You are on page 1of 25

Teacher

Karen
ESP 9
Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang. Walang taong
mabubuhay nang nag-iisa. Tayong
lahat ay may pananagutan sa isa’t-
isa. Ang sabi nga, kapwa ko
kailangan ko, kailangan din ako.
Sa pamilya, una mong naranasan ang
mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo
ng kamalayan tungkol sa katarungan.
Dito, unti-unti kang nagkakaroon nang
kakayahan na mauunawaan kung ano
ang katarungan.
Dahan dahan nahuhubog ang iyong
pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal
sa buhay. Ang katarungan ay isang
mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay. Kumikilala din ito sa dignidad
ng tao. Bukod tangi ang tao sa lahat ng mga
nilalang ng Diyos dahil nilikha ang tao na
may isip at kalayaan.
Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa
lipunan, makabubuting tahakin mo ang
landas ng katarungan at patas at
pagmamahal lalo na para sa mga
mahihirap at mahina tungo sa
pagkakaroon ng kapayapaan.
Ang pagmamahal ay magbubunga ng
kapayapaan sa pamamagitan ng
mapayapang paraan. Maitataguyod
mo ang katarungang panlipunan sa
pamamagitan ng pagbibigay mo sa
iyong kapuwa ng nararapat sa kanya.
Ito ay tanda ng paggalang mo sa
kaniyang dignidad bilang tao
Ang paglingap sa kapwa na may
pagpapahalaga sa katarungan (justice),
pagbibigay ng taos-pusong kabutihan at
pagtulong nang walang hinihintay na
kapalit (charity) ay tanda ng
pagmamahal.
Panuto: Pagmasdan ng
mabuti ang larawan sa ibaba
at tuklasin kung alin sa mga
ito ang nagpapakita ng
pagiging makakapwa mo at
pagkatapos ay pagnilayan
ang mga tanong .
1. Kumusta ang iyong ugnayan sa
iyong kapatid, magulang, at
kasama sa trabaho? Nanaisin mo
ba na panghimasukan o
dominahan nila ang buhay mo? O
baka di mo namamalayan na
ginagawa mo rin ang ganito sa
kanilang buhay.
2. May paggalang ka ba at
iniisip ang kanilang
kapakanan?
3. Ano ang papel ng
katarungan sa ganitong
sitwasyon? Pangatwiran
Panuto: Alam mo ba na may kaugnay
na pagpapahalaga ang katarungang
panlipunan ? tulad ng dignidad ng
tao, katotohanan, pagmamahal,
pagkakaisa, at kapayapaan. Pag-
aralan ang larawan sa ibaba na
nagpapakita ng mga pagpapahalaga
sa katarungang panlipunan, sagutin
ang mga tanong pagkatapos mong
pagnilayan ito.
1. Ano nga ba ang
mapanagutang tao?
2. Paano ipinapakita ng tao
ang paggalang sa dignidad
ng iba? sa iyo ng sama ng
loob? Pangatwiranan.
3. Makatarungan ba ang
pinapakita mong pagmamahal
sa iyong pamilya?, kaibigan? O
kamag-aral?
4. Sa paanong paraan nagiging
bukod-tangi ang tao sa ibang
nilalang ng Diyos?
5. Mahirap bang ipamalas
ang pagiging
makatarungan sa mga
taong nagbibigay sa iyo
ng sama ng loob?
Pangatwiranan.
“At huwag nating kaligtaan ang
paggawa ng mabuti at ang
pagtulong sa kapwa, sapagkat
iyan ang alay na kinalulugdan
ng Diyos.”
-MGA HEBREO 13:16

You might also like