You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 1
FILIPINO 6
Pangalan:_ Iskor:_____________________
Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon
sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Mapagmahal na Kapatid
Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala
ang kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na
lalaki ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha
ito ni Hero, ang kaniyang kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa
mapunit ito.
“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan
niyang sumulat muli ng panibagong takdangaralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng isang
malakas na kalabog. Nahulog ang kanyang kapatid na si Hero mula sa silya. May galos ito sa pisngi.
Pumalahaw ito ng iyak. Umaagos ang luha nito.
Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya ang kaniyang kapatid.

D1. Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero?


A. Makulit ang kaniyang kapatid.
B. Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero.
C. Masyadong malikot ang nakababatang kapatid.
D. Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin.

C2. Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid?


A. Binibigyan niya ito ng kendi. C. Inaalagaan niya ang kapatid.
B. Pinagsasabihan niya ang kapatid. D. Isinusumbong niya sa nanay.
A3. Bakit may narinig na malakas na kalabog si Ciara?
A. Nahulog si Hero. C. May inihagis si Hero.
B. Isinara ng nanay ang pinto. D. Binato nang malakas ang bahay nila.
B4. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mag-aaral ng leksiyon. C. Manonood na lang ng mga palabas.
B. Mag-aaral palagi. D. Mangongopya sa katabi.
C5. Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo bilang
mag-aaral?
A. Isusumbong sa titser. C. Pagsasabihan na pulutin ang kaniyang basura.
B. Hindi ko siya pagsasabihan. D. Hahayaan ko na lamang siya.
A6. Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa radyo
ngayong umaga na may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?
A. Maghahanda nang mabuti.
B. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
C. Hindi tutulong sa mga magulang.
D. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
B7. Bawat isa ay mahalaga, iyan ang lagi mong tatandaan. Ang panghalip na ginamit ay________
A. panao B. panaklaw C. pananong D. wala sa nabanggit
C8. Si Ana ay matalino. ______ ay mahusay sa klase.
A. ikaw B. sila C. siya D. tayo
A9. Ito ay ngalan ng mga bagay na nakikita o nahihipo. Ito ay pangngalang______________.
A. konkreto B. basal C. lansakan D. Pantagi
C10. Ito ay pangngalang tumutukoy sa maramihan o pangkatan.
A. konkreto B. basal C. lansakan D. pantagi
B11. “Maya! nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!” Si Uwak ay
___________.
A. mabait B. mayabang C. magalang D. malungkot
A12. “Ahhhh! Yon bah? “Ano gusto mo magsubukan tayo ng tapang o Kakayahan?” Si Maya naman ay
___________.
A. palaban B.maalaga C. masipag D. mapagmahal
D 13. Nagpaikot-ikot ng lipad si Uwak. Si Uwak ay lumipad _____________.
A. palayo B. taas-baba C. palapit D. pabalik-balik
C14. Nalalapit na ang pista. May mga patimpalak ang barangay. ________________ ang kailangan ng
magkakapit-bahay upang maging maayos at malinis ang kanilang kalye.
A. kuskos-balungos B. suntok sa buwan
C. kapit-bisig D. mataas ang lipad
B15. Madaling-araw pa lamang ay gumagayak na si Mang Pido upang magsaka ng kaniyang lupain.
Kailangan niyang madoble ang kanilang ani. Ninanais niyang maiahon ang kanilang buhay na
_____________.
A. pasang-krus B. isang kahig, isang tuka
C. kuskos-balungos D. suntok sa buwan

Republic of the Philippines


Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 2
FILIPINO 6
Pangalan:_Harvey Dave G. Estose Iskor:_____________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga
sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

D1. _________________ ang kaniyang pangarap na makarating sa Amerika, naniniwala si Sonya na


habang may buhay ay may pag-asa.
a. kuskos-balungos b. suntok sa buwan c. kapit-bisig d. mataas ang lipad
2. Pagkauwi ni Johnrey mula sa paaralan ay dumiretso kaagad siya sa bahay ng kaniyang kaklase upang
maglaro ng “video games”. Sa paglalaro ay hindi namalayan ni Johnrey na takipsilim na.
A. Matatakot siya sa pag-uwi.
B. Mag-aalala ang kaniyang mga magulang.
C. Pagagalitan siya ng kaniyang mga magulang.
D. Matutuwa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-uwi
D3. Maagang na ulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay. Palaging
malungkot ang kanilang tatay, hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.
A. Inaway nila ang ama.
B. Matutuwa ang magkakapatid.
C. Maiisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan.
D. Magkakaroon ng malaking problema ang magkakapatid.
D4. Maagang gumising si Angelica dahil unang araw ng pasukan. Subalit biglang bumuhos ang malakas
na ulan.
A. Matutulog na lamang siya.
B. Hindi na siya papasok ng paaralan.
C. Susuungin ang napakalakas na ulan.
D. Hihintaying tumila ang ulan at hihingi ng paumanhin sa guro kung bakit nahuli sa klase.
D5. Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. Naku, hindi ko kayo kilala.
B. Nay, nandito ang kaibigan ninyo.
C. Wala po dito si Nanay, umalis na kayo.
D. Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.
C6. Isang umaga, binisita ni Shella ang klinika ni Dra. Acepcion. Paano niya ito babatiin?
A. Magpapakonsulta sana ako.
B. Kumusta ka na, Dra. Acepcion?
C. Magandang umaga po, Dra Acepcion.
D. Dra. Acepcion, magpapakonsulta ako.
A7. Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?
A. Opo, Itay. C. Ayoko, Itay.
B. Saglit lang, Itay. D. Mamaya na, may ginagawa pa po ako.

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na sagot na nasa
panaklong at isulat ito sa inyong sagutang papel.

Bawat isa 8. (Sinuman, Bawat isa) sa aming panauhin ay kaibigan ng kuya ko.
anuman9. Ang pagmamahal ng mga ilaw ng tahanan ay walang (sinuman, anuman) ang makakapantay.
Ganito,Ganyan10. Ipinapakita ni Ana ang isang bagay sa kaibigang si Maris. Ano ang sasabihin niya?
(Ganito, Ganiyan) ba ang gusto mo Maris?” “Opo (ganito, ganiyan) nga ang gusto ko,” sabi ni Ana.

Republic of the Philippines


Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 3
FILIPINO 6
Pangalan:Harvey Dave G. Estose Iskor:_____________________
Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon
sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

C 1. Pagkatapos mong mapanood ang pelikula, nakadama ka ng paghanga.


A. tema B. kaisipan C. tauhan D. tagpuan
D 2. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula tungkol sa magkaibigan, samakatuwid, ito ay
masasabing kathang-isip.
A. uri ng maikling pelikula C. bahagi ng maikling pelikula
B. tema ng maikling pelikula D. wakas ng maikling pelikula
B 3. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa detalyado ang mga pangyayari.
A. tema ng maikling pelikula C. tauhan ng maikling pelikula
B. kaisipan ng maikling pelikula D. pagkasusunud-sunod ng mga pangyayari ng pelikula
D4. Napakalakas ng ulan at nagliliparan ang bubong ng mga bahay dahil sa Bagyong Yolanda.
A. Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.
B. Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.
C. Hintaying humupa ang ulan at malakas na hangin bago lumikas.
D. Pumunta sa pinakamalapit na evacuation center pagkarinig ng balitang may darating na malakas na
bagyo.
D5. Maraming kabataan sa inyong lugar ang natututong manigarilyo.
A. Hayaan lamang sila.
B. Gayahin ang kabataang naninigarilyo.
C. Iwasan ang mga batang naninigarilyo at huwag pansinin.
D. Pagsabihan ang kabataang itigil ang paninigarilyo dahil nakasasama ito sa kalusugan.
D6. Marami ang hindi sumusunod sa patakaran ng pamahalaan tungkol sa Enhanced Community
Quarantine o ECQ.
A. Huwag pansinin at manatili ka na lang sa bahay.
B. Manahimik na lamang at baka magalit sila sa iyo.
C. Balewalain na lang ang mga nakikitang paglabag.
D. Isumbong sa opisyales ng barangay o pulis para mabigyan ng kaukulang parusa.
D7.Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng
puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba
pa.
A. Ang Niyog C. Ang mga Niyog
B. Mga Karaniwang Niyog D. Ang mga Gamit ng Niyog
B 8. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na
namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang
Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang
ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
A. Pangongolekta ng Buwis C. Ang Sangay ng Pamahalaan
B. Ang Kawanihan ng Rentas Internas D. Tungkulin ng Manggagawang Pilipino
C 9. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat
umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t
isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod
ditto, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
A. Ang Pamilya C. Ang Pamilyang Pilipino
B. Ang Problema sa Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

A10. Gusto ni Linda na malaman ang kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas,
pagbabaybay at pagbabantas.
A. Diksiyonaryo B. Ensayklopidya C. Almanac D. Atlas
A 11. Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang
hangad kong makita.
A. Ensayklopidya B. Atlas C. Almanac D. Tesawro
D 12. Ano ang aking gagamitin kung magtatanong ng gabay ang mga turista upang malaman ang mga
impormasyon at pangyayari sa isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Diksiyonaryo B. Ensayklopedia C. Almanac D. Atlas
D13. Madalas, ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala.
A. Masaya kapag nakalusot sa pagsisinungaling.
B. Ang pagsisinungaling ay nakapagdagdag ng tiwala sa sarili.
C. Sa pagsisinungaling, marami kang kaibigang maniniwala sa iyo.
D. Iwasan ang pagsisinungaling upang makuha ang tiwala ng kapuwa.
D 14. Ang pagkakaroon ng curfew mula alas - 9 ng gabi hanggang alas - 4 ng umaga.
A. Isigaw sa lahat ang ordinansa.
B. Pagwawalang bahala sa ordinansa.
C. Pabayaan ang mga napagkasunduan.
D. Sinusunod nang wasto ang bagong ordinansa.

C15. Ang ating karanasan sa buhay ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Malungkot man o masayang
karanasan ay magsisilbing instrumento sa ating pag-angat sa buhay.
A. Talagang umangat ang tao dahil sa sariling pagsisikap.
B. Magandang karanasan lamang ang dapat maranasan sa buhay.
C. Malungkot man o masayang karanasan ay magbibigay ito ng aral sa ating buhay.
D. Masama ang aking loob sa mga taong nagbibigay sa akin ng malungkot na karanasan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 4
FILIPINO 6
Pangalan:_Harvey Dave G. Estose Iskor:_____________________
I. Basahin ang kuwento.
Pamalaye
Sa bayan ng Panay ay may magandang dilag na nagngangalang Mira. Maraming binatang nanligaw
sa kaniya dahil bukod sa maganda na, napakabait at napakatalino pa. Sa mga binatang nagpapansin
dito, may isang namumukod tanging nakakuha ng pansin ng dalaga at siya ay si Lucas.Si Lucas ay
isang binatang simple ngunit napakasipag at may ginintuang puso at dahil sa katangian niyang ito,
naibigan siya ng nasabing dilag. Mula noon, ay nagmahalan ang dalawa at nangako sa isa’t isa na
walang iwanan. Hindi nagtagal napagdesisyunan nilang mag-isang dibdib. Ngunit bago ang kasalan
may tradisyon sa Panay na sinusunod at ito ay ang Pamalaye. Ang pamalaye ay isang kaugalian na
kung saan bago ang kasalan, ang binata ay pumupunta sa bahay ng kaniyang mapapangasawa kasama
ang kaniyang pamilya. Dito pinag-uusapan ang pagtatakda ng kasal at iba pang bagay na
kakailanganin. Pagkatapos magkasundo ang dalawang panig ay may salo-salo na nagaganap.
Kaya’t si Lucas ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Dinala niya ang kaniyang pamilya sa bahay nina
Mira. Nagdala rin sila ng mga pagkain. Dahil sa mahal na mahal nila ang isa’t isa at hindi sila
mapaghihiwalay, nagkasundo ang mga magulang nila na sila’y ipakasal na. Hindi naglaon, sina Mira
at Lucas ay ikinasal sa isang simpleng okasyon ngunit naging masaya at makahulugan dahil kasama
nila ang kani-kanilang mga pamilya at mga malalapit na kaanak at mga kaibigan.

Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang kahon upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
binasang kwento sa tulong ng mga larawan.

5
3 2
4
1

II. Sumulat ka ng kuwento tungkol sa iyong sarili. Gawing mong gabay ang mga tanong na nasa
kahon upang ikaw ay makabuo ng isang magandang kuwento.

1. Kailan ka ipinanganak?

2. Sino ang mga magulang mo?

3. Sino-sino ang kapatid mo?

4. Nasa anong baitang ka na ngayon?

5. Sino ang guro mo?

6. Ano-ano ang paborito mong pagkain?

7. Ano-ano ang ginagawa mo kung wala kang pasok?

8. Sino-sino ang kaibigan mo?

9. Ano-ano ang ginagawa ninyo ng iyong mga kaibigan?

10. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mong kurso

Ako ay si Harvey Dave G. Estose ipinanganak noong Nobyembre 1,2008.Ang mga magulang ko
ay si Hector C. Estose at Analyn G. Estose.Ang mga kapatid ko ay si Hannah Shaira G. Estose at Charles
Hector G. Estose.Ako ay ikaanim na baiting na ngayon.Ang guro ko ay si Jeremy Balatero.Ang paborito
kong pagkain ay chicken halang halang.Ang ginagawa ko kapag walang pasok minsan nag rereview
minsan nag lalaro.Ang kaibigan ko ay ang mga Cousins ko.Ang ginagawa naming ng mga cousins ko
minsan naglalaro misan nag eexercise.Paglaki ko ang pipiliin kong kurso ay ECONOMICS.

You might also like