You are on page 1of 1

"Ang Batang si Roy"

Sa isang Daycare madalas na nagpupunta ang batang si Roy. Hindi upang mag-aral kundi ang
tumulong kay Ginang rosales na siyang Guro at tagapangalaga ng daycare. Magtatanghalian,
ganitong oras pumupunta ang batang si Roy.

"Oh Roy andito ka na pala, nakapagtanghalian ka naba?" wika ng Ginang.

Ngumiti at tumango lamang si Roy at ginawa na nito ang madalas gawin. Kinuha niya ang mga
laruan at nilagay sa mga lalagyan nito. Ng matapos ito ay agad nitong inilabas ang dalang
bayong. Ang nanonood na si Ginang Rosales ay agad ng alam ang gagawin nito. Kinuha ni Roy
ang mga sirang parte ng laruan at inilagay sa dala niyang bayong, Pagkatapos ay nagpaalam na
siya sa Ginang .

"Maraming salamat po Ginang Rosales,ako po'y mauuna na" wika ni Roy.

"Walang anuman , alam ko naman kung bakit mo ito ginagawa" tugon ng Ginang. Ang dahilan
kung bakit kinukuha niya ang mga parte ng sirang laruan ay hindi upang itapon, kundi ayusin
ito.

Sa hapon kinukumpuni niya ito at ginagawang maayos at maganda. Pagsapit ng alas-kwatro ng


hapin, natanaw na nito ang mga kapatid na may dalang sako na naglalaman ng bakal-bote.

"Wow Kuya Roy may dala ka ulit laruan?" wika ni lottie ang pinakabata nilang kapatid.

" Oo naman syempre para may laruan ka ulit." sagot ni Roy "Salamat Kuya!." tugon nito

. At sabay sabi ng kanilang nakakatandang kapatid na si Julian " Tara na kakain na, may daka
kaming pansit Roy" pag-aaya nito. Sila nagsiupo na sa hapag at masayang nagsalo-salo sa loob
ng kanilang munting tahanan.

Pagdaan ng panahon lahat sila ay naging matagumpay sa buhay at kuntento sila sa kung anong
natapos at kinalalagyan nila sa buhay ano mang narating nila ay hindi sila nakakalimot sa kung
ano at saan sila nanggaling. Nananatili pa rin silang buo, masaya, simple at sama-sama sa mga
hamon na nadating.

You might also like