You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
SDO Batangas City
District IV
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Summative Test 1.1


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(EPP 5)

Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Seksyon: ____________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin kung PRODUKTO o
SERBISYO ang salita o mga parirala na may salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Nagsimula na muli ang pasukan noong nakaraang lingo, kaya naman abalang-abala si Aling Mena sa pamimili
ng mga gamit sa paaralan tulad ng kwaderno, papel, lapis, ballpen at iba pa.

A. PRODUKTO B. SERBISYO

2. Masipag na guro ng baitang lima si Bb. Jannah. Matiyaga niyang tinuturuan ang kanyang mga eskwela sa kabila
ng kinakaharap na pandemya.

A. PRODUKTO B. SERBISYO

3. Si Dante ay isang lineman. Masusing inaalam niyang ang problema sa linya ng kuryente at inaayos ito.

A. PRODUKTO B. SERBISYO

4. Magaling magluto ang ina ni Charice kaya naman naisipan nilang magtayo ng karinderya sa tabi ng palengke.
Ilan sa mga lutong ulam na itinitinda nila ay adobong manok, tinola at kaldereta.

A. PRODUKTO B. SERBISYO

5. May bagong labas na modelo ng cellphone ang isang kilalang kompanya. Maganda at iba’t-iba ang mga
features nito kaya naman madami ang nagnanais na makabili nito.

A. PRODUKTO B. SERBISYO

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang salita na binibgyang deskripsyon sa bawat
pangungusap. Titik lamang ang isulat.

________ 6. Ito ang bagay na ginagawa upang maibenta. Ito ay karaniwang likha ng mga kamay o makina.

________ 7. Ito ay ang pagbebenta ng produkto o serbisyo. Sa salitang Ingles, ito ay tinatawag ding
“entrepreneurship”.

________8. Ito ay tumutukoy sa sector ng paglilingkod, pagtatrabaho o pagbibigay ng mga gawain na may
sapat nakabayaran ayon sa kasanayan ng isang indibidwal at pangangailangan sa pamayanan.

________9. Ang sector na ito kailangang nakatapos ng kurso sa kolehiyo at nakapasa sa board o bar
examination upang makakuha ng lisensya para makapaglingkod. Kinabibilangan ito ng guro, bumbero at iba pa.

________10. Ito ang tawag sa mga taong nangangailangan ng produkto o serbisyo.

A. Propesyunal B. Serbisyo C. Konsyumer

D. Produkto E. Teknikal F. Pagnenegosyo


III. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin anong produkto sa HANAY B ang kinakailangan
ng mga tao sa HANAY B.

HANAY A HANAY B

11. pasyente A. abono at pestisidyo

12. guro B. gatas at diaper

13. karpintero C. gamot

14. sanggol D. bondpaper at ink

15. magsasaka E. pako at pintura

IV. Panuto: Tukuyin kung anong kailangang serbisyo ng mga sumusunod na mga sitwasyon. Bilugan ang tamang
sagot.
16. Isang komunidad na may sunog (bumbero, doktor)
17. Teenager na magpapagupit ng buhok (masahista, barbero)
18. Pamilyang magpapagawa ng bahay (Karpentero, magsasaka)
19. Magpapakumpuni ng sasakyan (Technician, Mekaniko)
20. Matandang maysakit (doctor, guro)

V. Panuto: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong pares para sa pangatlong
salita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
21. Guro: Mag – aaral : Doktor : ____________
A. pasyente B. albularyo C. kustomer D. hospital
22. Manikurista: nail polish : Barbero : ____________
A. nail cutter B. gunting C. make up D. toothbrush
23. Mangingisda: isda : Magsasaka : ____________
A. bigas at gulay B. gatas C. itlog D. damit
24. Pintor: larawan : Vlogger : ____________
A. awit B. pagkain C. video D. gamot
25. Bakery: tinapay : Pet Shop : ____________
A. gulay B. bigas C. dog and cat food D. karne
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
SDO Batangas City
District IV
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Summative Test 1.1


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(EPP 5)

KEY TO CORRECTION

I.
1. A
2. B
3. B
4. A
5. A

II.

6. D
7. F
8. B
9. A
10. C

III.

11. C
12. D
13. E
14. B
15. A

IV.

16. bumbero
17. barbero
18. karpintero
19. mekaniko
20. doctor

V.

21. A
22. B
23. A
24. C
25. C
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
SDO Batangas City
District IV
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Summative Test 1.1


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(EPP 5)

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

BILANG NG
LAYUNIN KINALALAGYAN BAHAGDAN
AYTEM
Naipaliliwanag ang
kahulugan at pagkakaiba
10 1-10 40%
ng produkto at serbisyo
EPP5IE -0a-3
Natutukoy ang mga
taong nangangailangan
ng angkop na produkto 15 11-25 60%
at serbisyo
EPP5IE-0b-5
KABUUAN 25 1 – 25 100%

Prepared by:

RESIELYN P. LOLONG
Teacher I

Checked and Reviewed by:

ELSA ANDER
Teacher I

You might also like