You are on page 1of 9

Quarter 2, Module 1

(Week 1 to 2)

1
SELF DIRECTED MODULE IN PE 5
Quarter 2, Module 1 (Week 1 to 2)

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Schools Division Superintendent: Norma B. Samantela, Ceso VI
Assistant Schools Division Superintendents: Fatima D. Buen, Ceso VI
Wilfredo J. Gavarra
Chief Education Supervisor, CID: Sancita B. Peñarubia

MODULE DEVELOPMENT TEAM

MINVILUZ P. SAMPAL
Education Program Supervisor, MAPEH
Content and Technical Consultant and Reviewer

RAMIL R. ORTIZ
Master Teacher II, Matacon Elem. School, Polangui South
Writer

MARIA AYRIN B. ADRIANO


Teacher III, Marcial O. Rañola Memorial School
Content Editor

SHERYL JOY R. BURCE


Teacher III, Polangui General Comprehensive HS
Language Editor

ALLAN L. LLANZANA
Teacher I, Marcial O. Rañola Memorial School
Illustrator

MARY ROSE C. CRUZADA


Teacher II, Tiwi Agro-Industrial School
Lay-out Artist

2
MGA KAKAYAHANG PANGKATAWAN
Quarter 2 -Modyul 1

I. Introduction

Ikaw ba ay may malusog na pangangatawan?

Ano – ano ang iyong mga ginagawa upang maging malusog ang iyong
pangangatawan?

Mayroon ka bang tiyak na layuning pangkalusugan?

Sa modyul na ito ay matutuhan moa ng mga layuning pangkalusugan at ang mga


angkop na gawain o ehersisyong makatutulong upang maging malusog ang iyong katawan.

II. Objective

• Assesses regularly participation in physical activities based on the Philippine Physical


Activity Pyramid.PE5PF-lla-17
• Nasusuri ang paglahok sa mga pisikal na aktibidad ayon sa Philippine Physical Activity
Pyramid.

III. Vocabulary List

• Philippine Physical Activity Pyramid –ay isang gabay na sadyang ginagawa para sa
mga batang Pilipino upang makamit at mapanatili ang kakayahang pangkatawan.
• Lakas ng Kalamnan – ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng
mabigat na bagay o power.
• Tatag ng Kalmanan - kakayahang makahila o makatulak ng mas magaan na bagay o
power na paulit – ulit o mas mabagal na panahon.

3
IV. Pre-Test

Ang mga sumusunod ay mga layuning pangkalusugan. Pumili ng isa na sa tingin


mo ay angkop saiyo. Ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay kailangan mong makamit
ang layuning ito. Isulat ito sa kalahating papel.

a. Magbawas ng timbang
b. Makilahok sa pagsasagawa sa isang isport
c. Magpalakas
d. Mapaganda ang mga kalamnan
e. Mapanatili ang kalusugan at kalakasan ng katawan
f. Mapatibay ang kalamnan

V. Learning Activities

4
Muli nating tingnan ang Physical Activity Pyramid Guide.Makikita natin dto na may
ibat ibang gawain na makatutulong upang maging maganda at maayos ang iyong
pangangatawan.
Ang pyramid na ito ay nagrerekomenda ng iba’t ibang gawain na maaari mong subukan.
Ito rin ay nagsisilbing gabay kung gaano mo kadalas kailangang gawin ang mga gawain sa
pyramid.
Ayon sa PPAP, mainam lumahok sa mga aktibidad at ehersisyong makatutulong sa
paglinang ng mga health related at skill related components. Nirerekomenda itong gawin
dalawa hanggnag tatlong beses bawat linggo.

Maraming aktibidad at ehersisyo ang maaari mong pagpilian. Halimbawa ang


paglangoy ito ay nakatutulong sa iyong cardiovascular endurance, ang paglalaro ng badminton
at tennis ay nagpapalakas ng mga muscle at nakade-develop ng cardiovascular endurance, bilis
o liksi. Maging ang yoga ay mabuti para makamit ang flexibility at malakas na muscles.
Siguraduhing ang aktibidad na pipiliin ay nararapat upang mapabuti ang iyong pangkalahatang
kalusugan, matutuhan ang isang nbagong kasanayan at makatutulong upang makamit ang
iyong layuning pangkalusugan.

TANDAAN

• Ang paglahok sa mga pisikal na aktibidad ay nakatutulong sa iyong


kakayahang pangkatawan.
• Pag –isipan ang iyong layuning pangkalusugan at sumali sa mga
aktibidad na makatutulong sa iyo na makamit moa ng iyong layunin.
• Nakadepende sa iyong mga gawain ang patutunguhan ng iyong
kalusugan.
• Ang mga gawaing pisikal ay nakapagbibigay ng lakas sa mga muscle
at napananatili ang tamang timbang.

5
VI. Practice Tasks

Activity 1

MAGSANAY TAYO!

Pag-aralan muli ang pyramid. Ano – anong mga gawain ang makikita mo sa
Physical Activity Pyramid Guide ang makatutulong sa paghubog ng lakas ng iyong
kalamnan? Ano – anong mga gawain naman ang makatutulong sa paghubog ng tatag
ng iyong kalamnan? Isulat ang mga ito sa tamang kolum sa tsart.
Lakas ng Kalamnan Tatag ng Kalamnan

Activity 2

Iguhit sa patlang ang Happy Face kung tama ang kaisipang isinasaad sa bawat

pangungusap at sad face naman kung hindi.

1. Ang regular na pag – eehersisyo ay nakatutulong sa ating upang maging


malakas at malusog.
2. Ang 90-degree push – up ay isang halimbawa ng pagpupuwersa sa mga muscle.
3. Nakadudulot ng pinsala sa muscle ang pagpuwersa sa katawan na gawin ang
pisikal na aktibidad.
4. Ang panonood ng TV ay mabuting ginagawa nang madalas.
5. Nasusubok ang ating cardiovascular endurance tuwing tayo ay sumasayaw.
6. Sa pagsasagawa ng sit –up kailangang humiga sa isang rubber mat nang
nakatihaya.
7. Kailangan nating sundin ang rekomendasyon sa PPAP.
8. Ang mga gawaing pisikal ay nakapagbibigay ng lakas ng muscle lamang.
9. Magpalakas ng abdominal muscles upang mas mapabuti ang balance at
mabawasan din ang taba.
10. Siguraduhing ang aktibidad na pipiliin ay nararapat upang mapabuti ang iyong
pangkalahatang kalusugan.

6
Activity 3

Itala ang iyong progreso sa bawat araw ayon sa pagkamit ng iyong layuning
pangkalusuagan. Sagutan ang talaan araw-araw.

Araw Mga Ehersisyo at Aktibidad Resulta

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

7
VII. Post Test

SUBUKAN MO
Magbigay ng limang bagay na paborito mong gawin. Ayusin ito mula sa
pinakanais mong gawn hanggang sa hindi mo gaanong nais gawin. Lagyan ito ng bilang
1 – 5.

VIII. Assignment

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Bakit kailangan sundin natin ang rekomendasyon sa PPAP?


2. Ano ang mga mabubuting benepisyo ang makakamit sa pagsunod ng rekomendasyon
sa pyramid?

8
IX. Answer Key
Pre –Test
(answers may vary)
Activity 1
Lakas ng Kalamnan Tatag ng Kalamnan
Pagjojogging Paglalangoy
Paglalaro ng iba’t ibang isports Pagsasayaw
Pag eehersisyo Pagbibisekleta
Paglilinis ng bahay

Activity 2
1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

References
Masigla at Malusog na katawan at Isipan
Batayang Aklat, pahina 41 - 45

You might also like