You are on page 1of 73

1

ANG PAGDIRIWANG NG
BANAL NA MISA

MISA DE AGUINALDO
2

MISA NG SAMBAYANAN

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang tagapagdiwang, mga


nakikipagdiwang na mga pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay inaawit.

Pagsapit sa dambana, ang mga nakikipagdiwang na mga pari, ang


tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa
hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan
ng paghalik sa ibabaw ng altar. Matapos nito, iinsensuhan ng tagapagdiwang
ang altar.

Pupunta ang tagapagdiwang sa kanyang upuan at sisimulan ang Banal na Misa


sa pamamagitan ng antanda ng krus.

PAGBATI

Punong Tagapagdiwang:

 Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng


Espiritu Santo.

Bayan: Amen!

Punong Tagapagdiwang:
Ang pagpapala at kapayapaan mula sa
Diyos na Ama natin at sa Panginoong
Hesukristo nawa’y sumainyo
Bayan: At sumaiyo rin!

PAGSISISI SA KASALANAN
3

Aaanyayahan ng pari ang mga tao.

Punong Tagapagdiwang:

Mga kapatid, tinipon tayo bilang kaanib ng


angkan ng Diyos, kaya dumulog tayo sa
maawaing Panginoong nagpapatawad nang
lubos.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos, ipahahayag ng pari o ng


sinumang angkop na tagapaglingkod ang mga sumusunod o iba pang pagluhog
na kaugnay ng “Panginoon, kaaawaan mo kami.”

Sinugong tagapagpagaling sa mga


nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Dumating na Tagapag-anyayang mga


makasalana’y magsisi,
Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama


para ipamagitan kami,
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
4

Punong Tagapagdiwang:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at
patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen!

PAPURI SA DIYOS

Papuri sa Diyos sa kaitaasan,


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri ka naming, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang,
O Hesukristo,
ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
5

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO


PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


tunghayan mo ang pananabik ng iyong
sambayanan
sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon naming
mahal,
Pasapitin mo kami sa kagalakang dulot ng
kanyang pagtubos
at pasiglahin mo kami sa pagpapasalamat sa
iyong kaloob
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
6

LUNES SA IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO


PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming maawain,


pagindapatin mong dinggin ang aming
panalangin
at pasilayan mo ang nadirimlan naming
kalooban
sa pagdating ng iyong Anak
na kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
7

IKA – 17 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming Lumikha at Tagapagligtas,


niloob mong magkatawang-tao ang iyong Salita
sa sinapupunan ng laging Birheng si Maria.
Sa pag-ako ng iyong Bugtong na Anak sa aming
pagkatao
pagindapatin nawa kaming sa iyong pagka-
Diyos
ay makasalo sa pamamagitan niya kasama ng
Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
8

IKA – 18 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


kaming naghihirap sa mga lumang pasanin
dahil sa pagkakasalang sa ami’y umalipin
ay palayain mo pakundangan sa bagong
pagsilang
na dulot ng iyong Anak na aming hinihintay
sapagka’t siya ang namamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Bayan: Amen!
9

IKA – 19 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


minarapat mong mahayag ang iyong kadakilaan
sa pagsilang ng Mahal na Birhen para sa
sanlibutan.
Ang dakilang misteryong ito
ng pagkakatawang-tao ng Anak mo
ay mapag-ukulan nawa namin ng lubos na
pananalig
at maipagdiwang namin nang may di
magmamaliw na pag-ibig
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
10

IKA – 20 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


ang iyong Salitang nananahan sa iyong
kaibuturan
ay dinala sa sinapupunan ng Birheng kalinis-
linisan
noong tanggapin niya ang Mabuting Balitang
hatid ng anghel
at siya’y lukuban ng Espiritu Santo bilang iyong
tahanan.
Katulad ng Mahal na Birhen,
matanggap nawa naming mapagpakumbaba
na sundin ang loob mo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Bayan: Amen!
11

IKA – 21 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong
sambayanan
upang ang kagalakan sa pagdating
ng iyong nagkatawang-taong Anak
ay magdulot ng gantimpalang buhay na walang
wakas
kapag siya ay nagbalik nang may kadakilaang
lantad
sapagka’t siya ang namamagitan kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
12

IKAAPAT NA LINGGO SA PANAHON NG ADBIYENTO


PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


kasihan mo kami ng iyong pagmamahal
upang kaming nakabatid sa pagbabalita ng
anghel
tungkol sa pagkakatawang-tao ng Anak mo
ay makapakinabang sa kanyang pagpapakasakit
at pagkamatay sa krus sa pagsapit namin
sa pagkabuhay niya sa langit
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
13

IKA – 22 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong sa pagdating ng iyong Anak
ay matubos ang sangkatauhang
nakita mong sa kamatayan nasadlak.
Ipagkaloob mong ang mga nagdiriwang
sa kanyang pagkakatawang-tao
nang may kapakumbabaan at katapatan
ay maging dapat na makasalo sa Manunubos
naming ito
na siyang namamagitan kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
14

IKA – 23 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng
iyong Anak
kaming mga lingkod mong hindi karapat-dapat
ay tangkilikin nawa sa pag-ibig ng iyong Salita
na nagkatawang-tao sa sinapupunan ng Mahal
na Birhen
at nanahan sa aming piling
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
15

IKA – 24 NG DISYEMBRE
PANALANGING PAMBUNGAD
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Panginoong Hesus,
dumating ka nawa at huwag nang magluwat.
Sa mga nagtitiwala sa iyong pag-ibig na matapat
makapagbigay-galak nawa ang iyong pagparito
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
16

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


(tingnan ang mga pagbasa sa leksyonaryo)

HOMILIYA
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
(kung matapat ang Misa de Aguinaldo ng Sabado ng Gabi
at Linggo)
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat na may gawa ng
langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo
iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo.
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
pinagpakasakit ni Pontio Pilato ipinako sa krus,
namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao. Nang maikatlong araw ay nabuhay
na mag-uli umakyat sa langit, naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, doon magmumula’t paririto at huhukom
sa nangabubuhay at namamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika
sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng
mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli
ng nangamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan
Amen.
17

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 15 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Magalak tayo at magpasalamat sa Diyos na


walang-sawang nakikinig at tumutugon sa ating
mga pangangailangan. Sa bawat panalangin
ating itutugon:
PANGINOON, DINGGIN MO ANG
AMING PANALANGIN.

Maging buhay na patotoo nawa ng kagalakan,


kapayapaan, at pag-asa ang ating Santo Papa, mga
obispo, pari, at relihiyoso. Manalangin tayo. T

Matularan nawa ng mga pinuno ng ating pamahalaan


ang payak, matuwid at makatarungang pamumuhay ni
Juan Bautista. Manalangin tayo. T

Makatagpo nawa ng ginhawa, kalakasan at galak sa


Diyos ang mga naghihinagpis dahil sa matinding
pinagdaraanan o karamdaman. Manalangin tayo. T

Magkaisa at magtulungan nawa ang lahat ng


mamamayang Pilipino tungo sa kapayapaan, kaunlaran,
at kagalakan ng ating bayan. Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T
18

Punong Tagapagdiwang.

Ama naming Diyos, dinggin mo ang aming


panalangin. Sa paghihintay namin sa iyong
Anak, alisin mo ang aming mga pangamba
at palitan mo ito ng kagalakan. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon.

Bayan: Amen!
19

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 16 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Buong galak at pagtitiwala nating


idalangin sa Diyos Ama na sa pagdating ng
kanyang Anak at Panginoon natin ay mas
mapatibay pa ang ating pananampalataya, pag-
asa, at pag-ibig. Sabihin natin
PANGINOON, DINGGIN MO KAMI

Upang ang mga namumuno sa Santa Iglesya Katolika ay


mapuno ng pag-asa at kagalakan, at may lubos na
sigasig sa pagbabahagi ng kaligtasan ni Jesukristo,
manalangin tayo. T

Upang ang mga pinuno sa pamahalaan ay maglingkod


sa diwa ng katotohanan, katapatan, at katarungan, at
talikuran ang anumang uri ng katiwalian at di-
makataong pagtrato sa mga mamamayan, manalangin
tayo. T

Upang ang sambayanang Pilipino ay laging magsikap


para sa pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran sa ating
bayan, manalangin tayo. T

Upang ang mga maysakit, mga nawawalan ng pag-asa,


mga pinabayaan, at mga biktima ng karahasan at
kahirapan ay makatagpo ng kalinga at pagmamahal sa
Diyos sa tulong ng kanilang pamilya at komunidad,
manalangin tayo. T
20

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Dakilang Diyos Ama, dinggin mo ang


aming mga kahilingan upang mapuspos
kami ng kagalakan sa pagdating ng iyong
Anak na si Jesukristong aming Panginoon.
Bayan: Amen!
21

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 17 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Niyakap ni Jesus ang ating pagkatao at


nakipamuhay sa atin bilang kapamilya ng
sangkatauhan. Ipanalangin natin sa Ama na sa
pagdiriwang natin ng Misa de Gallo, matularan
nawa natin si Kristo. Buong pagtitiwala tayong
manalangin.
PANGINOON, DINGGIN MO ANG IYONG
BAYAN

Maging halimbawa nawa ang Simbahan at ang mga


pinuno sa pamahalaan ng pagkakaisa bilang pamilya ng
Diyos at maging saksi sa pagbuo sa isang lipunang
maka-Diyos at makatao, manalangin tayo. T

Maghari nawa ang kapayapaan sa sangkatauhan at


mapangalagaan nawa natin ang kalikasan bilang ating
tahanan, manalangin tayo. T

Maghilom nawa ang mga sugat na dulot ng


pagkakawatak-watak ng mga mag-anak; at sa ating
pagdiriwang ng Taon ng Kabataan, nawa’y maging mga
tagapasinaya ng pagkakaisa sa bawat pamilya ang
kabataan, manalangin tayo. T

Magbunga nawa ng pagkakaisa at mas matibay na


pagsasama bilang pamayanan ang ating pagdiriwang ng
Misa de Gallo, manalangin tayo. T
22

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Ama, niloob mong isilang ng Birheng


Maria ang iyong Anak na si Jesus at maging
kaisa ng pamilya ng sangkatauhan. Maging
kawangis nawa ng puso ni Jesus ang aming mga
puso ngayon at magpakailanman.

Bayan: Amen!
23

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 18 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Ipinagkatiwala ng Diyos ang kanyang


Anak at si Maria sa pangangalaga ni Jose. Sa
tulong ng mga panalangin ni San Jose, idulog
natin sa Diyos ang pangangailangan ng
kanyang bayan. Isamo natin.
AMA NAMIN, DINGGIN MO ANG
IYONG MGA ANAK.

Tulad ni San Jose, lagi nawang maging bukas ang


kamalayan ng mga pinuno ng Simbahan sa mensahe ng
Diyos na napapaloob sa mga tanda ng panahon.
Manalangin tayo. T

Tulad ni San Jose, maging laging handa nawa sa


pagtugon ang mga pinuno ng ating pamahalaan sa
pangangailangan ng mga dukha at salat. Manalangin
tayo. T

Tulad ni San Jose, maging mga modelo nawa ng


katuwiran at kabutihan ang mga ama tahanan. Magturo
nawa sila ng mga salitang may pagmamahal sa kanilang
pamilya. Manalangin tayo. T

Tulad ni San Jose, ang manindigan nawa ang kabataan sa


kung ano ang makatuwiran at harapin ang kanilang mga
pananagutan, bilang mga tagapangalaga ng
kinabukasan. Manalangin tayo. T
24

Tulad ni San Jose, tayo nawang mga nagtitipon ngayo’y


sumunod sa kalooban ng Diyos nang walang pag-iimbot
at tanggapin din nawa natin si Jesus at Maria sa ating
mga tahanan. Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Punuin mo kami ng iyong Espiritu,


Panginoon. Turuan mo kaming sundin ang loob
mo upang mabuklod kami bilang isang mag-
anak sa ilalim ng iyong pagkalinga. Ikaw na
nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman.

Bayan: Amen!
25

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 19 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Walang kapantay ang kagandahang-loob


ng Diyos. Ibibigay niya sa atin ang lahat ng
ating mga pangangailangan sa kanyang takdang
panahon. Buong tiwala tayong dumalangin sa
kanya.
PANGINOON, DINGGIN MO ANG
AMING PANALANGIN.

Maging tagapatotoo nawa ang bawat pamilyang Pilipino


sa Mabuting Balita ni Kristo sa pamamagitan ng tapat na
pagmamahalan at paglilingkod sa isa’t isa. Manalangin
tayo. T

Manatili nawang bukas ang isip at puso ng mga pinuno


ng ating bayan at tumingin sila sa mga hinaing ng dukha
at iba pang nangangailangan. Manalangin tayo. T

Maging matatag nawa ang pananampalataya ng mga


kabataan at maging instrumento sila sa pagbuo ng
bayang nagtitiwala sa Diyos. Manalangin tayo. T

Pawiin nawa ng Panginoon ang lahat ng pag-aalinlangan


at pagkalito sa ating mga puso at isipan.
Manalangin tayo. T
26

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Panginoon, puspusin mo kami ng iyong


Espiritu upang buong galak naming tanggapin
si Jesus at maging tapat kaming lagi sa iyo,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!
27

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 20 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo sa Diyos upang tulad


ni Maria, buong puso rin tayong magtiwala
at tumalima sa Diyos. Ating sambitin.
AMA NAMIN, DINGGIN MO KAMI.

Tulad ng Anghel Gabriel, magpatuloy nawa ang


Simbahan sa masigasig na paghahatid ng Mabuting
Balita ng kaligtasang hatid ng Sanggol na Emmanuel.
Manalangin tayo. T

Gabayan nawa ng Espiritu Santo ang mga pinuno ng


ating pamahalaan upang lagi nilang maalala na sila’y
mga lingkod ng Diyos at ng bayan. Manalangin tayo. T

Patatagin at gabayan nawa ng Espiritu Santo ang mga


mag-anak na ‘di magkakasama-sama ngayong Pasko lalo
na ang mga pamilya ng mga migrante at mga lingkod-
bayan. Manalangin tayo. T

Tularan nawa ng mga kabataan si Maria na may matibay


na pananampalataya sa Diyos, kababaang-loob, at
malasakit sa kapwa tao. Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T
28

Punong Tagapagdiwang.

Ama, nagkatawang-tao ang iyong Anak


nang inialay ni Maria ang kanyang buhay
bilang iyong lingkod. Tularan nawa namin ang
halibawa ng Mahal na Ina habang naghahanda
kami sa pagdating ni Jesukristong aming
Panginoon.
Bayan: Amen!
29

PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 21 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo sa Ama na


mapasaatin din ang kagalakan sa piling ng
Panginoon at maibahagi rin ang
kagalakang ito sa ating kapwa. Ating
itutugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG
AMING PANALANGIN

Kagalakan at pag-asa nawa ang laging ipakita nating


mga miyembro ng Simbahan bilang patotoo natin sa
Mabuting Balita ng kaligtasan. Manalangin tayo. T

Maging inspirasyon nawa ng mga nagnanais na


maglingkod sa bayan ang buong kababaang-loob na
paglilingkod ni Maria at magsumikap silang isulong ang
pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran sa ating bayan.
Manalangin tayo. T

Maging bukal ng kagalakan at pag-ibig nawa ang ating


mga pamilya; umusbong nawa mula rito ang pagkakaisa
at kapayapaang kailangan ng ating bayan. Manalangin
tayo. T

Mapuspos nawa ng kagalakan sa paglilingkod ang


kabataan upang malabanan nila ang kultura ng
kamatayan at mga pang-aabuso sa ating lipunan at
kalikasan. Manalangin tayo. T
30

Salubungin nawa ng Panginoon ang mga kapatid nating


pumanaw na at ihatid sila sa walang hanggang
kapayapaan at kaligayahan. Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Ama naming mapagmahal, itulot


mong maipagdiwang namin nang buong
kagalakan ang pagsilang ng iyong
Dakilang Anak at aming Panginoon
magpakailanman.
Bayan: Amen!

PANALANGIN NG BAYAN
31

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 22 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Ang pagtalima sa mahiwagang balak


ng Diyos ang magdudulot sa atin ng
kaligtasan. Puno ng tiwala sa karunungan
at kapangyarihan ng Diyos, tumawag tayo
sa Kaniya at sambitin:
AMANG MAKAPANGYARIHAN, TURUAN
MO KAMING TUMALIMA SA IYONG MGA
BALAK!

Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang


pangunahan nila ang Bayan ng Diyos sa paghahanap ng
kalooban Niya at sa pagsunod sa Kanyang ninanais,
manalangin tayo sa Panginoon. T

Para sa lahat ng mga Kristiyano, upang sa taong ito ng


ekumenismo ay talikdan nila ang mga naging dahilan ng
pagkakawatakwatak ng Simbahan at mahanap nila ang
daan tungo sa pagkakaisa, manalangin tayo sa
Panginoon. T

Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang mahanap


nila ang daan tungo sa pagkakaisa ng lahat ng mga
rehiyon at lalawigan sa ating bayan, manalangin tayo sa
Panginoon. T

Para sa mga taong nagtatanim ng sama ng loob at


nagsasaboy ng pagkakawatak-watak ng mga tao, upang
32

mahilom ang kanilang mga sugat ng damdamin at


makita nila sa pagpapatawad ang landas tungo sa
pagkakabuklod, manalangin tayo sa Panginoon. T

Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pamayanang ito,


upang maging bukas ang ating loob sa pagtuklas sa
kalooban ng Diyos at sa masigasig na magsasabuhay
nito, manalangin tayo sa Panginoon. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

O Diyos na puno ng karunungan at


kabutihan, isugo Mo sa amin ang Iyong
Espiritung Banal upang mapasaamin ang
linaw ng isip na mahanap ang Iyong
kalooban at ang lakas ng loob para
matupad ang Iyong ninanais. Hinihiling
namin ang mga ito sa pamamagitan ng
Iyong Anak na si Hesukristong aming
Panginoon.

Bayan: Amen!

PANALANGIN NG BAYAN
33

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 23 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Hindi nakalilimot ang Diyos sa kanyang


mga pangako, at gumagawa siya ng mga
dakilang bagay para sa mga taos-pusong
sumusunod sa kanya. Manalangin tayong tulad
ni Maria na may ganap na pagtitiwala sa
kagandahang-loob ng Diyos. Sa bawat
kahilingan, ating itutugon
PANGINOON, IPAGKALOOB MO ANG
AMING KAHILINGAN

Manatili nawang mapagpasalamat at mapagtiwala sa


biyaya ng Maykapal ang lahat ng kasapi ng Simbahan sa
kabila ng mga pagsubok sa buhay. Manalangin tayo. T

Maglingkod nawa nang tapat ang mga pinuno sa


pamahalaan, at lagi nilang maalala na ang lahat ng
kanilang ginagawa at hangarin ay nalalaman ng
Maykapal na magpapakalat sa mga palalo at
magpapabagsak sa mga mapang-api. Manalangin tayo.
T

Maging instrumento nawa ng biyaya ng Diyos sa


lipunan ang kabataan at maging bisig sila ng Ama na
magpapakain sa mga nangagugutom at tutulong sa
kanyang bayan. Manalangin tayo. T
34

Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang mga


pangangailangan ng mga guro, manggagamot, lingkod-
bayan, at iba pang naglilingkod para sa kapakanan ng
mga mamamayan. Manalangin tayo. T

Tulad ni Maria, tayo nawang nagtitipon sa Misang ito’y


makaawit ng ating pagpupuri kasabay ng pag-alala sa
mga kabutihang kaloob ng Maykapal sa ating buhay.
Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)
Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Ama, palakasin mo kami sa harap ng mga


pagsubok at aliwin mo kami sa aming
kalungkutan. Gabayan mo kami sa
pagsisikap naming manatiling tapat sa iyo,
sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.
Bayan: Amen!

PANALANGIN NG BAYAN
35

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog.

IKA – 24 NG DISYEMBRE
Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo sa Ama na sa pagtanggap


natin sa kaligtasang dulot ng kanyang Bugtong
na Anak, tayo rin nawa’y makapaghatid ng
Mabuting Balita sa pamamagitan ng
pamumuhay na naaayon kay Kristo. Sabihin
natin.
PANGINOON, DINGGIN MO ANG
IYONG BAYAN

Patuloy nawang maging matapang na tagapangalaga at


tagapaghatid ng Katotohanan ang Simbahan sa gitna ng
mundong nasasanay na sa kasinungalingan. Manalangin
tayo. T

Ihanda nawa ng mga kawani ng pamahalaan ang


daraanan ng Panginoon sa pamamagitan ng tapat nilang
paglilingkod sa mamamayan. Manalangin tayo. T

Gamitin nawa ng kabataan ang mga makabagong paraan


ng komunikasyon upang ihayag ang Mabuting Balitang
ang Diyos ay nasa piling natin. Manalangin tayo. T

Maging daan nawa ang siyam na Misa de Gallo natin


tungo sa paghahanda sa muling pagsilang ni Jesus sa
ating mga puso. Manalangin tayo. T

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang


iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati
36

na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik)


Manalangin tayo. T

Punong Tagapagdiwang.

Ama naming mapagmahal, bigyan mo


kami ng siglang ihatid ang iyong Anak sa
tanan sa pamamagitan ng banal naming
pamumuhay Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.

Bayan: Amen!

PAGDIRIWANG NG
37

HULING HAPUNAN
PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Ngayon ay tatanggapin ng tagapagdiwang ang iba pang mga alay, ang
tinapay at ang alak. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng
kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Ngayoy tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana,


hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa
dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na
ito para maging pagkaing nagbibigay-
buhay.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan
man!
Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na napagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong
tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang
dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay. Mula sa katas
ng ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
38

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan


man!
Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng
pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap


kaming makasalanan. Tanggapin mo ang
aming pagsisisi bilang handog upang
kami’y matutong sumunod sa iyo ng
buong puso.
linsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana; pagkaraay
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga nagsisimba.

Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana, maghuhugas


siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y


hugasan
at linisin mong lubusan ang nagawa kong
pagsuway.
Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang


paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang makapangyarihan.
Bayan:

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa


iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa
ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.
39

IKATLONG LINGGO SA PANAHON NG ADBIYENTO


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


maihain nawang lubos
ang matapat naming paglilingkod
sa pagganap sa itinatag ng iyong Anak
at sa pakikinabang sa iyong pagtubos sa
aming lahat
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
40

LUNES SA IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang aming mga alay na ikaw
rin ang nagbigay.
Magdulot nawa ito ng gantimpalang
kaligtasan
na ngayon pa man ay amin nang
pinakikinabangan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
41

IKA – 17 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


gawing mong banal ang mga alay ng iyong
sambayanan
upang sa kagalang-galang na pagdiriwang
na ito
kami ay pagindapatin mong magkasalu-
salo
sa pagkaing ibinibigay mo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
42

IKA – 18 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


ang pagdiriwang namin nitong paghahain
sa iyo
ay magpagindapat nawang kami’y
pangibabawan ng ngalan mo
upang kami’y maging marapat makasalo sa
buhay na walang maliw
ng Anak mong naging abang tao upang
kami’y pagalingin
sapagka’t siya ang namamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
43

IKA – 19 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


tunghayan mo ang mga nakahain sa
dambana.
Itong aming abang nakayanan
ay magkamit nawa ng kapupunang
kabanalan
na idinudulot ng iyong kapangyarihan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
44

IKA – 20 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


itangi mo ang paghahaing ito
upang ang mga nagdiriwang ay magkasalu-
salo
sa sinasampalatayang dapat na asahan
sa darating mong Anak na aming
hinihintay
sapagka’t siya ang namamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
45

IKA – 21 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


kalugdan mo ang mga alay ng iyong
sambayanan.
Ang ipinagmagandang-loob mong ibigay
sa amin upang maihain
ay siya nawang gumanap sa iyong
ginagawa upang kami’y tubusin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
46

IKAAPAT NA LINGGO SA PANAHON NG ADBIYENTO


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


ang mga alay naming nakahain sa iyong
dambana
ay pabanalin nawa ng paglukob ng Banal
na Espiritu
na pumuspos sa sinapupunan ng Mahal na
Birheng Maria
upang magdalang-tao at magsilang sa
iyong Anak
na siyang namamagitan magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
47

IKA – 22 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


dumudulog kaming may tiwala sa iyong
tapat na paglingap
ngayong inihahain namin ang mga alay sa
iyong dambana
upang sa pagdiriwang naming ito
kami ay dalisayin ng pagpapala mo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
48

IKA – 23 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


ang paghahaing ito na nagdudulot sa amin
ng ganap na pagsamba sa iyong kadakilaan
ay maging lubos nawang
pakikipagkasundo namin sa iyo
upang maipagdiwang namin nang may
dalisay na loob
ang pinagbuhatan ng aming Manunubos
na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
49

IKA – 24 NG DISYEMBRE
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


ang mga alay namin ay iyong tanggapin
upang ang paghahain
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
ay mapakinabangan namin.
Pagindapatin nawa nito na aming
panabikan
ang pagdating ng iyong Anak
nang may dalisay na kalooban
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
50

PREPASYO
Sumainyo ang Panginoon.
At sumaiyo rin.

ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.
Ang pagsugo mo sa kanya
ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta.
Ang pagsilang niyay pinanabikan
ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay
sa kapangyarihan ng Espiritung Banal.
Ang pagdating niya’y inilahad
ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag.
Ngayong pinaghahandaan namin
ang maligayang araw ng kanyang pagsilang,
kami’y nananabik at nananalanging
lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:
51

SANCTUS

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT


Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at


lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at


kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo + ng


aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Ang mga salita ng
Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang
malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan
ng mga ito.
Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging
handog,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang
nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:
52

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,


pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga
alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG
LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at
Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya
bilang pagsamba. Magpapatuloy ang Tagapagdiwang.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas
sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG
BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG
AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT
PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG
MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang
patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:
53

Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang


siya ay nagdarasal:

Ama, ginagawa namin


ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling
pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
54

A ma, lingapin mo
ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Jose, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.

A lalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang
sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


ng kabiyang ng kanyang puso, si San Jose
kaisa ng mga apostol
at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo
55

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa


niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
56

ANG PAKIKINABANG
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at
Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang
ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa
langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat
ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa
pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at
ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailan man! Amen.
57

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming Pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan.
Amen.
lpahahayag ng pari

Ang kapayapaan ng Panginoong


Hesukristo ay laging sumainyong lahat.
At sumaiyo rin.
lpahahayag ng diyakono o ng pari

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t


isa.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya
ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis
habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng


aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa
namin sa pakikinabang ang buhay na walang
hanggan.
58

Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang


nagdarasal nang pabulong ang pari.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo,
Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama
kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong
pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na
katawan at dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mo akong laging makasunod
sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y
mawalay sa iyo kailanman.

Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang


panalangin bago magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan
ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao
siyang magsasabi ng malakas:
59

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapapalad tayong nakikibahagi sa
kanyang banal na piging.
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa
iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ako.
Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana
habang patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni


Kristo patungo sa buhay na walang
hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.
Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni


Kristo patungo sa buhay na walang
hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.
Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni
Kristo. Makaaawit ang koro ng naaangkop na awit.
Matapos ang komunyon, maaaring mgakaroon ng ilang saglit ng
katahimikan para sa pansariling pananalangin at pagninilay.
60

IKATLONG LINGGO SA PANAHON NG ADBIYENTO


PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


ang pinagsaluhan namin ngayon
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
ay magpagindapat nawang kami’y maging
handa
para sa Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak
na siyang namamagitan kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
61

LUNES SA IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO


PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


mapakinabangan nawa namin ang aming
pinagsaluhan
upang sa aming paglalakbay dito sa lupang
papanaw
aming mapanaligan ang iyong
pagpapalang pangmagpakailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
62

IKA – 17 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


kaming pinapagsalo mo sa iyong piging
ay pag-alabin nawa ng iyong Espiritu
sa pananabik na magliwanag
sa piling ng dumarating na si Kristo
na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
63

IKA – 18 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


pinapakinabang mo kami sa dakilang pag-ibig
mo
na aming ipinagdiwang sa banal mong
tahanang ito.
Mapaghandaan nawa namin sa paraang
marangal
ang darating na dakilang kapistahan ng
aming katubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
64

IKA – 19 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


bilang pagtanaw ng utang na loob sa amin
pinagsaluhan
kami ay panatilihin mong nananabik
sa mga darating mong bigay
upang mapaghandaan naming tanggapin
nang marangal
ang pagsilang ng aming Manunubos na mahal
na siyang namamagitan kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
65

IKA – 20 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


ang mga pinapagsalu-salo mo sa iyong
banal na piging
ay papagkamtin mo ng tunay na kapayapaan
bilang kapakinabangan sa ginanap na
pagdiriwang
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
66

IKA – 21 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


ang pakikinabang ng iyong sambayanan
ay siya nawang magtaguyod lagi sa tanang
nagdiwang
upang sa pagsamba sa iyong kadakilaan
makamtang masagana ang ganap na
kagalingan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
67

IKAAPAT NA LINGGO SA PANAHON NG ADBIYENTO


PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


amin nang pinagsaluhan ang piging na
nagbigay-buhay.
Habang papalapit ang dakilang kapistahan
ng pasko,
lalo nawa kaming makinabang nang may
pananabik
sa pagiging marapat sa pagdiriwang sa
pagsilang ng Anak mo
na siyang namamagitan magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
68

IKA – 22 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


kami’y iyong palakasin sa aming
pakikinabang
upang kami’y makasalubong sa
dumarating naming Tagapagligtas
nang may gawang karapat-dapat para
maiharap
sa ikapagkakamit namin ng pagiging
kabilang sa mga mapalad
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
69

IKA – 23 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


kaming pinapagsalo mo sa piging na banal
ay pagkalooban mo ng iyong kapayapaan
upang kami’y makapaghintay at makasalubong
nang may ilawang nagdiringas
para sa pagdating ng pinakamamahal mong
Anak
na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
70

IKA – 24 NG DISYEMBRE
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


ngayong aming pinagsaluhan ang iyong
piging na banal,
amin nawang pakinabangan ang walang
kupas na bigay
ng walang maliw na pagsilang ng Anak
mong aming ipinagdiriwang
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
71

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing


patalastas na sasabihin sa mga tao. Pagkatapos, gaganapin ang
paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:


At sumaiyo rin.

Tagapagdiwang:

Magsiyuko kayo samantalang iginagawad ang


pagpapala

Ang makapangyarihang Diyos Ama ng


Bugtong na Anak na naparito noon at hinihintay
nating bumalik ngayon ay siya nawang
magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag
ng kanyang pagdating at siya rin nawang
pumuspos sa inyo ng pagpapala ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
72

Patatagin nawa niya kayo sa


pananampalataya, paligayahin sa pag-asa, at
pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon
at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Kayong nagagalak sa pagdating ng


nagkatawang-taong manunubos ay puspusin
nawa niya ng gantimpalang buhay na di
matatapos kapag siya’y dumating nang may
kadakilaang lubos ngayon at magpasawalang
hanggan.

Bayan:
Amen.
Babasbasan ng Tagapagdiwang ang mga tao habang kanyang
ipinahahayag.
At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos,
Ama at  Anak at Espiritu Santo ay manaog
nawa at mamalagi sa inyo magpasawalang
hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Amen.

Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na magkadaop ang mga kamay


ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:
Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.
73

Sasagot ang mga tao:


Salamat sa Diyos.
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.

You might also like