You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 7 - ARALING ASYANO

2nd Quarter
Week: 6-7

MELC: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya

PAKSA: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Kontribusyon ng Kanlurang Asya


• Hanging Gardens of Babylon – Ito ay ipinatayo ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang
malulungkutin na asawa na si Amythis.
• Cuneiform – unang sistemang pagsulat sa buong daigdig.
• Epic of Gilgamesh – ito ay ang pinakaunang akdang pampanitikan sa daigdig
• Sexagesimal System – Ito ay ang pagbibilang batay sa numerong 60
• Paggawa ng mga dike, dam at kanal upang magisilbing imbakan at daluyan ng tubig mula sa Ilog
Tigris at Euphrates
• Barter – ang Sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa iba
pang produkto
• Kalendaryo – Nagawa nila ito upang malaman kung kailan ulit ang susunod na pagbaha ng
dalawang ilog. Ito ay Nahahati sa 12 na buwan
• Araro – Ito ay ginagamit nila upang lalong maging mas maayos ang pagsasaka ng mga taga-
Sumer.
• Gulong – Ito ay ginagamit bilang paraan ng mabilis at maayos na transportasyon
• Code of Hammurabi – Ito ay isang kalipunan ng 282 na batas na patungkol sa iba’t-ibang aspekto
ng pamumuhay sa Mesopotamia.
• Gold – Ang mga Sumerian ay ang unang pangkat ng tao na gumamit ng ginto sa kanilang
pamumuhay
• Iron – Ito ay isang uri ng metal na mas matibay kaysa tanso
• Ang mga Sumer ay ang unang pangkat ng tao na nakakuha ng area ng tatsulok o triangle
• Sila ay ang unang pangkat ng tao na naging astronomo o astronomers
• May kaalaman sa eclipse at solstices
• Iba’t-ibang uri ng relihiyon katulad ng Judaism, Kristiyanismo, Islam at Zoroastrianism
Kontribusyon ng Timog Asya
• Unang paggamit ng sistemang urban sanitation
• Taj Mahal – Ito ay makikita sa Agra, India. Ito ay ipinatayo ni Emperador Shah Jahan para sa
kanyang namatay na asawa na si Mumtaz Mahal. Ito ay itinayo ng aabot ng 20 na taon
• Vedas – Ito ay ang kalipunan ng sagradong teksto mula sa sinaunang India. Ito ay itinuturing
bilang pinakamatandang akdang pampanitikan at pinakasagradong Aklat ng India. Ito ay
Nahahati sa apat na bahagi: Samaveda, Rigveda, Yajurveda, Artharvaveda
• Iba’t-ibang uri ng relihiyon katulad ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism
• Shampoo
• Konsepto ng Zero
• Pagkadiskubre at pagmimina ng mga Diyamante
• Panini – natuklasan niya ang iba’t-ibang konsepto patungkol sa ponolohiya (phonology),
phonetics at morpolohiya (morphology)
• Spinning Wheel – Ito ay isang device na ginagamit para paikutin ang mga thread at yarn
• Hindu-Arabic Numeral System – Ito ay ang pinakakilalang sistema ng representasyon ng mga
numero sa daigdig
• Madhava of Sangamagrama – Ito ay isang matematiko at astronomo na nagmula sa bayan ng
Sangamagrama. Siya ay unang taong na gumamit ng infinite series bilang range para sa
trigonometric functions
• Siruhiya – Ito ay isang paraan ng panggagamot.

Kontribusyon ng Silangan at Hilagang Asya


• Ang mga Tsino ang nakatuklas ng pulbura na gamit sa pakikidigma, gulong at kanyon
• Crossbow
• Compass
• Papel
• Woodblock Printing
• Wheelbarrow
• Decimal System
• Acupuncture
• Animal Zodiac Signs
• Paper Currency
• Civil Service Examination – Ito ay isang eksaminasyon na sumusukat sa kakayahan ng isang
magiging lider o pinuno
• Fireworks at Firecracker
• Porcelain
• Celadon – estilo ng porselana ng Korea
• Relihiyong Shintoism at mga pilosopiyang Confucianism, Legalism at Taoism

Kontribusyon ng Timog-Silangang Asya


• Borobudur Temple sa Indonesia – isa sa pinkamalaking Budistang tmeplo sa mundo
• Angkor Wat sa Cambodia – pinakamalaking panrelihiyong monumento sa mundo
• Clove, cinnamon, nutmeg - pampalasa o spices na naipakilala sa mundo

You might also like