You are on page 1of 2

Tekstong Persweysib / Nanghihikayat

Ang tekstong persweysiv ay naglalahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay, o mga ideya na
nagsasaad ng panghihikayat sa mga mambabasa. Ito rin ay naglalahad ng mga sapat na kakatibayan
o patunay upang ang isang paksa o kaisipan ay maging kapanipaniwala. Upang maging
makatotohanan ang panghihikayat kinakailangang magkaroon ng mga ebidensya o patotoo.Layunin
ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol
sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
manunulat.Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.

Halimbawa

 Propaganda sa Eleksyon
 Patalastas
 Pangrerekrut upang sumali sa isang Grupo,Fraternity,Samahan at Kapatiran

“Cignal Digital Cable TV”

Ang Firefox Digital Cable System ay nagbebenta ng Cignal Digital Cable.


Kung nais nyo ang mas malinaw,matibay at high quality na digital cable tv…
Wala ng iba! Hanapin lang ang Firefox Digital Cable System. Ito ay matatagpuan sa Palawan State
University Cooperative, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City.
Nag kakabit rin ng CCTV Camera upang proteksyon sa mga kawatan sa inyong bahay.
HIGH QUALITY WITH HIGH QUALITY INSTALLER…
Bakit ka magtitiis manuod sa malabong resepsyon sa telebisyon kung may CIGNAL na
AFFORDABLE naman?
Affordable pa at madami pang mapapanuoran na channel. CIGNAL 100% DIGITAL.
100% CLEAR.
”Halina’t sumali sa aming kapatirang Beta Sigma”

Inaanyayahan po naming kayo na sumali o sumapi sa aming kapatirang Beta Sigma Palawan State University
Chapter.Nangangailangan po kami ng mga estudyante na masisipag mag-aral, matataas ang mga marka at walang
bagsak na grado sa kinukuhang kurso. Iniinbitahan po naming kayo na dumalo sa aming oryentasyon na magaganap sa
College of Engineering Architecture and Technology (CEAT) sa Petroleum Building Room number 14.Ang aming
kapatiran ay makakatulong sa inyong pag-aaral lalo na’t kung ikaw ay kumukuha ng kurso sa Engineering dahil nag aalok
kami ng libreng pag tuturo o tutorial lalo na sa MATEMATIKA dahil karamihan sa amin ay nag aaral,nag tapos sa
Engineering at isang Propesor na nagtuturo sa CEAT.

We are not just a Fraternity,


We are a Family, and a BROTHERHOOD OF SCHOLARS
No hazing just Indoctrination and Service

Benefits if you join:


-Free Tutorials especially in your Math Subjects
-To train as a Good Leader
-To make a Good Influence Citizen
-Have an endless Friendship and Brotherhood
Kaya Join na sa aming kapatiran..

By Beta Sigma PSU Chapter Grand Prince:


Jojo A.

Mahalaga Ang VAT Sa Ekonomiya Ng Bansa

Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na


makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga
proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak
na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa
na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na
esensyal namodernisasyon ng lokal na industriya.

          Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan.
Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.

          At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng
EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.

          Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ngbuhay ng mga Pilipino.
Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang
ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.
         
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng
bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at
masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
        
  Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na
kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na
pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa
problema. Kung nais nating mapadali angindustriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
         
Tangkilikin natin ang VAT!

You might also like