You are on page 1of 50

Tula – isa sa pinakamayabong

na anyo ng panitikan sa ating


bansa.
Sa bawat rehiyon ay may kani-
kaniyang mga uri ng tula.
• Siday – ng mga Samarnon at
Leytenhon
• Rawitdawit – ng taga-Bikol
•Mas yumaman din ang panulaang
Pilipino dahil sa impluwensiya ng mga
dayuhang sumakop sa ating lupain
tulad ng Hapon.
•Ipinakilala nila ang kanilang sariling
panitikan tulad ng kanilang mga tula na
niyakap naman ng mga makatang
Pilipino.
•Mas naipahayag ng mga Pilipino ang
kanilang pagiging malikhain sa
pagsulat ng tula na batay at ayon sa
estilo ng pagsulat ng Hapon.
•Naging malaki ang impluwensiya ng
bansang Tsina sa pagkakahubog ng
tulang pampanitikan ng Japan.
•Noong una, nagsusulat ng tula ang
mga Hapon gamit ang sinaunang
pamamaraan ng pagsulat ng mga Tsino
na tinatawag na kanshi
•Kalaunan ay nagsulat din ang mga
Hapon ng mga tula gamit ang kanilang
sariling wika.
Waka – tawag sa mga tula ng
Hapon, an ang ibig sabihin ay “tula”
Kinikilalang dalawa sa pinakamatandang aklat
ng mga Waka
•Kokin-shu – noong 905
•Man’yoshu – noong ika-7 siglo
•Man’yoshu – may 20 mga aklat
•Naglalaman ng waka na may iba’t ibang porma
gaya ng:
•Tanka (na maikling tula)
•Choka (mahabang tula)
•Bussokusekika ( tula mula sa bakas ng paa ni
Buddha)
•Sedoka ( tulang inuulit ang unang bahagi)
•Katauta (kalahating tula)
•Nang mailimbag na ang kokin-shu, tanka na
lamang ang natitirang tula.
•Karamihan ay naglaho na.
•Kaya naman sa mahabang panahon, ang
waka ay naging kasingkahulugan ng tanka
•Ang tanka ang siyang nagbigay ng buhay
sa ilan pang mga porma ng tula gaya ng:
- renga
- haiku
•Kaya kung ang choka at sedoka
ay mga naunang porma ng
tulang Hapon, ang renga, haikai
at haiku naman ay maituturing
na mas bago.
•Isang uri ng tulang Hapon na isinusulat
ng dalawa o higit pang magkakaibang
manunulat
•Naging popular ang ganitong uri ng tula
lalo na sa mga aristokratikong miyembro
ng lipunan na ginamit ang ganitong
porma ng tula upang makipagpalitan ng
kuro-kuro.
•Ang isang talata ng renga ay madalas binubuo ng
limang saknong .
•Ang unang saknong nito ay may palapantigang 5-7-
5 kungasaan ang unang saknong ay may limang
pantig, pito naman sa ikalawa, at lima muli sa
pangatlo.
•Ang huling dalawang saknong ay may
palapantigang 7-7 na siya namang isusulat ng isa
pang manunulat.
•Ang isang buong renga ay
binubuo ng mahigit na 100
saknong na isinulat ng iba’t
ibang mga manunulat.
•Sa panahon ng popularidad ng
renga, itinuturing na isang
karangalan ang maatasang isulat
ang unang tatlong saknong ng
tula.
•Ang mga saknong na ito ay
tinatawag na hokku , na kalaunan
ay tinawag na haiku.
•Nagmula sa dalawang
salitang Hapon na haikai at
hokku
•Haikai – isang uri ng renga na
may temang nag-uukol sa
kalikasan.
•Hokku – tawag sa unang tatlong
saknong ng renga
•Ang haiku ay naging isang ganap na uri
ng tula ng mga Hapon noong ika-17 siglo.
•Matsuo Basho (1644-1694) ang
itinuturing na makatang siyang
nakapagpalaganap sa haiku bilang isang
sining.
•Ang haiku ay isang tulang may talong
saknong na may palapantigang 5-7-5.
•Wala itong tugmaang mga tunog at
binubuo ng mga temang may kinalaman
sa kalikasan.
•Gumagamit ito ng paglalarawan,
metapora, at iba’t ibang uri ng
emosyon upang makapagpakita sa
isip ng mambabasa ng isang imahe o
kuwento tungkol sa kapaligiran.
•Nang mapakilala ang sining ng haiku sa
kanluran ay nagkaroon ito ng ilang mga
pagbabago.
•Dahil sa ang paraan ng pagsulat ng mga Hapon
ay hango sa mga Koreano at mga Tsino na
gumagamit ng pictograms, madali nilang
nasusunod ang palapantigan sapagkat ang
isang character ng kanilang pagsulat ay
makapagpapahayag ng maraming kahulugan.
•Sa mga wikang gumagamit ng alpabeto gaya
ng Ingles, ito ay mahirap na istriktong sundin.

•Kaya naman hindi naging mahigpit sa paggamit


ng palapantigang 5-7-5 ang mga kanluraning
manunulat ng haiku bagama’t kanilang
pinanatili ang bilang ng saknong sa mga
modernong porma nito.
•Ang senryu nman ay katulad ng
haiku sa porma ng pagsulat.
•May tatlong saknong din ito na sumusunod sa
palapantigang 5-7-5.

•Ang kanilang pagkakaiba ay kanilang mga tema.

•Ang haiku ay tumatalakay sa kalikasan


samantalang ang senryu ay tumatalakay sa mga
tao at sa kanilang mga pang-araw-araw na
buhay.
•Mas nakilala rin ang pagkakaiba ng dalawa
batay sa tono ng kanilang mga tula.

•Ang haiku ay kadalasang isinusulat sa mas


seryosong tono samantalang ang senryu ay
madalas na may halong komedya o tudyo
sa kanilang mga panulat.
Mga Haiku ni Matsuo Basho
Ta/ko/ tsu/bo/ ya/ = 5
Ha/ka/na/ki/ yu/me/ wo/ = 7 17 pantig
Nat/su/no/ tsu/ki/= 5
__________________________________
Panandaliang nanaginip ang pugita
sa loob ng patibong
ang buwan sa tag-araw
Kono michi ya
yuku hito nashini
aki no kure_________________________________
Sa landas na ito
walang dumadaan
ngayong taglagas___________________________
Katsura- otoko
sumazu nari keri
ame no tsuki_______________________________
Ang taong nasa buwan
ay naging isang lagalag
ngayong maulang gabi
Atsuki hi wo
Umi ni iretari
Mogamigawa________________________________
Ang masinag na araw
ay inilagay sa karagatan
ng ilog Mogami
Mga Halimbawa ng Senryu
Jo/ya/ no/ ka/ne/ = 5
Zei/ko/mi/ ka/ka/ku/ de/ = 7 17 pantig
Hya/ku/ ha/chi/ tsu/ =5
___________________________
Kampana sa bagong taon
Tumunog ng 108 ulit
Kasama buwis
Mga Halimbawa ng Senryu
Shiwasu yori
Haha ga kuru hi wa
Osoji_______________________________
Aming matinding kalat
Hindi nakanti kahit no’ng Disyembre
Hanggang dumating ang ina
Tsuma fukigen
Okome to miso shiru
O-ka-zu-na-shi____________________________
Ang may-bahay ay mainit ang ulo
Hapunan nila ‘y kanin at miso
Ngunit walang ulam_______________________
Shiwasu yori
Haha ga kuru hi wa
Osoji_______________________________
Aming matinding kalat
Hindi nakanti kahit no’ng Disyembre
Hanggang dumating ang ina
Takdang-aralin sa Filipino:
• Gumawa ng Tanka at Haiku na tumatalakay sa
pandemya
• Kunin ang sukat ng bawat taludtod
• Lapatan ito ng pamagat
• Isulat sa yellow pad paper ang ginawang tula )
• Isumite sa gdrive

You might also like