You are on page 1of 19

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Filipino
Ikalawang Markahan - Linggo 10 - Modyul 34:
Pagsunod at Pagsulat sa Panuto Gamit ang
Direksyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Modyul 34: Pagsunod at Pagsulat sa Panuto Gamit ang Direksyon
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Tagapamahala ng Paaralan: Rebonfamil R. Baguio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Madilyn P. Saphlot

Editor: Cathyrine D. Melos


Relene V. Llagas
Leah D. Okit

Tagasuri: Emelita F. Rey, PSDS

Tagalapat: Ma. Gelyn G. Zerna


Rommel C. Villa

Ilustrador: Madilyn P. Saphlot

Layout Artist: John Rimmon I. Taquiso

Tagapamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Tagapamahala ng mga Paaralan
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon-Sanggay ng Lungsod ng Valencia


Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Filipino
Ikalawang Markahan - Linggo 10 - Modyul 34:
Pagsunod at Pagsulat sa Panuto Gamit ang
Direksyon

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na ipadala ang iyong mga puna,
komento at rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa
Kagawaran ng Edukasyon sa Region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
3
Ang Modyul na Ito

Ang pagsunod sa mga panuto ay araw-araw nating ginagawa.


Napabibilis ang ating mga gawain kapag tama ang pagsunod natin sa
mga panuto. Minsan naman ay tayo ang nagbibigay ng mga panuto.

Halika at matuto pa tayo tungkol sa pagsunod at pagsulat sa


mga panuto gamit ang pangunahing direksyon at pangalawang
direksyon.

Mga Tala para sa Guro

May mga piling gawain na mas mainam


kung maoobserbahan ng tagapagturo. Mas
mapapadali ang pagkatuto sa aralin at sa
mga gawain kung mayroong malinaw na
gabay ng guro.

4
i
Alamin

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

(Mga Layunin)

1. Nakasusunod sa napakinggang panuto.


2. Nakasusulat ng mga panuto gamit ang pangunahing direksyon.

3. Nakasusulat ng mga panuto gamit ang pangalawang direksyon.

4. Napapahalagahan ang tamang pagsunod sa panuto.

Paano matuto sa Modyul na ito

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang;

 Basahin at unawaing mabuti ang aralin.


 Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya
at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
Mga Icons sa Modyul na ito
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
ii
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa


pamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa
konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto.

6
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii

Subukin

Panuto: Tingnan ang larawan. Kompletuhin ang mga pangungusap sa


pamamagitan ng pagpuno ng tamang salita para sa patlang. Pumili ng
sagot sa loob ng kahon.
(1-4) A.Hilaga B.Timog C.Silangan D.Kanluran
1. Ang bahay ay nasa ___________.
2. Ang manok ay nasa ___________.
3. Ang bundok ay nasa ___________.
4. Ang mga halaman ay nasa _______.

(5-8) A. Hilagang-Kanluran C. Hilagang-Silangan


B. Timog-Kanluran D.Timog-Silangan
5. Ang kambing ay nasa ______________.
6. Ang kalabaw ay nasa ______________.
7. Ang bahay ay nasa ________________.
8. Ang tindahan ay nasa ______________.

9-10. Sumulat ng (1) isang panuto. Gawing gabay ang mga naunang
mapa (2puntos).
________________________________________________________
________________________________________________________

Tapos ka na ba?

Nahirapan ka ba sa pagsagot sa ating unang gawain o hindi?

7
Huwag mag-alala dahil ang modyul na ito ay makatutulong upang
mapaunlad ang iyong kaalaman.

Maaari ka nang tumungo sa Aralin 1.


z

Aralin Pagsunod at
iv
Pagsulat sa
1 Panuto Gamit ang Direksyon

Ang pagsunod sa mga panuto ay mahalaga. Napapadali at


naisasagawa natin ang mga gawain at mga utos kung maayos na
nasunod natin ang mga panuto.

Ang leksyon na ito ay lilinang sa iyong kaalaman sa pagsunod at


pagsulat ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksyon at
pangalawang direksyon.

Balikan

Basahin ang sumusunod na mga salita.


*Kaliwa
*Kanan
*Harap
*Likod

*Timog
8
*Hilaga
*Silangan
*Kanluran

Tuklasin

Mayroon tayong apat na


pangunahing direksyon. Anu-ano
ang mga ito?

Hilaga

Silangan

Kanluran
Timog

PANGUNAHING DIREKSYON PANGALAWANG DIREKSYON


Hilagang Hilagang
Hilaga Kanluran Silangan

Kanluran Silangan
Timog Timog
Timog Kanluran Silangan

Suriin

Mahalaga ang paggamit ng direksyon upang mapadali ang


paghahanap sa lokasyon o kinaroroonan ng isang bagay, tao o lugar.

9
Ang mga pangunahing direksyon ay tumutukoy sa mga
eksaktong direksyon at tuwid na lokasyon o kinaroroonan ng isang
lugar o bagay. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Hilaga (H)
2. Timog (T)
3. Silangan (S)
4. Kanluran (K)

Ang silangan ay ang lugar kung saan sumisikat ang araw


tuwing umaga. Ang kanluran naman ay kung saan kumakanlong o
lumulubog ang araw. Hilaga ang tawag sa lugar na nasa harap mo
kapag ang lugar na sinisikatan ng araw ay nasa iyong kaliwa. Timog
naman ang tawag sa lugar na katapat ng hilaga.

May apat na pangalawang direksyon. Ito ay tumutukoy sa mas


espisipikong kinaroroonan ng isang lugar o bagay. Kadalasan, ito ay
pinaghalong pangunahing mga direksyon tulad ng:
1. Hilagang-Kanluran (HK)
2. Hilagang-Silangan (HS)
3. Timog-Kanluran (TK)
4. Timog-Silangan (TS)

Ang Hilagang-Kanluran ay nasa pagitan ng hilaga at kanluran.


Ang Hilagang-Silangan ay nasa pagitan ng hilaga at silangan. Ang
Timog-Kanluran ay nasa pagitan ng timog at kanluran. Nasa pagitan
naman ng timog at silangan ang Timog-Silangan.

Ang mga direksyon ay maaaring gamitin upang maging mas


malinaw at higit na mapadali ang pagsunod sa panuto o sa isang utos.
10
Maaaring gamitin ang pangunahing direksyon o ang pangalawang
direksyon.

Pagyamanin

Panuto: Tingnan ang mapa. Lagyan ng / ang panuto na naaayon sa


mapa at lagyan ng X ang hindi tama.

1. ____Itapon ang basura sa basurahan na nasa timog kanluran.


2. ____Bumili sa tindahan na nasa kanluran ng simbahan.
3. ____Umupo sa upuan na nasa timog na bahagi ng bata.
4. ____Pumunta sa ospital na nasa timog na bahagi ng bata.
5. ____Pumasok sa loob ng bahay na nasa silangan .

Panuto: Salungguhitan ang angkop na direksyon na susundin ng bata


sa mapa.
6. Ang bata ay pupunta sa simbahan.
(Hilaga, Timog)
7. Ang bata ay uupo sa upuan.

11
(Hilaga, Timog)
8. Ang bata ay dadalo sa parangal ng watawat.
(Silangan, Kanluran)
9. Ang bata ay kukuha ng halamang tubo.
(Timog-Silangan, Timog-Kanluran)
10..Ang bata ay dadalaw sa kanyang pinsan na nasa ospital. .
(Hilagang-Silangan, Hilagang-Kanluran)

Isaisip

Ang pagsunod sa panuto ay mahalaga. Mapapadali ang


pagtukoy sa kinaroonoan ng bagay o lugar kapag may kaalaman sa
pangunahing direksyon at pangalawang direksyon. Maaari itong
gamitin bilang gabay.

Isagawa

Panuto: Punan ng nawawalang salita ang patlang upang makompleto


ang panuto o pangungusap.

12
Pagmasdan ang araw na sumisikat sa ____________at
lumulubog sa _______________.
Nasa pagitan ng ______________at_____________ ang timog-
kanluran.

Tayahin

Panuto: Sundin ang panuto na may direksyon. Isulat sa patlang ang


lugar na mapupuntahan.

1. Ano ang nasa timog silangang bahagi ng mapa?_______


2. Ano ang nasa timog kanlurang bahagi ng mapa?_______
3. Ano ang nasa hilagang silangan?________
4. Ano ang nasa hilagang kanluran?_______

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang angkop na


direksyon.
5. Umupo sa ilalim ng punong kahoy. Saan makikita ang
punong kahoy?
A. Timog

13
B. Hilaga
C. Silangan
D. Kanluran

6. Magpahinga sa loob ng bahay. Saan makikita ang bahay?


A. Timog
B. Hilaga
C. Silangan
D. Kanluran
7. Magdasal sa simbahan. Saan makikita ang simbahan?
A. Timog
B. Hilaga
C. Silangan
D. Kanluran
(8-10)
Panuto: Magbigay ng tamang panuto. Gawing gabay ang mapa.
8. .
Kumapit ka diyan Al. Bibili
tayo ng tinapay sa tindahan.

A. Magbisiklita patungo sa Timog.


B. Magbisiklita patungo sa Hilaga.
C. Magbisiklita patungo sa Silangan.
D. Magbisiklita patungo sa Kanluran.
9. .

Tapos na ang klase,


umuwi na tayo sa
bahay.

14
A. Maglakad pa Timog.
B. Maglakad pa Hilaga.
C. Maglakad pa Silangan.
D. Maglakad pa Kanluran.
10.

Sumakay ng kalesa dahil


manonood ng hayop sa zoo.

A. Sumakay sa kalesa pa Hilagang-Kanluran.


B. Sumakay sa kalesa pa Hilagang-Silangan.
C. Magbisiklita pa Hilagang-Kanluran.
D. Magbisiklita pa Hilagang-Silangan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gawin ang sumusunod.


1. Kumuha ng mapa ng Pilipinas.
2. Isulat ang mga lugar na nasa timogang na bahagi ng mapa.
3. Isulat ang mga lugar na nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1.A
2.B
3.C
4.D
5.A
6.C
7.B
8.D
9.
10.

Pagyamanin
1./
2.X
3./
4.X
5./
6. Hilaga
7. Timog
8.Kanluran
9.Timog-Silangan
10.Hilagang-Kanluran

Tayahin
1.Silya, Upuan
2.Ospital
3.watawat
4.zoo
5.A
6.D
7.C
8.B
9.D
10.A
16
Sanggunian:

Abellera, L. V. (1995). Diwang Makabansa 5 Textbook. J.C. Palabay


Enterprises

Liwanag, L. B. (2007). Landas sa Wika at Pagbasa 1 Textbook.


(Binagong Edisyon) Dane Publishing House Inc.

https://brainly.ph/question/135669

17
Para sa anumang katanungan o puna, maaring ipadala sa
pamamagitan ng sulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Valencia

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615


18

You might also like