You are on page 1of 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

A.
1. Ano ang iniisip ni Pia sa larawan?
Si Pia ay nag-iisip kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin at alin sa mga salik na
talento, kasanayan, hilig, at mithiin ang dapat na pagyamanin para sa tamang pagpili ng
kaniyang propesyon o trabaho.
2. Sa iyong palagay, ano ang dapat pagtuunan ng pansin at pagyamanin ni Pia upang makamit
nang tama ang kursong kanyang pipiliin?
Sa aking palagay, lahat ng mga salik na nabanggit ay dapat na pagtuunan ng pansin
upang pumili ng tamang propesyon o trabaho. Sa ganitong pamamaraan, mapipili nang husto
kung ano ang karapat-dapat na piliing propesyon.
B.
1. Sa larawan ay makikita ang iba’t ibang propesyon ng maaaring piliin ng isang tao.
2. Sa aking palagay, dumaan sila sa maraming mga pagsubok bago nila nakamit ang
tagumpay.
3. Oo, maaari rin akong maging isang matagumpay na tao.
4. Pipiliin kong mabuti kung anong propesyon ang dapat kong piliin ayon sa aking interes,
mithiin, o pangarap nang sa gayon ay magkaroon ako ng trabaho na makatutulong sa
aking pinansiyal na pangangailangan at sa pagpapaunlad ng sariling talento.
5. Ako si Kier Markjohn Z. Villano na may anking talent at kakayahan sa pagguhit ng iba’t
ibang larawan na maaari kong magamit upang maging isang matagumpay na engineer.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Ako si Kier Markjohn Z. Villano.
Ang mga talentong aking tinataglay ay ang mga sumusunod.
1. Kaya kong magkumpuni ng ibang bagay.
2. Kaya kong gumuhit ng ibang larawan.
3. Kaya kong magmaneho ng bisekleta.
4. Kaya kong magluto ng ibang pagkain.
5. Marunong akong maglaro ng iba’t ibang sports kagaya ng basketball.
6. Marunong akong magtahi ng sirang damit.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

1. TALENTO WALA DAPAT PANG TINATAGLAY MAHUSAY


PAGYAMANIN
a. Visual/Spatial /
b. Verbal/Linguistic /
c. Mathematical/Logical /
d. Bodily/Kinesthetic /
e. Musical/Rhythmic /
f. Intrapersonal /
g. Interpersonal /
h. Existential /
2. KASANAYAN
Kasanayan sa Pakikiharap sa /
mga Tao
Kasanayan sa mga Datos /
Kasanayan sa mga Idea at /
Solusyon
3. HILIG
 Realistic /
 Investigative /
 Artistic /
 Social /
 Enterprising /
 Conventional /
4. PAGPAPAHALAGA
Pagsisikap na abutin ang mga /
ninanais sa buhay
Makapaglingkod ng may /
pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng
ating ekonomiya
5. MITHIIN O
LAYUNIN
Pagkakaroon ng /
makabuluhang buhay
Katangian ng isang /
produktibong manggagawa
Magiging bahagi at /
magbibigay ambag sa
pagpapaunlad sa ekonomiya
ng bansa

Mga dahilan kung bakit ang mga salik na ito ay wala sa akin o dapat ko pang pagyamanin na
kakailanganin ko sa pinaplanong kurso o track, hanapbuhay, o negosyo.
1. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na sanayin ang sarili sa ganoong bagay.
2. Hindi likas sa akin ang pagiging ganoon.
3. Hindi pa nakakaranas na gumawa ng gawain na nangangailangan ng ganoong bagay.

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4:


1. Nagkaroon ako ng malaking interes sa pagiging sundalo magmula pa lamang nung ako ay bata.
Napapanood ko sa balita na ipinapalabas sa telebisyon ang kabayanihan at mga magagandang bagay
na nagagawa nila sa ating bansa at iyon ang naging dahilan kung bakit ko nagustuhan ang
proposeyong ito.
2. Napakahalaga na masunod ang iba’t ibang hakbang ang mga proseso sa pagpaplano ng karera. Sa
ganitong paraan, masisiguro na anumang kalabasan ay tiyak na tama at angkop ang mga resulta.
3. Ang hilig o interes, pinansiyal na kapakanan, at talento ang ilan sa mga dapat isaalang-alang sa
pagpili ng kursong pang-akademiko sapagkat dito masisigurong tama at angkop ito sa pansariling
desisyon.
4. Mahalaga ang pagsasagawa ng pansariling plano para sa minimithi kong kurso, track, o karera dahil
sa pamamagitan nito, masisigurong angkop at tama sa pansariling interes ang pipiliing kurso o track.
Dulot nito, magkakaroon ako ng pokus sapagkat gusto ko ang napili ko.

You might also like