You are on page 1of 9

RADYO PATROL BALITA

GRADE 8- BENEVOLENCE SCRIPT

AZUL: Magandang(3x) tanghali Luzon, Visayas at


Mindanao!
DOMINGO: Ito ang Radyo Patrol Balita
AZUL: Maghahatid sa inyo ng mga kaganapan sa loob
at labas ng bansa!
AZUL: Ang katotohanan ang aming prayoridad.
DOMINGO: Bibigyan namin ng hustisya ang inyong
pag-usisa!
AZUL: Ang pinakang nangunguna pag dating sa
balitaan!
DOMINGO: Walang pinaglilingkuran kundi ang
katotohanan!
ANCHOR 1&2: Dito lamang sa Radyo Patrol Balita!
ANCHOR 1&2: Para sa mga nagbabagang balita
AZUL: Para sa internasyonal na balita, limang milyong
kabataan sa Ukraine, bigo nang makapag-aral dahil
sa giyera vs. Russia
DOMINGO: Para sa lokal na balita, Transport strike
tuloy pa rin pero ilang tsuper balik-pasada na.
AZUL: Para sa showbiz balita, Pinay teen na kinutya
noon dahil sa “luxury bag” issue bida sa collab with
Malaysian airline.
DOMINGO: Para sa isports balita, Carlos Yulo,
nangibabaw sa Baku World Cup matapos
makasungkit ng isa pang ginto.
AZUL: At iyon ang mga nagbabagang balita sa
araw na ito.
DOMINGO: Oras ay _:_ ng tanghali
AZUL: Magbabalik po ang
AZUL& DOMINGO: RADYO PATROL BALITA!

BONDAME: This is OFF- LOTION!


OFF! Overtime gives you the longest-lasting, most
superior OFF! protection!

Provides up to 8-hours continuous protection from


Dengue-carrying mosquitoes.
DermCool formula feels cool and light on your skin;
perfect for daily use.
Refreshing scent will leave you rejuvenated all day.
Dermatologically tested to be easy on skin.

AZUL: Nagbabalik ang Radyo Patrol Balita oras ay _:_


ng tanghali
DOMINGO: para sa unang balita,limang milyong
kabataan sa Ukraine, bigo nang makapag-aral dahil
sa giyera vs. Russia ating matutunghayan sa pahayag
ni Hazel ann Dacello.

DACELLO: Salamat Domingo, Pumalo na sa limang


milyong kabataan ang hindi na nakakapag-aral sa
Ukraine dahil sa giyera nito at ng Russia. Sinabi ng
United Nations International Children's Education Fund
(UNICEF) na nagdulot ng mas matinding kawalan ng
kaalaman ang labing isang buwan na giyera sa
pagitan ng dalawang bansa.
Nabatid na nagsimula ang education crisis sa Ukraine
noong kasagsagan ng pandemya noong natigil na
ang kanilang pag-aaral.
At iyon lamang para sa balitang ito, Magbabalik sayo
Nick!

AZUL: Maraming Salamat sa paghahatid ng babalita


Dacello!
DOMINGO: Ngayon ay ating alamin ang ulat ng
panahon!
Narito si Buenaventura para sa iba pang detalye.
BUENAVENTURA: Salamat Domingo, Ako si Clarence
Buenaventura ang taga pag hatid ng ulat panahon!
Narito na ang update sa ating panahon ngayon, Ang
easterlies at ang mga localized thunderstorms ay
magdadala ng isolated rain showers sa buong bansa,
sinabi ng state weather bureau PAGASA noong
Miyerkules. Bahagyang maulap hanggang sa maulap
na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o
pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Metro Manila
at sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa mga
sistema ng lagay ng panahon, sinabi ng PAGASA sa
kanilang 24-hour weather forecast. Maaaring
magkaroon ng flash flood o landslide sa mga
apektadong lugar sa panahon ng matinding
pagkulog, dagdag ng ahensya. Atin pong pinag-
iingatan ang lahat at pinapayuhang maging alerto
para sa paparating na bagyo. Muli ito ang Ulat
Panahon!
Magbabalik sayo, Domingo.

ANCHOR 2: Salamat Buenaventura!


ANCHOR 1: Para sa lokal na balita,Transport strike
tuloy pa rin pero ilang tsuper balik-pasada na. Narito si
Almario upang mag saad ng iba pang detalye, Ej?
ALMARIO: Ako si Ej Almario nagbabalita, Ilang jeepney
driver ang bumalik na sa pamamasada ngayong
Martes, ang ikalawang araw ng isang linggong
transport strike na ikinasa ng ilang grupo.

Kasama rito si Christopher Bernal, na bumalik na sa


pagbiyahe sa may Monumento, Caloocan City
matapos hindi pumasada noong maghapon ng
Lunes. Sa Quezon City naman ay kahit mahigpit ding
tinututulan ng ilang tsuper ang ilang aspeto ng Public
Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, pinili
nilang hindi na sumama sa tigil-pasada ngayong
Martes.
Yun lamang ang mga detalye sa araw na ito!
Magbabalik sayo Nick.

ANCHOR 1: Salamat Almario!


ANCHOR 2: Magbabalik po ang
ANCHOR 1&2: RADYO PATROL BALITA!

CRUZ: Looking for expert dental advice? Search the


Oral Care Center for articles and videos to help you
care for you and your family's smiles at every stage.

BONDAME: Say "no!" to cavities and smile strong!


Learn how Colgate champions optimism, sustainability
and smiles around the world
CRUZ & BONDAME: BUY COLGATE NOW!

AZUL: Nagbabalik ang Radyo Patrol Balita! Oras ay


ganap na _:_ ng tanghali

DOMINGO: Para sa showbiz balita, Pinay teen na


kinutya noon dahil sa “luxury bag” issue bida sa
collab with Malaysian airline. Narito si Bondame para
mag balita! Bondame?

BONDAME: Good afternoon Philippines! Heto na ang


inyo kabalitaan, kachikahan at ka-kwentuhannnnn!
Walang iba kundi ang nagniningning sa inyong mga
tinig at telebisyon! Francheska Bondame handang
magbalita para sa Showbiz Chika Latest!
Pinay teen na kinutya noon dahil sa “luxury bag” issue
bida sa collab with Malaysian airline.
Ang pinaka-latest collab ng Singapore-based Pinay
teen na si Zoe Gabriel ay kasama ang isang Malaysian
airline. Matatandaang na-bash ng critics noong
January 2023 si Zoe dahil tinawag niyang "luxury bag"
ang tote bag na nagkakahalaga ng higit PHP3,000.
Pero marami ang nagtanggol kay Zoe.
Nagsimula sa hate comments pero ngayon ay
bumubuhos ang positive comments para sa
Singapore-based Filipina teenager na si Zoe Gabriel,
17.

Kung dati ay na-bash si Zoe, ngayon ay


nagkakapangalan na siya dahil sa collaboration niya
sa ilang kilalang brands.

Naging viral ang kuwento ni Zoe noong January 2023


dahil sa pagkutya sa kanya ng ilang bashers.
Banat ni Zoe sa kanyang bashers: “Your comment
spoke volumes on how ignorant you seem because of
your wealth.”

Nag-viral ang isyu at sa isang iglap ay nagbago ang


buhay ni Zoe.
Yun lamang para sa ating Chika Latest!(wink)
Back to you Nick

AZUL: Salamat Bondame! At Para sa isports balita,


Carlos Yulo, nangibabaw sa Baku World Cup matapos
makasungkit ng isa pang ginto. Narito si Cabanela
upang magbalita, Cabanela?
CABANELA: Magandang Tanghali Pilipinas! Ako ang
inyo isports kabalitaan, Francis Cabanela. Carlos Yulo,
nangibabaw sa Baku World Cup matapos
makasungkit ng isa pang ginto. Tinapos ni Carlos
“Caloy” Yulo ang kaniyang kampanya sa FIG Artistic
Gymnastics World Cup Series na ginanap sa Baku,
Azerbaijan na may double gold finish. Ito ay matapos
humablot ni Caloy ng bagong gold medal sa vault
final. Yun lamang para sa balotang ito, Muli ako ang
inyo isports kabalitaan, Cabanela!
Magbabalik sayo Nick!

AZUL: Salamat Cabanela, Oras ay ganap na _:_ ng


tanghali.
TALAGA NAMANG NAKAKA PROUD ANG ATING MGA
KABABAYAN. MAY KANYA KANYANG ANGKING
GALING AT TALENTO!

DOMINGO: TOTOO NGA IYAN PARTNER, MAY TUWA SA


ATING DAMDAMIN SA TUWING TAYO AY MAY
KABABAYAN NA NAKATULONG OH DI' KAYA'Y NANALO
PAG DATING SA PALIGSAHAN.

AZUL: TUMPAK KA DYAN PARTNER!


AZUL: iyan lamang po ang mga nagbabagang balita
para sa araw na ito.
DOMINGO: Ako ang inyong tagapagsalita, Gwen
Domingo
AZUL: at lagi nyong kaagapay, Nick Andrei Azul
DOMINGO: BALITANG TAPAT
AZUL: BALITANG SAPAT
DOMINGO: DITO LAMANG SA!
AZUL&DOMINGO: RADYO PARTOL BALITA!

You might also like