You are on page 1of 2

KUTING

Limang kuting nakaupo’t


Sa aki’y nakatingin
Ang pangala’y Bring, Ring, Ping, Sing,Ting:
Tingnan mo’t tumatakbo
Sa kaliwa at kanan:
Ngunit biglang sumipot
Ang asong si Bantay
At ang limang kuting
Nagngingiyaw at nagtakbuhan.

Bayang Minamahal

Mutyang Pilipinas
Kilala sa mundo
Maganda ang lahat
Saan mang dako
Sa likas na yaman
Ay sagana ito
Bayang minamahal
Ay isang paraiso

PAGTATAYA:

Punan ng mga tugma ang bawat patlang upang mabuo ang tula. Makakatulon ang mga
salitang pagpipilian sa ibaba.

kabukiran pagkataas-taas lumalagaslas parang halaman


kapaligiran prutas dagat kabundukan
SA BUKID
I
Tayo ay mamasya sa_______
Kay gandang pagmasdan ang_______________
Ang bundok, lambak,at_______
Luntiang paligid, puno ng______

II
Sagana sa gulay at__________
Sariwa ang isdang mula sa_____
Malinis ang tubig na__________
Buhat sa Talong____________
Ang tula ay isang masining na gawain sapagkat nagbibigay riin ito sa ritmo, mga tunog o tugma,
mga paglalarawan at talinghaga sa mga salita.
Paano Sumulat ng Tula?
Sa paggawa ng tula, kinakailangang tandaan ang mga sumusunod:
1. Kailangan ng kasanayan sa masining na paggamit ng wika
Mahalagang kasanayan ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa wika o bokabularyo.
Makatutulong ito upang makapaglapat ng wastong salita at tugma. Higit na maipapahayag ang
diwa ng tula kung makulay at wasto ang mga salita na gagamitin.
2. Kailangan ng tunay na damdamin sa pagsulat
Maihahalintulad ang tula sa isang salamin na nagpapakita ng damdamin ng isang tao.
Mararamdaman sa mga salitang ginamit ang nasasaisip at nilalaman ng puso ng may likha.
3. Dapat ay may taglay na displina sa pagsulat
Napakahalagang masunod ng may-akda ang mga itinakdang panuntunan tulad ng bilang ng
taludtod, saknong at pantig. Kinakailangang maging angkop sa tema, anyo at damdamin upang
maisagawa nang wasto ang isusulat na tula.
Narito naman ang mga elemento na bumubuo sa tula.
1. Sukat – ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod. Ang pantig ay tumutukoy sa
paraan ng pagbasa. Sa tradisyunal na anyo ng tula, may sukat na 8, 12, 14, 16 o malayang
bilang.
Halimbawa: Ito ay halimbawa ng lalabing-animing sukat
Wa/la/nang/pa/pan/tay/sa/sa/ma/han/ng/i/sang/pa/mil/ya/ – 16 na sukat
May/u/na/wa/an,/pag/ma/ma/ha/lan/at/pag/da/da/ma/yan/ - 16 na sukat
Ka/tu/lad/ ng/a/raw/ay/ may/ i/nit/ na/ na/ra/ram/da/man/ - 16 na sukat
I/nit/na/nag/bi/bi/gay/li/ga/ya/ sa/i/sang/ a/ha/nan/ - 16 na sukat
2. Taludtod – nakasulat o nakalimbag na linya ng mga salita sa saknong ng isang tula.
Halimbawa: Palaging sinasabi nina tatay at nanay,
Gumalang sa sinuman sa loob at labas ng bahay,
Maituturing itong yaman na ating taglay,
Na ating dadalhin habang tayo’y nabubuhay.
3. Saknong – pangkat sa tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
Halimbawa: Ang pagtutulungan ay hindi nawawala,
Sapagkat pinagpapala ang pusong dakila,
Ipinapakita ito sa kilos man o gawa,
Na hindi naghihintay ng kapalit na biyaya.
4. Tugma – may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng salita ng bawat taludtod ay
magkatugma.
Halimbawa: Kaya naman ipinagmamalaki ko,
Ang pamilyang mayroon ako,
Yaman ng tahanan at ng buong mundo,
Ang pamilyang Pilipino taas-noo kahit kanino.
Tandaan: Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang pantig
sa hulihan ng bawat taludtod.
5. Kariktan – kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na mga salita upang masiyahan ang
mambabasa gayundin ay mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa: Katulad ng araw ay may init na nararamdaman,
Init na nagbibigay ligaya sa isang tahanan.
6. Talinghaga – sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng nilalaman ng
tula.
Halimbawa: taas-noo – ipagmalaki
pusong dakila – mapagmahal

You might also like