You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q3-W6


Ang Sanaysay Bilang Akdang Pampanitikan
6

Mga Inaasahan
Sa araling ito, mababasa mo ang isang halimbawa ng sanaysay at matutukoy
mo rin ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa teoryang pampanitikan.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan

1.Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g-


80)
2. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda
(F10PB-IIIf-g-84)
3.Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-
IIIf-g-80)
4. Naibibigay ang sariling reaksyon sa pinanood na video na hinango sa youtube
(F10PD-IIIf-g-78)
5.Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82)
6.Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe (F10WG-IIIf-g-75)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain. Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang
papel.

Paunang Pagsubok

Basahin ang bahagi ng isang sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ang Katamaran ng mga Pilipino


( Ang akda ay isang lagom sa tagalog na sanaysay na “ La Indolencia de los
Filipinos,”na nalathala sa La Solidaridad. Ang sanaysay na isinulat ni Rizal sa
ikalawang pagtungo niya sa Europa.Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na
upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad.Hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kanyang
sanaysay manapa’y inamin nga niya ang pag-angkin ng katamaran ng kanyang
kababayan.At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng matuwid kung bakit ang
mga Pilipino ay masasabi ngang tamad.)
Ang pangunahing sanhi ay mainit na singaw ng panahon.Kahit na ang mga
banyagang nagdarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
2

nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain.Sa bayang


mainit ang panahon,kahit hindi kumilos ang isang tao ,siya’y pinagpapawisan at
hindi mapalagay.Wika pa ni Rizal: “Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay
nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos,at hindi
nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe,gayong masasarap ang
kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Ang abang katutubo, ang
tamad na katutubo ay kulang sa pagkain , walang inaasahan sa araw ng bukas ,ang
bunga ng kanilang pagod sa iba napupunta,at kinukuha sila sa paggawang sapilitan.
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil nadin sa kagagawan
ng mga Espanol.Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Espanol ay ginhawa
sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa at
hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa.Kaya’t
mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Espanol, ang mga Pilipino
pangangailangan nilaý hindi naman marami, ay hindi mapagpabayang gaya ngayon.
Ang lahat ng industria at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapakat ang
mga Pilipinoý hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong
buhat sa Mindanao at Sulu.Hindi pihintulutang makapag-ingat ng mga sandata ang
mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga
pandarayuhang walang kabuluhan.Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong
malapit sa Cebu na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga
piratang buhat sa Sulu,palibhasaý walang sukat maipagtanggol ang sarili.
Ang pagsasaka’y napabayaan dahil na rin sa sapilitang paggawa na ipinatupad
ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga
Espanol ,kailangan walang tigil na paggawa ng mga barko,kaya’t maraming Pilipino
ang pinapagpuputol nila ang mga kahoy sa gubat upang magamit.Wala tuloy
katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mapag pabaya.
Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat
na gumawa. Pinatamlay ng mga Espanol ang pakikipagkalakalan. Ang Pilipino’y hindi
maaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit ay
napatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino.Siya’y nagkaroon ng mababang
pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.
Ang sabi ni Rizal:” Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang Kalayaan ay siyang
araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang Kalayaan,walang
pagbabagong maisasagawa ,walang hakbang na makapagdudulot ng bungang
ninanais.
____1. “Ang edukasyon ay siyang lupa at ang Kalayaan ay siyang araw ng
sangkatauhan.” Ano ang nais ipahayag ni Dr.Jose Rizal?
A. Ang pagkakaroon ng edukasyon at kalayaan ay mahalaga.
B. Lahat ng Pilipino ay nakapag-aral sa panahonng Kastila.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
3

C. Binigyan ng magandang pagtrato ang mga Pilipino.


D. Malaya ang ang Pilipino.
____2. Ano ang pangunahing sanhi ng katamaran ng Pilipino ayon sa may-akda?
A. Ang pagkakaroon ng mainit na panahon.
B. Ang pagiging abala ang mga Pilipino.
C. Ang pagiging masayahin ng mga Pilipino.
D. Ang pagiging mayaman ng mga Pilipino.
____3. “Ang pamahalaa’ý walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay
mahikayat na gumawa”? Ano ang mensahe ng pahayag?
A. Walang tulong ang pamahaan sa mga Pilipino.
B. Suportado ang bawat Pilipino ng mga Kastila
C. Hindi na nagtrabaho ang mga Pilipino.
D. Masikap ang mga Pilipino .

____4. Ano ang mensaheng nais iparating ng may akda sa kaniyang mambabasa?
A. Mayaman ang mga Pilipino.
B. Mayamang bansa ang Espana
C. Ang mga Pilipino ay hindi tamad.
D. Ang mga Espanol ay mahilig sa kasiyahan.
____5. Ano ang layunin ng may-akda sa kaniyang sa sanaysay?
A. magpabatid C. pumuna
B. magbigay ng katwiran D. magpuri

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ang akdang pampanitikan na “Ang Alaga” ay isang halimbawa ng ___?
A. Maikling kuwento C. Tula
B. Epiko D. Dula
_____ 2. Ano ang naramdaman ni Kibuka nang siya ay nagretiro?
A. Masaya siya.
B. Tinanggap niya ito.
C. Wala lang ito sa kaniya.
D. Nalungkot siya sapagkat pagtatrabaho ang kaniyang nakasanayan.

_____ 3. Paano inalagaan ni Kibuka ang alaga niyang biik?


A. Pinabayaan niya ito.
B. Inilagay niya ito sa bakuran.
C. Ipinaubaya ang pag-aalaga sa kapitbahay
D. Pinakakain at inalagaan niya itong mabuti.
_____ 4. Anong pag-uugali ang ipinakita ng mga taga - Kalansanda?
A. makasarili C. masayahin
B. pabaya D. matulungin

_____ 5. Sa kuwento, ano ang nangyari sa biik?


A. nawala C. namatay

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
4

B. ninakaw D. ipinagbili

Pagpapakilala ng Aralin
Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa sanaysay bilang akdang
pampanitikan.

A. Ang Sanaysay

Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan o


tagapakinig tungkol sa paksang nais nitong talakayin Ang mahahalagang kaisipan sa
sanaysay ay tumutulong sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa
mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaring isulat nang
pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya ay kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na


ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin nakapupulutan
ng aral at aliw ng mambabasa.

Ang sanaysay ay nasa anyong tuluyan na pumapaksa sa mga kaisipan at mga


bagay -bagay na kakukuhaan ng aral at aliw ng mga mambabasa.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong


1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang
pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal. Ang pormal na sanaysay


ay nagbibigay ng impormasyon, nagbibigay ng mahalagang kaisipan, o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay,
maingat na salita ang pinipili at hindi kumikiling sa damdamin ng may-akda o
obhektibo.

Ang di -pormal o personal ay nagsisilbing aliwan o libangan, nagbibigay -lugod


sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at
personal. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipagusap lamang,
pakikipagkaibigan ang tono at subhektibo dahil pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda.

B. Tuwirang Pahayag at Di-tuwirang Pahayag

Ang tuwirang pahayag ay naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyong


ipinahahayag ng isang tao. Ginagamitan ito ng panipi.

Halimbawa: “Ipagpapaliban muna ang pagpapatupad ng Child Safety in Motor Vehicle


Act,” ani ni Secretary Roque.

Sa di-tuwirang pahayag binabanggit lamang uli kung ano ang sinabi o tinuran
ng isang tao. Gumagamit ng pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay sa/kay,
ayon sa/kay.

Halimbawa: Ayon kay Secretary Roque, ipagpapaliban muna ang pagpapatupad ng


Child Safety in Motor Vehicle Act.

Ngayon ay basahin at unawain mong mabuti ang halimbawa ng


sanaysay.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Mga Arkitekto ng Kapayaan

Archbishop Desmond Tutu

Noong ako ay maliit na bata pa lamang sa Timog Africa, nasaksihan ko ang


libo-libong mga Aprikanong Itim na inaresto dahil sa nakapanlulumo at
nakasusuklam na pass law system. Ang sistemang ito ay kumitil sa kalayaang
kumilos ng mga Aprikanong Itim. Kinakailangan ng mga Aprikanong Itim na may
edad na labing-anim pataas na palagiang magdala ng pass sa kanilang pag-iikot sa
siyudad. Maituturing na paglabag sa batas ang paglabas na walang dalang pass. May
karapatan ang sinumang pulis na arestuhin ang mga walang dalang pass. Hindi ko
malilimutan nang minsang sinasamahan ko ang aking ama na nagtratrabaho bilang
isang guro sa bayan, bigla na lamang kaming pinahinto at hinanapan ng pass kagaya
ng ginagawa sa iba pa naming Itim na kababayan. Ang hindi alam ng mga pulis ay
hindi saklaw ang aming ama ng pass law system sapagkat siya ay isang edukadong
tao. Noong mga panahong iyon, ang sinomang taong nakapagtapos ng kolehiyo ay
hindi saklaw ng pass law system. Kaya nga ang aking ama ay may pribilehiyong
makabili ng alak na hindi natatakot na maaresto. Ang pagbili ng alak ay isang
priilehiyong ibinigay lamang sa mga puti. Ngunit nakalulungkot pa rin dahil upang
malaman ng mga pulis na siya ay may ganitong pribilehiyo ay kailangan pa niyang
palagiang dalhin at ipakita ang kanyang dokumento. Ang taglay niyang dokumento ay
hindi naman naging sanhi upang malibre siya sa kahihiyang sitahin ng mga otoridad,
kung minsan pa nga ay may kasamang panghihiya. Itong klase ng pagtratong talaga
naming yumurak sa aming pagkatao.

Nang makatapos ako ng kursong Theology sa Inglatera ay bumalik kami sa


Timog Africa. Naharap ako sa balintunay. Isang na kami ay nagpiknik ng buong
pamilya sa tabing-dagat ay nakita namin ang mapait na diskriminasyon. Ang bahagi
ng tabing-dagat na nakalaan para sa mga Itim ay ang parting mabato at pinakapangit.
Sa di kalayuan ay may isang palaruan na may duyan. Tila ba na may kung anong
batubalani ang mga duyan at nang makita ang aking bunsong anak na ipinanganak
ng Inglatera ay ninais niyang magpunta rito. Nagpupumilit man siya dahil may mga
batang naglalaro rito ay hindi mo siya puwedeng papuntahin. Paano mo sasabihin sa
kaniya na kahit bata siya ay hindi para sa kaniya ang duyan na iyon na ibang klaseng
bata siya? Ano ba ang dapat sabihin? Paano mo ba ipaliliwanag sa isang bata,
gayong siyaý musmos pa lamang? At muli ako, bilang magulang ay nadurog ang
puso. Parang ilang ulit ka nang pinatay ang pakiramdam mo ay hinubdan ka ng iyong
pagkatao, napahiya nang todo, minaliit. Naramdaman ko ang naramdaman ng aking
ama nang siya ay mapahiya sa aking harapan. Bilang magulang hindi mo kayang
tingnan ang iyong anak nang deretso sa mata.

Nang ako ay maging arsobispo ng Cape Town noong 1986 ay nagtala ako ng
tatlong layunin. Dalawa ay patungkol sa gawain ng simbahang Anglican at ang ikatlo
ay ukol sa Kalayaan ng lahat ng tao saTimog Africa maging puti at ang ikatlo ay ukol
sa Kalayaan ng lahat ng tao sa Timog Africa maging puti man o itim. Ito ay
naisakatuparan noong ika-27 ng Abril 1994 nang si Nelson Mandela ay inihalal na
unang demokratikong pangulo ng Timog Africa. Marahil ay tumigil ang inog ng
mundo noong ikasampu ng Mayo nang itinalaga si Mandela bilang pangulo. Hindi
naman nakapagtataka kung itoý tumigil sa pag-ikot dahil sapagkat halos lahat ng mga
pinuno ng iba’t ibang bansa at maging ang iba pang mahalagang lider ay nagtipon
upang masaksihan ang inagurasyong tumatak sa kasaysayan ng mundo.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
6

Hindi maipaliwanag na damdamin ang nadama ng karamihan nang dumating si


Mandela nang araw na iyon kasama ng kaniyang anak na babae, at ilang pinuno ng
security forces at mga pulis. Sumasaludo sa kaniya ang iba’t ibang hukbo at
inasistehan siya bilang pinakamataas na pinuno ng bansa. Makabagbag damdamin
ito sapagkat ilang taon pa lamang ang nakalilipas, si Mandela ay isa sa mga bilanggo.
Sa kaniyang inagurasyon bilang pangulo, inanyayahan ni Mandela bilang panauhing
pandangal ang kaniyang puting tagabantay sa kulungan. Ito ay una sa kaniyang
napakaraming hakbang upang ipakita ang kaniyang kahanga-hangang kakayahang
magpatawad. Itong taong inapi, kinutya, tinugis bilang isang mapanganib na lakas at
ikinulong ng halos tatlong dekada ay naging simbolo ng kapatawaran at kapayapaan.
Sa umpisa pa lamang mahihinuha mong magiging isang epektibo at matapang na
alagad siya ng pagkakaisa.

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga


gawaing inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Hanapin sa talaan ang katumbas na salita sa tulong ng ugnayan ng
unang pares ng mga salita.

dilim malaki lalaki

matapang itim kalakasan

1. umaga :gabi::liwanag: __________

2. mababa: mataas :: maliit:________________

3. duwag: _____ :: kaguluhan:kapayapaan

4. .__________: puti::babae:lalaki:

5. nakatutuwa :: nakalulungkot:: nakapanlulumo:;_____________

Gawain 2 Mga Tanong


Sagutin ang mga tanong hango sa binasang sanaysay.

1. Ilarawan ang kalagayan 2. Ano ang natatanging katangian


ng Africa batay sa ni Mandela?
sanaysay na binasa.

3. Anong suliraning pandaigdig 4. Ano ang iyong nadama


ang tinatalakay sa sanaysay? pagkatapos mabasa ang
Nangyayari pa bai to sa sanaysay? Ilarawan.
kasalukuyan?

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
7

5. Paano ka makatutulong sa
pagpapalaganap ng kapayapaan
bilang kabataan?

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 –dalawang pamantayan lamang


 Mahusay ang pagpapaliwanag
1 – isang pamantayan lamang
Maayos ang pagbuo ng pangungusap

Gawain 3

Paanoorin ang State of NationAddress ( SONA ) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa


link na https://youtu.be/zzwFhzrONIO. Itala ang iyong reaksyon batay sa iyong
napanood gamit ang tuwiran o di-tuwirang pahayag.

Gawain 4 Paghambingin ang mga binasang sanaysay gamit ang Venn Dayagram.
Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng akda.

Mga Arkitekto ng Kapayapaan Ang Katamaran ng mga Pilipino

PagkakaibaPpapppp Pagkakatulad Pagkakaiba

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang sanaysay, narito ang mga dapat mong isaisip.

A. Isa sa uri ng panitikan ay ang sanaysay na nagpapahayag ng sariling kuro-


kuro, saloobin at damdamin na maaring pormal at di-pormal sa sanaysay.

B. Ang tuwiran na pahayag ay ang eksaktong sinabi ng tao at ito ay nilalagyan


ng panipi. Samantalang sa di-tuwirang pahayag ay inuulit lamang kung ano ang
sinabi ng isang tao. Ginagamitan naman ito ng mga pang-ukol.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
8

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipagpalagay na ikaw ang pangulo ng Pilipinas, sumulat ng isang talumpati para sa


SONA na ang bibigyan ng tuon ay pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
 Nagagamit ang mga angkop na salita 8 – dalawang pamantayan
o pahayag sa tuwiran o di tuwiran ang naisagawa
 Maayos ang pagkakabuo ng mga 5 – isang pamantayan lamang ang
pangungusap. nasundan
 Mapanghikayat ang mga
pananalitang ginamit

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang bahagi ng isang talumpati at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

Mga kababayan kong Pilipino I am addressing you once again about the
problem of COVID pandemic.

It is getting worse. So once againI’m telling you the seriousness of the problem
and that must you listen.

We are waiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from
sino diyan ang bright boy, China, Russia, America. I’m sure na kung meron na sila,
they will share the reat of the world.

In the meantime habang naghihintay tayo, marami hong problem ang


pumuputok na. Hirap na nga tayo, walang trabaho, walang Negosyo, and there are
people reality-you know you…You try tomes up with ýung kakaunti nating…

Ang ating suplay hanggang diyan lang ýan inabot kasi hindi natin alam ganun
kabilis. In two days time, patay ka. So we are trying to manage lahat magkaroon ng
equally. Equally is equally,pera pati pagkain. Ano yung parte ko, parte mo yan.

Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo para
smooth-sa Bisaya pa, hapsay. Ayaw og hadloka ang gobyerno. Do not intimidate
government. Do not challenge government. Matatalo kayo,sigurado.

Ýung mga frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.
Ulitin ko: Ngayon, DSWD na kasi sanay na sila sa distribution ng pera pati bigas.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
9

Secretary Galvez will help in the distribution of the money or he can handle the
distribution of the money while leaving Secretary Bautista to attend to other matters.

(Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Corona Virus Disease 2019 (Covid -19)
Pandemic, April 1,2020)

____ 1. “We are waiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from
sino diyan ang bright boy, China, Russia, America”. Ano ang nais sabihin ng pangulo?
A. May pag-asa na magkaroon ng vaccine laban sa COVID 19 sa biyaya ng
Diyos.
B. Hindi pa natutuklasan ang gamot laban sa COVID 19.
C. Maunlad na bansa ang China,Russia at America.
D. Delikado angCovid 19.
____ 2. Ano ang binigyang- tuon sa akda?
A. Pagtugon ni Pangulong Duterte sa pangangailangan
B. Ang mga ginawa ng Frontliners
C. Paglaganap ng COVID 19
D. Pagbibigay ng bigas
_____ 3. Ano ang naging epekto ng COVID 19 sa mamamayan?
A. Kawalan ng trabaho C. Naging maingat
B. Humina ang negosyo D. Lahat ng nabanggit
_____ 4. Ano ang pangunahing kaisipang ipinahayag ng may- akda sa kaniyang
talumpati?
A. Kailangan ng pagkakaisa ng lahat laban sa COVID 19.
B. Magpabaya sa ngayong sitwasyon.
C. Maging mapagmatyag.
D. Maging matalino.
_____ 5. “Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo para
smooth,” sabi ng pangulo. Ano ang nais ipahayag nito?
A. Susuportahan ng Pangulo ang bawat Pilipino.
B. Ayaw ng Pangulo ng magulo.
C. Masayahin ang Pangulo.
D. Pabaya ang Pangulo.

Pagninilay

Isulat sa loob ng puso kung paano mo ipinakikita ang iyong pagmamalasakit sa


iyong pamilya, komunidad at sa bansa.

Pamilya Komunidad Bansa

Binabati kita! Natapos mo nang buong husay ang lahat ng gawaing


ibinigay ko sa iyo. Ipagpatuloy mo ito sa susunod na aralin.

SAGUTANG PAPEL

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
10

FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN- IKAANIM NA LINGGO
Pangalan :___________________________ Guro:_______________

Baitang at Seksyon: ________________ Iskor:_______________

PAUNANG BALIK-TANAW GAWAIN


PAGSUBOK 1
1. 1. 1.

2 2 2

3 3 3

4 4 4

5 5 5

GAWAIN 2 PAG-ALAM SA
NATUTUHAN
1._____________________________________________________ ___________________

2._____________________________________________________
____________________

3._____________________________________________________ ____________________

4._____________________________________________________ ____________________

5._____________________________________________________

GAWAIN 3 PANGWAKAS NA
_________________________________________________ PAGSUSULIT
_________________________________________________ 1. 4.
2. 5.
3.
GAWAIN 4

Ppapppp

PAGNINILAY

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like