You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 3

1ST QUARTER
PERIODICAL EXAMINATION

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem at sagutin. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Ibigay ang kahulugan ng simbolong ito. ..


A. Talampas B. bundok C. burol D. kapatagan
2. Ano ang kahalagahan ng bawat simbolo na ginagamit sa mapa?
A. Upang maging maganda ang mapa C. Upang ito ay maging makulay
B. Upang mas maging madali ang paghahanap sa lugar D. Wala sa nabanggit

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag sa datos tungkol sa kabuuang sukat at bahagi
ng populasyon ng mga lalawigan sa Rehiyon-XIII (caraga). Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa
bawat katanungan.

LALAWIGAN POPULASYON
Bunawan 45,151 ka tao
Sta. Josefa 26,729 ka tao
Loreto 42, 501 ka tao
Rosario 46,683 ka tao
Prosperidad 82, 631 ka tao

3. Ano ang pinakamaraming populasyon sa ating lalawigan?


A. Bunawan B. Sta.Josefa C. Loreto D. Prosperidad
4. Aling lalawigan ang may pinakamaliit na populasyon?
A. Bunawan B. Sta.Josefa C. Loreto D. Prosperidad
5. Ano kaya ang mas angkop na dahilan kung bakit napakalaki ng populasyon ng Prosperidad kaysa ibang
lalawigan sa rehiyon?
A. Mas malaki at malawak ang sukat ng Prosperidad kaysa ibang lalawigan.
B. Mas malayo ito sa ibang lalawigan.
C. Mas maunlad ito kaysa ibang lalawigan.
D. Mas sikat ito sa ibang lalawigan.
6. Sa panahon ng bagyo nararapat na ako ay ______________________.
A. maligo sa ulan C. sumilong sa ilalim ng mesa
B. manatili sa loob ng bahay D. mamasyal sa parke
13. Kapag lumilindol kailanagan kong ________________________.
A. manatiling nakaupo sa sariling upuan C. sumilong sa ilalim ng mesa
B. mataranta at magsisigaw D. itulak ang kamag-aral
14. Nakatira kayo sa gilid ng bundok at malakas ang ulan. Napansin mo na malakas na ang agos ng tubig
mula sa bundok at may kasama na itong putik. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Maglaro sa ulan. C. Manatili na lamang sa bahay.
B. Lumikas na kaagad. D. Paglaruan ang putik mula sa bundok
15. Aling likas na yaman ng rehiyon ang naangkop sa produksyon ng baka?
A. mayabong na kagubatan c. malawak na dagat
B. malawak na pastulan d. bundok na mayaman sa mineral

PANUTO: Pag-ugnayin ang mga kilalang anyong lupa at anyong tubig sa Hanay A at ang lalawigan kung
saan ito matatagpuan sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A B

16 Enchanted River A. San Francisco, Agusan del Sur

17. Centennial Toog Tree B. Surigao del sur

18.Mt. Noventa C. Surigao del Norte

19. Mt. Magdiwata D. Agusan del Sur

20. Tinoy-an Falls

21. Lake Mainit

PANUTO: Piliin ang letrang A kung ang pangungusap ay wastong pangangasiwa sa likas na yaman. Piliin
naman ang letrang B kung ipinahihiwatig ng pangungusap ang hindi wastong pangangasiwa ng likas na
yaman.

22. Gumagamit ng maliliit na butas ng lambat sa panghuhuli ng isda.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

23. Nagdidilig ng halaman para maging sariwa at mabuhay ito.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

24. Paggamit ng lason sa panghuhuli ng hipon at isda sa ilog at sapa.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

25. Nagtatanim na muli bilang pamalit sa mga pinutol na puno.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

26. Pagsusunog ng bundok upang gawing kaingin.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

27. Dapat gumamit ng insecticide nang madalas.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

28. Mamingwit ng isda gamit ang simpleng pamingwit.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

29. Bunutin ang halaman kung wala na itong bulaklak.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

30. Tumulong sa paglilinis ng mga kanal.

A. wastong pangangasiwa B. Hindi wastong pangangasiwa

You might also like