sistema ng paaralan. Dito, itinuturo ang Filipino bilang
isang wika at ginagamit itong midyum ng pagtuturo sa Filipino. Agham Panlipunan,
Edukasyon sa Pagpapalakas, Edukasyon sa Pagpapahalaga o Pagpapakatao sa
kasalukuyan at iba pa. Ang pagiging epektibo at kabisaan ng Filipino ay dahil sa
itinuturo ito sa isang kapaligirang pabor sa wika. Bunga nito naging mabilis ang
pagkalat ng wika.
3
Dalawang tuon ang dapat na pagtuturo ng Filipino sa elementarya, paglilinaw ni
Gonzales, Una- sa mga nagsasalita ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang pag-
aaral ng pagbasa at pagsulat sa wika. Ikalawa- sa mga di Tagalog na kailangan pang
maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang pagtuturo sa kanila ng Filipino bilang
istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at pagsasalita. Ang dapat mangyari sa
paaralang elementarya ay maging mabilis ang pagkatuto ng mga estudyante sa
paggamit ng Filipino upang madali nilang maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa mga araling pangnilalaman (content subjects) sa pamamagitan ng wikang
ito. Ibig sabihin nito na kailangan ang mas mahihirap na materyal na nasusulat sa
Filipino: kasama ang mga mayamang teksto para sa mapahusay ang pagkatuto sa
pamamagitan ng Filipino.

1.3. Ang Kurikulum at mga Layunin sa Pagtuturo Nito sa Elementarya


Ang Elementary Education Curriculum ay isang pangunahing komponent ng
Batayang Edukasyon sa Edukasyon (BEC) na unang ipinatutupad noong 2002. Ang
katwiran sa pagbuo nito ay nakaangka sa paniniwalang ang isang ideyal o angkop nga
mag-aaral na Pilipino sa isang mabilis na nagbabagong daigdig ay kailangang
makapagpakita ng sariling pananagutan para sa kanyang panghabambuhay na
pagkatuto, kahusayan sa pagtuklas kung paano matuto, magkaroon ng taglay na mga
kasanayan para makapamuhay, at maging isang ganap na mamamayang Makabayan
(patrioltic), makatao (humanity), makakalikasan (respect of nature), at maka-Diyos
(Godly). Sa narerestrukturang kurikulum noong 2002, binigyang-diin ng ibayong pansin
ang paglinang ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
pagpapahalaga at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mga mag-aaral (multiple
intelligences).

Ano ang sinasabi ng kurikulum tungkol sa pagtuturo ng Filipino? Ito ang


isinasaad:
Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan sa paraang
pasalita at pasulat. Nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang
impormasyon at mensaheng pinakikinggan at binabas para sa kapakinabangang
pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ano ang layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementarya?


4
Layunin na linangin ang apat na makrong kasanayang pangwika. Ito ay ang
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat gayundin ang kasanayan sa pagtingin
(viewing) at pag-iisip (thinking) sa baaitang 1-1V. Ang pagtingin ay isang proseso para
sa isang mapanuring pagtanaw sa ilang impormasyon biswal gaya ng pelikula,
programang pantelebisyon, video at iba pa. Mas kilala ito sa tawag sa ngayon na
panonood. Ang mga kasanayang ito ay lilinangin gamit ang mga awtentikong konteksto
ng komunikasyon, sa tulong ng iba’t ibang kagamitang panturo tungo sa pagkakaroon
ng masteri o lubusang pagkatuto.

Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino para sa baitang 1-111 ng


walumpung minuto (80 minutes) mula sa dating anim na pung minuto (60 minutes)
upang magkaroon ang mga mag-aaral ng sapat na panahon sa pag-unawa ng bawat
aralin at makapagsanay ng mga barayti ng mga tekstong piksyon at di piksyon sa mga
Gawain sa pagbasa at pag-unawa. Tiniyak din sa kurikulum ang inaasahang bunga sa
pag-aaral ng Filipino sa bawat baiting. Inisa-isa ang mga layunin sa pagtuturo ng
Filipino sa elementarya ayon sa bawat baitang nito. Ito ang mga sumusunod:

Baitang 1- Pagkatapos ng unang baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. Nabibigkas ang tunog ng mga titik ng alpabeto at mga simpleng salita.


b. Nagagamit ang magagalang na pananalita at nakasusunod sa maikling panuto o
direksyon.
c. Nakababasa ng bagong salita, payak na pangungusap at maikling babasahin.
d. Naisusulat ang sariling pangalan at mga payak na pangungusap nang maayos at
may wastong bantas.

Baitang 2- Pagkatapos ng ikalawang baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng kwento o saknong ng tula.
b. Nakababasa ng wastong pagtitipon ng salita.
c. Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay o pook.
d. Nagagamit ang mga salitang-kilos sa mga pahayag at nakabubuo ng mga
pangungusap ayon sa gamit.
e. Nakasusulat nang kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.

Baitang 3- Pagkatapos ng ikatlong baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang:


5
a. Nakauunawa at nakasasagot ng mga tanong tungkol sa binasang teksto.
b. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga hiram na salita, babala at patalastas.
c. Nasasabi ang pagkakaiba ng opinion sa katotohanan.
d. Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa pangungusap, usapan at
sitwasyon.
e. Naisusulat ang mga idiniktang patalastas, anunsyo, poster, liham at iba pang
teksto.

Baitang 4- Pagkatapos ng ikaapat na baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa impormasyon o
kwentong narinig.
b. Nakapagbibigay ng reaksyon at nakalalahok sa iba’t ibang talakayan, gumamit
ng matatalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di tuwiran.
c. Napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon
d. Natutukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay ng sanhi at bunga.
e. Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa pangungusap, pahayag, usapan at
sitwasyon.

Baitang 5- Pagkatapos ng ikalimang baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakapagbibigay ng sariling reaksyon, palagay o hinuha sa binasang teksto at
nakabubuo ng napakinggan at nabasa.
b. Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita, mga pahayag o usapan at mga
sitwasyon.
c. Nakagagamit ng diksyunaryo, tisawrus at iba pang sanggunian sa paghahanap
ng impormasyon.
d. Nakasusulat ng balita, biro, anekdota, patalastas, poster at sulatin na may 15-20
pangungusap.

Baitang 6- Pagkatapos ng ikaanim na baitang ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakauunawa sa napakinggang teksto at nailalapat ang impormasyon tungo sa
iba pang anyo ng pagpapahayag.
b. Nagagamit ng iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag.
c. Nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga
natutuhang kaalaman sa anumang sitwasyon.
d. Nagagamit nang wasto ang mga sangguniang-aklat ati iba pa.
6
e. Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad at
nangangatwiran ayon sa mga isyu o paksang napapanahon, pictorial essay sa
tulong ng mga ideya/talatang binuo ng klase.

1.4. Pamantayang Literasi sa Kurikulum ng Filipino sa Elementarya

Nakapaloob din sa kurikulum ng elementarya ang mga pamantayan sa


elementari sa apat na makrong kasanayan tulad ng mga sumusunod:

Pamantayan 1- PAKIKINIG
a. Kahandaan sa Pakikinig- pagkatapos ng ikatlong baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang maipapakita ang kasanayan sa pagsunod sa wastong pamantayan
sa pakikinig upang maproseso nang Mabuti ang mga ideyang napakinggan.
b. Mahusay na Pakikinig- pagkatapos ng ikaanim na baitang, inaasahang
maipamalas ng mga mag-aaral ang kahusayan sa pakikinig upang ganap na
maunawaan at maproseso ang diskurso o tekstong napakinggan.
c. Mapanuring Pakikinig- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang magagamit ang kasanayan sa pagsusuri ng mga tekstong
napakinggan upang mai-transcode ang mga ito tungo sa iba pang anyo ng
pagpapahayag at nagagamit sa epektibong pakikipagtalastasan.

Pamantayan 2- PAGSASALITA
a. Kaangkupan- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makagagamit ng angkop na pananalita at ekspresyon sa iba’t ibang
sitwasyon.
b. Pasalitang Diskurso- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makapagpapamalas ng paggamit ng wika sa pasalitang diskurso.
c. Kawastuhan- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makapagpapakita ng kasanayan sa paggamit ng wika, pasalita o
pasulat man nang may wastong pagbabalarila.
d. Makaaabuluhang Pagpapahayag- pagkatapos ng ikaanim na baitang ang mga
mag-aaral ay inaasahang magagamit ang kasanayan sa makabuluhang
pagpapahayag ng karanasan, damdamin, opinion, paniniwala at kaisipan ng iba.

7
Pamantayan 3- PAGBASA
a. Kahandaan sa Pagbasa- pagkatapos ng unang baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makapagmamalas ng kahandaan sa pagbasa.
b. Panimulang Pagbasa- pagkatapos ng ikatlong baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makababasa ng mga pangungusap at maiikling talata nang may
wastong paglilipon ng mga salita.
c. Talasalitaan- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaaral ay
inaasahang makapagmamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga
salita at magagamit ang ito sa paglalahad ng mga angkop at makabuluhang
konteksto.
d. Pang-unawa- pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang magkaroon ng malawak na pag-unawa sa tekstong binasa at
magagamit ito upang maunawaan ang sarili, ibang tao, daigdig sa tulong ng mga
tekstong naratibo at ekspositori.

Pamantayan 4- PAGSULAT
a. Kahandaan sa Pagsulat- pagkatapos ng ikatlong baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makasusulat nang maayos at malinaw nang palimbag at kabit-kabit
gamit ang wastong bantas.
b. Panimulang Pagsulat- pagkatapos ng ikatlong baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makasusulat nang maayos at malinaw ng iba’t ibang diskurso.
c. Maunlad na Pagsulat- pagkatapos ng ikaanim na baitang, inaasahang ang mga
mag-aaral ay magagawang mailahad ang kanilang malayang ideya sa pormal o
di pormal na komposisyon para matugunan ang kanilang layunin sa pagsulat.
(Deped- BEE, 2007)

Mga Gawain:
Gawin ito sa hiwalay na papel

I. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1.Mahigit nang tatlong dekada ang implementasyon ng edukasyong bilinggwal at


inaasahang patungo ang bayan sa pagtatamo ng edukasyong may kalidad sa
pamamagitan ng dalawang wika, ang Filipino at Ingles. Nakaabot ba kaya ang mga
8
institusyon sa paglinang ng mga mag-aaral na may parehong kasanayan sa paggamit
ng Filipino at Ingles? Pangatwiranan ang sagot at magbigay ng mga patunay kung
kinakailangan. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Magbigay ng isang halimbawa ng gawain o serye ng magkakaugnay na mga Gawain
na magsasangkot sa mga mag-aaral sa paggamit ng tatlo o apat na kaparaanan ng
wika at ipaliwanag ito.(10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga batayang literasi sa kurikulum? Bigyang-diin ang bawat isa. Alin sa
mga ito ang kumakatawan sa uri ng pagtuturong pangwika na iyong nararanasan noong
ikaw ay nasa elementarya? (10 pts.)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

II. Bigyang-kahulugan ang sumusunod:

a. Patakarang Edukasyong Bilinggwal (5 pts.)


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

b. Kurikulum (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ARALIN 2: METODOLOHIYA AT ANG PAGTUTURO NG WIKA

Panimula
Saang anggulo ba dapat tingnan ang salitang metodolohiya upang lubos itong
mauunawaan at tuluyang mailipat para sa isang kawili-wili at makabuluhang pagtuturo?
May naisip ka bang sagot? Sa puntong ito, hayaan ninyong hiramin natin ang ideya ni
Diane Larsen-Freeman (1987) kung paano masisipat nang malinaw ang kaisipan ng
terminong metodolohiya. Ayon kay Larsen-Freeman, maaaring tanawin ang
9
metodolohiya bilang isang tatsulok na ang bawat anggulo nito ay kumakatawan sa
isang batayang lawak sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Ito ang una ninyong matatanto sa pagtalakay. Ngunit bago ang ating talakayan
ay sisipatin muna natin ang ating patutunguang layunin.

Layunin
1.Naipaliliwanag ang kaibahan ng bawat metodo na kadalasang ginagamit sa
pagtuturo ng wika
2.Nakapagdedesinyo ng mga kagamitan, gamit ang mga metodo na may
kaugnayan sa pagtuturo
3. Nakapagsasagawa ng isang pananaliksik sa iba’t ibang metodo

Pagtalakay
Bigyang pansin natin muna ang mga sumusunod na anggulo: Ang unang
anggulo ay maaaring tawaging pagkatuto ng wika/mag-aaral ng wika. Ang mga tanong
na maaaring tugunin mula sa perspektibong ito ay: ano ang kalikasan ng
pagtatamo/proseso ng pagkatuto ng wika? Sino ang gumagawa ng pagtuturo? At ano-
anong mga salik ang nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral sa pagkatuto?
Ang ikalawang anggulo ay tungkol sa paksang aralin na ating ituturo. Ito ay
tutugon sa tanong na may kaugnayan sa: Ano ang kalikasan ng wika? Ano ang
kaugnayan ng kultura sa wikang ituturo?
Ang ikatlong anggulo ay sumasalaw sa pananalig na ang pagtuturo ng wika ay
isang proseso at ang tungkulin ng guro bilang tagapanguna sa pagpoproseso ng
pagkatuto. Masasalamin ito nang malinaw sa mga kasagutan sa itinalagang mga
tanong sa naunang dalawang anggulo. Kailangang isaalang-alang ang bawat isa sa
tatlong perspektibo upang makuro nang buo at malinaw ang konsepto ng terminong
metodolohiya.

2.1. Dulog, Pamamaraan at Teknik


Nagbigay si Edward Anthony (1963) ng isangmagandang depinisyon ng
pamamaraan na tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon. Ang
kanyang konsepto ng pamamaraan ay ikalawa sa tatlong herarkiya ng mga elemento,
ang dulog, pamamaraan, at Teknik. Ayon kay Anthony, ang Dulog ay isang set ng mga
pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Ang Pamamaraan
ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at
10
batay ito sa isang dulog. Ang Teknik ay mga tiyak na gawain na malinaw na makikita
sa pagtuturo at konsestent sa isang pamamaraan at katugong dulog. Alinman sa mga
gamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga
layunin ng isang aralin.
Ang mga katagang ito ni Anthony ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Halimbawa ang isang guro sa antas o lebel ng dulog ay naninindigan sa kahalagahan
ng pagiging relaks ang isipan sa pag-aaral ay maaaring gumamit ng pamaraang
suggestopedia. Ang Teknik na gagamitin ay maaaring pagpaparinig ng mga musikang
Baroque habang nagbabasa ng isang tula o di kaya’y pag-upong nasa posisyong yoga
habang nakikinig sa isang pahayag.

2.2. Pabagu-bagong Hihip ng Hangin…Palipat-lipat na Pananaw


Ayon kay Marckwardt (1972:5) ang pabago-bagong hihip ng hangin at palipat-
lipat na pananaw ay isang hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong
pamamaraan tuwing ikaapat na hati ng isang siglo. Ang bawat bagong pamamaraan
tuwing ikaapat na hati ng siglo. Ang bawat bagong pamamaraan ay paghuhulagpos sa
luma ngunit dala nito ang mga positibong aspekto ng dating pamaraan. Isang
magandang halimbawa ng pagbabagong ito ay makikita sa Audio Lingual Method
(ALM) sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Ang ALM ay nanghiram ng ilang simulain sa
sinundan nitong Direct Method na kumawala naman sa pamaraang Grammar
Translation Method.

Ang mga sumusunod ay isang senaryo ng pabago-bagong hihip ng hangin at


palipat-lipat na pananaw sa pagtuturo ng wika nitong mga nakaraang dekada.

I. Pamamaraang Gramar Translasyon (Pamamaraang Klasiko)


Ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga
talasalitaan at iba’t ibang implikasyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin at
maraming pagsasanay.

a. Mithiin (Goal)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target na wika.
b. Mga Katangian

11
1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na
wika.
2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
3. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang
pakikinig at pagsasalita.
4. Pabuod na itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan, at
pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay at pagsasalin.
5. Ang pagbabasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi
isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.
6. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa
pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.

II. Ang Series Method


Ang Series Method ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na
wika ay itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng magkakaugnay na
pangungusap ay inilahad sa isang konsepto na madaling mauunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwanag sat untuning balarila bagama’t maaaring mayroong kayariang
balarila na nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin. Ang pamamaraang
ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga
pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling maintindihan.

Halimbawa:
1.Papunta ako sa pintuan.
2. Papalapit na ako sa pintuan.
3. Nasa may pintuan na Ako.
4. Huminto ako sa may Pintuan.
5. Inabot ko ang door knob.
6. Inikot ko ang door knob.
7. Binuksan ko ang pinto.
8. Itinulak ko ang pinto.
9. Gumalaw ang pinto.
10. Bumukas ang pinto.
11. Binitiwan ko na ang door knob.

12
Ang labing-isang pangungusap sa itaas ay nagtataglay ng mga katangiang
pambalarila na maaaring mahirap maipaliwanag. Subalit ang ganitong uri ng pagtuturo
ay matagumpay na magamit ni Gouin. Datapawat hindi ito nagtatagal at nalukuban ito
ng popular na Direct Method ni Berlitz.
Ang ilang halimbawa sa itaas ay mga serye ng mga magkakaugnay na
pangungusap na madaling maunawaan ng mga mag-aaral. Maaaring magbigay kayo
ng ilan pang halimbawa ng pangungusap na magpapakita ng serye.

III. Ang Pamamaraang Direct


Pangunahing saligan ng Pamamaraang Direct ang Series Method ni Gouin. Ito ay
nananalig sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din
ng pag-aangkin ng unang wika, may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika,
walang pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika at halos walang pagsusuri
sa mga tuntuning pambalarila.

Ang mga sumusunod ay lagon ng mga simulain sa paraang Direct (Richard at


Rogers, 1986:9-10).
1. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang itinuturo.
2. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
3. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa pamamagitan ng palitang tanong
at sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral.
4. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
5. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at
pagsasanay.
6. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na
bagay at mga larawan samantalang ang mga abstraktong bokabularyo ay
itinuturo sa pag-uugnaynng mga ideya.
7. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
8. Binibigyang-diin ang wastong pagbigkas at balarila.

IV. Ang Pamamaraang Audio-Lingual (ALM)


Ang pamamarang ito ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistika.
Nakatala sa ibaba ang mga pangunahing katangian ng ALM (halaw kina Prator at
Celce-Murcia, 1979).

13
1. Inilalahad sa pamamagitan ng diyalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng
mga parirala, at paulit-ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na
pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga
tuntuning balarila ay itinuturo sa tulong ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit
sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa
language labs at mga pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong sa pagsasanay ay agad na
pinagtitibay.
9. Sinisikap ng guro na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang
kamalian.

Naging ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang panahon, subalit


naglaho rin ang popularidad nito noong 1964 sa pamumuno ni Wilga Rivers.
Pinatunayan ni Rivers at mga kasama na ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa
pamamagitan ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali ay bahagi ng
pagkatuto at hindi itinakda ang wikang dapat matutuhan. Katulad ng ibang paraaan,
Malaki ang natutuhan natin sa mga kahinaan ng Audio Lingual Method.

V. Ang Designer Method ng Dekada ‘70


Ang dekada ’70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa
dalawang kadahilanan: (1) sumigla ang mga pagkatuto ng wika sa loob at labas ng
klasrum at (2) nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga rebolusyonaryong
paraan sa pagtuturo. Ang mga designer methods (Nunan, 1989) ay ibinahagi sa
maraming guro bilang pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik
pangwika. Ang mga sumusunod ay limang (5) pangunahing pamaraan noong dekada
’70.

I). Ang Community Language Learning

14
Ang pamamaraang ito ay isang klasikong halimbawa ng pamaran na batay sa
demeyn na pandamdamin (affective domain). Sa pamamaraang ito ang pagkabahala ay
nababawasan dahil sa ang klase ay isang komunidad ng mag-aaral na laging nag-
aalalayan sa bawat sandal ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo
at laging handa sa anumang pangangailangan ng mag-aaral. Naiiwasan ang anumang
pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag-aaral. Ang
pamamaraang ito ay ekstensyon ng modelong counseling-learning ni Charles A. Curran
na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng kaukulang pagpapayo.

Ganito halos isinasagawa ang isang pagkaklase na gumagamit ng pamamaraang


CLL. Bumuo ng isang maliit na bilog at nakaupo ang mga mag-aaral. Ang titser ay
nasa labas ng bilog. Kung may gustong sabihin ang isang mag-aaral sa grupo o sa
isang kasamahan, sasabihin niya ito sa kanyang unang wika at isasalin ito ng guro sa
target na wika (halimbawa sa Ilonggo). Uulitin ng mag-aaral ang salin at gagawin din
ito ng lahat ng kasama sa pangkat.
Iteteyp ang isinagawang usapan sa target na wika upang mapakinggan ng
pangkat at makakuha sila ng ilang impormasyon tungkol sa wikang pinag-aaralan.
Maaaring magbigay ng kaukulang direksyon ang guro upang maipaliwanag niya ang
ilang mahalagang tuntuning pambalarila.

Mga Katangian ng Community Language Learning

1. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas, at bokabularyo ayon sa


pangangailangan. Binibigyang-diin ang pagkakaunawa at pagsasalita.
2. Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang mga aspekto ng kultura.
3. Wala itong tiyak na pagtataya. Ginagamit ang mga integratibong pagsusulit
kaysa sa mga obhektibono tiyak.
4. Hinihikaya’t din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang
kanilang pag-unlad.

2). Ang suggestopedia


Ang pamamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), isang
sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magposeso ng malaking
dami ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa
ng isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lahat sa guro ang maaaring maganap sa
15
pagkaklase. Mahalaga sa pamamaraang ito ang musika na tinaguriang Baroque na
may 60 kumpas bawat minuto at may tanging indayog na lumilikha ng isang “relaks na
kapaligiran” at nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa inaasahan. Ayon kay
Lozanov, habang nakikinig ang isang mag-aaral sa musikang Baroque, nagagawa
niyang makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng alpha brain
waves at pagbaba ng presyon ng dugo at pulso.

Ang pamamaraang ito ay halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba
ay isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang
kalooban ng bawat mag-aaral at ralaks ang kanilang isipan.

Mga Katangian
1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral
na maging panatag ang kalooban.
2. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may
maririnig na mahinang tugtugin.
3. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay
nang komprehensibo.
4. Napalilinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong
wika.
5. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension:(1) ang may kamalayan
(conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at (2) ang
kawalang-kamalayan (sub-conscious) kung saan ang musikang maririnig ay
nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
6. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at dula.
7. Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na
pagsubok na ibinigay.

3). Ang Silent Way


Ang Silent Way ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagtuklas kung
ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno,1972). Inilahad nina
Richard at Rogers (1986) ng isang lagom hinggil sa teorya ng pagkatuto na
pinagbatayan ng Silent Way.

16
a. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng mga
sariling Gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano
ang natutuhan.
b. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga
bagay na nkikita at nahahawakan ng mga mag-aaral.
c. Napadadali ang pagkatuto sa pamamgitan ng mga araling kinapapalooban ng
mga gawain na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso


ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan,
nananatiling tahimik ang guro kaya ito ay tinatawag na Silent Way. Kinakailangang
paglabanan ng guro ang pagtulong sa sandaling humihingi ng tulong ang mga mag-
aaral at kung maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng solusyon sa isang
suliranin ang buong klase. Karaniwang ginagamit sa klasrum na Silent Way ang
Cuisinere Rods- mga kahoy na may iba’t ibang kulay at haba at serye ng mga
makukulay na tsart. Ang cuisinere rod ay ginagamit sa paglinang ng talasalitaan (mga
kulay, bilang, pang-uri {maikli, mahaba at iba pa} mga pandiwa {kunin, ibigay,damputin,
ilagay} at sintaks {panahunan, paghahambing, pagpaparami, ayos ng mga salita, at iba
pa}. Sa pagkaklaseng
tulad nito, kaunti lamang ang mga pampasiglang salita, parirala, at mga pangungusap
ang ibinibigay ng guro at hinahayaan niya ang klase na palinawin ang sariling pang-
unawa at pagbigkas sa aralin at kung magbibigay man ng pagwawasto ito ay bahagya
lamang. Ang mga tsart naman ay ginagamit sa paglalahad ng mga modelo sa
pagbigkas, estruktura ng wika at iba pa.
May kahirapan ang pamamaraang ito lalo’t higit sa mga mahihinang mag-aaral.
May mga aspekto sa pag-aaral na kailangang ipinaliliwanag sa mga mag-aaral upang
hindi na sila mag-aksaya ng oras sa pagtuklas kung paano ang pagkatuto nito. Sa
kabilang dako, makabuluhan naman ang simulating pinagbatayan ng pamaraang ito,
hindi dapat ibigay ang lahat sa mga mag-aaral, hayaan silang mag-isip at tumuklas
kung ano ang nararapat na matutuhan. Mas epektibo ito para sa kanilang pagkatuto.

Mga Katangian
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral
ang sarili nilang pagkatuto.

17
2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at
pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay hudyat,
pinapayagan ang interaksyong mag-aaral-mag-aaral.
3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na
pinagmumulan ng kaalaman ng mag-aaral.

4). Ang Total Physical Response (TPR)


Ang total physical response ay dinebelop ni John Asher (1977) at ang interes
niya ay nagsimula pa noong 1960 subalit naging bukambibig lamang ang
pamamaraang ito pagkaraan ng humigit-kumulang isang dekada. Ang pamamaraang
ito ay humango ng ilang kaisipan sa series method ni Gouin na nagsabi na ang
pagkatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aaralan.
Pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang trace theory ng pagkatuto na
nagsasaad na ang pag-alaala ay napabibilis kung may kaugnay na pagkilos ang pag-
aaral. Ang kaisipang ito ang pinagbatayan ni Asher sa kanyang pamaraang TPR.
Nininiwala pa rin siya na ang isang klasrum sa wika ay hindi dapat kabakasan ng
pagkabahala at ang mga mag-aaral ay masisigla at nagagawa ang gustong gawin sa
ilalim ng mabuting pamamatnubay ng guro. Ang isang tipikal na TPR na pamaraan ay
gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ang mga pag-uutos ay
payak at madaling isagawa. Ito ay mabisang paraan upang ang mga mag-aaral ay
kumilos at gumalaw nang may kawilihan. Halimbawa: Isara mo ang
bintana.Umupo,Tumayo, Kunin mo ang libro, Ibigay ito kay Andrew, at iba pa. Hindi
kailangan sa ganitong gawain ang mga pasalitang sagot. Maaari ring gamitin ang mga
kompleks na kayarian ng pangungusap na nag-uutos kung saan ang kasiyahan sa
klase at sa may mga gawain ay natural na mararanasan ng mga mag-aaral.
Halimbawa: Lumakad nang marahan sa may pintuan at hawakan ang pinto. Gumuhit ng
isang rektanggulo sa pisara. Pumunta sa may bintana at lumundag. Ibigay ang iyong
sepilyo sa loob ng iyong bag. Madali ring maipaunawa ang mga tanong gaya ng mga
sumusunod:
Nasaan ang libro? Sino si Binz? (nakaturo ang mga mag-aaral sa libro o kay Binz).
Sa ganitong paraan, magiging relaks ang mga mag-aaral at magkakalakas-loob sila na
maibigay ang sagot sa anumang tanong o di kaya’y sila ang magtatanong.

18
Mga Katangian
1. Nagsisimula ang mga aralin da pamamagitan ng mg autos mula sa guro na
isinasagawa ng mga mag-aaral.
2. May interaksyong guro sa mag-aaral o mag-aaral sa mag-aaral; nagsasalita ang
guro, tumutugon ang mga mag-aaral, nagbibigay sila ng mungkahi sa mga
kapwa mag-aaral sa pamamatnubay ng guro.
3. Binibigyang-diin ang komunikasyong pasalita; isinasaalang-alang ang kultura ng
mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
4. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga
kilos.
5. Inaasahang magkakamali ang mga mag-aaral sa pagsisimula nilang magsalita;
mga kamaliang global lamang ang iwawasto.

5). Ang Natural Approach


Ang mga teorya ni Stephine Krahen (1992,1991) hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika ay naging mainit na isyu nang mahabang panahon. At ang
pinakatampok na bunga ng mga pananaw ni Krashen ay ang pamamaraang Natural
Aprots na dinebelop ni Tracy Terrel, isang kasamahan ni Krashen. Naninniwala sina
Krashen at Terrel na kailangang komportable at relaks ang mga mag-aaral sa isang
klasrum pangwika. Nakikita rin nila ang pagsasaisang-tabi muna ng pagsasalita sa
wikang pinag-aaralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intension at
pagkukusa sa pagsasalita. Kailangang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa
komunikasyon upang ang pagtatamo ay maganap. Sa katunayan, ginagamit sa
pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung
saan mahalaga ang mga comprehensible input upang mapasigla ang pagtatamo ng
wika. Nilalayon ng Natural Aprots na malinang ang mga personal na batayang
kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw
na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radio at iba pa. Ang unang
gawain ng guro sa pamamaraang ito ay maglaan ng mga comprehensible input o iyong
sinasalitang wika na nauunawaan ng mag-aaral o di kaya’y iyong mataas ng kaunti sa
kanilang lebel ng pagsasalita at pag-unawa. Hindi kinakailangang magsalita ang mag-
aaral sa yugtong ito ng silent period hanggang sa panahong maramdaman nilang may
kahandaan na sila. Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t ibang
kawili-wiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan, at
pangkatang gawain.
19
Ayon kina Krashen at Terrel, sa Natural Aprots, ang mag-aaral ay dumaraan sa
tatlong yugto ng pagkatuto: 1) ang yugtong preproduction kung saan nililinang ang
mga kasanayan sa pakikinig, (2) ang yugtong early production na kakikitaan ng mga
pagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa paggamit ng wika. Ang mensahe
ang pokus ng guro at hindi ang anyo ng wika kaya nga halos hindi iwinawasto ang mga
kamalian maliban doon sa mga pagkakamali na makahahadlang sap ag-unawa (gross
error), 3) ang huling yugto ay ang extension of production na mahahabang diskurso
at nakapaloon dito ang mga mas mahihirap na laro, role play, diyalogo, talakayan, at
pangkatang gawain. Dahil layunin sa yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita,
inaasahang mangilan-ngilan lamang o kaunti lamang ang mga pagwawasto sa
kamalian. Katulad ng ibang pamamaraan, marami ring kahinaan ang natural aprots
gaya ng silent period (pag-antala ng oral production) at ang pagbibigay nito ng ibayong
diin sa comprehensible input. Binigyan tayo ng pagkakataong masilayan ang limang
designer methods ng dekada ’70. Nawa ay maging batayan ang pamamaraang ito
upang matuto tayong pumili, magtimbang upang maiangkop ang ito sa iba’t ibang
konteksto. Tungkulin natin bilang guro na pumili ng pinakamagaling na mga pamaraan
mula sa mga sinuri at pinag-araln ng mga eksperto sa larangan ng pagtuturo ng wika.
Sikapin ding maiangkop ang mga kabatirang ito sa sarili mong kaligiran. Sa kalaunan,
tinataya na ang iyong kabatiran katulad ng sariling intwisyon ay maaaring maging
bahagi ng iyong sariling dulog da pagtuturo na batay sa mga simulain.

Mga Gawain:
Sagutin ang mga gawaing ito sa hiwalay na sulating papel.

I. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Balikan ang tatsulok na iminungkahi ni Diane Larsen-Freeman(1987) upang
masipat nang malinaw ang kaisipan hinggil sa metodolohiya sa pagtuturo nang
wika. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa bawat anggulo. Sumasang-ayon
ka bas a kaisipang ito? Pangatwiranan. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang pamaraan ayon kay Anthony (1963)? Ano ang kanyang konsepto ng
pamaraan? Ano ang pagkakaiba/pagkakatulad kung mayroon man ang kanyang

20
teorya sa kaisipang inilahad ni Diane Larsen-Freeman? Maglahad ng mga
patunay. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Talakayin muli ang limang designer na mga pamamaraan. Magpangkat ang mga
mag-aaral sa lima at pumili ng isang pamamaran ang bawat pangkat.
Tatalakayin ng bawat pangkat ang kabutihan at kahinaan ng bawat pamaraan at
ipagtanggol kung bakit ito mas nakahihigit sa iba. Tiyaking may mga
pinanaligang bataayan ang gagawing pagtatanggol. (10 pts)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Kung ang dulog ay set ng mga teorya at simulain kung saan nakahahango ng
paraan o metodo, maaari bang makabuo ng dalawang magkaibang paraan o
metodo mula sa isang dulog? Ipaliwanag ng puspusan at magbigay ng mga
patunay o obserbasyon ng mga klase.(10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Gumawa ng isang masusing pagbabasa at pananaliksik hinggil sa mga


metodong ilalahad sa ibaba. Maaaring ang iba ay hindi tinalakay kaya nararapat
na gumawa kayo ng ibayong pananaliksik. Talakayin ang bawat isa ayon sa
sumusunod na puntos.
A) Dulog: Teorya ng Wika at Pagkatuto (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
B) Mga Layunin (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
C) Silabu (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
D) Mga Gawain sa Pagkatuto (5 pts.)
21
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
E) Tungkulin ng Mag-aaral (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
F) Tungkulin ng Guro (5 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

G) Mga Kagamitang Panturo (5 pts.)


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ARALIN 3: PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO

Panimula
Tatalakayin sa araling ito ang mga kagamitan sa pagtuturo na karaniwang
inihanhanda ng isang guro sa kanyang pagtuturo. Ang mga pagpaplano o paghahanda
sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at estilo ng isang guro. Mahalaga ang
pagpaplano at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng guro. Bago pumasok sa klasrum
ang isang guro ay taglay na niya ang mga ideya kung paano turuan ang kanyang klase.
Kaya lang ang proseso ng pagpaplano at pagbabalak ng mga gawain sa pagtuturo ay
nagkakaiba-iba ayon sa oryentasyon at paniniwala ng isang guro. Bawat guro ay may
sariling paniniwala kung paano ang mabisa at epektibong pagbabahagi ng pagkatuto.
May mga pagpaplano komprehensibo dahil nakatala ang mga Gawain ditto mula sa
pinakamalaki hanggang sa kaliit-liitang detalye.

Layunin
1.Nakabubuo ng mga kagamitang angkop gamitin sa pagtuturo ng wika
2.Nakapagpapakita ng isang aktwal na pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng
Birtwal na paraan

Pagtalakay

22
Ang anumang bagay na gjnagamit bilang pantulong sa pagtuturo at pagkatuto
ay maituturing na kagamitang pampagtuturo. Inilalahad ito sa mga sumusunod:

3.1. Ang Banghay at Balangkas ng Pagtuturo


Ito ay balangkas ng gawain ng guro sa araw-araw bilang patnubay niya sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagtuturo para sa ikatatamo ng mga inaasahang
bunga.

Kadalasan ang balangkas ng banghay ng pagtuturo ay apat o limang


mahahalagang bahagi ayon sa DECS Memo. Blg. 104, s. 1984- DepEd na sa
kasalukuyan). Ito ay ang mga sumusunod:

I.Mga Layunin o Inaasahang Bunga


A. Layuning Panlahat
B. Layuning Tiyak
Ang bawat layunin ay batay sa domenyo (domain)
1. Layunining Pangkaisipan- kabilang dito ang pangkaalaman,
pangkabatiran, pag-una at pagsusuri.
2. Layuning Pandamdamin- kabilang dito ang mga saloobin, kawilihan at
pagpapahalaga.
3. Layuning pisikal o sanykomotor- kabilang dito ang mga kasanayang
ginagamitan ng kaalaman sa pagbuo ng mga bagay, at paghawak sa
mga natural na kagamitan. Kasama rin dito ang pagsulat, pagbasa at
pag-aaral ng kursong panghanapbuhay at pantekniko.
Sa pagsulat ng layunin, tiyaking ang ito ay ipinahayag sa pangkagawiang kilos
(behavioral terms) at kailangang ang mga ito ay (a) tiyak (b)naoobserbahan
(c)natatamo o nakakamtan (d)nasusukat).

II. Paksang Aralin


A. Paksa
B. Sanggunian:awtor, pamagat, pahina.
C. Mga Kagamitan o tanaw-dinig tulad ng larawan, tunay na bagay, globo, map at
iba pa.

23
III. Pamamaraan o Estratehiya o Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimula o Paghahada- sakop nito ang: (1) pangganyak, (2) balik-aral, (3) pag-
alis ng sagabal, (4) pagbibigay ng pangganyak na tanong. Ang 3 &4 ay
ipinapasok kung ang aralin ay pagbasa.
B. Paglalahad- upang maging kawili-wili at epektibo ang paglalahad ng bagong
aralin, ang guro ay kailangang maging malikhain sa paggamit ng iba’t ibang
lunsaran sa paglalahad tulad ng mga sumusunod:
1. Paglalahad sa pamamagitan ng kuwento
2. Paglalahad sa pamamagitan ng dula-dulaan o mga diyalogo
3. Paglalahad sa pamamagitan ng tula o tugma
4. Paglalahad sa pamamagitan ng balita o pagbabalita
5. Paglalahad sa pamamagitan ng liham
6. Paglalahad sa pamamagitan ng talaarawan
7. Paglalahad sa pamamagitan ng anunsyo
8. Paglalahad sa pamamagitan ng anunsyo
9. Paglalahad sa pamamagitan ng komiks istrip
10. Paglalahad sa pamamagitan ng laro
11. Paglalahad sa pamamagitan ng awit
12. Paglalahad sa pamamagitan ng pagtatalakay o panayam

C. Pagsasanay- pagbibigay ito ng sapat na gawain pasalita man o pasulat. Ito ay


kinakailangan upang mapag-ibayo ang pagkatuto ng mga mag-aaral at matamo
ang kasanayan sa gawaing inilalahad.

D. Paglalapat o Pagkakapit o Paggamit (application)


Paglalapat- upang mailapat sa tunay na buhay ang leksyong napag-aralan
Pagkakapit- upang maging bahagi ng katauhan ng bata ang leksyong napag-
aralan
Paggamit- upang magamit sa pang-araw-araw na gawaing ang leksyong pinag-
aralan

E. Pagsubok- dito sinusukat ang natutuhan ng mga mag-aaral

F. Takdang aralin- ang itinakda ay maaaring tungkol sa pinag-aaralan o tungkol sa


bagong aralin.
24
IV.Pagpapahalaga- ang bahaging ito ay nauuko sa pagbibigay-halaga sa:
A. Aralin- kung ano ang masasabi ng mga mag-aaral sa aralin na kanilang napag-
aralan.
B. Guro- kung nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang itinurong leksyon sa kanila.
C. Mag-aaral- kung ano ang katangian at isinakilos ng mga mag-aaral habang
inaaral ang leksyon.

V.Kasunduan.
Ito ay iba sa takdang aralin. Ang takdang aralin ay buhat sa guro, samantalang
ang kasunduan ay buhat sa mga mag-aaral. Pinagkakasunduan nila kung ano-ano ang
mga kabutihang kanilang napulot sa kanilang pinag-aralan na dapat pahalagahan at
dapat maisakatuparan sa kanilang pang-araw-araw ng buhay. Ang mga mag-aaral ang
magpupulis sa kani-kanilang sarili at kapwa-mag-aaral upang makasiguro sa ikatutupad
ng pinagkasunduan.

3.2. Mga Kahalagahan ng Banghay Aralin


1. Nakatitipid sa lakas at panahon.
2. Nagiging maayos at sistematiko ang pagtuturo sa halip na padampot-dampot.
3. Naihahanda nang maaga ang mga kagamitan nababalak ng mabuti ang mga
itatanong at mga ipapagawa sa klase.
4. Nagkakaroon ng hangganan ang pagtuturo.
5. Napag-iisipang mabuti ang angkop na pamamaraang dapat gamitin.

3.3. Mga Uri ng Banghay ng Pagtuturo ayon sa Kayarian


May tatlong uri ang araw-araw na banghay ng pagtuturo ayon sa pagkakayari o
pagkakagawa dito. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Masusing Banghay ng Pagtuturo.


Ito ang karaniwang inihahanda ng mga mag-aaral na magiging guro, mga
bagong guro, at mga gurong naatasang magpakitang-turo sapagkat ang lahat ng
mga dapat gawin at dapat itanong ng guro pati na ang dapat gawin at isagot ng
mga mag-aaral ay detalyadong makasulat ditto sa ilalim ng bahaging
pamamaraan na nahahati sa dalawang kolum: Ang Gawaing Guro at Ang
25
Gawaing Mag-aaral. Sa gayon, ang ganitong uri ng banghay ay nagsisilbing
iskrip ng guro sa kanyang paghahanda sa pagtuturo o pakitang-turo.

2. Mala-Masusing Banghay ng Pagtuturo


Sa ganitong uri ng banghay ang mga Gawain na lamang ng guro ang
isinusulat. Hindi na isinasama ang gawaing mag-aaral. Hindi na makikita ang
pamagat na gawaing-guro at gawaing-mag-aaral sapagkat nauunawaan na ang
nakasulat ditto ay mga sunod-sunod na gawaing ipinatutupad ng guro sa klase
kaya’t mas maigsi ito kaysa sa masusing banghay.
3. Maigsing Banghay ng Pagtuturo
Tandaan na ang maigsi, mala-masusi at masusing banghay ay
magkakatulad sa bahagi 1 at II. Nagkakaiba lamang sila sa bahagi III, ang
pamamaraan o estratehiya. Sa maikling banghay sapat ng banggitin sa ilalim ng
pamaraan ang sunod-sunod na hakbang at gawaing isasakatuparan sa bawat
hakbang. Bukod sa pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo, mayroon tayong
tinatawag na long range plan o panghabang panahong banghay ng pagtuturo.
Nangangailangan ito ng maraming sunod-sunod na pagkaklase sa halip na isang
pagkaklase lamang.
Para sa mga gurong mag-aaral, iminumungkahing huwag kaliligtaan ang
mga sumusunod sa paggawa ng pamagat ng kanilang banghay ng Pagtuturo.
a. Uri ng banghay ng pagtuturo
b. Asignatura
c. Baitang/taon/antas ng mga mag-aaral
d. Petsa at oras ng pagtuturo

3.4. Mga Isaalaang-alang sa Pagpaplano


Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaaring kalalabasan
ng pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakaiimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan
ng isang guro na….
Gamitin ang kanyang kaalaman sa:
 Kalikasan ng wika
 Pagkatuto ng wika
 Paano natutuhan ang wika
 Mga salik sa epektibong pagkatuto
26
 Mga sagabal sa pagkatuto
 Mga kagamitan sa pagtuturo
 Mga dulog, pamamaraan at Teknik

Pagtiyak o Pagbuo ng Desisyon tungko sa:


 Ano ang dapat matutuhan
 Gaano ang maaaring matutuhan sa isang tiyak na panahon
 Pag-aayaw-ayaw ng mga episode sa pagtuturo
 Anong gagawin at materyales ang gagamitin at kung saang episode
 Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng pidbak
 Paano tatayain at pahahalagahan ang pagkatuto

Gawain 1:
Panuto: Pumili kayo ng isang teksto mula sa aklat na maging reperesnsya sa pagbuo
ng isang banghay aralin sa pagtuturo ng wika sa elementarya. Kunwari na kayo ay
magpakitang-turo ng isang aralin sa elementarya. Kayo ang magdesisyon kung anong
grado ang iyong napiling turuan. Tiyakin ninyo na magagamit ang wika sa inyong
pagtalakay ng bawat nilalaman.

Gawain 2:
Magpakitang-turo gamit ang Zoom.

BOUD NG KABANATA
Ang Metodolohiya ay isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal kasama
rito ang mga paniniwalang teoritikal at kaugnay na pananaliksik. Ito ay tumutugon din
sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na paano ang pagtuturo. Ang
Silabus ay isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partikular na programang
pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng
mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang
pangwika ng isang tiyak na pangkat ng mga mag-aaral.

Si Francois Gouin, isang pranses na guro ng Latin ay isa sa mga haliging bato
sa pagtuturo ng wika. Siya ay tinaguriang tagapagtatag ng metodolohiya sa pagtuturo
ng wika at naglathala ng isang aklat noong 1880 na may pamagat na The Art of

27
Learning and Studying Foreign Languages.

Ang pagtuklas kung paano ang mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang
habambuhay na proseso. Ito ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay
matatamo lamang pagkatapos ng maraming taong pagsasanay.
Patuloy ang pagsulong at pag-unlad ng disiplina ng pagtuturo ng wika. Palagi
itong naghahanap ng mga tugon sa mga paulit-ulit na tanong tungkol sa kung paano
mabisang maituro at matutuhan ang wika.

Ngayong bahagi ka na ng propesyong ito, hindi maialis na makaranas ka ng


mga pangamba tungkol sa kung anong klaseng guro ma sa darating na panahon.
Maraming pagkakataon upang mapaunlad ang iyong buhay-propesyonal dahil hindi
ka mauubusan ng mga bagong tanong hinggil sa iyong pagtuturo, mga bagong
posibilidad, mga bagong pananaw tungkol sa iyong mag-aaral at mga bagong
pagkilala sa iyong sarili bilang isang guro ng wika. Ang lugod na iyong matatamo sa
propesyong ito nakasalalay sa kasiyahang malaman mo na ang iyong tinuturuan ay
matatas na sa paggamit ng wikang pinag-aralan at ang katotohanang ang kanilang
tagumpay ay bunga ng mga pangyayari na ikaw ang lumikha sa loob ng iyong
klasrum.

EBALWASYON
Gawin ito sa hiwalay sa papel.

I. Piliin ang wastong sagot sa loob ng parihaba.


Napapangalagaan nababasa
Natatalakay nakikilala
Nakapagsasalaysay nakasusuri
Nakapagluluto nakakikilos
Nakasusunod
nakapagpapakita
Nakagagamit

Sa katapusan ng dalawang araw na pagtuturo, ang mga mag-aaral ay dapat nang:


1.__nang maingat sa mga hakbang ayo sa recipe;
28
2.nakakikilala at__ng mabubuting sangkap na kailangan sa ginataang halu-halo.
3.__nang buong ingat ang mga kagamitan sa pagluluto;
4.__ng sipag at tiyaga sa paggawa;
5.__ang sustansiyang dulot ng mga sangkap ng ginataan;
6.__at nasusunod ang mga pamantayan sa pagluluto;
7.__nang ayon sa pamantayang itinakda;
8._ ng magagalang na pananalita;
9.__ang mga pagkaing angkop sa minindal;at
10.__ng ginataan.

II. Isulat ang PK kung ang nasabing layunin ay pangkaisipan, PD kung ito ay
pandamdamin at SM kung ito ay saykomotor.
1. Nakakikilatis sa kaasalan, ugali o kilos ng mga tauhan sa kuwento.
2. Nakapagbibigay mg mga reaksyon tungkol sa mga pangyayaring naganap sa
kwento.
3. Nababasa nang pabigkas ang ilang bahaging nagpapatibay sa katangian ng tauhan.
4. Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa titik ng alpabetong Filipino.
5. Nakapagpapantig ng mga salita.
6. Nakadarama sa mga isinasaloob ng tauhan sa kwento.
7. Nakasusulat ng mga karaniwang salitang banyaga na ginagamitan ng baybay
Filipino.
8. Nakakukuha ng pangkalahatang kabuluhan sa kwentong binasa.
9. Naiuugnay ang binasa sa tunay na buhay o sa sariling karanasan.
10. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa kwentong binasa.
11. Makapagbibigay ng sariling kuro-kuro o palagay tungkol sa pangyayari sa kwento.
12. Makakuha sa mga maaaring gawin ng mga tauhan sa katapusan ng kwento.
13. Makagawian ang wastong paggamit ng mga katagang daw,raw, din, rin.
14. Makapaghanap ng salitang-ugat sa loob ng salita.
15. Makapagluto ng ginataang halu-halo.

IV.Panlinang na Gawain
Maghanda ng isang masusing banghay ng pagtuturo sa anumang asignatura na
may paksang-aralin tungkol sa wika na angkop sa grado ng inyong pagtuturuan sa
hinaharap. Pagkatapos nito, magsanay para sa isang pakitang-turo sa harap ng klase.

29
Ang banghay ng pagtuturong inihanda ay iaabot sa guro bago simulant ang pakitang-
turo.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

SANGGUNIAN
Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino. .
Malabon
City: Mutya Publishing House., Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2019. Filipino Sa Iba’t Ibang Disiplina. Malabon City: Mutya
Publishing House., Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2018. Retorika at Diskurso sa Wikang Filipino. Malabon
City:
Mutya Publishing House., Inc.
Buensuceso, Teresita S. 2006. Masaklaw na Filipino (Filipino 4 sa antas tersyarya).
Quezon City: Rex Book Store.
Edwards, John. 2013. Bilingualism and Multilingualism: Some central concepts in The
Handbook of Bilingualism and Multilingualism (2 nd ed.) edited by Tej K. Bhatia
and William C. Ritchie. United Kindom: Blackwell Publishing, Ltd.
Gonzales, Lydia Fer, et al. 1978. Wika: Tungo sa Pambansang Pagkakinlanlan. Quezon
City: Rex Printing Company, Inc.
Hufana, Nerissa L. 2001. Mga Piling Kuwentong Bayan ng mga Maguindanaon at
Maranao: Isang serye ng mga modyul para sa pagtuturo ng panitikan.
Marawi
City.
Hufana, Nerissa L., et al. 2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City:
Mutya Publishing House., Inc.
Jocano, F.L. 2008. Sulod Society, A study in kinship and social organization of
mountain
30
people of central Panay. The University of the Philippines Press.
Sanchez, Remedios A., et al. 2014. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Intramuros,
Manila: Unlimited Books Library Services & Publishing Inc.

www.//language links.org/onlinepapers/wika
www.bukidnon.gov.ph
www.kms.kalingatambayan.com
http://www.ncip.gov.ph/resources/ethno_detail.php?ethnoid=68
http:/encyclopedia2.thefreedictionary.com/bukidnonprovince”>Bukidnon</aError!Hyper
nk reference not valid.
Readings, http://www.archive.org/details/Bukidnonofmindan46cole

31

You might also like