You are on page 1of 2

PANGALAN:

A. Tama o Mali: Isulat ang tama sa patlang bago ang bilang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong
paraan ng paghihiwalay ng basura sa bahay at mali naman kung hindi.

TAMA1.Balutin ng dyaryo ang mga basag na bote bago itapon sa tamang lagayan upang hindi ito
makasugat.
MALI2.Huwag nang problemahin ang paghihiwalay ng mga basura kasi trabaho naman iyon ng mga
basurero.
TAMA3.Ihiwalay ang hindi nabubulok sa mga basurang nabubulok.
TAMA4.Ang mga basurang nabubulok tulad ng tuyong dahon at pinagtalupan ng gulay at prutas ay
maaaring ilagay sa compost pit.
MALI5.Sinusunog ang mga plastik at papel upang mabawasan ang basura.

B. Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong paraan ng
paghihiwalay ng mga basura sa bahay at ekis naman kung hindi.
/6. Inilalagay sa compost pit ang mga damo, tuyong dahon, dumi ng hayop, balat ng prutas, at mga gulay
na di na pwedeng kainin.
X7. Ipunin ang mga balat ng kendi, selopin, styrofoam, at iba pa para gawing pataba.
/8. Ilagay ang mga plastic bottles sa basurahan ng mga maaaring iresiklo.
X9. Ang mga lumang dyaryo at lumang papel ay di maaaring pagsamahin dahil hindi ito nareresiklo.
/10. Pagsama-samahin ang mga bote, plastic bottles at lata dahil
maaari itong ibenta sa junk shop.

C. Alamin kung ano ang tinutukoy ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.
di-nabubulok nabubulok waste segregation compost pit pagrecycle

NABUBULOK 11. Ang mga halimbawa ng basurang ito ay tuyong dahon, mga tirang pagkain at
balat ng prutas at gulay.
PAGRECYCLE 12. Ito ay ang muling paggamit ng mga basura na pwede pang pakinabangan.
COMPOST PIT 13. Dito pwedeng ilagay ang mga nabubulok na basura upang maging pataba.
DI-NABUBULOK 14. Diaper, Styrofoam, at plastic bag ay mga halimbawa ng basurang ito.
WASTE SEGRAGATION15. Ito ang paghihiwalay ng mga basura upang maipatupad ang pagrerecycle ng
mga bagay- bagay.
D. Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot .
16. Ano ang gagawin kapag nakita mong sama-sama ang nabubulok at nabubulok na basura sa isang
lagayan sa inyong bahay?
A. hayaan na lamang ang mga ito
B. ihiwalay ang lagayan nito
C. Isumbong sa mga magulang
D. dagdagan pa ito ng basura
17. Sinusunog ng iyong kapatid ang mga basura sa inyong bakuran, ano ang iyong sasabihin?
A. Sasabihin kong isusumbong ko siya sa mga pulis.
B. Sasabihin kong huwag magsunog dahil bawal ito.
C. Sasabihan kong tama lang ang kanyang ginagawa.
D. Sasabihan kong sunugin niya ito sa kapitbahay.
18. Ikinalat ng mga aso ang mga pinaghiwa-hiwalay mong basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagpapaluin ang mga ito upang umalis.
B. Iayos ang mga basura at ilagay sa mataas na lugar.
C. Hayaan na lamang ito at kukunin ng mga nangongolekta.
D. Ipunin at itapon sa bakod ng nagmamay-ari ng mga aso.
19. Ang isa mong kakilala ay nagtatapon ng basura kahit hindi nila iskedyul. Ano ang gagawin mo?
A. Gayahin din siya para mawala ang mga basura sa inyong bahay.
B. Isumbong sa kapitan ng barangay upang malaman nila ito.
C. Huwag nang pansinin upang hindi mapagalitan.
D. Ibalik mo sa kanilang bahay ang mga basura.
20. Ano ang maaari mong maitulong upang mabawasan ang mga basurang itinatapon?
A. Bumili ng maraming supot upang paglagyan ng basura.
B. Gumamit ng mga recycled na bagay.
C. Kumain sa mga fastfood chain na gumagamit ng styro.
D. Huwag sundin ang batas ukol sa paghihiwalay ng mga
basura.
21. Inutusan ka ng iyong nanay upang magwalis sa sala dahilmarumi na ang paligid nito.
A. Simulang magwalis sa lugar na iyong gusto nang dahan- dahan upang maayos ang gawain.
B. Simulang magwalis sa mga sulok at tabi ng sala patungo sa gitna nang dahan-dahan upang hindi
lumipad ang alikabok.
C. Simulan magwalis sa mga sulok at tabi ng sala nang mabilisan upang matapos agad ang gawain.
D. Simulang magwalis sa mga kisame nang dahah-dahan upang hindi lumipad ang alikabok.
22. Nadatnan ninyong mag-anak ang bahay na maalikabok dahil sa matagal niyong pananatili sa
probinsya.
A. Mag-alikabok sa mga lugar na abot ng iyong kamay.
B. Simulan muna ang pag-aalikabok sa mataas na bahagi ng kasangkapan paibaba.
C. Gumamit ng bagong pamunas sa pag-aalikabok upang hindi nag-iiwan ng himulmol.
D. Gumamit ng vacuum cleaner sa dingding upang maalis nang maigi ang alikabok.
23. Nais mong alisin ang mga agiw sa loob ng iyong silid.
A. Gumamit ng kahoy upang maalis ang mga agiw.
B. Gumamit ng basang mop upang alisin ang mga agiw.
C. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan upang alisin ang mga agiw,
D. Tumuntong sa silya at walisin ang mga agiw.
24. Marumi na ang sahig at nais mong pakintabin ito.
A. Bunutin agad ang sahig gamit ang lampaso.
B. Punasan muna ang sahig bago maglagay ng floorwax.
C. Lagyan agad ng floorwax ang sahig,
D. Gamitin muna ang floor polisher sa paglilinis ng sahig.
25. Maraming duming dumikit sa sahig at mahirap itong alisin.
A. Gumamit ng floor polisher upang maalis ang mga dumikit na bagay.
B. Gumamit ng brush o iskoba at kuskusin ang bahaging may dumi.
C. Gumamit ng walis tambo upang maalis ang mga dumikit na dumi.
D. Gumamit ng lampaso upang madaling maalis ang dumikit na dumi.

You might also like