You are on page 1of 14

Detalyadong Banghay-Aralin sa EPP 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Naipapaliwanag ang kahulugan ng Paglalaba.


Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba sa pamamagitan
ng paghihiwalay ng puti at di-kulay.
Napapahalagahan ang kaalaman sa paglalaba.
II. Paksang Aralin
Paksa: Wastong Paraan ng Paglalaba
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013- EPP5HE

Umunlad sa Paggawa 5 pp. 16-17, Masayang Paggawa Maunlad na


Pamumuhay 5 pp. 17-20
Kagamitan: mga, larawan, kagamitan sa paglalaba
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panalangin

Sa ngalan ng anak, ng ama, ng ispiritu,


santo, amen.

Oh Diyos maraming salamat sa buhay


na ipinagkaloob niyo sa amin.
Gabayan niyo kami sa aming
paaralan, bigyan niyo kami ng lakas at
talino upang maisagawa namin ang
aming mga gawain.

Amen.
Amen.
Pagbati

“Magandang umaga!”

“Magandang Umaga Ma’am___,


Magandang Umaga din sa mga ka-
klase. Mabuhay!”

Balik Aral

“Mga bata, ano ang huli nating


tinalakay?”
“Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa
Pagsasaayos ng sirang kasuotan.”

“Tama, Pagsasaayos ng sirang


kasuotan.”

Pagganyak

(Ipakita ang mga larawan)

“Sino-sino ang naglalaba?

(Itataas ng mga mag-aaral na


naglalaba ang kanilang kanang
kamay.)
“Marunong ba kayong maglaba?”

(Magbibigay ng iba’t-ibang sagot ang


mga mag-aaral.)
“Alam niyo ba ang wastong paraan ng
paglalaba?”
“Opo/Hindi po”

Paglalahad

“Sa araling ito ay matutuhan ninyo ang


wastong paraan ng paglalaba.”

Pagtatalakay

“Bago ang lahat, ano ang ibig-sabihin


ng paglalaba?”

(Magbibigay ng iba’t-ibang sagot ang


mga mag-aaral)
“Magaling!”

(Ilalagay sa pisara ang visual aid na


naglalaman ng ‘Ang Paglalaba ng
Damit’)

(Ipabasa at hingin ang opinyon o


pagkakaintindi ng mga mag-aaral sa
nabasa.)

(Babasahin ang nakasulat sa visual aid)


“Ang damit na may mantsa ay hindi
magandang tignan kaya naman
sabay-sabay nating tuklasin ang iba’t-
ibang klase ng mantsa at kung paano
natin ito matatanggal sa ating mga
damit.”

(Nakikinig ang mga mag-aaral)

(Ilagay ang visual aid ng ‘Pag-alis ng


Mantsa sa Damit’)

(Tatalakayin ng isa-isa ang mga uri ng


mantsa at ipapakita kung paano ito
maalis sa damit.)

“Mga bata alam niyo na ba ngayon


kung paano alisin ang iba’t-ibang uri ng
mantsa sa damit tulad ng dugo,
tsokolate, tinta, chewing gum, putik,
kalawang, mantika, kandila, prutas, ihi
at pintura?”

“Opo!”

Pangkatang Gawain

(Igrupo sa apat ang mga mag-aaral at


ipagawa sa kanila ang Wastong
Paraan ng Paglalaba)

“Ihanda ninyo ang mga kagamitan sa


paglalaba at sundin ang mga hakbang
na ating natutunan.”

(Isasagawa ng mga mag-aaral ang


wastong paraan ng paglalaba)
Paglalahat

“Ano-ano ang wastong paraan sa


paglalaba at pag-aalis ng mantsa?”

(Magbibigay ng iba’t-ibang sagot ang


mga mag-aaral)

IV. Pagtataya

Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang tawag sa proseso ng


pag-alis ng mantsa sa damit?
_____2. Anong uri ng mantsa ang
ginagamitan ng yelo upang maalis?

_____3. Ano ang tinatanggal sa damit


kapag naglalaba?

_____4. Ilang beses dapat banlawan


ang nilabhang damit?

_____5. Ano ang tawag sa ginagamit


upang maalis ang mantsa sa damit?
(Sasagot sa sagutang papel ang mga
mag-aaral)

V. Takdang Aralin

Sundin ang wastong paraan ng


paglalaba at pag-aalis ng mantsa ng
inyong sariling damit. Gawin ito sa
Sabado at Linggo at maghanda ng
ulat tungkol dito.

Inihanda ni:

Mary Belle L. Derraco


Practice Teacher
Detalyadong Banghay-Aralin sa EPP 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Nasusunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.


Naipapakita ang wastong paraan ng tamang pamamalantsa.

Pagpapahalaga: Pagtitipid ng
Kuryente

II. Paksang Aralin


Paksa: Wastong Paraan ng Pamamalantsa
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013- EPP5HE

Umunlad sa Paggawa 5 pp. 20-21, Masayang Paggawa Maunlad na


Pamumuhay 5 pp. 21, Masiglang Pamumuhay pp. 107-108
Kagamitan: mga, larawan, projector
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panalangin

Sa ngalan ng anak, ng ama, ng ispiritu,


santo, amen.

Oh Diyos maraming salamat sa buhay


na ipinagkaloob niyo sa amin.
Gabayan niyo kami sa aming
paaralan, bigyan niyo kami ng lakas at
talino upang maisagawa namin ang
aming mga gawain.

Amen.
Amen.
Pagbati

“Magandang umaga!”

“Magandang Umaga Ma’am___,


Magandang Umaga din sa mga ka-
klase. Mabuhay!”

Balik Aral
“Mga bata, ano ang huli nating
tinalakay?”

“Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa


Wastong Paraan ng Paglalaba.”

“Ano-ano ang mga kagamitan sa


paglalaba?”

“Malalim na Palanggana, Iskoba, Tubig,


Sabon Panlaba, Hanger o sipit.”

“Magaling! Ngayon ay dadako na tayo


sa panibago nating leksyon.”

Pagganyak

(Ipakita ang mga larawan)

“Ano ang mapapansin ninyo sa


larawan?”
“Ang unang larawan ay nagpapakita
ng damit na maraming gusot ang
katabi naman nito ay maayos tignan at
walang gusot.”
“Magaling! Alin dito ang mas mainam
isuot?”
“Mas mainam na isuot ang damit na
walang gusot.”

“Bakit?”
(Magbibigay ng iba’t-ibang sagot ang
mga mag-aaral.)

Paglalahad

“Ang pamamalantsa ay isang paraan


ng pag-aalis sa mga lukot sa damit na
dulot ng paglalaba at bumalik ito sa
dating hugis at anyo.”
(Nakikinig ang mga mag-aaral)
Pagtatalakay

(Ipapakita sa screen ang Mga dapat


ihanda bago mamalantsa. Ipabasa sa
mga mag-aaral at talakayin ng isa-isa)

(Ipapanood ang isang video ng


wastong paraan ng pamamalantsa.)

“Ano ang napansin ninyo sa


napanood?”
“Inuna ng tao sa video na plantsahin
ang kwelyo sa polo, pangalawa ang
manggas ng damit, pangatlo ay ang sa
may balikat banda, pang-apat ay sa
katawan, pang-lima ay sa laylayan ng
damit at huli sa likod ng damit.”

“Inuna na plantsahin ang mga damit na


makakapal ang tela sunod ay ang mga
maninipis ang tela.”

“Tama, sa pamamalantsa may mga


parte ng damit ang dapat na unahin at
may pagkaka sunod-sunod ang
pamamalantsa depende sa kapal o
nipis ng tela.”

Paglalahat

“Sa pamamalantsa mahalaga na


plantsahin ng sabay-sabay ang mga
uniporme at iba pang mga damit
upang makatipid sa kuryente.”

“Bakit nga ba kailangan na plantsahin


natin ang ating mga damit?”
“Kailangan plantsahin ang mga damit
upang maging maayos at malinis
tayong tignan.”

“Magaling!”
IV. Pagtataya

Isulat ang tamang sagot.

A. Anu-ano ang mga kagamitan sa


pamamalantsa?

B. Anu-ano ang mga hakbang na


dapat sundin sa wastong
pamamalantsa?

V. Takdang Aralin

Gamitin ang natutuhang paraan ng


pamamalantsa ng damit. Gawin ito sa
Sabado o Linggo at magpakuha ng
litrato. Ipasa ito sa Lunes.

Inihanda ni:

Mary Belle L. Derraco


Practice Teacher
Detalyadong Banghay-Aralin sa EPP 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Naipapaliwanag ang epekto ng wastong pag tayo, pag-upo at


paglalakad sa katawan.
Naipapakita ang maayos na pag-upo, pagtayo, at paglalakad,
wastong pananamit at magalang na pananalita.

Pagpapahalaga: Magalang na
pakikipag-usap sa kapwa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapanatiling Maayos ang Sariling Tindig
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013- EPP5HE

Masayang Paggawa Maunlad na Pamumuhay 5 pp. 21, Masiglang


Pamumuhay pp. 113-118
Kagamitan: mga larawan, projector, laptop
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panalangin

Sa ngalan ng anak, ng ama, ng ispiritu,


santo, amen.

Oh Diyos maraming salamat sa buhay


na ipinagkaloob niyo sa amin.
Gabayan niyo kami sa aming
paaralan, bigyan niyo kami ng lakas at
talino upang maisagawa namin ang
aming mga gawain.

Amen.
Amen.
Pagbati

“Magandang umaga!”

“Magandang Umaga Ma’am___,


Magandang Umaga din sa mga ka-
klase. Mabuhay!”
Balik Aral

“Mga bata, ano ang huli nating


tinalakay?”

“Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa


Wastong paraan ng pamamalantsa.”

“Tama! Bakit natin kailangan na


plantsahin ang ating damit?.”

“Kailangan natin plantsahin ang ating


mga damit upang maging kaaya-aya
itong tignan.”

“Magaling!”

Pagganyak

(Ipakita ang mga larawan)

“Tignan ninyo ang larawan.


Pagmasdan ninyo ang kanilang mga
tindig.”
(Oobserbahan ng mga mag-aaral ang
larawan)

“Ano ang kanilang pagkakapareho?”

“Parehong nakatayo ang mga tao sa


larawan.”

“Nadadala ba nila ang kanilang sarili


nang maayos?”

“Opo.”

“Ano ang napansin ninyo sa kanilang


tayo o tindig?”

“Napansin ko na maayos at tuwid ang


kanilang mga tindig.”
Paglalahad

“Ang maayos na pagtindig ay ang


pagtayo, paglalakad, at pag-upo
nang tuwid nang may tikas. Ito ay
madaling makamtan kung sinasanay
ang katawan sa maayos na posisyon
habang nakaupo, nakahiga, o
naglalakad man.”

(Nakikinig ang mga mag-aaral)


Pagtatalakay

(Ipakita sa pamamagitan ng projector


ang mga dapat na gawin upang
makamit ang maganda at kaaya-
ayang tindig.) (Babasahin ang nakasulat sa visual aid)

“Kailangan natin sanayin ang ating


mga buto na tumayo, umupo at
maglakad ng tuwid. Anong tawag sa
sakit na maari nating makuha kapag
hindi natin sinanay ang ating katawan
sa wastong postura?”
“Osteoporosis po Ma’am.”

“Magaling! Osteoporosis.”

Pangkatang Gawain

(Igrupo sa apat ang mga mag-aaral at


magpa mini-fashion show kung saan
maipapakita nila ang wastong paraan
ng paglalakad, pagtayo at pag-upo)

(Isasagawa ng mga mag-aaral ang


Paglalahat mini-fashion show)

“Bakit mahalaga na mapanatili natin


ang wastong postura ng ating
katawan?”

“Mahalaga na mapanatili natin ang


wastong postura ng ating katawan
upang mas maging kaaya-aya tayong
tignan, madadala rin natin ng mabuti
ang ating kasuotan at mahaharap
natin ang mga tao nang may
confidence.”
IV. Pagtataya

Lagyan ng tsek ang angkop na hanay:

Gawain Oo Hindi
1. Kumain ng
masusutansyang
pagkain araw-
araw
2. Matulog ng
walo o higit
pang oras araw-
araw/gabi-gabi.
3. Palagian ang
pag eehersisyo.
4. Parating
maayos ang
paglalakad.
5. Palaging
tuwid/ maayos
ang pag-upo

V. Takdang Aralin

Maghanap sa internet ng mga


ehersisyo na makakatulong upang
mapanatili ang maayos na tindig.

Inihanda ni:

Mary Belle L. Derraco


Practice Teacher

You might also like