You are on page 1of 10

CONTEXTUALIZED

TEACHING - LEARNING PACKAGE 11


LEARNING AREA: FILIPINO
COMPETENCY CODE: F11PB-IVab-100

ANECASIA S. MACAVINTA JONATHAN P. DE LA CRUZ


HECTALYN Y. ARNAIZ RHIA T. TRINIDAD
Authors
Department of Education, Division of Antique

0
Published by the
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Department of Education
Region VI, Western Visayas
DIVISION OF ANTIQUE
San Jose de Buenavista

Copyright 2018

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed within the Filipino: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik Project implemented by the Curriculum Implementation Division (CID) of the
Department of Education Region VI (DepED RO6), Division of Antique. It can be reproduced for
educational purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the
purpose of translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of
the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted
provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from
this material for commercial purposes and profit.

Authors
RHIA T. TRINIDAD ANECASIA S. MACAVINTA
HECTALYN Y. ARNAIZ JONATHAN P. DE LA CRUZ

Project Manager
SCHUBERT ANTHONY C. SIALONGO

PHOENIX ALLANAH ZANDRIA Q. SALCEDO MARIAN ROSE B. SARMIENTO


Project Development Supervisor Cataloguer

Editors
CELESTINO S. DALUMPINES, IV

Grade Level: 11 Language: FILIPINO

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the Department of
Education, Philippines via the Learning Resources Management Development Systems (LRMDS) Portal
by Region VI, Division of Antique. http://lrmds.deped.gov.ph

i
MASUSING BANGHAY ARALIN (DLP)

Banghay Aralin Blg.: Asignatura: Baitang: 11 Markahan: Panahong Igugugol:


F11-0600217001 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang (Ikalawang Semestre) (Ikalawang Linggo) -
Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikaapat na Kuwarter 4 na araw
Mga Kasanayang Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, Code:
Pampagkatuto metodo, at etika sa pananaliksik. F11PB-IVab-100
Susing Konsepto/Pang-unawa na Pagsulat ng Pananaliksik: Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik
dapat linangin
1. Mga Layunin Kontekstuwalisasyon Kagamitang
Pampagkatuto
Kaalaman Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik
Naisa-isa ang mga bahagi, paraan, at tamang proseso ng
pagsulat ng isang maka-Pilipinong pananaliksik batay sa
layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
Kasanayan Nakapagsusuri at naipapaliwanag ang iba’t ibang
halimbawa ng maka-Pilipinong Pananaliksik batay sa
layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
Pag-uugali Naipamamalas ang isang mapamaraan at sistematikong
pagsusuri ng isang maka-Pilipinong pananaliksik batay sa
layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
Pagpapahalaga Napahahalagahan ang isang responsable, maayos,
mapamaraan at sistematikong maka-Pilipinong
Pananaliksik.
2. Nilalaman Pagsulat ng Pananaliksik
3. Kagamitang a. Sanggunian Aklat:
Pampagkatuto Pagbasa at Pagsususuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza
Pabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik nina Bibiana
C. Espina, Francisca T. Borja, et al.

b. LR Portal: URL http;//journals.upd.edu.ph


/index.php/dwf/search/titles.
4. Pamaraang
Pampagkatuto
4.1 Panimulang Unang Sesyon:
Gawain
Pangkatang Gawain:
Pagtukoy sa mga dating kaalaman at karanasang kaugnay
sa gawaing pananaliksik.
Gabay na tanong:
Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong gumawa ng batayang
pananaliksik o anomang gawain kung saan nangalap ka
ng bagong impormasyon sa kahit anong asignatura sa
nakaraang taon? Ano ang naging layunin, gamit,
metodo at etika mo sa pananaliksik? Itala mo ang mga
aral na natutuhan mula sa karanasan.(Pagbahagi sa
klase)
4.2 Gawain/ Pagpapalalim ng pag-unawa. Talakayin ang maka- PowerPoint
Estratehiya Pilipinong Pananaliksik batay sa layunin, gamit, Presentation
metodo at etika ng pananaliksik.

1) Layunin - mahalagang matukoy ang layunin ng isang


pananaliksik sa bahaging ito inilalahad ang mga
suliraning bibigyang kasagutan sa nasabing
pananaliksik.
2) Gamit- ito ay tumutukoy sa instrument na gamitin sa
pag-aanalisa ng datos.
3) Metodo- ito ay tumutukoy sistematikong
kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng
imbestigasyon na ginagamit a pangangalap ng datos sa
isang pananaliksik Kabilang dito ang sumusunod:
(a) Sarbey- isang metodo na ginagamit upang
1
mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan
sa isang tiyak na populasyon o sampol ng
pananaliksik.
(b) Pakikipanayam/interbyu- ito’y pagkuha ng
impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o
di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa
ng pananaliksik.
i) Structured interview o Nakabalangkas na
Pakikipanayam-eksakto o tiyak ang
pagtatanong gaya ng nasa talatanungan na
ginamit sa sarbey.
ii) Semi-structured Interview o Panayam na
Bahagyang Nakabalangkas- nagbibigay ng
control sa mananaliksik o tagatanong sa
maiging daloy ngpanayam. Ginagamitan
lamang ito ng mga gabay na tanong.
iii) Unstructured o Walang Istruktura na
Pakikipanayam- layunin nito ay upang
galugarin ang nararamdaman ng kalahok
tungkol sa paksa ng panayam.
(a) Dokumentaryong Pagsusuri- isa sa mga
pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang
kumalap ng impormasyon na susuporta at
magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa
pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga
nakasulat na komunikasyon at dokumento upang
malutas ang suliranin.
(b) Obserbasyon
i. Nakabalangkas na Obserbasyon- ginagamit ito
sa mga uri ng pananaliksik na
nangangailangan ng field study gaya ng
etnograpiya. Ito ay pagmamasid ng
mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng
pag-aaral habang sistematikong itinatala ang
kanilang pagkilos,inter-aksiyon at pag-uugali
sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon.
ii. Pakikisalamuhang Obserbasyon- pag-aaral sa
kilos, pag-uugali at inter-aksiyon ng mga
kalahok sa isang likas na kapaligiran.
4) Etika- Ang salita ay nagmula sa Middle English na
ethic, mula sa katagang Griyego na ëthike na galing
naman sa katagang ethiko ay tumutukoy sa
nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at
pakikipagkapwa.
a) Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay
tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-
uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya
sa kung ano ang tama at mali. Sa larangan ng
pilosopiya ang etika ay itinuturing na isang sangay
ng pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga
prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at
nararapat.
b) -Ang pagsunod sa mga pamantayang may
pagpapahalaga sa katapatan ,kabutihan at
pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.(Sicat-De
Laza C. 2016) Pagbasa at
Pagsusuri g Iba’t
Ikalawang Sesyon: ibang Teksto
Panimulang Gawain: Balik-aral sa nakaraang sesyon. Tungo sa
Pananaliksik nina
Pagkilala at Pagtukoy sa halimbawang teksto. (Konseptong Atanacio,Lingat at
papel) Morales

Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa

2
Seguridad

4.3 Pagsusuri Ikatlong Sesyon:


Pangkatang Gawain: URL
Pagsusuri at pagpapaliwanag sa iba’t ibang halimbawa ng http;//journals.upd.
maka-Pilipinong Pananaliksik. edu.ph
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipasuri sa bawat /index.php/dwf/sea
pangkat ang isa sa napiling halimbawa. rch/titles.
Isulat sa talahanayan sa ibaba ang mga kasagutan.
a. “Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa
at Pagplano sa Bakas ng Bagyong Yolanda sa
Tacloban” ni Jose Edgardo Gomez, Jr.( Nasa
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino Espesyal na
Isyu, No.2 2015)
b. “ (Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok
at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman” ni
Joanne Visaya Manzano (Nasa Daluyan: Journal
ng Wikang Filipino, Vol. 20,2014)
c. “ Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie noong
2005-2008” ni Patrick F. Campos ( Nasa Daluyan:
Journal ng Wikang Filipino, Vol.17, No. 1-2,
2011)
d. “ Ang kasalukuyang Pagkakakilanlan ng mga
Iraya Mangyan”

Paksa Layunin Gamit Metodo Etika

Iproseso ng guro ang Gawain.


4.4 Paghahalaw Ikaapat na Sesyon:
1. Panimulang Gawain:
a. Balik-Tanaw sa nakaraang Gawain.
2. Paghahalaw at paghahambing sa katangian ng mga
halimbawa ng maka-Pilipinong Pananaliksik.
4.5 Paglalapat Isahang Gawain: Sipi ng
Pagsusuri ng mga mag-aaral sa halimbawang teksto halimbawang
(Abstrak ng isang Papel Pananaliksik) teksto:
Ang Multilinggwalismo sa Paglinang ng Kasanayan sa Halimbawang
Pagbasa ni Tanaleon, Lorey F. Tesis ng mga
(Pagbabahaginan ng mga mag-aaral) Paaralang di-
Gradwado na Di-
Iproseso ng guro ang Gawain. Nailathala
4.6 Pagtataya
Mga Pamamaraan sa Pagtataya
a) Obserbasyon
b) Pag-uusap at
Pagtatalakay
sa Pagkatuto
c) Pagsusuri sa
Produkto ng Maaari ding tayain ang kaangkupang ng gawaing Sipi ng rubriks
mag-aaral pagsusuri sa halimbawa ng teksto sa gawaing
3
Paglalapat
( sundin ang kalakip na rubriks)

d) Pagsusulit Pagtukoy sa layunin, gamit, metodo, at etika at iba


pang termino na may kaugnayan sa nabanggit at Sipi ng Pagsussulit
konsepto na kaugnay sa pananaliksik. (tingnan ang
kalakip na pagsusulit)
4.7 Takdang-Aralin
Pagpapatibay sa
Aralin
Pagpapasigla sa Natunghayan sa buong aralin ang halaga na
aralin payabungin ang maka-Pilipinong pananaliksik sa
Pilipinas. Sa tingin mo ba ay makabuluhan pa ito sa
panahon ng globalisasyon? Ibigay ang sariling
repleksyon sa usaping ito.
Pagpapayaman Pumili ng isang paksang napapanahon. Magsaliksik ng
sa aralin mga datos ukol sa paksa at bumuo ng isang
halimbawang layunin, metodo, gamit na gagamitin at
ipamalas ang etika sa pagsulat ng pananaliksik.
Paghahanda sa
bagong banghay
aralin
4.8 Pinal na Gawain
5. Mga Puna

6. Repleksyon
a. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya
b. Bilang ng mga
mag-aaral na
kailangan ng
remedial na
gawain
c. Naging
matagumpay ba
ang remedial na
lrksiyon?Bilang
ng mga mag-aaral
na may pagkatuto
sa aralin
d. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
pagkuha ng
remediation
e. Aling estratehiya
ang ginamit na
lubusang naging
epektibo?
f. Anong mga
kahirapan ang
nakasalamuha ko
na kung saan
matutulungan ako
ng aking Punong-
guro at
Superbisor?
g. Anong inobasyon
at lokal na
kagamitan na

4
ginamit/ natuklas
na maaaring
ibahagi sa iba
pang guro?

Inihanda nina:

Pangalan: Anecasia S. Macavinta Paaralan: Antique National School


Jonathan P. De la Cruz Laua-an National High School
Hectalyn Y. Arnaiz Antique Vocational School
Rhia T.Trinidad San Roque Ezpeleta National High School
Position/Designation: Division: : DepEd, Antique
Contact No: 09182672392 E-mail Address: anesmacavinta@gmail .com

Mga Sanggunian:
Sicat-De Laza, Crizel, 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba,t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,
Manila: Rex Book Store Inc.
Espina, Bibiana C., Francisca T. Borja, et.al, 2013. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Iloilo
City: West Visayas State University Publishing House & Book Store
Atanacio, Heidi C., Yolanda Lingat S. at Rita Morales D., 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba,t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik, Quezon City: C & E Publishing, Inc.
Online Sources
URL http;//journals.upd.edu.ph
/index.php/dwf/search/titles.

Mga Dagdag Dahon:


Mga Kalakip na Gawain/Talaan/ Materyal
Kalakip na Teksto1: Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad (
halimbawa ng isang nilalaman ng isang konseptong papel)
Kalakip na Teksto 2: Ang Multilinggwalismo sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagbasa ni
Tanaleon, Lorey F.
Sipi ng Pagsusulit
Susing Sagot
Rubriks
:

5
LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Panuto: Suriin kung ang sumusunod na mga salita o termino at mga konsepto, ay tumutukoy sa
layunin, gamit, metodo at etika.
__________1. Makakalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya,
regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan.
__________2. Paggalang sa karapatan ng iba.
__________3. Makabuo bilang kagamitang pampagturo at pagtaya sa kahusayan nito upang magamit ng
mga guro sa Filipino sa kanilang pagtuturo.
__________4. Talatanungan bilang pagtaya ng kahusayan ng komiks bilang babasahin.
__________5. Matapat na tinutugunan ang mga Gawain sa pananaliksik.
__________6. Pangangalap ng mga datos mula sa mga kasulatan tulad ng mga opisyal at pampublikong
dokumento, mga batas, mga dekreto at iba pa.
__________7. t-test
__________8. Pagsasagawa ng Semi-structured Interview o Panayam na Bahagyang. Nakabalangkas na
nagbibigay ng control sa mananaliksik o tagatanong sa maiging daloy ng panayam, at
gamitan lamang ito ng mga gabay na tanong.
__________9. Standard deviation
__________10. Matiyak ang bisa ng Read-a-Thon sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-
aaral.
B. Pagpapaliwanag:
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng Layunin, Metodo, Gamit at Etika sa isang sulating
pananaliksik.
1. Layunin
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Metodo
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Gamit
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Etika
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6
SUSING SAGOT:
A.
1. layunin 6. metodo
2. etika 7. gamit
3. layunin 8. metodo
4. metodo 9. gamit
5. etika 10. Layunin

B. Rubriks sa Pagmamarka (bawat aytem)


Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng mga ideya 2
Kalinawan ng Paglalahad 2
Gramatika 1
Kabuuan 5

7
RUBRIKS SA KAANGKUPAN NG PAGSUSURI

Batayan ng Grado Mahusay Maayos Bahagyang Mahina


Maayos
(4) (3) (2) (1)

Tiyak ang datos na naitala

Angkop ang napiling paraan


ng presentasyon datos mula sa
halimbawang teksto at
malinaw ang pagkakagawa
Sapat ang lalim ng pagsusuri
batay sa layunin, metodo,
gamit at etika.
Kabuuan

_____________________________
Pangalan at Lagda ng Sumuri

You might also like