You are on page 1of 5

MTB 2

Summative Test No. 1


Modules 1-2
3rd Quarter

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: _______

I. Basahin ang kalagayan sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang.

_____1. Walang baon ang kaklase ni Ben na si Lito. Gutom na gutom na si Lito. May sobrang isang
tinapay si Ben at ibinigay niya ito kay Lito. Anong pangyayari ang nagtulak kay Ben para magbigay
ng pagkain kay Lito?
a. Walang baon at gutom na gutom si Lito.
b. Umiiyak si Lito.
c. Nanghingi ng pagkain si Lito.
d. Tahimik lang si Lito.
_____2. Nagkaingay ang iyong mga kaklase. Tumayo ka sa harap at pinagsabihan mo sila na
tumahimik na lamang. Anong pangyayari ang nagtulak sa iyo upang pagbawalan ang iyong mga
kaklase?
a. Tumahimik ang iyong mga kaklase.
b. Nanood ng nakatatakot ang iyong mga kaklase.
c. Naglista ka ng maingay.
d. Nagkaingay ang iyong mga kaklase.
_____3. Binilinan ka ng inyong guro na maglinis kaya tinawag mo ang iyong mga kagrupo dahil
nakita mo na maraming kalat sa loob ng inyong silid-aralan. Anong pangyayari ang naging dahilan
kung bakit kayo naglinis ng inyong silid-aralan?
a. Maraming kalat sa loob ng inyong silid-aralan.
b. Naglaro ang iyong mga kaklase sa loob ng silid-aralan.
c. Sumayaw ang iyong mga kaklase sa loob ng silid-aralan.
d. Kumain sa loob ng silid-aralan ang iyong mga kaklase.
_____4. Nawawala ang pitaka ng kaibigan mo. Tinulungan mo siyang maghanap ng kanyang pitaka
dahil naroon ang baon niya. Anong pangyayari ang naging dahilan kung bakit mo tinulungan ang
iyong kaibigan?
a. Bibili siya ng bagong pares na sapatos.
b. Ililibre ka niya ng meryenda.
c. Nawawala ang pitaka niya.
d. Ikaw ang nakawala ng pitaka niya.
_____5. Nagtaas ng kamay si Kara at sinabi sa kanyang guro na hindi niya naintindihan ang
kanyang itinuro. Ipinaliwanag ulit ito ng kanyang guro at nagbigay ng iba pang halimbawa. Anong
pangyayari ang nagtulak kay Kara para magtaas ng kamay?
a. Upang magpaalam na siya ay pupunta sa CR.
b. Upang ipaalam niya na hindi niya naintindihan ang aralin.
c. Upang sumagot sa tanong ng kanyang guro.
d. Upang bumili ng pagkain sa kantina.

II. Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang katanungan.

Nagkasakit
ni Mark Gaylord C. Bumagat
File Created by DepEd Click
Araw ng Lunes, unang araw ng pasukan. Masayang-masayang nagkukuwentuhan ang mga
mag-aaral sa Grade 2- Matiyaga. Habang abala ang mga bata sa kanilang paligid, si Mario ay
tahimik lamang na nakaupo sa kanyang upuan sa loob ng kanilang silid-aralan. Matamlay siya.
Napansin ito ng kaniyang guro. Siya pala ay may lagnat. Dali-dali siyang dinala ng guro sa klinika
ng paaralan.

_____6. Sino ang may sakit sa kuwento?


a. Marty
b. Maki
c. Mario
d. Marcio
_____7. Saan nakaupo si Mario?
a. sa kanyang upuan sa loob ng silid-aralan
b. sa klinika ng kanilang paaralan
c. sa kanilang bahay
d. sa silid-aklatan
_____8. Kailan nangyari ang kuwento?
a. Martes
b. Lunes
c. Linggo
d. Sabado
_____9. Ano ang dahilan at tahimik lamang na nakaupo si Mario sa kanyang upuan?
a. Mayroon siyang lagnat.
b. Masakit ang kanyang ngipin
c. Masakit ang kanyang paa.
d. Mayroon siyang pilay.
_____10. Paano nalutas ang suliranin?
a. Dali-dali siyang dinala sa ospital.
b. Dali-dali siyang dinala sa silid-akalatan.
c. Dali-dal siyang dinala sa simbahan.
d. Dali-dali siyang dinala sa klinika ng paaralan.

Ang Aking mga Alaga


ni Glenda R. Listones

File Created by DepEd Click


Sa aming bakuran ay nagtatakbuhan
Aking mga alaga laging nag-aabang.
Si Pusa at si Manok palaging nakalunok
Pagkain kong sinandok ‘di mo na iaalok!

Sina Bibe at Aso panay nalang ang takbo


Lalo kung may tao na pumasok dito.
Kahit makulit iniintindi kong pilit
Huwag lang magkasakit alaga kong maririkit!

File Created by DepEd Click


KEY:
File Created by DepEd Click
1. a
2. d
3. a
4. c
5. b
6. c
7. a
8. b
9. a
10. d
11. B
12. A
13. A
14. C
15. A

File Created by DepEd Click

You might also like