Professional Documents
Culture Documents
Lakbay-sanysay
Nasa terminal ako ng Pagadian City at
naghihintay ng bus papuntang Iligan.
Kasama ko si Heart, isa sa kaibigan ko,
dahil may exam kami sa MSU-IIT sa
Linggo. Bumyahe kami noong Friday
alas 2:30 ng hapon kasi plano naming
libutin ang nga malls sa Iligan para sa
aming takdang aralin na Travel Vlog.
Inabot kami ng anim na oras bago kami
nakarating. 355 pesos ang bayad sa bus
at may dala akong 1,500 pesos. Sa
pangkalahatan, 710 pesos ang
babayaran ko mula Pagadian hanggang
Iligan at Iligan hanggang Pagadian.
100 pesos din para sa bus fee mula Tubod hanggang Pagadian at mula Pagadian hanggang
Tubod. Kaya may natitira akong 690 pesos. Pagdating namin sa Iligan City ay kumain agad kami
ng hapunan at nagpahinga.