You are on page 1of 1

“Spoken Word Poetry”

“TATLONG-DAANG TAON”
Simulan natin sa nakaraan, tutál doon naman tayo magagaling, bago pa man
dumating ang mga dayuhan na galing timog-kanluran, ang ating wika ay isa ng
ganap na tulay, na ginagamit sa kalakalan, ito ay isa sa mga dahilan upang tayo’y
umunlad ng bahagya, mayroon na tayong armas at panangga ngunit ng dumating
SILA tila ito’y nanlumo at nanghina dahil hindi sasapat ang sibat para sa kanilang
mga hindi nakikitang mga bala at hindi rin sasapat ang ating panangga sa kanilang
mga canyon na tila mga halimaw na bumubuga ng mga apoy na bola,.

At ng tayo ay maghimagsik dulot ng ating mga nalalaman, wika rin ang siyang
naging apoy sa isang lamparang napagiwanan, kaalamang siyang nagtulak saatin
upang lumaban, ito ay nasindihan dahil sa isang taong inialay ang dugo doon sa
Bagumbayan nagmistula itong posporo na siyang kalaunan naging apoy na
tumupok sa mahigit tatlong daang taong kasamaan na siyang humihimpil ng ating
Kalayaan, wika nga ng taong iyon bago pa man siya mamaalam, "Kung walang
edukasyon at kalayaan, na siyang lupa at araw ng tao, walang reporma ang
posible, walang panukalang makapagbibigay ng resultang ninanais." -Dr.Rizal,
patunay lamang na ang wika ay laganap at kailangan para sa edukasyon

Edukasyong siyang nag-tulak upang lumaban,siya ring nagdulot ng pag-unlad ng


bayan, at ng matapos na ang hidwaan, siya namang pag-usbong ng isang
pamahalaan, pamahalaang hanggang ngayon ay ating sandigan, patunay lamang
na ang wika ay hindi mo dapat maliitin, tunay na nakasanayan na nating hindi
bigyang halaga, ang wika, ngunit kung wala ito ay wala tayong matatawag na
sariling bansa, dahil ang ating wika ang siyang pundasyon ng ating bansa, at kung
kayo’y umaasa na magbabangit ako ng isang Hugot, ito na ibibigay kona, kung
nakaya tayong sakupin ng mga dayuhan ng mahigit tatlong daang taon, bakit kaya
ang iyong minamahal iniwanan ka lang, ni wala pa kayong isang taon,. at bilang
panghuli, ang wika ang nagbubuklod saatin sa nakaraan at sa ating patutunguhan,
ingatan natin ito at lagi nating alalahanin na ang Wikang Filipino ang bumubuo
saatin, wikang lumaban, wikang nagpalaya, at wikang nagpapaunlad saatin,
huwan natin itong kalimutan dahil kung wala ito hindi tayo manantiling
perlas ng silangan.

You might also like