You are on page 1of 24

Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang Pilipino

Ang Papel-Pananaliksik ay iprinisinta kay

Gng.Zenaida R. Belulia

Bilang pagtupad sa isa sa pangangailangan

sa Asignaturang Filipino-2

(Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik)

______________________________________________

Ikatlong Grupo

Escabarte, Glynn

Espinosa, Lloyd

Gonzales, Marlloiz

Omega, Kenneth

Pallorina, Gabriel

Uru,Elleazar

Labao, Sittie Naila

Legaspi, Christine Jewel

Panerio, Caila

March 2017
Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ng paksang “Mga Fantaseryeng naging

Popular sa Sambayanang Pilipino” ay taos pusong ipinapaabot

ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon

at nagbigay suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na

ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang naming sa mga

sumusunod:

 Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan

at sinuportahan sa aming mga pangangailangan.

 Kay Gng. Zenaida Belulia, an gaming matiyagang guro na

sumusuporta at nagtitiyagang magturo sa aming

asignatura.

 Sa aming mga respondente na nagbigay sa amin ng

impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na

ito.

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal,sa pagdinig sa

aming mga dalangin, sa mga pagpapala at sa pagbibigay

sa amin ng kalakasan.
Paghahandog

Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa mga sumuporta at

naging bahagi ng pananaliksik na ito. Kaya ito ay aming

inihahandog sa mga taong naging aming inspirasyon sa paggawa

nito.

Sa aming mga magulang

Guro

Mga kaibigan

Mga kamag-aral

Sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito

At higit sa lahat sa

Poong Maykapal
Kabanata 1

Kaligiran ng Pananaliksik

Panimula

Mahilig ka ba manood ng telebisyon? Gaano katagal ang

iyong ginugugol na oras sa panonood? Hindi maiiwasan sa mga

Pilipino ang pagkahumaling sa panonood ng mga palabas sa

telebisyon, sapagkat ito ang kanilang nakasanayan at ito

narin ang nagsisilbiing libangan nila pagkatapos ng kanilang

mga gawain, mga trabaho, at mga klase, ito rin ang

nagbibigay daan upang makapagsama-sama ang pamilya kahit na

sa kakaunting oras lamang. Habang lumilipas ang panahon ay

nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng palabas, may aksyon,

kwentong pag-ibig, komedya, katatakutan, at kung minsan nga

ay mga pinaghalo pa ang mga ito, nauso narin ang mga

“teleserye” at mga “Fantaserye”. Sa mga nabanggit, anong

klase ng palabas ang iyong pinapanood?

Ano nga ba ang Fantaserye? May maganda nga bang

naidudulot ang panonood nito? Ang Fantaserye ay isang genre

ng palabas kung saan ito ay pinaghalo-halong telenovela,

mito, at mahika, sa madaling salita, mga likhang-isip na

kwento. Ang ilang mga kilalang pantaserye ay Dyesebel,

Darna, Kokey, Encantadia, at marami pang iba. Ito ay

nagpapalawak ng imahinasyon ng mga manonood, mayroon ding

hindi magandang naidudulot ang panonood nito, sapagkat may


mga eksenang mararahas na di dapat ginagawa ng mga manonood,

mapabata man o mapamatanda. Malakas ang impak ng mga

pantaserye sa mga manonood, sapagkat ang mga kwento na gawa

ng malilikot na imahinasyon ay nabibigyang buhay ng mga

artista na gumaganap bilang mga bida at kontrabida. Ito din

ay kapana-panabik, sapagkat ito ay talagang sinusubaybayan

ng mga tao kung ano na ang susunod na mangyayari. Ang

panonood ng fantaserye ay masaya at nakamamangha, ngunit,

kinakailangan pa rin ng patnubay at gabay ng magulang. Sana

ay patuloy nating suportahan ang mga fantaseryeng gawa ng

kapwa natin Pilipino. Sa pamanahong papel na ito ay

malalaman kung ano ang “Mga Fantaseryeng naging Popular sa

Sambayanang Pilipino”.

Paglalahad ng suliranin

Sinuri sa pag-aaral na ito ang “Mga Fantaseryeng naging

Popular sa Sambayanang Pilipino”.Ang mga respondente ay nasa

edad 25-30 anyos.

Sa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na

mga katanungan:

1. Ano ang katangian ng fantaserye na kinahumalingan ng

sambayanang Pilipino?

1.1 Malikhaing pag-iisip

1.2 Kagiliw-giliw panoorin


2. Ano ang kahalagahan ng panonood ng mga fantaserye?

2.1 Naghuhubog ng pag-iisip

2.2 Pagbibigay-aliw

3. Mga nakukuhang aral mula sa fantaseryeng ito?

3.1 Pagkakaiba ng tama at maling gawain

3.2 Paglalahad ng tamang asal

4. Anong nakakaaliw na pangyayari sa isang fantaserye ang

iyong nagustuhan?

4.1 Ang mga karakter

4.2 Ang paraan ng kanilang pagsasalita

Layunin at kahalagahan ng Pag-aaral

Maraming kahalagahan ang mga fantaseryeng nagmula sa

ating bansa. May mga iba’t-ibang layunin din na tatalakayin

ukol sa paksang “Mga Fantaseryeng naging Popular sa

Sambayanang Pilipino”.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik o pag-aaral na

ito ay malaman kung ano ang naiambag nito sa ating lipunan

at kung ano ang dahilan para ito’y makaapekto sa ating

kultura bilang mamamayang Pilipino. Layunin din ng pag-aaral

na ito ang matulungan ang iba’t-ibang mag aaral na makakalap

din ng mga impormasyon mula sa pananaliksik na ito.


Ang pananaliksik na ito ay may kahalagahan sa iba pang

mga mananaliksik. Makakatulong ito sa pamunuan ng paaralan

sapagkat sila ang mga namamahala sa paaralan. Mahalaga para

sa ating sambayanang Pilipino na madagdagan ang ating

kaalaman ukol sa paksang “Mga Fantaseryeng naging Popular sa

Sambayanang Pilipino”. Isa rin sa mahalagang layunin ng

pananaliksik na ito ang makatulong para sa sambayanang

Pilipino at iba pang mananaliksik.

Batayang konseptuwal/Retorikal

“Mga Fantaseryeng naging


Popular sa Sambayanang
Pilipino”

Ano ang mga May magandang


posibilidad na maidudulot ba ang
makakaapekto sa panonood ng
sambayanang fantaserye?
Pilipino?

Ayon sa Wikipedia, isa na sa mga negatibong epekto ay ang

hindi pagkakaroon ng mga kabataan ng dibisyon sa kung ano

ang pantasya at realidad. Patunay na rito ang sinabi ni Jean


Piaget (2008), isang sikolohista na nakapokus sa pag- aaral

ng kognisyon ng mga kabataan, ang pag iisip ng mga kabataan

ay hindi pa sapat sa mga ganitong fantaserye o palabas. Ayon

sa teoryang ito, ang mga batang edad 4-8 ay hindi pa gaano

kahubog ang kanilang pag-iisip upang maintindihan kung ano

ang pagkakaiba ng realidad sa fantaserye.

Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa “Mga Fantaseryeng

naging Popular sa Sambayanang Pilipino”. Ang mga

respondenteng kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga

dalaga’t binata na nasa edad 25 hanggang 30 taong gulang.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay kukunin lamang sa

Lungsod ng Marikina. Susuriin ng mga mananaliksik ang mga

resulta dito upang mabigyan ng nararapat na interpretasyon

ang mga nalikom na datos.

Kahulugan ng mga katawagan

fantaserye.isang dibisyon ng palabas pantelebisyon sa

anyo ng pantasya. Esklusibong ginagamit ang terminong ito ng

mga istasyon pantelebisyon sa Pilipinas.

bida.mga pangunahing tauhan na may ginagampanang

karakter sa isang palabas o serye.


kontrabida.binuo upang gawing miserable ang buhay ng

isang bida karaniwan silang bayolente at sakim.

teleserye.uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang

hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing

ito ay totoo.

telenovela.iba pang tawag sa mga Filipino Soap Operas

(FSO).

mito.kwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng

sansinukuban. Kalipunan ng iba’t-ibang paniniwala sa mga

diyos at diyosa at kwento ng tao at ng mahiwagang nilikha.

mahika.isang gawain o talentong isang salamangkero, may

angking kapangyarihan ang isang natatanging tao upang

makagawa ng mga natatawag na pambihira at kagila-gilalas na

mga bagay o himala.

Kabanata 2

Mga Kaugnay na literature at Pag-aaral

Ayon kay Dr. Joyce Arriola (2008), Department Chair ng

Media Studies ng Faculty of Arts and Letters, patok ang mga


“fantaserye” dahil alam ng mga network ang pormulang

gagamitin upang tugunan ang panlasa ng masang Pilipino.

“Umaangkop sa panlasa ng masa ang pormulang linear o

structural. Basic ang ganitong klaseng pormula. Sa umpisa

ipapakilala ang mga tauhan, magkakaroon ng problema,

ipapakilala ang tagapagligtas, hahanapan ng tagapagligtas ng

solusyon ang problema, at magiging maayos ang lahat.

Pumapatok ang ganitong klaseng pormula sapagkat madaling

mahulaan ang balangkas nito,” ani Arriola.

Payak mang maituturing ang balangkas ng mga ito, nakahatak

sa mga manonood ang mga kakaibang anyo ng isang bida, mga

nilalang na nagtataglay ng mga kakaibang lakas at katangian.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, binigyang buhay ng

mga “fantaserye” ang pakikipag sapalaran ng mga Pinoy

superheroes na sa komiks lang dati masusubaybayan.

Ayon kay Richard “Dode” Cruz, na nagtapos sa Faculty of

Pharmacy at headwriter ng seryeng Darna sa GMA 7, magandang

basehan ng “fantaserye” ang mga kuwentong hango sa komiks

dahil mayroon itong panitikang pinaghanguan.

“Kilala na ng lahat sina Darna, Dyesebel at iba pa,” dahilan

ni Cruz. “Meron na kasi silang tagasubaybay.”


Ngunit kahit sikat ang kuwento nina Darna, Panday at

Kampanerang Kuba, hindi ito nangangahulugang mataas ang

kalidad ng mga nasabing “fantaserye,”

Para kay Arriola, hindi makikita ang kalidad ng mga palabas

sa popular media sapagkat hindi ito nasusukat sa pamamagitan

ng pagbilang sa dami ng manonood nito.

Sapagkat naka-angkla ang mga “fantaserye” sa gusto ng masa

at mga advertisers, madali na lamang para sa mga manonood na

hulaan ang balangkas ng mga ito, dagdag niya.

“Eksperimento ang isang palabas kung laban ito sa karaniwang

predictable plot. At ang palabas na isang eksperimento ang

nagdudulot ng kalidad,” paliwanag ni Arriola.

Subalit ipinaliwanag ni Robert Joseph “RJ” Nuevas, produkto

ng dating College of Architecture and Fine Arts (CAFA) at

headwriter ng seryeng Sugo sa GMA 7, kakikitaan pa rin ang

mga pangyayari dito ng pagkakatulad sa totoong buhay.

Aniya, ang mga pag-uusap ng mga tauhan sa mga “fantaserye,”

gayundin ang kanilang mga desisyon ang mga kinakailangang

gawing natural upang hindi ito malayo sa tunay na mundong

ginagalawan ng mga tao.

“Kapag hindi mo nagawang mapaniwala ang mga manonood,

lumalayo sila sa mga napapanood nila. Kapag mas

makatotohanan, lalo nila itong pinapanood,” ani Nuevas.


Sa tulong ng mga makatotohanang desisyon at pag-uusap,

nagagawang pagtagpuin ng mga ito ang mundo ng realidad at

pantasya. Dahil doon, nakukuha ng mga tauhan ng mga

“fantaserye” ang simpatiya ng mga manonood.

At dahil na rin punung-puno ng special effects ang mga tagpo

sa fantserye, mas lalo nitong binibigyang-kulay ang palabas.

Ayon naman kay Arriola, malaki ang naitutulong ng mga serye

sa mga manonood na pansamantalang malimutan ang kanilang mga

problema. Ang katatawanan, hiwaga, at drama ng kwento ang

nagbibigay aliw sa mga tagasubaybay. Binigyang-diin din niya

na hindi masama ang pagtakas sa realidad habang nanonood ng

mga “fantaserye.”

“Walang masama sa pagtakas. Pero kung naulit ang ginawang

materyal sa pagtakas sa realidad, yun ang mahirap. Dapat may

bagong ideya na maiuugnay sa mga problema ng bansa.”

Pagtakas man sa realidad o pagpapakita ng totoong buhay,

hindi pa rin masasabing naibabahagi ng mga fantaseryeng ito

ang kaugalian nating mga Pilipino.

Para kay Milanie Sanchez, na nasa ikaapat na taon sa kursong

Journalism ng Faculty of Arts and Letters, mayroong

naibibigay na aral ang panonood ng “fantaserye.”


“Naroroon ang karaniwang makikita sa mga kuwentong pambata

na mayroong pabuya kapag gumawa ng kabutihan at kaparusahan

kung hindi,” ani Sanchez.

Ayon naman kay Joseph Emil Magalong, na kumukuha ng kursong

Applied Physics sa College of Science, pagsasayang lang ng

oras ang panonood ng mga “fantaserye.”

“Hindi naman kasi makatotohanan at hindi rin magagamit sa

pang-araw-araw na buhay,” sabi ni Magalong.

Subalit nagkasundo ang mga pahayag nina Sanchez, Magalong at

dalawa pang manunulat na walang direktang kontribusyon sa

kagandahang asal ang mga fantaseryeng napapanood ngayon.

“Hindi naman kasi talaga namin iniisip yung partikular,

pangkalahatan lang. Tulad ng laban ng kabutihan sa

kasamaan,” sabi ni Cruz.

Sinabi rin ni Nuevas na lahat ng tao naghahanap ng matatawag

na bayani sa buhay at naibibigay ito ng mga fantaserye.

Ngunit ayon kay Sanchez, hindi dapat labis ang pag-iidolo sa

mga bida ng mga kwentong napapanood.

“Nakakatuwa silang panoorin pero kalabisan naman kung

iidolohin,” sabi ni Sanchez.

Dagdag pa ni Magalong, “Hindi dapat makulong sa mundo ng

pantasya dahil may iba pang importante sa buhay.”


Binuhay ng fantaserye ang mga superheroes na nagtatanggol sa

tao sa masasamang kamay. Bagaman panandaliang dinadala ng

mga “fantaserye” ang mga tao sa ibang mundo, maimulat pa rin

sana ng mga ito ang pananaw ng mga manonood sa mga aral na

nakapaloob dito.

Kabanata 3

Pamamaraan

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang paraan ng

pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, at mga instrumentong

pananaliksik.
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay idinisenyo ayon sa paraang

deskriptibo. Susubuking ilarawan at suriin sa pag-aaral na

ito ang “Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang

Pilipino”. Sa ikalabing-isang antas sa Highschool taong

panunuran 2016-2017 sa Roosevelt College Incorporated sa

Lungsod ng Marikina.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

pagbuo ng talatanungan. Ang mga mananaliksik ay maghahanda

ng mga katanungan na naglalayong makahanap ng mga datos

upang malaman ang mga salik sa “Mga Fantaseryeng naging

Popular sa Sambayanang Pilipino”. Magsasagawa din ng

pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet.

Mga Pokus sa pag-aaral

Ang mga pipiliing mga respondente sa pag-aaral na ito

ay ang mga dalaga at binate na nasa edad 25 hanggang 30

anyos sa Lungsod ng Marikina.


Mga instrumentong Pananaliksik

Ang pagbuo ng talatanungan ay gagamitin upang maipakita

ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga

katanungan ay ipapasagot sa mga babe at lalaki na nasa edad

25 hanggang 30 anyos sa Lungsod ng Marikina.

Kabanata 4

Pagsusuri, Paglalahad, Interpretasyon

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap

mula sa mga dalaga’t binata na nasa edad 25 hanggang 30,


tungkol sa “Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang

Pilipino”.

Tahalanayan 1

Kasarian

Respondente Bilang Bahagdan (%)

Babae 13 65

Lalaki 7 35

Ipinapakita sa talahanayan 1 na may 13 na babaeng

respondente o 65% na kabuuan. Sumunod ang 7 na lalaking

respondente o 35% na kabuuan. Mas maraming babaeng

respondente kaysa sa lalaking respondente, sapagkat mas

madaling kausapin ang mga babae kaysa sa lalaki.

2.Sa anong estasyon ka madalas manood ng fantaseryeng

palabas?

Talahanayan 2
Mga Istasyon Respondente Bahagdan (%)

2 6 30

7 14 70

5 0 0

Ipinapakita sa talahanayan 2 na ang estasyon 7 ang

pangunahing estasyon na may pinakamaraming respondenteng

nanonood. Sa mga respondenteng nanonood sa estasyon 7 ay may

14 na respondente o 70% ng kabuuan ng respondente. Sinundan

ito ng estasyon 2 na may 6 na respondente o 30% ng kabuuan

ng respondente at ang pangatlo ay estasyon 5 na 0 ang

respondente o 0% na kabuuan.

3. Mahilig ka bang manood ng fantaserye?

Talahanayan 3

Hilig sa panonood Respondente Bahagdan (%)

Oo 12 60

Hindi 8 40

Ipinapakita sa talahanayan 3 na mas maraming nanonood ng

fantaserye. Mayroong 60% ang mga nanonood at 40% naman ang

hindi.

4. Anong halimbawa ng fantaserye ang iyong pinapanood?

Talahanayan 4
Halimbawa ng Respondente Bahagdan (%)

Pantaserye

Dyesebel 3 15

Darna 3 15

Encantadia 11 55

Iba pa 3 15

Ipinapakita sa talahanyan 4 na may 3 respondente na nanonood

ng dyesebel na mayroong 15%,may 3 respondente na nanonood ng

darna na mayroong 15%, 11 namang respondente ang nanonood ng

encantadia na mayroong 55% at ang 3 respondente ay sumagot

ng iba pa na may 15%.

5. May maganda bang naidududlot ang panonood ng fantaserye?

Talahanayan 5

Mga Salik Respondente Bahagdan (%)

Meron 15 75

Wala 5 25

Ipinapakita sa talahanayan 4 na may 75% ng mga respondente

na mayroong magandang naidudulot ang panonood ng fantaserye

at ang natirang 25% ng mga respondente ay nagsasabi na wala

itong magandang naidudulot.


Kabanata 5

Paglalagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa “Mga Fantaseryeng

naging Popular sa Sambayanang Pilipino”. Sinimulan ito sa

paraan na malalaman muna kung ano ang kahulugan o


tinatalakay ng paksa. Maraming nakalap ang mga mananaliksik

na iba’t-ibang datos mula sa mga respondente. Maraming

mahahalagang aral ang nakuha sa pananaliksik na ito at

bilang mga mananaliksik ay may layunin na makatulong sa mga

susunod na mga mananaliksik na makakuha sila ng mga

impormasyon mula sa ginawang pananaliksik.

Itong ginawang pananaliksik ay may iba’t-ibang batayan

upang mas madaling maintindihan ng mga susunod na

mananaliksik, lalong lalo na ang pagkakaroon ng limitasyon

sa pag-aaral na ito. Binigyang kahulugan ang iba’t ibang mga

katanungan mula sa paksang tinalakay. May iba’t-ibang datos

na nakuha mula sa mga respondente na mga taga-Marikina.

Mayroon silang iba’t-ibang sagot na pinag-aralan ng mga

mananaliksik upang lumabas ang may makabuluhang kasagutan sa

mga katanungan.

Nakuha ng pag-aaral na ito ang maraming datos mula sa

mga respondente. Ang mga datos na ito ay nakatutulong sa iba

pang mga tao sa paraang nakadaragdag ito ng iba pang

impormasyon ukol sa “Mga Fantaseryeng naging Popular sa

Sambayanang Pilipino”.

Kongklusyon

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay

napatunayan na:
1. Mas marami ang nainterbyu na babae kaysa sa lalaki

kaya’t napatunayan sa pag-aaral na ito na karamihan sa

mga babae ang nanonood ng fantaserye kaysa sa mga

lalaki.

2. Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay

sumagot na may magandang naidudulot ang panonood ng

fantaserye.

3. Karamihan sa mga respondente na nainterbyu sa pag-aaral

na ito ay sa istasyon 7 madalas manood ng fantaserye.

Ito ay sinang-ayunan ng 70 bahagdan ng mga respondente.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangan na

datos ay nabuo ng mga mananaliksik ang rekomendasyong

ito.

Sa mga magulang, makatutulong ito upang malaman na

kailangang limitahan ng mga magulang ang kanilang mga

anak sa panonood ng mga fantaserye. Kailangan ng sapat

na patnubay ng magulang ang mga pinapanood na

fantaserye ng kanilang mga anak.

Sa mga guro, magiging mulat sa pagbabago ng mga iba’t-

ibang uri ng fantaserye. Paggamit ng fantaserye sa pag

tuturo upang mas lalong ganahan, maaliw ang kanilang

mga estudyante.
Sa mga susunod na mananaliksik, upang mas lalong mapag

yaman ang imahinasyon ng mga susunod na mananaliksik

tungkol sa ganitong uri ng paksa. Maaari itong gawing

batayan ng mga susunod na mananaliksik upang mas lalong

mapadali ang pagkalap ng mga datos.

You might also like