You are on page 1of 2

Pangalan ng proyekto:

PTPKIMD program o (Programa Tungkol sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip upang


Maiwasan ang Depresyon)

Paglalarawan sa sitwasyon ng pamayanan kung saan gagawin ang proyekto:

Sa Davao City namin gagawin ang proyekto na ito dahil marami na ang nakakaranas ng
depresyon sa Davao at nagdudulot ito ng pagpapakamatay ng maraming tao. Mapa bata man or
matanda. Marami ang nagiging sanhi ng depresyon. Isa na rito ang pagkimkim ng isang tao sa
kaniyang mga problema, Maraming tao ang kinikimkim ang kanilang problema dahil ayaw nila
makadagdag sa problema ng ibang tao. Ganito ang sitwasyon sa Davao at gusto naming
matulungan ang mga taong ito.

Mga layunin ng proyekto:


Ang mga layunin ng proyektong gagawin ay ang mga sumusunod:
 Mabawasan ang mga taong nagpapakamatay dahil sa depresyon.
 Malabas ng mga tao ang kanilang mga problema upang gumaan ang kanilang puso at
isip.
 Maiwasan ang pag iisip ng mga tao ng mga negatibong bagay o pangyayari.
 Pigilan ang pagkakaroon ng depresyon ng isang tao.
Mga aktibidad na isasagawa:
Ang mga aktibidad na isasagawa ay ang mga sumusnod:

 Pagkakaroon ng mga masasayang aktibidad tulad nalang ng panonood ng mga pelikula sa


telebisyon,at paglalaro ng mga isports at mga “board games”.
 Pagkakaroon ng mga “talent shows” upang malibang ang mga tao.
 Pagkakaroon ng tagapagsalita na tatalayakin kung paano alagaan ang kalusugang
pangkaisipan.
 Pagpunta sa ibat ibang lugar dito sa Davao City upang malibang ang mga tao at hindi nila
maisip ang kanilang mga problema.
 Pagkakaroon ng pagbabahagi ng mga karanasan na kaugnay sa depresyon.
 Pagkakaroon ng pagbabahagi sa kanilang mga iniindang problema.
 Pagkakaroon ng libreng pang meryenda.
Sostenebilidad ng proyekto:

Maipagpapatuloy ang proyekto na ito sa pamamaraan na itutuloy ng mga kasapi ng


proyektong ito ang ginagawa namin. Habang itinutuloy nila ang proyektong ito kukuha
sila ng mga bagong kasapi upang kung hindi na nila kaya ipatakbo ang proyektong ito
ang mga bagong kasapi naman ang tutuloy. Paulit-ulit nila itong gagawin. Palagi sila
kukuha ng mga bagong kasapi upang maipagpatuloy ang proyektong itinatag namin.
Kukuha rin sila ng mga bagong kasapi sa mga taong dumadalo sa proyektong ito na
natulungan na namin.

Badyet:

Ang badyet na kinakailangan auy 30 milyon.

You might also like