You are on page 1of 2

MAIN HEADLINE

Sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19, pinangunahan ng PSHS-CVC Batch 2020, Kahimanawari, ang


ilang mga programa bilang pandagdag ayuda sa mga kabilang sa PSHS-CVC Laundrywomen Association
at pantulong sa serbisyong medikal na inilulunsad ng Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita,
Manila.

“Feeling ko lahat kami natuwa kasi yun nga nakatulong kami gamit yung different possible ways,” giit ni
Timothy Martin, Batch President ng Kahimanawari, “and as scholars of the country, parang task talaga
nating tumulong sa masa. Gusto rin naming mapakita na hindi nasasayang yung taxes ng mga tao na
pinambayad sa pag-aaral natin.”

Sa pamamagitan ng mga programang Bente Radyo, Curvarture, at Bente Slides, nakalikom ang
Kahimanawari ng PhP 60,000, kung saan PhP 40,000 nito ay nakalaan para sa PGH at PhP 20,000 naman
para sa mga labandera.

BENTE RADYO

Kasama ang kanyang mga kaklaseng dalubhasa sa radio broadcasting, sinimulan ni Blaise Gonzalez ang
Bente Radyo na naglalayong makapag-bigay aliw at impormasyon habang nangangalap ng donasyon sa
mga tagapakinig nito.

Ilan sa mga regular subprograms ng Bente Radyo ay Tier List Tuesdays, Quaranfling, Quarantalk at iba pa
tulad ng Enoch Talk na pinangunahan ni Enoch Baricaua, at isang collaborated session kasama ang ilang
mga iskolar sa PSHS- Central Luzon Campus.

“Sobrang swerte ko actually to have been the one who took the lead for this project kasi we actually
raised quite a good sum of money from Bente Radyo alone,” pahayag ni Gonzalez, “It makes me think na
kahit na magkakalayo tayong lahat ngayon, kaya parin nating tulungan ang isa’t-isa. Small projects like
Bente Radyo can really become the difference maker for people who are in need especially in times like
today.”

CURVATURE AT BENTE SLIDES

Naipamalas naman ng Kahimanawari ang kanilang hilig sa graphic design sa mga programang Curvature,
na pinamunuan ni Anne Alipio at sa Bente Slides, na pinangunahan ni Randa Ancheta, kung saan
kanilang ibinebenta ang iba’t ibang digital artworks at Powerpoint Presentation Templates upang
makalikom ng mga donasyon.
“Sa dami ng balita recently regarding the poor, the working class, the incompetent government, and the
frontliners, we can’t help but feel bad for being stagnant,” wika ni Ancheta, “Gusto naming tumulong as
much as possible. Ang fulfilling sa pakiramdam na we get to reach out without being there mismo. It's a
plus na rin na we get to do this by using our talents.”

Sa nalalapit na kanilang pagtatapos, napatunayan ng Kahimanawari na kahit man lang kung maaari (?
not sure us2 ko lang isingit HAHA), nakatulong sila sa mga nangangailangan sa panahon ng matinding
krisis. #

HI JUDEL IM SORRY 

You might also like