You are on page 1of 3

NAME: Gatchalian, Michael Angelo Gatchalian

GRADE & SECTION:11-Accountancy, Business and Management

Filipino sa Piling Larang


BALANGKAS (MIRACLES FROM HEAVEN)

Balangkas : I. Tauhan
A. Christy Beam
1.Siya ang kabiyak ni Kevin Beam, at ang ina nina Anna
Beam, Abbie Beam, at Adelyn Beam.
2.Ipinakita niya ang tunay na pagmamahal ng isang ina sa
kanyang anak, na kayang gawin ang lahat para sa anak.
B.Kevin Beam
1.Siya ang kabiyak ni Christy Beam, at ang ama nina Anna
Beam, Abbie Beam, at Adelyn Beam.
2.Isang ama na mapagmahal sa kanyang mga anak, at hindi
niya sinukuan ang kanyang pamilya sa kabila ng mga
pagsubok na pinagdadaanan nito.
C.Anna Beam
1.Siya ay isa sa tatlong anak nina Christy Beam at Kevin
Beam.
2.Siya ay nagkaroon ng pambihirang sakit, nakaranas ng
iba’t ibang mga pagsubok, at sa huli ay isinalaysay
niya kung paano siya nakaranas ng isang himala.
D.Dr.Nurko
1.Siya ay isang doktor (pediatrician), at pinaniniwalaang
siya lamang ang makakapagpagaling kay Anna mula sa
pambihirang sakit nito.
2.Taglay niya ang pagiging isang masayahing doctor,
dahilan upang magustuhan siya ng kanyang mga
pasyente, at isa na dito si Anna.
II.TAGPUAN
A.Texas, United States
1. Dito naninirahan ang pamilya Beam.
2. Sa lugar na ito nangyari ang isang himalang nagpabago
sa
buhay ng pamilya Beam, lalong lalo na kay Anna Beam.
B.Boston Children’s Hospital
1.Dito nagtungo si Christy Beam sa paniniwalang dito niya
matatagpuan ang isang doctor na makakapagpagaling sa
kanyang anak na si Anna.
2.Sa hospital na ito ay natagpuan ng mag-inang Beam si
Dr.Nurko.
C.Simbahan
1.Dito nagtutungo ang pamilya Beam upang ipakita ang
kanilang pananampalataya sa Diyos.
2.Sa lugar na ito ay ibinahagi ni Christy Beam kung
paanong
gumaling ang kanyang anak na si Anna mula sa
pambihirang sakit nito, at ito ay dahil sa himala ng Diyos.
III.SULIRANIN
A.Pagkakaroon ng sakit ni Anna
1.Nagsimula ito sa pananakit ng tiyan, at ng ito ay kanilang
ikonsulta sa isang doctor, dito nila nakumpirma na si
Anna
ay may pambihirang sakit na hindi tiyak ang kagamutan
nito.
2.Naging mahirap ito para sa buong pamilya Beam.
B.Pananampalataya sa Diyos
1.Dahil sa mga pangyayaring naganap kay Anna,
nasubukan
ang pananampalataya ng pamilya Beam sa Diyos.
2.May mga pagkakataong hindi nila mapigil ang kanilang
sarili na tanungin ang Diyos kung bakit nangyayari sa
kanila ang iba’t ibang pagsubok.
IV.BANGHAY
A.Simula
1.Masayang naninirahan ang pamilya Beam sa Texas,
United States.
2.Ang pamilya Beam ay madalas magtungo sa isang
simbahan upang ipakita ang kanilang pananampalataya
sa
Diyos.
B.Papataas na Aksyon
1.Isang gabi ay biglang sumakit ang tiyan ni Anna Beam.
2.Nagtungo ang pamilya Beam sa isang hospital, at dito
nila
nakumpirma na si Anna ay may pambihirang sakit na
walang tiyak na kagamutan.
C.Kasukdulan
1.Nagtungo ang mag-inang Beam sa Boston Children’s
Hospital sa pag-asang dito nila mahahanap ang kasagutan
sa sakit ni Anna.
2.Nakilala nila dito si Dr.Nurko.
D.Pababang Aksyon
1.Umakyat sa puno ang magkapatid na Beam, at sa hindi
inaasahang pangyayari ay nahulog sa isang butas si Anna.
2.Dumating ang mga sasagip kay Anna, taimtim na
nagdasal
ang lahat na sana ay buhay na mailabas si Anna, at sa
kabutihang palad, nailabas ng buhay si Anna.
E.Wakas
1.Mula nang mangyari ang pagkahulog ni Anna sa puno ay
unti-unti itong gumaling sa kanyang sakit.
2.Bumalik muli sa simbahan ang pamilya Beam, at sa
pagkakataong ito ay isinalaysay o ibinahagi ni Christy
Beam ang naranasang himala ng kanyang anak na si
Anna.
V.TEMA
A.Tiwala at Pananampalataya sa Diyos.
1.Sa kabila ang mga pagsubok na ating pinagdaraanan,
huwag mawalan ng pag-asa, bagkus maniwala at
magtiwala sa Diyos, sapagkat hindi Niya tayo bibigyan
ng
pagsubok na hindi natin kayang pagtagumpayan.
2.Ugaliing magdasal, dahil walang pagkakataon na tayo ay
hindi pinapakinggan ng Diyos.

B.Pamilya
1.Ano mang pagsubok ang ating pagdaanan, tayo ay
hinding
hindi iiwan ng ating mga mahal sa buhay.
2.Lahat ay kayang gawin ng ating pamilya para lamang sa
ating kabutihan, at ang kanilang pagmamahal ay hindi
matutumbasan ninuman at ng anuman

You might also like