You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

Unang Markahan/Unang Semestre


S.Y 2021-2022

I. Layunin
Sa katapusan ng 40 minuto, 95% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang iba’t ibang likas na yaman ng Asya
2. Nabibigyang-halaga ang gampanin ng mga likas na yaman sa iba’t ibang rehiyon sa
Asya
3. Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga likas na yaman ng Asya sa
pamumuhay ng mga mamamayan

II. Paksang-Aralin
Paksa: Likas na Yaman ng Asya
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, Video Presentation, Teksto, Larawan
Sanggunian: Curriculum Guide F5GM-IVb_15.1, Manwal ng Guro
Values: Kasipagan

III. Pamamaraan
A. Gawain/Aktibidad
Hatiin ang klase sa limang (5) grupo. Iba’t ibang larawan ang ibibigay sa bawat
pangkat at ipaliwanang kung ano ito at paano ito nakakatulong sa pamumuhay
ng mga Asyano sa pamamagitan ng role play.
Tentatibong rubrik:
Kasanayan - 15 puntos
Nilalaman - 25 puntos
Malikhain - 10 puntos
KABUUAN: 50 puntos

B. Pagsusuri/Pag-aanalisa
 Ano ang iyong napansin sa mga larawan?
 Ano sa iyong palagay ang kahalagahan ng mga ito?
 Anu-ano ang mga pwedeng pagkakinabangan ng mga ito?

C. Paglalahat/Paghahalaw
 Likas na Yaman – mga bagay na na natutuklasan ng mga tao sa likas na
kapaligiran tulad ng tubig, lupa, kagubatan, mineral, yamang-dagat,
hayop, at mga enerhiyang natural na maipantutugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan at makapagbibigay-kasiyahan sa mga
tao.
 Yamang Lupa – malalawak at matatabang lupa na angkop sa pagsasaka.
Taglay ng Asya ang malalawak na lupang sakahan, tulad ng kapatagan
at mga lambak ng mga ilog at ganoon din ang mga pastulan ng mga
hayop.
 Yamang Tubig – malalawak na baybayin na mapagkukunan ng iba’t
ibang isda, mga kabibe’t korales at mga halamang tubig. Ginagamit din
ito sa pagpoprodyus ng hydroelectricity at irigasyon sa mga pananim sa
Asya.
 Yamang Mineral – mga mayayamag deposito ng metal at di-metal na
mineral.

D. Paglalapat/Aplikasyon

Brainstorming!

Panoorin ang video clip at pagkatapos mag brainstorming sa grupo upang


makabuo ng sagot. Pumili ng dalawang (2) representante upang ibahagi ang
nabuong sagot sa grupo. Sagutin ang katanungan na:

“Bilang mamamayan ng isang bansa, paano ba nakatutulong ang mga


likas na yaman sa iyong buhay? Paano mo ito pahahalagahan?”

Tentatibong Rubrik:

Kasanayan - 20 puntos
Nilalaman - 30 puntos
KABUUAN: 50 puntos

IV. Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa ¼ pirasong papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga yamang mineral na matatagpuan sa bansang


Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan maliban sa isa:

a. Langis
b. Phosphate
c. Nitrogen
d. Natural gas

2. Ano ang pinakamahalagang likas na yaman sa bansang India?

a. Tubig
b. Lupa
c. Mineral
d. Wala sa nabanggit

3. Ilang porsyento ang sakop ng lupain ng bansang China sa buong mundo?

a. 9%
b. 5%
c. 7%
d. 4%

4. Anong likas na yaman ang may kakaibang gampanin sapagkat nagsisilbi


itong electric source dahil sa hydroelectric power na nililinang dito?

a. Yamang tubig
b. Yamang mineral
c. Yamang lupa
d. Wala sa nabanggit

5. Saang lugar sa Kanlurang Asya ang may pinakamalaking produksyon ng


petrolyo sa buong daigdig?

a. Iraq
b. Oman
c. United Arab Emirates
d. Saudi Arabia

6. Saang bansa sa timog-silangang Asya ang may pinakamalaking prodyuser


ng tin sa buong mundo?

a. Thailand
b. Malaysia
c. Philippines
d. Cambodia
7. Ano ang tawag sa yaman ng isang bansa na tumutugon sa
pangangailangang material ng mga mamamayan at sa pamahalaan tungo sa
pag-unlad ng bansa?

a. Likas na mineral
b. Likas na tubig
c. Likas na yaman
d. Likas na lupa

8. Ilang porsyento ang kabuuang reserba ng langis ng Saudi Arabia sa buong


daigdig?

a. 35 %
b. 23 %
c. 30 %
d. 20 %

9. Ano ang pinakamahalagang likas na yaman sa Kanlurang Asya?

a. Petroleum at Natural Gas


b. Natural Gas at Tanso
c. Cotton at Wheat
d. Palay

10. Ang mga sumusunod ay mga bansa sa Timog-Silangang Asya na may


reserba ng langis, maliban sa isa:

a. Malaysia
b. Vietnam
c. Thailand
d. Brunei

V. Kasunduan

Sagutin ang tanong sa ½ pirasong papel. (50-100 words)

Sa pagkakabatid ng kaalaman patungkol sa kontribusyon ng mga likas na yaman sa


Asya, sa iyong palagay mahalaga ba ang kaalaman tungkol sa mga likas na yaman ng
bansa?

Tentatibong Rubrik:

Kasanayan - 20 puntos
Nilalaman - 30 puntos
KABUUAN: 50 puntos
Inihanda ni:

JANINE KATE A. ALTIZO

Guro – Araling Panlipunan

You might also like