Professional Documents
Culture Documents
Kom Pan 11 - Q1 - Modyul 1 - Aralin 1 4
Kom Pan 11 - Q1 - Modyul 1 - Aralin 1 4
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Tagapamahala:
Aralin Katuturan ng
1.1 Komunikasyon
Simulan
Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.
1
KOMUNIKASYON
Kahulugan ng Komunikasyon
Alam mo bang…
Komunikasyon ang tawag sa isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyong
kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo?
Ito ay hango sa salitang Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay saklaw
ang lahat ng mga bumubuo sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao at
grupong may gantihang kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura.
(Panopio at Rolda, 1992)
Ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng idea sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan (Webster)
Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)
Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o idea sa paraang pasalita o pasulat.
(Tanawan, et al., 2004)
Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan. (Pagsasalita,
Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at Panonood)
Katangian ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay isang proseso – Ang proseso ng komunikasyon ay
nagsisimula sa pinanggalingan ng isang mensahe (source) tungo sa isang
tsanel at sa patutunguhan ng mensahe. Ang tumanggap ng mensahe ay
magbibigay ng kaniyang balik-tugon kung kaya nauulit ang proseso.
a. Encoding – Ano ang mensahe? Paano ipadadala? Ano-anong mga salita
ang gagamitin? Paano isasaayos? Anong daluyan ang gagamitin at ano
ang inaasahang reaksyon ng tatanggap?
b. Decoding – Ano ang kahulugan ng mensahe? Ano ang inaasahang
reaksyon mula sa kaniya? Paano niya tutugunan at sa paanong paraan
niya ito tutugunan?
2
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko – Nagbabago ang
komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga
taong sangkot sa proseso.
3. Ang komunikasyon ay komplikado – Ito ay dahil sa persepsyon ng isa sa
kaniyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kaniyang kausap sa
kaniya at ang tunay na persepsyon ng kaniyang kausap sa kaniya.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa
komunikasyon – Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon – Hindi man tayo
magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya
ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
a. Panlingguwistika – Pumapatungkol ito berbal (pasulat o pasalita) na
pahiwatig gamit ang wika.
b. Relasyunal – Pumapatungkol ito sa di-berbal na pagpapahiwatig ng
damdamin o pagtingin sa kausap.
3
b. Pisikal na Sagabal – Ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning
teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw, hindi
komportableng upuan at iba pa.
c. Pisyolohikal na Sagabal – Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita,
hindi mabigkas ang mga salita, may kahinaan ang boses o may
kapansanan.
d. Sikolohikal na Sagabal – Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at
pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kulturang maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.
Sagabal
Mensahe Mensahe
Sender (Encoding) Tsanel (Decoding) Reciever
Feedback
Lakbayin
Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Pag-iisip,
pag-aalala, pagdama o mga prosesong nagaganap sa internal nating
katauhan.
2. Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng dalawa o mahigit pang mga tao o sa isang tao at isang maliit na pangkat.
Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
3. Pampubliko – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa nito’y ang
miting de avance ng mga politiko, pagtatalumpati at iba pa.
4. Pangmasa o Pangmadla – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
malawakang midya tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan at iba pa.
5. Pang-organisasyon – Ito ay komunikasyong nangyayari sa loob ng isang
organisasyon o samahan. Organisado at nakatutok sa isang hangarin o
adhikain.
6. Pangkultural – Ito ay komunikasyong nagpapakilala, nagtatanghal o
nagpapakita ng kultura ng isang pangkat o bansa. Aspekto ng kultura ng
mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.
7. Pangkaunlaran – Ito ay komunikasyon naglalayong gamitin sa
pagpapaunlad ng bansa. Pumapatungkol ito sa industriya, ekonomiya o
anomang usaping pangkabuhayan.
Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal – Komunikasyong nangangailangan ng paggamit
ng wika pasalita man o pasulat.
2. Komunikasyong Di-Berbal – Komunikasyong naghahatid at tumatanggap
ng mga mensaheng walang tinataglay na salita.
a. Pasenyas – Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salitang
kumakatawan sa bilang o numero at anomang mga bantas.
b. Paaksyon – Pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha na
mayroong mga kahulugan.
5
c. Ginagamitan ng bagay – Paggamit ng mga materyal na bagay upang
maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo
ng mga bagay.
Modelo ng Komunikasyon
1. Modelo ni Berlo – Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa
modelong ito. Binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa
pinanggalingan tungo sa tatanggap. Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe
o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende sa encoding at
decoding nito.
Mensahe Tagatanggap
(Source / (Receiver )
Encoding Decoding
6
Source Transmitte r Channel Reciever Destination
(Encoder ) (Decoder )
Noise
Source
Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi,
maaari mo ulit itong balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t
isagawa mo pa ang kasunod na gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong
kaalaman.
Galugarin
7
BERBAL DI -BERBAL
Palalimin
kakaunting
kamalian
Kahulugan,
Aralin
1.2
Pinagmulan at Katangian
ng Wika
Simulan
9
Binabati kita mahal na mag-aaral. Napagtagumpayan mo ang mga aralin at
gawain sa nakaraan bahagi ng learning material na ito. Ngayon, tayo’y
magpapatuloy sa ating aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang
gawain.
Gawain 1: WIKAkrostik
Panuto: Gamit ang akrostik, bigyang-kahulugan mo ang WIKA mula sa iyong
sariling opinyon o kaalaman. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
W
I
K
A
Ang galing mo! Binabati kita’t nagawa mo ang gawain. Ngayon naman ay atin
nang pag-aaralan ang iba’t ibang konseptong pangwika. Basahin at unawain mo
lang itong mabuti upang maintindihan mo.
Kahulugan ng Wika
Alam mo bang…
Wika ang tawag sa kalipunan ng mga salitang ginagamit ng tao sa isang
lipunang may natatanging kultura at kabihasnan?
Ayon kay Henry Gleason “Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit
sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may natatanging kultura”.
Dagdag naman nina Mangahis et. al. (2005) na “Ang wika ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit
sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan”.
Ayon sa Webster (1974), “Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo”.
Ayon kay Archibald Hill, What is language? “Ang wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao”.
Ayon kay Bienvenido Lumbera, 2007 (Pambansang Alagad ng Sining para sa
Literatura), “Ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay natin
ay nariyan ito. Palatandaan itong buhay tayo at may kakayahang umugnay
sa kapwa nating gumagamit din dito.”
10
Teoryang Biblikal
1. Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Lumang Tipan ng
Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika
ng tao na biyaya ng Diyos – ang wikang Aramaic ng Syria (Aram) at
Mesopotamia. May paniniwalang ito ang kauna-unahang wikang ginagamit
sa daigdig. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng
isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira
ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil
iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkani-kaniya na sila at
kumalat sa mundo. (Genesis kab. 11:1-8)
2. Pentecostes – Hango sa Bagong Tipan ng Banal na Kasulatan na
nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang mga
apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng maladilang
apoy na nagpasigla sa kanila hanggang sa magsalita ng iba-ibang wika. Dito
nagsimula ang paglalaganap sa salita ng Diyos sa iba’t ibang lupalop ng
daigdig.
Teoryang Siyentipiko
3. Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang
tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop
gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.
4. Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ipinapalagay sa
teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan
sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, patak ng ulan, langitngit ng
kawayan, talbog ng bola at iba pa.
5. Teoryang Pooh-pooh – Ipinagpapalagay sa teoryang ito na ang tao ay
nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit,
saya at paglalaan ng lakas.
6. Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng
himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.
7. Teoryang To-he-ho – Ayon sa teoryang ito, nalikha ang wika dahil sa
puwersang ginagamit. Sa madaling sabi, nakatuon ito sa puwersang pisikal
ng tao. Nakalilikha raw ang tao ng mga salita kapag may ginagawang kahit
anong bagay. Halimbawa kapag nanununtok o simpleng nagbubuhat ng
isang bagay.
8. Teoryang Sing-song – Ito ay nagmula sa pag-awit ng mga kauna-unahang
tao; may melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang tao. Halimbawa nito’y
paghimno o paghimig.
9. Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa
pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang
lumikha ng tunog mula sa kaniyang labi.
10.Teoryang Ta-ta – Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam.
Sabi sa teoryang ito, ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kaniyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon tulad ng pagkumpas
ng kamay nang pababa at pataas tuwing nagpapaalam.
11.Teoryang La-la – Ayon sa teoryang ito, may mga puwersang may kinalaman
sa romansa. Ito ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
12.Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – Sinasabing ang mga tao ay natutong
humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang
ginagawa. Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kadalasan ay may mga sayaw,
11
sigaw at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang
pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
13.Teorya ni Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975)
na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kaniya upang
makalikha ng iba’t ibang wika. Wikang natutuhan tungkol sa mga
pakikipagsapalaran.
14.Teorya ng Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammetichus, ang wika
ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natututuhan
kahit walang nagtuturo. “Unconsciously learning the language”.
KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Sing-song A. mula sa ritwal at mga seremonya Bow-wow B.
_____ 2. wikang natutuhan sa pakikipagsapalaran
_____ 3. Ta-ra-ra-boom-de-ay C. puwersang may kinalaman sa romansa
_____ 4. La-la D. nangangahulugang paalam Ding-dong E. nagmula sa
_____ 5. pag-awit ng mga tao
_____ 6. Pooh-pooh F. nagkawatak-watak ang mga tao
_____ 7. Tore ng Babel G. natututuhan kahit walang nagtuturo
_____ 8. Charles Darwin H. paggaya sa tunog ng mga hayop
_____ 9. Yo-he-ho I. indayog ng himig-awitan ng mga tao
_____ 10. Ta-ta J. mula sa tunog ng mga bagay sa paligid
K. nakalilikha ng tunog dahil sa bugso ng
damdamin
12
Lakbayin
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may estruktura (sintaks) na nagiging
basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
a. Ponolohiya – pag-aaral ng ponema; ang ponema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa
ay ang mga ponemang /k/, /o/, /m/, /u/, /n/, /i/, /k/, /a/, /s/,
/y/, /o/ at /n/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay
mabubuo ang salitang “komunikasyon”.
b. Morpolohiya – pag-aaral ng morpema; ang morpema ay tawag sa
pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa
Filipino, ang tatlong uri ng morpema ay ang salitang-ugat, panlapi at
ponema.
Hal. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Ponema = a
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; ang sintaks ay ang tawag sa
pormasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring
mauna ang paksa sa panaguri at posible naman ang kabaligtaran nito.
Samantalang sa Ingles, laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
*The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the
tree.’) d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang
pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa
iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
*Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng
aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang].
Samantalang sa ikalawang pangungusap, ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya]
ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol
na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga sinasalitang tunog. Upang magamit nang
mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na
tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
3. Ang wika ay pinili at iniayos sa paraang arbitraryo. Lahat ng wika ay
napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilocano na kapag
13
sinabing (balay), bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay (casa)
kapag nais tukuyin ang bahay at (bay) naman sa Tausug samantalang
(house) sa Ingles.
4. Ang wika ay natatangi o may kakanyahan. Lahat ng wika ay may
sariling set ng palatunugan, leksikon at estrukturang panggramatika. May
katangian ang isang wika na pangkaraniwan sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika. Hal.
Wikang Swahili – atanipenda (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang
French – François (pangngalan /fransh-wa/)
14
10.Ang wika ay may level o antas. May antas o level ang wika na naayon sa
kausap, lipunan, panahon o pagkakataon. Maaring pormal o
di-pormal ito.
Galugarin
3. Ipaliwanag kung bakit ang wika ay natatangi o may kakanyahan. Iugnay ito
sa sariling wikang ginagamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang
halimbawa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Paano mo magagamit ang wikang iyong natutuhan upang makilala ang lugar
na iyong pinanggalingan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
15
PONEMA MORPEMA SINTAKS SEMANTIKS
Palalimin
Gawain 5: Online Wika Doku-mentaryo
Panuto: Gamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya gaya ng Social Media Sites
na Facebook, Youtube at Google, magsaliksik ka ng isang dokumentaryong
pumapaksa sa wika. Matapos kang makapagsaliksik, gagawan mo ito ng
komentaryo sa malikhaing paraan. Maaaring gayahin ang pormat sa sagutang
papel. Isaaalangalang ang rubrik sa pagtataya ng awtput.
Pamagat ng
Dokumentaryo
16
husay ang mahusay ang ang sariling pagpapahaya sariling komento
sariling sariling komento o g ng sariling o opinyon sa
komento o komento o opinyon sa komento o nasaliksik na
opinyon sa opinyon sa nasaliksik na opinyon sa dokumentaryo
nasaliksik na nasaliksik na dokumentary nasaliksik na
dokumentaryo dokumentary o dokumentaryo
o
Kasininga Napakamasinin Masining ang Katamtaman Papaunlad Hindi masining
n g ng presentasyon ang ang ang
presentasyon o o kasiningan ng kasiningan ng presentasyon o
pagkakabuo ng pagkakabuo presentasyon presentasyon pagkakabuo ng
awtput ng o o pagkakabuo awtput
awtput pagkakabuo ng
ng awtput
awtput
Gramatika Mahusay Nailapat Katamtamang Papaunlad Hindi nailapat
na ang nailapat ang ang wastong
nailapat wastong ang pagkakalapat gramatika sa
ang gramatika wastong ng wastong awtput
wastong sa gramatika sa gramatika sa
gramatika sa awtput nang awtput awput
awtput may
kakaunting
kamalian
Kahalagahan,
Aralin 1.3 Kapangyarihan at Antas
ng Wika
Simulan
Muli kitang binabati dahil malayo na ang iyong narating sa ating pag-aaral.
Sa bahaging ito, panibagong aralin pa ang iyong matutunghayan. Mahalaga ito
upang mas malinang ang iyong pag-unawa sa mga konseptong pangwika. Halika
na’t magsimula na.
17
Bahay Paaralan Palengke Simbahan
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:
1. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kaniyang kinabibilangan; at
4. Isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Kapangyarihan ng Wika
1. Ang Wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan – Ang
anomang pahayag ng isang tao ay maaaring makapagdulot ng ibang
kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
2. Ang Wika ay humuhubog ng saloobin – Sa pamamagitan ng wika,
nagagawa ng taong hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kaniyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kaniyang kapwa.
3. Ang Wika ay nagdudulot ng Polarisasyon – Ito ay ang pagtanaw sa mga
bagay sa magkasalungat na paraan. Halimbawa nito ay masama at mabuti,
mataas at mababa, pangit at maganda at iba pa.
4. Ang Kapangyarihan ng Wika ay siya ring kapangyarihan ng
Kulturang nakapaloob dito – Kailanman ay hindi maikakailang kakambal
ng wika ang kultura.
18
Pang -araw -araw
na Pamumuhay
Edukasyon
Pamahalaan
Ekonomiya
Midya
19
Lakbayin
Antas ng Wika
1. Pormal
a. Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasa-
alangalang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong wikang
panturo sa mga paaralan at sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.
Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas
para gamitin sa buong bansa.
b. Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman,
kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit
dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan ng mga salita dahil
nakatali sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito. Nasasalamin sa
paggamit nito ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang
pampanitikan, talumpati at maging sa mga talakayan.
2. Di-pormal
a. Lalawiganin – Ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at
lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa
pagsasalita. Ito ay ang dayalekto ng isang wika, may tanging
pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita na nauunawaan ng
mga nag-uusap na kabilang sa isang lugar o lalawigan.
Halimbawa:
guyam - langgam (Tagalog-Batangas)
mabanas - maalinsangan (Tagalog-Cavite)
daga - lupa (Bicol)
inday - magandang babae (Cebuano)
ebon - itlog (Pampanga)
Pangungusap
• I take vitamins pero puyat pa rin ako.
• Feel na feel ko ang sariwang hangin.
• Magrerelax muna kami bago mag-watch ng TV.
20
c. Balbal – Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito
ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing
koda sa kanilang pag-uusap. Karaniwan nang maihahanay rito ang salita
ng mga bakla o gay lingo (bekinese) at salita ng mga tambay. Bagaman
itinuturing na impormal, kung ating susuriin, mayroon din itong sariling
sistema ng paglikha.
Halimbawa:
• anda • pera
• tol • kapatid o kaputol ng pusod
• dehins • hindi
• chaka • pangit
• 143 • I love you
Galugarin
Gawain 3: Uriin Mo!
Panuto: Tukuyin mo ang sumusunod na salita/parirala kung ano ang antas nito.
Isulat ang sagot sa mga kahon ng uri nito. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Konstitusyon Kamay na
Vakul aysus! promdi
ng bansa bakal
Talahanayan Pumiti na ang
Chorva Apo Lakay penge
ng Pagtatahas uwak
eEoW Sintamis ng Ralagang
Mars pa more Pananaliksik
pFhUeEhsxz asukal Maganra
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
22
Palalimin
Gawain 5: ANTAS ng Wika
Panuto: Magsaliksik ng isang awiting OPM na nakasulat sa wikang Filipino, isulat
ang buong liriko nito sa iyong sagutang papel o kaya’y maaaring i-print at idikit.
Tumukoy ng sampung (10) mga salitang nakauri sa di-pormal na antas ng wika sa
pamamagitan ng pagsalungguhit dito at bilugan naman ang limang (5) mga
salitang nakauri sa pormal na antas ng wika. Gawing masining ang awtput at
isaalang-alang ang rubrik sa pagtataya.
23
kakikitaan impormal na kaunting mga
ng mga impormal na salita
maraming salita mga
impormal na salita
mga
salita
Simulan
Gawain 1: Profiling
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Humahanga ako sa iyong pagsagot sa gawain! Ngayon atin nang alamin ang
iba pang mga konseptong pangwika.
24
Unang Wika
Multilingguwal ang mga mamamayan ng Pilipinas. Bunsod ito ng
heograpikal at sosyolongguwistikal na salik. Gayonpaman, marami mang
wika ang mayroon sa Pilipinas, ang wikang unang natutuhan, ginagamit sa
pakikisalamuha at unang nakapagbatid ng mga kaalamang magiging
kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay ang tinutukoy na Unang Wika.
“Mother Tongue” ang tawag sa akademikong termino ng unang wika. Ito ay
sapagkat sa inang nagsilang nanggaling ang wikang ito. Wika nga ni
Panganiban, “sinusong wika” ito ng anak sa kaniyang nanay. Ito ang wika ng
pagmamahal ng ina sa kaniyang isinilang na anak: pag-aaruga, pagtuturo,
paggabay at higit sa lahat, kung paanong huhubugin bilang tao ang sariling
sanggol.
Pangalawang Wika
Anomang kasunod na mga wika na matututuhan ng isang tao pagkaraang
matutuhan ang kaniyang unang wika ay tinatawag na Pangalawang Wika.
Halimbawa, ang isang Ilocano na natuto ng Iloco bilang unang wika at
natuto ng English, Filipino at Mandarin ay masasabing may unang wikang
Iloco at mga pangalawang wikang English, Filipino at Mandarin.
Ilan sa mga salik sa pagsibol ng pangalawang wika ay ang migrasyon at
emigrasyon, bunsod ng hanapbuhay, pag-aasawa, edukasyon at mga
polisiya.
Wikang Pambansa
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na
batayan ang pagiging pambansang wika nito. Sa unang bahagi ng Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyong 1987, nakasaad na, “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.”
Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakinlanlan. Filipino
ang ating wikang pambansa dahil sa wikang ito tinatalakay ang mga
bagaybagay ukol sa bansa. Ito ang ginagamit at gagamitin ng mga Pilipino.
Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng
alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika sapagkat ito ang
nagdadala sa atin ng pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. Mahalagang
pagyamanin at pahalagahan ang ating pambansang wika, ang isa sa mga
natatanging pamana ng ating mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating
lahi.
Wikang Opisyal
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wikang binibigyan ng natatanging
pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na
transaksyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas –
ang Filipino at English.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 7, “Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, English.” Bilang
mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at
English. Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga
batas at mga dokumento ng pamahalaan. Bukod sa pagiging pambansang
25
wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ito bilang
Lingua Franca o tulay ng komunikasyon sa bansa.
Samantala, gagamitin naman ang English bilang isa pang opisyal na wika sa
Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig. English ang
itinuturing na Lingua Franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula
sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.
Wikang Panturo
Ito ang wikang gamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga
magaaral ang leksyong dapat matutuhan. Bukod sa pagiging pambansang
wika ng Pilipinas, iniatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo. Tinatawag din itong “Medium of
Instruction” o MOI.
Sa Pilipinas, ang mga wikang Spanish, Japanese, English at mga
pangunahing wika sa Pilipinas ang ginamit na MOI sa iba’t ibang panahon.
Sa mga ginamit na MOI napakalaki ng impluwensiya ng wikang English.
Lubhang dinakila ng mga Pilipino ang paggamit ng naturang wika sa dahilan
na ring nagbunsod ng hanapbuhay o ikabubuhay ang paggamit ng wikang
English. Gayonpaman, ang paggamit ng wikang banyaga bilang MOI ay
sinasabing hindi ganap na nagiging epektibo. Hindi diumano naipahahayag
ng isang tao ang sariling talino o karunungan kung hindi ang unang wika
ang kaniyang gamit.
Sa kasalukuyan, kinikilala ang paggamit ng unang wika o “Mother Tongue”
bilang MOI mula Kindergarten hanggang Baitang 3. Ang pagkilos na ito’y
bunga ng pananaliksik na isinagawa ng mag-asawang Dekker katuwang ang
dating Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino ang lingguwistang si Dr.
Ricardo Ma. Duran F. Nolasco sa Lubuagan, Kalinga.
Sa naturang pag-aaral na isinagawa, humigit-kumulang sa loob ng sampung
taon at pinondohan ng World Bank ay natuklasang higit na mataas ang
iskor ng mga mag-aaral sa eksaminasyon sa mga asignaturang gumagamit
ng kanilang pangunahing wika, ang Lubuagan bilang wikang panturo. Sa
natura ring pag-aaral ay inilahad ng mga mag-aaral at guro na higit silang
nakapagpapahayag at nagkakaunawaan kung ang unang wika ang
gagamitin.
Ang Lubuagan Elementary School ay kinikilala na ngayon bilang modelo
ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) dahil sa
tagumpay nitong nakamit na pinakanangunang paaralan sa pambansang
pagsusulit na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon, taliwas sa resultang
natamo nito may 15 taon na ang nakararaan kung saan ang paaralan ay
tinuring na isa sa pinakahuli sa kapareho ring eksaminasyon.
Lingua Franca
Tumutukoy ang Lingua Franca sa tatlong konseptong pangwika:
pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan, wikang nabuo bunga ng
magkausap na magkaibang wika at dominanteng wika ng iba’t ibang
larangan ng pag-aaral o disiplina.
Tumutukoy ito sa wikang palasak o malawakang ginagamit at naiintindihan
sa isang lugar. Nagsisilbi itong tulay ng wika upang magkaintindihan ang
iba’t ibang mga pangkat etnolingguwistiko.
Sa mga taga-norte, ang Lingua Franca nila ay Iloco, sa bansang Pilipinas,
Filipino ang Lingua Franca at sa buong mundo ay English.
26
Bernakular na Wika
Ito ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito barayti ng wika
tulad ng dayalek, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar
na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang
panrehiyon.
Gawain 2: Tukuyin Mo!
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng sumusunod na mga tanong o pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Bilingguwalismo
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang
may pantay na kahusayan (Bloomfield).
27
Nangyayari ang bilingguwalismo dahil na rin sa kakayahan ng tao na
makipag-interak partikular na sa pakikipag-usap. Maaari ring dahilan nito
ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin ang
pangalawang wika na makaadap sa lipunan. Sa pangyayaring ito, walang
malay ang isang tao na unti-unti niyang nalilinang ang pangalawang wika
tungo sa tinatawag na bilingguwalismo.
Ang pagiging bilingguwal ng mga Pilipino ay nagaganap na mula pa noong
panahon ng mga Kastila ngunit hindi lamang pormalisado. Naging pormal
lamang ito nang ipatupad ng National Board of Education taong 1973, DO.
No. 25 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on
Bilingual Education”. Layunin ng order na itong makalinang ng isang
lipunang may sapat na kakayahan sa paggamit ng Filipino (Pilipino pa noon)
at English bilang panturo sa iba’t ibang asignatura sa bawat antas.
Multilingguwalismo
Nangangahulugan ito ng paggamit ng tatlo o mahigit pang wika sa isang
partikular na lugar. Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-
kumulang 180 na umiiral na wika, hindi kataka-takang maging
multilingguwal ang nakararaming populasyon. Ito rin ang tawag sa
patakarang pangwika na nakasalig sa paggamit ng wikang pambansa at
bernakular na wika (katutubo) bilang pangunahing midyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagaman hindi kinakalimutan ang wikang
global bilang isang mahalagang wikang panlahat.
Homogeneous na Wika
Homogeneous ang wika kung ang ispiker o grupo ng nagsasalita ay
gumagamit lamang ng isang wika. Subalit ang ganitong anyo ng wika ay
bihira nang matatagpuan sa mundo. Homogeneous ang sitwasyong
pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan dito. Gayonpaman, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga
dayalek kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas
lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang
pagbabago sa bigkas ng mga salita at sa pagbuo ng mga salita at mga
28
pangugusap. Sa kasalukuyan, ang mga bansang maituturing na
homogeneous ay ang North Korea at Japan.
Heterogeneous na Wika
Ang wika ay Heterogeneous kung nagtataglay o binubuo ito ng magkakaibang
elemento at taglay nito ang iba’t ibang anyo o barayti ng wika. Ayon kay
Bloomfield (1918) “hindi kailanman magkakatulad ang anomang wika. Dala
ito ng magkakaibang pangkat ng mga taong may iba’t ibang lugar, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.” Heterogeneous ang sitwasyong pangwika sa
Pilipinas dahil maraming wikang sinasalita sa bansa.
Lingguwistikong Komunidad
Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na
tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti
ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispisipikong patakaran o mga
alituntunin sa paggamit ng wika. Gayondin, nagkakasundo ang mga
miyembro ng lingguwistikong komunidad sa kahulugan ng wika at
interpretasyon nito at maging kontekstong kultural na kaakibat nito.
Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang
porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang
ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang
tiyak na grupong panlipunan.
Gayonpaman, kailangang tandaan na hindi lahat ng nagsasalita ng isang
wika ay kasapi sa isang tiyak na lingguwistikong komunidad. Halimbawa
ang isang Aleman ay maaaring mag-aral ng wikang Filipino, ngunit hindi
kailanman siya magiging kabilang sa lungguwistikong komunidad ng mga
taal na Filipino. Ibig sabihin, ang pagkakaiba-iba ng paraan ng paggamit ng
isang wika ay nagtatakda rin ng iba’t ibang lingguwistikong komunidad sa
loob nito.
29
Galugarin
30
Palalimin
Gawain 5: Online Talumpati, Wagi!
Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nasa kahon at sumulat ng isang
talumpating nagbibigay opinyon at nanghihikayat sa iyong sariling posisyong sa
isyung binigyang-pansin. Maaari mong i-access ang link upang mas mapatibay ang
iyong gagawing awtput. Isaaalang-alang ang rubrik sa pagtataya ng susulating
talumpati. Maaari mo itong isulat sa iyong sagutang papel o ‘di naman kaya’y i-
post sa facebook, google classroom at iba pang online platforms na sasabihin ng
iyong guro.
Mga Pagpipilian:
Implementasyon ng
https://www.youtube.com/watch?v=2UjTp4Htc4U
MTBMLE sa paaralan
Pagtanggal sa asignaturang
Filipino bilang core subject https://www.youtube.com/watch?v=P-iZ9vpfzpg
sa Kolehiyo
Namamatay na wikang
https://www.youtube.com/watch?v=zS2PiTGPY7w
katutubo
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailangan
(10) (8) (6) (4) ng gabay (2)
Nilalaman Nakapaglahad Mahusay na Nakapaglahad Nakapaglahad Hindi
nang buong nakapaglahad ng ilang mga ng kakaunting nakapaglahad ng
husay ng iba’t ng mga patunay na patunay na patunay na
ibang mga patunay na susuporta sa susuporta sa susuporta sa isyu
patunay na susuporta sa isyu isyu
susuporta sa isyu.
isyu.
Hikayat Nakagamit ng Nakagamit Katamtamang Papaunlad Nangangailangan
mga katangi- ng mga nakagamit ng ang ng gabay sa
tanging salitang mga salitang pagkakagamit pagsulat at
salitang nanghihikayat nanghihikayat ng mga paggamit ng ng
nanghihikayat ayon sa ayon sa salitang mga salitang
ayon sa tunguhin ng nanghihikayat nanghihikayat
tunguhin ng
tunguhin ng talumpati ayon sa
talumpati
talumpati tunguhin ng
talumpati
Gramatika Mahusay na Nailapat Katamtamang Papaunlad Hindi nailapat
nailapat ang ang nailapat ang ang wastong
wastong wastong ang pagkakalapat gramatika sa
gramatika sa gramatika wastong ng wastong talumpati
kabuoan ng sa gramatika sa gramatika sa
talumpati kabuoan talumpati talumpati
ng
talumpati
nang
may
kakaunting
31
kamalian
Sanggunian
Carpio. P.D.S., et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Malabon City: Jimczyville Publications.
Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula
sa https://www.tagaloglang.com/potensyal-na-sagabal-sa-komunikasyon.
Mga Sangkap at Proseso Ng Komunikasyon. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula
sa https://www.scribd.com/document/271188474/Mga-Sangkap-at-Proseso-
NgKomunikasyon.
Unang wika at Pangalawang wika. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula sa
https://www.slideshare.net/ArJayBolisay/unang-wika-at-pangalawang-wika
32