Professional Documents
Culture Documents
Pre-Test Filipino 4
Pre-Test Filipino 4
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
C. D. DPFMS
DPFMS
22. Sa aking palagay, hindi maganda ang panahon bukas. Ang pahayag ay isang _____.
A. katotohanan B. opinyon C. kasabihan D. sawikain
23. Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng anunsiyo klasipikado?
A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho
24. Alin sa sumusunod ang wastong gamit ang pangulong-tudling?
A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho
25. Ano ang wastong gamit ng talahulugan?
A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito
ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel
Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Aron at Sharlin.
Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang pamilya. Lahat ng
pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-asawa. Pinalaki nila nang puno ng
pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking parang aso’t
pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming bagay laro na sa mga laruan at sa
gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang magalit.
Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.
“Aron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway. Dapat
kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano na lamang kung wala na kami ng
tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling
Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid
ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil nanghihina siya.
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna ng itlog upang sila’y
makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,” patuloy
na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan upang
pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon. Nagkatinginan
sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat
ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang mga magulang.