You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 8- Second Quarter Review Quiz

Name:________________________________________________________ Score:__________
I. Direction: Shade your chose answer.
1. Ayon kay ______________________ “Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
sarili tungo mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan”.
◯ Dr. Eduardo Morato ◯ Jack Weber ◯ John C. Maxwell ◯ Ban Ki- Moon
2. Ang mga sumusunod ay kasanayang dapat linangin ng isang tagasunod maliban sa isa.
◯ Kakayahan sa trabaho (job skills)
◯ Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
◯ Mga pagpapahalaga (values component).
◯ Kakayahang hindi makibagay sa sitwasyon
3. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
◯ pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
◯ pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa
◯ pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
◯ pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
4. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.
◯ awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
◯ impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
◯ karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat d
◯ posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan
5. Ang “No man is an island” ay isang kasabihan na nagpapatunay na ….
◯ Walang taong katulad ay isang isla
◯ Hindi mabubuhay ang isang isla kung walang tao
◯ Ang bawat tao ay magkakaugnay sa lahat ng bagay
◯ Ang bawat tao ay nangangailangan ng kanyang kapwa.
6. Ang pagkakaibigang nagsisimula sa pagkakatulad ng mga pagppahalaga at layunin ay anong uri ng pagkakaibigan?
◯ Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa hilig at gusto
7. Ayon kay Aristotle, ito ay ang pagkakaibigang hindi madaling mabuo at nangangailangan ng mas mahabang panahon.
◯ Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
◯ Lahat ng nabanggit
8. Anong uri ng pagkakaibigan ang lumalapit lang siya sa iyo kapag siya ay magpapatulong sa kanyang assignment?
◯ Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
◯ Pagkakaibigang nakabatay sa kasamaan
9. Ayon kay Aristotle, ang pagkakaibigan ay hindi pumapanig lamang sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t-isa. Alin ang may akmang paliwanag
sa pangungusap?
◯ Ang kaibigan dapat nakapanig sa iyo palagi.
◯ Hindi ka tunay na kaibigan kung pinapakinggan mo ang iba kaysa sa iyong kaibigan.
◯ Ang tunay na kaibigan ay tumutingin sa kung ano ang patas at tama para sa nakararami.
◯ Ang kaibigan ay dapat hindi iniiwan ang kanyang kaibigan.
10. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mahalaga at dapat maunawaan sa pakikipagkaibigan, maliban sa:
◯ ang pagkakaibigan ay hindi isang damdamin
◯ ang pagkakaibigan ay isang pasya
◯ ito ay nangangailangan ng malinaw na hangarin
◯ ikaw lamang ang umuunlad sa pakikipagkaibigan
11. Ang kahulugan ng tunay na kaibigan ay ______.
◯ nagpapasaya sa iyo araw-araw
◯ nagbibigay ng mabuting impluwensiya sa iyong pagkatao
◯ nasasabihan mo ng iyong problema
◯ nagpapakopya sa iyo sa oras ng pagsusulit

12. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


◯ Suntukin na lamang ang pader
◯ Kumain ng mga paboritong pagkain
◯ Huwag na lamang siyang kausapin muli
◯ Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
13. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napapaunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
◯ Intelektwal ◯ Pangkabuhayan ◯ Panlipunan ◯ Politikal
14. Ano ang tawag sa pakikipag - ugnayan natin sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw - araw?
◯ Pakikiisa ◯ Pakikipagkapwa
◯ Pakikipagkaibigan ◯ Pakikipagtulungan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapwa?
◯ Pag - unawa sa damdamin ng kapwa
◯ Pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat isa
◯ Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
◯ Pagtulong at pakikiramay sa kapwa sa abot ng makakaya
16. Alin sa mga sumusunod ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipagkapwa?
◯ Pagkilala sa sarili na mas matalino ka kaysa ibang tao.
◯ Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mong pakitunguhan ka.
◯ Kakayahan ng bawat isa sa atin na makibahagi sa gawing panlipunan.
◯ Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa sa abot ng makakaya.
17. Ang mga sumusunod ay makakamtan kapag nakipag – ugnayan sa kapwa ng may kabuluhan, maliban sa isa. Alin ito?
◯ Kaganapan ng pagkatao ◯ Kapanatagan ng kalooban
◯ Kaligayahan sa buhay ◯ Kaunlaran sa pamumuhay
18. Ang mararapat na pakikitungo sa kapwa ay?
◯ Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
◯ Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
◯ Pagtrato sa kaniya ng may paggalang at dignidad.
◯ Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-kapwa?
◯ ” Bakit ba nahuli kana naman?”
◯ “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
◯ “Sana sa susunod hindi kana huli sa usapan natin.”
◯ “Tatlumpong minuto na akong naghihintay sayo.”
20. Ang Golden Rule na “ Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo. ”Ang ibig sabihin nito ay:
◯ Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa ibang tao.
◯ Huwag kang makipag-kapwa sa iba.
◯ Huwag kang gagawa ng mga bagay na ayaw mong mangyari sayo.
◯ Huwag kang mananakit ng ibang tao.
21. Ito ay mga mahahalagang gawain ng tao na isang patunay na isa siyang likas na panlipunang nilalang maliban sa isa.
◯ Pakikipag-usap ◯ Paggamit ng Social Media
◯ Pagtutulungan ◯ Pagmumukmok
22. Ito ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng pakikipagkapwa at pagkakaisa sa gitna ng maraming problema.
◯ Pag-aaway ◯ Pagtatampuhan ◯ Pagbabayanihan ◯ Pagsasarili
23. Ang tao ay palaging nangangailangan ng makakasama. Ito ay sa dahilang ang tao ay isang ____ na nilalang.
◯ Intelektwal ◯ Pangkabuhayan ◯ Panlipunan ◯ Politikal
24. Si Adong ay natututo sa kanyang Guro sa EsP ng mga aral at moral na nagpabago sa kanyang sariling pag- unlad. Anong aspeto ng pagkatao
ang tinutukoy dito?
◯ Intelektwal ◯ Pangkabuhayan ◯ Panlipunan ◯ Politikal
25. Aling aspekto ng pagkatao naman ang higit na napapaunlad ni Jun sa pagsunod niya sa batas trapiko sa kanyang pagtawid sa kalsada.
◯ Intelektwal ◯ Pangkabuhayan ◯ Panlipunan ◯ Politikal
26. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napapaunlad ni Ben sa pagtulong sa kanya ni Aling Ana na magtinda ng balot sa hapon.
◯ Intelektwal ◯ Pangkabuhayan ◯ Panlipunan ◯ Politikal
27. Siya ang iyong pinupuntahang kapwa sa tuwing ikaw ay may sakit. Binibigyan ka nito ng gamot upang gumaling ang iyong karamdaman.
◯ Doktor ◯Guro ◯ Nanay ◯ Tatay
28. Siya ang kapwa na itinuturing mong pangalawa mong magulang kung ikaw ay nasa paaralan. Tinutulungan ka niya sa iyong mga asignatura sa
loob ng paaralan.
◯ Guro ◯ Lola ◯ Nanay ◯ Tatay
29. Sa loob ng tahanan siya ang ang laging nakahandang tumulong at gumagawa ng gawaing bahay
◯ Bunso ◯ Kuya ◯ Nanay ◯ Tatay
30. Ang pagiging lider ay pagkakaroon ng ano?
◯ Titulo ◯ Impluwensiya ◯ Kakayahan ◯ Tagasunod

You might also like