You are on page 1of 34

2ND QUARTER

FIRST SUMMATIVE TEST IN ENGLISH II


Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Read the following sentences. Identify what is being described. Write the letter of the correct
answer on the space provided.
______1. This is the most important part of the book where the content, lessons and activities are found.
A. author B. body C. cover D. table of contents

______2. The chapters and lesson title are listed on this part of the book. It has the page number for each
chapter and lesson.
A. cover B. index C. spine D. table of contents

______3. This part tells the title of the book, author, and illustrator. It is found on the first page of the book.
A. index B. glossary C. table of contents D. title page

______4. This is where you can find the date and place the book was printed and the publisher who
distributed or issued it.
A. author B. copyright page C. cover D. title page

______5. This part of the book contains a list of special words and their meanings. It is like a small
dictionary at the back page of the book.
A. cover B. index C. glossary D. table of contents

II. Identify the parts of the book shown in each picture. Choose your answer from the box.

Cover glossary body


Copyright page table of contents title page
II. Read the situation below and answer the question by doing the webbing activity.

Maria was walking down the street when she heard a loud, high-pitched and, popping sounds from the
nearby burning building where rescue operations are ongoing.
2ND QUARTER
SECOND SUMMATIVE TEST IN ENGLISH II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Study each picture. Write an appropriate word/phrase that describes the picture. Write the answer
on the space provided.
Example:

kind person

1. 2. 3.

_______________________ _______________________ ____________________

4. 5.

______________________ _______________________

II. Choose the possible outcome of the situation shown in the pictures. Write the letter of the correct
answer.

_____1. A.She will get a job.


B. She will win in the singing contest.
C.She will just sing every day.
D.She will go to the market.

_____2. A.He will get a high score in the test.


B. He will fail in the test.
C.He will not finish the test.
D.He will get sick

_____3. A. The plants will fade.


B. The plants will die.
C.The plants will grow dry.
D. The plants will grow beautifully.

_____4. A.Kevin will get sick.


B. Kevin will go to school.
C.Kevin will be fine.
D.Kevin will ask his friends to join him.

_____5. A. Teo will make a toy paper.


B. Teo will draw a picture.
C.Teo will go to sleep.
D. Teo will eat breakfast.

II. Read the following sentences. Think for the possible outcome to complete the sentence.
1. The sun is hot. There was no rain for many days. The land is very dry. The plants are going to
________________.

2. The water in the kettle gets hot. It becomes hotter and hotter. Bubbles start to form on the surface. It is
going to ________________.

3. The land is dry. There is no rain. There is not much water in the river. The river is going to
________________.

4. The faucet was left "on". The pail is already filled with water. The water fills the bathroom. The water
goes to the kitchen. The water ________________.

5. The sky is dark. The clouds are black and big. Lightning flashes, thunder roars. It is going to
________________.
2ND QUARTER
FIRST SUMMATIVE TEST IN MATHEMATICS II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Isulat ang tiitik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. 221– 20 = ______
A. 201 B. 200 C. 210 D. 211

_____2. 245 – 30 = ______


A. 210 B. 215 C. 212 D. 220

_____3. 431 – 31 = ______


A. 404 B. 400 C. 401 D. 403

_____4. 357 – 42 = ______


A. 300 B. 330 C. 315 D. 317

_____5. 332 – 22 = ______


A. 310 B. 302 C. 322 D. 312

II. Sagutin ang bawat subtraction sentence sa isip lamang. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
patlang bago ang bilang.

______1. 85 – 35 = N
A. 50 B. 55 C. 60 D. 65

______2. 170 – 50 = N
A. 115 B. 120 C. 130 D. 135

______3. 19 – 9 = N
A. 5 B. 10 C. 11 D. 13

______4. 78 – 28 = N
A. 45 B. 50 C. 55 D. 38

______5. 195 – 50 = N
A. 142 B. 143 C. 145 D. 150
III. Isulat ang tamang difference ng mga sumusunod na bilang
2ND QUARTER
SECOND SUMMATIVE TEST IN MATHEMATICS II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Ibigay ang sagot gamit ang mental subtraction.Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Ibawas ang 200 sa 550.

_______2. Ibawas ang 650 sa 950.

_______3. Kunin ang 300 sa 564.

_______4. Kunin ang 150 sa 250.

_______5. Magbawas ng 400 sa 850.

II.Basahin ang suliranin o word problem at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

Dahil sa lumalaking bilang ng nagpopositibo sa sakit na Covid-19, hinikayat ang mga tao sa Lungsod ng
Tarlac na magpa rapid test.150 ang tumugon sa rapid test. Kung ang 30 katao ay nagpositibo. Ilang tao
naman ang nagnegatibo sa rapid test?

1. Ano ang itinatanong sa word problem?


_________________________________________________
2. Ano-ano ang mga datos o numero sa word problem?
_________________________________________________
3. Anong operation ang dapat gamitin?
_________________________________________________
4. Ano ang number sentence?
_________________________________________________

5. Ano ang tamang sagot?

_________________________________________________
II. Basahin ang word problem at lutasin ito gamit ang routine problem solving. Piliin ang tamang letra ng
sagot sa ibaba ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Namitas ng 377 na kamatis si Daisy. Kinabukasan nang kaniyang tingnan ang mga kamatis.
Nabulok ang 34 na pirasong kamatis. Ilang pirasong kamatis ang natira?

A. 377, 34
B. Subtraction
C. Bilang ng kamatis na natira kay Daisy.
D. 343 kamatis
E. 377 – 34 = N

_____ 1. Ano ang itinatanong sa word problem?

_____ 2. Ano-ano ang mga datos sa word problem?

_____ 3. Anong operation ang gagamitin?

_____ 4. Ano ang mathematical sentence?

_____ 5. Ano ang tamang sagot?


2ND QUARTER
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto

I. Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Hulaan ang susunod na maaaring mangyari.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Araw ng Sabado. Maagang gumising si Diana. Nakahanda na ang paso, lupa at halamang
gagamitin niya.

A.Baka aani siya.


B. Baka maliligo siya.
C.Baka magtatanim siya.
D.Baka mangingisda siya.

______2. Mahusay kang tumula. Isang araw tinawag ka ng iyong guro. Sinabi niyang isasali ka niya sa
programa sa darating na Biyernes para tumula.
A.Siguro, matutuwa ka.
B. Siguro, hindi ka sasali.
C.Siguro, magtatago ka.
D.Siguro, hindi ka papasok.

______3. Araw-araw ay pinababaunan si Cristel ng prutas ng kaniyang nanay.


A.Marahil, para pumayat siya.
B. Marahil, para manghina siya.
C.Marahil, para maging masaya siya.
D.Marahil, para lumakas at lumusog siya.

______4. Pagkatapos kumain, si Beth na ang nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Ganito ang paraan niya
upang makatulong sa magulang.
A. Tila hindi ito magandang gawain.
B. Tila dagdag ito sa kaniyang gawain.
C.Tila matutuwa ang kaniyang magulang.
D.Tila malulungkot ang kaniyang magulang.
______5. May munting halamanan sina Irma. Tuwing hapon ay kinukuha na niya ang timba at tabo.
Pagkatapos, lalagyan niya ito ng tubig.
A.Baka magdidilig siya.
B. Baka maglalaba siya.
C.Baka magtatanim siya.
D.Baka maghuhugas siya
II. Punan ng wastong sagot ang mga patlang upang matiyak na natutunan mo ang mahalagang
konsepto ng araling ito. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

Tila baka marahil mangyari Siguro

Mahalagang magkaroon ka ng kakayahang maibigay o mahulaan ang maaaring

1) __________. Makatutulong ito sa iyo upang makapag-isip ka kung ano ang dapat gawin. Maaari mong
gamitin ang ilan sa sumusunod na pahiwatig tulad ng 2) __________, 3) __________, 4) __________, at 5)
__________ upang mahusay mo itong maisagawa.

III. Bigkasin nang wasto ang sumusunod na salita. Isulat ang bilang ng pagkakabigkas sa
sagutang papel. Gayahin ang pormat ng halimbawa sa ibaba.
Salita Bigkas Bilang ng Pagkakabigkas
Halimbawa:
Tumakbo Tu-mak-bo 3
1.globo
2. Maynila
3.malayo
4.sinampay
5.plorera
2ND QUARTER
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Isulat ang mga sumusunod na salita sa paraang kabit-kabit nang tatlong ulit.
1. mesa 2. bahay 3. bata 4. laro 5. gulay

II. Bakatin ang mga sumusunod na salita.


III. Basahin at unawain ang kasunod na sitwasyon. Hulaan ang susunod na maaaring mangyari
gamit ang mga pahiwatig sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang

Mahusay kang gumuhit. Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa pagguhit sa inyong paaralan. Alam ng
guro mo na may kakayahan ka sa larangang ito.
1. Baka __________________________________________________________________________
2. Tila ____________________________________________________________________________
3. Siguro _________________________________________________________________________
4. Marahil ________________________________________________________________________
5. Ano ang iyong gagawin upang mapaunlad ang iyong kakayahan ?
__________________________________________________________________________________
2ND QUARTER
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Iguhit ang masayang mukha :) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at malungkot na
mukha :( naman kung hindi ka sumasang-ayon.

_______1. May kuwentong pinagmulan ang bawat pangalan ng komunidad.

_______2. Maaaring makakalap ng impormasyon tungkol sa komunidad sa pakikinig ng kuwento ng mga


nakatatanda sa komunidad.

_______3. Hindi isinasali sa kasaysayan ang pinagmulan ng pangalan ng isang komunidad.

_______4. Hindi na mahalagang malaman pa ang kasaysayan ng komunidad.

_______5. Bawat komunidad ay may pangalan.

II.Isulat ang Ngayon o Noon ayon sa sinasabi ng bawat kalagayang nagaganap sa


isang komunidad.

_______1. Sipa, patintero at luksong tinik ang libangan ng mga bata.

_______2. Bus at dyip ang kanilang sinasakyan.

_______3. Baro at saya ang damit na isinusuot ng mga Kababaihan.

_______4. Tinayuan ng mga gusali ang mga bundok.

_______5. Nalaman ang mga putaheng banyaga gaya ng spaghetti at hamburger.

III.Buuin ang pangungusap.Piliin ang tamang kaisipan para sa patlang.Isulat ang titik ng tamang
sagot.

______1. Noon, baro at saya ang isinusuot ng mga kababaihan. Ngayon ang kanilang isinusuot ay
_____________________.
A. blusa atpantalon
B. Camisa dechino
C. Barong tagalog
D. Kimona at Saya
______2. Noon, karaniwang nilalaro ang sipa bilang libangan ng mga bata. Ngayon,
_____________________ang kanilang libangan.
A. paglalaro ng Sungka
B. paglalaro ng Patintero
C.panonood ng telebisyon at paglalaro ng mga electronic gadgets
D. paglalaro ng Luksongtinik

_______3. Noon, datu ang namumuno sa isang barangay. Ngayon,pinamumunuan ito ng


isang_____________________.
A. rajah
B. kapitan
C. pangulo
D. kagawad

______4. Noon,mgaputahengFilipinoangkaraniwang iniluluto. Ngayon_____________________.


A. maaanghang na putahe ang kanilang niluluto
B. wala silang alam na putaheng banyaga
C. marami na silang alam na putaheng banyaga
D. mga kakanin lamang ang kanilang iniluluto

______5. Noon, ang mga tao sa isang komunidad ay makakapamili lamang sa limitadong produkto na
malapit sa kanila dahil sa limitadong transportasyon. Ngayon ay_____________________.
A. mabagal pa rin ang transportasyon
B. mabilis at makabago na ang transportasyon
C. wala ng masakyan na transportasyon
D. mga hayop ang kanilang ginagamitsa paglalakbay

2ND QUARTER
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Iguhit ang masayang mukha :) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at malungkot na
mukha :( naman kung hindi ka sumasangayon.

______1. Ang mga bantayog na makikita sa isangkomunidad ay nagbabahagi ng kasaysayan at kuwento


nito.

______2. May mga mahahalagang bagay sa komunidad na pinahahalagahan ng mamayanat iniuugnay sa


kanilang kasaysayan.

______3. Dapat palitan na ng mga makabagong gusali ang mga makasaysayang istraktura sa komunidad.

______4. Ang mga lumang istraktura ay bahagi na lamang ng nakaraan at hindi na dapat iugnay pa sa
kasalukuyan.

______5. Naitatayo ang mga bantayog bilang pagkilala sa natatanging tao o inaalalang pangyayari sa
komunidad.

II.Isulat ang tsek kung ang pangungusap ay tama at ekis naman kung hindi.

______1. Iisa ang katangian ng mga komunidad.

______2. Nakikilala ang bawat komunidad ayon sa mga hanapbuhay na matatagpuan dito.

______3. Magkakatulad ang mga kaugalian at pagdiriwang sa bawat komunidad.

______4. May mga komunidad na kilala dahil sa mga natatangi nitong pagkain at produkto.

______5. May katangian ang isang komunidad na maaaring katulad ng ibang komunidad.

2ND QUARTER
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang gawain ay nagpapakita ng pagkamagiliwin at
pagkapalakaibigan na may pagtitiwala at ekis(X) kung hindi.

______1. Itinatambak ang basura sa bakuran ng kapitbahay.


______2. Nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at ari-arian dahil sa sunog.
______3. Binabati ang kasalubong na guro at kamag-aral.
______4. Dinadalaw ang kaibigang maysakit at kinukuwentuhan ng masasayang karanasan sa paaralan.
______5. Iniaasa lamang kay nanay ang pag-aasikaso ng mga bisita.

II. Piliin ang angkop na gawain sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Dumating ang kamag-anak ninyo mula sa probinsiya. Ano ang dapat mong gawin?
A.Dalhin sa isang mamahaling hotel upang sila ay masiyahan.
B. Patuluyin sa inyong tahanan at tiyaking maginhawa at masaya ang kanilang
panunuluyan.
C.Pabalikin agad sa probinsiya matapos ipasyal sa magagandang lugar sa inyong pamayanan.
D.Ihatid sa ibang kamag-anak upang doon sila tumuloy.
____2. May bagong pasok na mag-aaral sa inyong klase. Napansin mo sa oras ng recess na mag-isa siyang
kumakain sa isang sulok ng inyong silid-aralan. Ano ang
pinakamainam mong gawin?

A. Lalapitan siya at kakausapin.

B. Hindi siya papansinin.

C.Isusumbong siya sa guro.

D.Pagsasabihan siya na hindi maganda ang ganoong pag-uugali.

____3. Nasalubong mo ang kaibigang minsan mo nang nakatampuhan. Ano ang gagawin mo?
A.Hahanap ng ibang madadaanan upang hindi mo siya makita.
B. Ipagpapatuloy ang paglalakad ngunit hindi siya papansinin.
C.Tititigan siya nang may pagbabanta.
D.Ngingitian ang kaibigan at kukumustahin.
____4. Namasyal ang kumare ng nanay mo. Paano mo ipakikita ang pagiging palakaibigan?
A.Paghihintayin sa labas ng bahay habang tinatawag ang iyong nanay.
B. Magkukunwaring hindi naririnig ang tawag niya.
C.Patutuluyin sa loob ng bahay at aalukin ng maiinom.
D.Sasabihan siya na bumalik na lamang kapag natapos na ni nanay ang mga gawaing-bahay.

_____5. Pinagbuksan ka ng gate ng guwardiya ng inyong paaralan. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A.Magpasalamat sa guwardiya at agad na pumasok sa paaralan.
B. Tumakbo agad papasok ng eskuwelahan nang hindi lumilingon sa guwardiya.
C.Huwag pansinin ang guwardiya at lumakad nang marahan patungo sa silid- aralan.
D.Hindi na tutuloy dahil huli ka na sa klase.

III. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito ano ang iyong
gagawin? Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

_____1. May nakita kang matandang bulag na babae na gustong tumawid sa kalsada.
A.Hindi na lang papansinin ang matandang bulag na babae.
B. Tutulungan ang matandang bulag na babae na makatawid sa kalsada.
C.Tatawag ng ibang bata para siya ang tumulong sa matandang bulag na babae.
D.Magmamano ako sa matandang bulag na babae.

_____2. Nababasa sa ulan ang kaklase mong katutubo.


A.Pasisilungin ko siya sa aking payong.
B. Hindi ko siya pasisilungin sa aking payong.
C.Hindi ko siya papansinin.
D.Papayuhan ko siya na tumakbo na lang.

_____3. Napansin mo na hindi nagpapalit ng damit ang kaklase mo.


A.Bibigyan ko siya ng mga damit na hindi ko na ginagamit.
B. Bibilihan ko siya ng mga bagong damit.
C.Papayuhan ko siya na palagi siyang magpapalit ng damit.
D.Lalayuan ko siya.

_____4. Nakita mong walang baon ang iyong kamag-aral na katutubo.


A.Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng baon ko.
B. Hahatian ko siya sa baon ko.
C.Sasabihan ko siya na humingi siya ng baon sa iba naming kaklase.
D.Bibigyan ko siya ng pera para may pambili siya ng baon niya.
_____5. Gustong sumali sa inyong laro ang kapitbahay mong marungis.
A.Isasali namin siya sa aming laro.
B. Hindi namin siya isasali sa aming laro.
C.Paaalisin namin siya.
D.Isasali namin siya pero siya ang laging taya.
2ND QUARTER
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo sa sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng
iyong sagot .

_____1. Naapakan mo ang paa ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?
A.Maraming salamat!
B. Ipagpaumanhin mo.
C.Aalis na po ako.
D.Padaan po.

_____2. Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin mo?
A.Magandang umaga po, Sir!
B. Magandang tanghali po, Teacher!
C.Magandang gabi po, Ma’am!
D.Magandang hapon po, Teacher!

_____3. Nag-uusap ang iyong nanay at tiyahin, gusto mo sanang dumaan. Ano ang sasabihin mo?
A.Makikiraan po.
B. Paalam po!
C.Pakisuyo po.
D.Tumabi po kayo.

_____4. Masaya kayong kumakain, nais mo sanang abutin ang ulam ngunit malayo ito sa iyo. Ano ang
sasabihin mo?
A.Pakiabot po ang ulam.
B. Iabot mo nga sa akin ang ulam.
C.Alis, aabutin ko ang ulam.
D.Pahingi ako ng ulam.

_____5. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?


A. Tuloy po kayo.
B. Maraming salamat po!
C.Makikiraan po.
D.Kumusta po kayo?

II. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin at isulat ang titik ng iyong sagot.

______1.Nakita mong nadapa ang kaklase mo at nasugatan. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan ko siyang makatayo at gagamutin ang kaniyang sugat.
B. Tutulungan ko siyang makatayo.
C.Gagamutin ko ang kaniyang sugat.
D.Tutulungan ko siyang makatayo at sasamahan ko siya sa aming guro para
magamot ang kaniyang sugat

_______2.Umiiyak ang kapatid mo dahil nasira ang kaniyang laruan. Ano ang gagawin mo?
A.Bibigyan ko siya ng ibang laruan.
B. Bibilhan ko siya ng bagong laruan.
C.Itatapon ko na ang sira niyang laruan.
D.Lilibangin ko na lang siya para hindi na siya iiyak.
______3. Nakita mong nahihirapang magbuhat si Aleng Beng ng kaniyang mga pinamili. Ano ang gagawin
mo?
A.Aakayin ko siya hanggang sa makarating sa kanilang bahay.
B. Tutulungan ko siyang magbuhat ng kaniyang mga pinamili.
C.Kukuwentuhan ko siya hanggang sa makarating sa bahay nila.
D.Magmamano ako kay Aling Beng.

______4.Nakita mong nagkamali sa pagsusulat ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A.Pahihiramin ko siya ng pambura.
B. Papayuhan ko siya na ulitin niya ang kaniyang pagsusulat.
C.Bibigyan ko siya ng bagong papel.
D.Pahihiramin ko siya ng lapis.
______5.Nakita mong nagwawalis ang iyong nanay sa inyong bakuran. Ano ang gagawin mo?
A.Kukuwentuhan ko si nanay para hindi siya mapagod.
B. Sasayawan ko si nanay para maging masaya siya.
C.Kukuha ako ng pandakot at tutulungan si nanay.
D.Pipitas ako ng bulaklak at ibibigay kay nanay.
2ND QUARTER
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I.Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Si Julia ay isang mabuting bata. Anong panghalip panao ang gagamitin mo bilang kapalit ng
salitang may salungguhit?
A. Ako B. Ikaw C. Kayo D. Siya

_____2. Ang cellphone sa mesa ay kay Amber. Anong panghalip panao ang ipapalit sa salitang may
salungguhit?
A. akin B. atin C. ikaw D. kaniya

_____3. Si Alex ay masipag mag-aral kaya naman marami siyang gantimpalang naiuuwi. Anong panghalip
panao ang kapalit sa ngalan ni Alex?
A. Ako B. Ikaw C. Sila D. Siya

_____4. Ang kapitan ng barangay ay patuloy na nag-iikot upang magbigay ayuda sa kaniyang nasasakupan.
Ibigay ang tamang panghalip panao para sa
salitang may salungguhit.
A. Ikaw B. Kanila C. Sila D. Siya

_____5. Ibinoluntaryo ng isang guro ang sarili bilang frontliner. Anong panghalip panao ang puwedeng
ipalit sa salitang guro?
A. kanila B. nila C. niya D. siya

II.Piliin ang angkop na panghalip sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. “Maganda ba ang sapatos ko? Bigay ito sa ________ ng aking nanay.
A. akin B. atin C. kaniya D. iyo

_____2. “Anton, ________ ang lapis na naiwan kahapon sa silid-aralan. Nakasulat doon ang pangalan mo.”
A. akin B. atin C. inyo D. iyo
_____3. “Ang husay umawit ni Anna.” ________ ang pinakamagandang boses sa nasabing paligsahan.
A. Inyo B. Kanila C. Kaniya D. Amin

_____4. “Jacob, _____ ba ang mga aklat na ito?”


A. akin B. kaniya C. inyo D. iyo

_____5. Si Ada ay may hawak na bulaklak. Ibinigay iyon sa ________ ni Lola Maria.
a. akin b. amin c. kanila d. kaniya

III. Basahin ang sumusunod. Isulat ang SO kung Subject Object, PM kung Pamatlig at PR kung Paari ang
panghalip na ginamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Diyan mo ilagay sa bag ang cellphone

__________2. Ipakita natin ito sa ating mga kapatid.

__________3. Nagdilig ako kanina ng mga halaman.

__________4. Kami ay pupunta sa bundok bukas.

__________5. Doon tayo mamamasyal.


2ND QUARTER
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
I. Tukuyin ang mga salitang simili o metapora sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Si Cardo ay tila isang leon sa sobrang bangis.


A. si Cardo
B. isang leon
C. sobrang bangis
D. si Cardo at isang leon na mabangis

_____2. Hindi maitanggi na kasing tibay ng bakal ang paniniwala sa Panginoon ni Beverly at Aileen.
A. hindi maitanggi
B. Beverly at Aileen
C. paniniwala sa Panginoon
D. kasing tibay ng bakal ang paniniwala sa Panginoon

_____3. Sila ay nagmistulang tarsier sa laki ng mata nang malaman na nanalo sa patimpalak.
A. Sila ay tarsier.
B. malaman na nanalo
C. Sila ay nanalo sa patimpalak.
D. nagmistulang tarsier sa laki ng mata

_____4. Humiling si Cindy sa engkantada na maging katulad ng isang paruparo na pagkaganda-ganda.


A. Humiling si Cindy.
B. Engkantada si Cindy.
C. Si Cindy ay katulad ng paruparo.
D. isang paruparong napakaganda

_____5. Gaya ng bundok, naging matatag sa buhay si Jay.


A. naging matatag
B. gaya ng bundok
C. matatag sa buhay
D. bundok at pagiging matatag sa buhay

II.Isulat kung ang tinutukoy sa sumusunod na pangungusapn ay SIMILI o METAPORA.

_______1. Ang aking tagapag-alaga ay hulog ng langit.

_______2. Ang kaniyang pangarap ay isang punong napakataas.

_______3. Ang kaniyang mundo ay kasing kulay ng mga krayola.

_______4. Si Ama ang haligi ng tahanan.

_______5. Ang silid aklatan ay kasing tahimik ng simbahan.

III. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

______1. Dumating ang lolo at lola mo galing sa kanilang Probinsya. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Pagtatawanan sila.
B. Bakit kayo narito?
C. Magmamano at sasabihing, kumusta po kayo!
D. Hindi papansinin.

______2. Nakita mong parating ang nanay mo galing sa palengke at may dala siyang mabigat na bagay na
binili nya sa palengke. Ano ang maaari mong gawin?
A. Tatanungin ko kung kumain na ba siya?
B. Tutulungan ko ko siya.
C. Kunwari hindi ko siya nakikita.
D. Pagalitan siya at tatanungin siya kung bakit ngayon lang siya dumating.

______3. Binilhan ng tatay mo ng iyong kapatid ng bagong sapatos. Ano ang gagawin mo?
A.Magiging masaya para sa kapatid
B. Kukunin ko ang sapatos.
C. Bakit hindi mo ako binilhan ng sapatos?
D. Tatay ibilhan mo rin ako ng sapatos kahit wala tayo sapat na pera.

______4. Nagpapaturo ng takdang-aralin ang iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?
A.Huwag siyang papansinin.
B. Tuturuan ko siya.
C. Aawayin ko.
D. Sasabihin ko na hindi ko alam.

______5. Nakagawian na ng iyong pamiya na magdasal bago kayo kumain. Ano ang gagawin mo?
A.Kakain na at hindi magdadasal.
B. Magdadasal muna bago kumain.
C. Pagtatawanan sila habang nagdadasal.
D. Huwag silang pansinin.
2ND QUARTER
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT MAPEH II
Name:______________________________________________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
MUSIC Score:___________
I. Iguhit ang bituin kung tama ang nakatalang impormasyon at puso naman kung hindi.
_______1. Ang tono ng re ay mas mababa kaysa sa tono ng mi.

_______2. Ang tono ng la ang pinakamababang tono sa lahat.

_______3. Ang tono ng so ay mataas kaysa sa tono ng mi.

_______4. Lahat ng instrumento ay mataas ang tunog.

_______5. Ang tono ng mi ay mababa kaysa sa tono ng so.

II. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng bawat pangungusap at M naman kung Mali.
_______1.Ang huni ng ibon ay mas mataas ang tunog kaysa meow ng pusa.

_______2.Ang kahol ng aso ay mas mababa sa kahol ng tuta.

_______3.Ang ungal ng baka ay mas mababa sa tilaok ng manok.

_______4.Ang tunog ng kampana ay mas mataas sa tunog maliit na tambol.

_______5.Ang boses ng isang matandang babae ay mataas sa boses ng batang babae.

ARTS Score:____________
I. Piliin mula sa kahon ang letra na naglalarawan sa hayop o lamang dagat na nabanggit sa bawat
bilang gamit ang mga akmang salita ng sining biswal.

______1. tupa

______2. manok

______3. kalabaw

______4. bangus
______5. alimango

II. Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ako ay isang yamang-dagat, may pahabang katawan, may kaliskis sa harapan, kulay ko ay
matingkad sa may likuran subalit mapusyaw sa may gawing tiyan. Ano ako?
A.hipon B. isda C.pusit D.talaba
_____2. Mayroon akong mga galamay na panlaban sa kaaway, balat ko ay makinis at walang kaliskis. Ano
ako?
A.alimango B. hipon C.pusit D.talaba
_____3. Ako ay may isang pares na sipit. Kapag ikaw ay naipit, tiyak mapapaiyak nang dahil sa sakit. Ano
ako?
A.alimango B. hipon C.pusit D.talaba
_____4. Laman ko ay nakatago sa isang pares na taklob, hindi palakibo at lagi lang ako sa loob. Ano ako?
A.alimango B. hipon C.pusit D.tahong
_____5. Ako ay lamang-dagat na hindi kalakihan, subalit kapansin-pansin ang mahaba kong balbas. Ano
ako?
A.alimango B. hipon C.tahong D.talaba

II.Isulat sa bawat bilang ang angkop na salita sa patlang upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng panaklong.
1. Karaniwang ___________ (pahaba, pabilog) ang hugis ng mga isda.
2. ___________ (Magkakaiba, Magkakatulad) ang kulay ng lahat ng mga isda at lamang dagat.
3. Ang madulas, magaspang o makaliskis ay tumutukoy sa ___________ (kulay, tekstura) ng mga isda at iba
pang lamang dagat.
4. Ang mga batik o pahabang guhit sa balat ng mga isda at iba pang lamang dagat ay tumutukoy sa kanilang
___________ (disenyo, hugis).
5. Ang kahabaan o kabilugan ng mga isda at iba pang lamang dagat ay tumutukoy sa kanilang ___________
(hugis, kulay).
PHYSICAL EDUCATION Score:____________
I. Pagtambalin ang mga panutong nasa Hanay A sa mga larawang nagsasagawa nito na nasa Hanay B.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

II.Isulat ang (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng tamang paggalaw at (x) kung
hindi.

______1. Sa pag-upo ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.

______2. Sa paglakad, dapat ang mga kamay ay magkasabay na umiimbay sa tagiliran.

______3. Sa paglakad, ang likod ay nakabahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa
unahan.

______4. Sa pagtayo, ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa unahan.

______5. Sa pagtayo, ang leeg at ulo ay tuwid ang ayos.

HEALTH Score:__________
I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang makita ang mga bagay sa paligid?
A.bibig B. ilong C.mata D.tainga
______2. Bakit kailangang pangalagaan ang mga mata?
A.Upang makagamit ng kolorete sa mata
B. Upang maging kaakit-akit sa paningin ng iba
C.Upang makita nang malinaw ang nasa paligid
D.Upang makatingin nang diretso sa sikat ng araw
______3. Piliin kung alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa
mata?
A. Tumitingin si Rodel nang diretso sa araw
B. Kinukusot palagi ni Rona ang kanyang mga mata
C.Tumititig nang matagal sa cellphone si Jose dahil sa paglalaro
D.Nililinis ni Leni nang malinis at malambot na panyo ang kanyang mga mata
______4. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang nakatutulong upang luminaw ang paningin?
A. Sariwang isda at karne
B. Matatamis na cake at candy
C. Madidilaw na prutas at gulay
D. Makukulay na sitsirya at softdrinks
______5. Bakit mahalaga ang magpakonsulta ng mata sa doktor?
A. Upang makagamit ng salamin
B. Upang malapatan ng tamang lunas
C. Upang maging kaakit-akit ang mata
D. Upang makabili ng pamporma sa mata

II. Piliin ang letra ng angkop na salita sa patlang upang mabuo ang diwa ng sumusunod na mga
pangungusap.

______1. Ugaliing kumain ng _____________ na mayaman sa Bitamina A.


A. prutas at gulay B. kendi at tsokolate C. kape at pandesal D. puto

______2. Magbasa sa _____________ na lugar.


A. madilim B. mainit C. maliwanag D. malamig
______3. Kailangang dumistansiya sa telebisyon ng _____________ talampakan o higit pa tuwing
nanonood upang maiwasan ang pagsakit ng mga mata.
A. isa B. tatlo C. dalawa D. apat

______4. Malinis na _____________ ang dapat gamiting pamunas sa mga mata.


A. basahan B. kurtina C. damit D. panyo

______5. Dapat _____________ sa doktor o espesyalista tuwing may problema sa mata.


A.komunsulta B. matakot C. magtago D. magalit
2ND QUARTER
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT MAPEH II
Name:______________________________________________
Grade and Section: Grade II-E. Jacinto
MUSIC Score:___________
I.Isulat ang Tama kung wasto ang impormasyon at Mali naman kung hindi.
________1. Ang hugis ng himig ay maaaring pakurba, patuwid o nakahiga.

________2. Ang himig ng musika ay gumagalaw sa iba’t ibang direksiyon.

________3. Melodic lines ang tawag kapag linya ay lagi lang nakahiga.

________4. Line notation naman ang tawag sa paraang puro linyang pahiga ang ginagamit sa pagtanda ng
mga tonong tumataas o bumababa.

________5. Ito ay maaaring maging hugis ng burol, bundok, kapatagan, at lambak. Melodic lines ang tawag
sa paraang ito.

ARTS Score:___________

I.Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Ano ang nalilikha sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at pagpaparayos-rayos ng mga


linya at hugis sa isang sining?

A.anyo B. contrast C. ritmo D. tekstura

_____2. Paano maipakikita ang contrast sa kulay ng isang likhang sining?

A.Kung ito ay gagamitan ng madidilim na kulay

B. Kung ito ay gagamitan ng matitingkad na kulay

C.Kung ito ay gagamitan ng mapupusyaw na kulay

D.Kung ito ay gagamitan ng mapupusyaw at matitingkad na kulay

_____3. Kailan masasabi na ang hugis ay may ritmo sa isang likhang sining?

A.Kung isang hugis lamang ang makikita

B. Kung ito ay may nauulit na iba’t ibang hugis

C.Kung maraming hugis na magkakaiba ngunit walang nauulit

D.Kung dalawang magkaibang hugis lamang ang makikita


______4. Paano maipakikita ang contrast sa ritmo ng isang sining?

A.Magkakatulad ng kulay ang mga hugis o linya.

B. Ang mga hugis at linya ay magkakatulad ng laki.

C.Magkakaiba ang kulay at laki ng mga hugis o linya.

D.Magkakaiba ng kulay ngunit magkakatulad ang laki ng mga hugis o linya.

______5. Ano ang kahalagahan ng ritmo sa sining?

A.Nagbibigay-kulay sa isang likhang sining

B. Nagiging makatotohanan ang bagay na ipinipinta

C.Nagbibigay-kahulugan sa iba’t ibang likhang sining

D.Nakatutulong upang makalikha ng magandang disenyo

PHYSICAL EDUCATION Score:_________

I. Isulat ang salitang tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at mali naman kung hindi.

____1. Ang paglalaro ng patintero ay nagpapakita ng paggalaw sa general space.

____2. Ang paggalaw sa direksiyon ay maaaring pakanan, pakaliwa, paharap, o palikod.

____3. Kung ang mga galaw ay low, middle, at high, ito ay galaw sa plane.

____ 4. Ang pathway ay tumutukoy sa straight, curved at zigzag.

____ 5. Ang paglalaro ng pasahan ng bola ay isang halimbawa ng paggalaw sa plane.

II.Tukuyin kung ang mga sumusunod ay galaw sa personal o general space. Isulat
ang PS (personal space) at GS (General Space).

_____ 1. Pasahan ng bola

_____ 2. Pagsulat

_____ 3. Pagtakbo

_____ 4. Paghulahoop

_____ 5. Pagtalon
HEALTH Score:____________
I.Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang marinig ang huni ng ibon sa paligid?
A.bibig B. ilong C.mata D.tainga
______2. Alin sa mga sumusunod na tunog ang nakabubuti sa tainga?
A.busina ng trak
B. tunog ng kwitis
C.malakas na kulog
D.banayad na musika
______3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang makabubuti sa pangangalaga ng mga tainga?
A.Magpahinga sa maingay na lugar.
B. Makinig sa mga malalakas na tugtog.
C.Magpunas ng tainga gamit ang malinis at malambot na tela.
D.Magpasok ng matutulis at kung ano-anong bagay sa tainga.
______4. Ano ang mabuting naidudulot ng malusog na tainga?
A.Nagiging masipag
B. Gumagana sa pagkain
C.Lumalakas ang katawan
D.Naririnig nang malinaw ang kausap
______5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga tainga?
A.Kumakanta si Belle nang malakas.
B. Nagpupunta si Mark sa tahimik na lugar upang magpahinga.
C.Paulit-ulit na nagpapaputok ng labintador ang tatay ni Ramon.
D.Kinakamot ni Rolly ang loob ng kanyang nangangating tainga gamit ang hairpin.

______6. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang maamoy ang mga bagay sa paligid?
A.bibig B. ilong C.mata D.tainga

______7. Ang mga sumusunod ay mahalagang gamit ng ilong sa pagtukoy maliban sa isa. Alin ito?
A. mabangong ulam na nakahain
B. malakas na busina ng kotse
C. halimuyak ng bulaklak
D. mabahong basura
______8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ilong?
A.Nilalaro ni Rona ang lapis sa kanyang ilong.
B. Ginagamit ni Billy ang kanyang daliri sa paglilinis ng ilong.
C.Nililinis ni Leni nang malinis na panyo ang kanyang ilong.
D.Nilalanghap ni Justin ang usok na galing sa tambutso ng kotse.
______9.Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa ilong kung ito ay hindi pangangalagaan?
A. Lumaki ang ilong
B. Maging pango ang ilong
C. Lumiit ang butas ng ilong
D. Magkaroon ng impeksiyon ang ilong
_____10. Ano ang maaari mong gawin kung namamaga ang iyong ilong?
A.Punasan ng basahan
B. Linisin gamit ang alkohol
C.Komunsulta sa espesyalista
D.Sundutin ito gamit ang iyong daliri

You might also like