You are on page 1of 4

INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

PANGALAN: Jesica E. Calledo Petsa: May 23, 2022


Modyul # 5

PAMAGAT NG GAWAIN: Modyul 5 - GAWAIN

Panuto 1: Talakayin ang tatlong kategorya ng gamit ng internet ayon kay December at
magbigay ng mga halimbawa nito lalo na sa panahon ng pandemya . (5 puntos bawat
aytem)

A. Komunikasyon
Isa sa mga gamit ng internet ang pakikipag komunikasyon. Ayon kay December,
napadali ang ating komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar
dahil sa internet. Hindi gaya dati na inaabot pa ng mga ilang araw bago matanggap ang
mensahe sa pamamagitan ng pagsusulat ng liham, ngayon ay isang click at tipa lg sa ating
mga telepeno ay napaparating na natin ang ating mga mensahe dahil sa tulong ng Internet.
Dahil sa Internet napapaabot natin nang mas mabilis ang ating mga mensahe sa ibang
mga lugar kahit gaano pa ito kalayo. Halimbawa ngayong pandemya, mahirap lumabas ng
bahay dahil sa kumakalat na virus, mahirap makipag usap ng personal sa ating mga mahal
sa buhay na nasa ibang lugar kaya naman sa tulong ng internet nakakausap natin sila sa
pamamagitan ng video call. Hindi tayo masyadong nalulungkot kahit nasa bahay lang dahil
may internet, pwede pa ring makausap ang ating mga kaibigan na hindi natin nakikita sa
personal dahil sa pandemya na kinakaharap.
B. Interaksyon
Nagkakaroroon ng interaksyon ang mga gumagamit ng internet sa pamamagitan
na lamang ng paglalaro, pagkokomento sa mga larawan na ibinabahagi sa social media at
iba pa. Ang paglalaro ng online games ay isa sa mga kinaadikan ng mga kabataan at kahit
mga matatanda. Dahil sa ganitong interaksyon sa internet, may mga iba na nakakahanap
ng kaibigan sa kanilang paglalaro ng online games. Tulad ngayong pandemya, maraming
mga kabataan ang hindi lumalabas at nakamukmok lang sa bahay, sa pamamagitan ng
paglalaro ng online games nagkakaroon sila ng interaksyon sa ibang mga kabataan sa
iba’t ibang lugar.
C. Impormasyon
Ang internet ay isa sa mga pangunahing kinukunan natin ng mga impormasyon
araw-araw. Nagiging mabilis ang paglagap natin ng impormasyon ng dahil sa internet, kasi
isang pindot mo lang sa impormasyong nais mong malaman ay makakakuha ka na mula
INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

sa internet. Halimbawa ngayong pandemya, mas naging kuhanan ng impormasyon natin


ang internet. Dito tayo nakakuha ng mga ulat tungkol sa mga tala sa kaso ng covid, mga
dapat gawin at mga patakaran ng gobyerno. Mas napadali ang paglaganap ng
impormasyon sa internet.

Panuto 2: Mangalap ng mga website/social media site na kung saan kakikitaan ng iba't
ibang uri ng Wikang Filipino sa Internet. I-screenshot ang pahina at talakayin kung anong
uri ng Filipino ang matatagpuan sa internet batay sa mga sumusunud:
(10 puntos bawat aytem)

1. Ang wikang Filipino sa mga website.

2. Ang wikang Filipino sa mga online magazine.


INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

3. Ang wikang Filipino sa mga online advertisement.

4. Ang Filipino sa blog.


INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

5. Ang Filipino sa porum.

6. Ang Filipino sa chat.

You might also like