You are on page 1of 4

Name: MARVELOUS J STA.

MARIA GRADE 12-

FAYOL

ANG ALAMAT NG DAGAT

Noong unang panahon, may isang napakandang dilag na nagngangalang Daga na ang ibig

sabihin ay dalaga o dilag. Si daga ay ginawa ni bathala gamit ang kanyang mahika upang gawin

nyang anak. Bilang anak ni bataha, may isa lamang syang bilin kay daga.

" Daga aking anak, isa lamang ang aking habilin bilang bathala na iyong ama, kahit ano man ang

mangayari, wag na wag kang iibig ng isang mortal " ani ng bathala kay daga.

" Opo, ama wag po kayong mag alala, kahit ano man po ang mangyari, hinding hindi po ako

mabibihag o iibig ng isang hamak na mortal ". Tugon naman ni daga sa kanyang ama na bathala.

" Daga aking anak, nais ko lamang sabihin na kinakailangan kong maglakbay at alamin ang iba

pang pangangailangan ng tao sa mundo upang mabuhay " ani ng bathala sa kanyang anak at

umalis na ito sakay ng ulap palayo sa kanilang palasyo.

————————————————————

Ikalawang araw mula ng umalis ang ama ni daga na si bathala upang maglakbay. Sa kanyang

pagkaburyo sa palasyo at walang ibang mapaglibangan, naiisipan ni daga na bumaba mula sa

langit patungo sa lupa upang puntahan ang mundo ng mga mortal.

Nang makababa si daga mula sa langit ay nag umpisa na nyang lakarin ang masukal na gubat.

Dahil bago sa kanyang paningin ang mga nakikita sa paligid ay manghang mangaha sya sa
kanyang mga nakikita, mula sa mga matataas na puno at berdeng damo, mga makukulay na

bulaklak at ang ganda ng sinag ng araw mula sa itaas, ang mga ibon na humuhuni at malayang

nakakalipad sa himpapawid kasabay nito ang sariwa at preskong hangin.

Sa kanyangpaglalakad ay napadpad sya sa isang sapa na mala kristal sa linaw ang tubig na

umaagos rito. Makikita mo rin ang ilang mga isada sa lumalangoy sa linaw ng tubig.

Sa tuwa ni daga sa kanyang nakita ay dali dali syang lumusong at naligo sa sapa ng walang

pagdadalawang isip.

Habang maligayang nagtatampisaw sa sapa si daga ay may narinig syang kaluskos mula sa mga

matatayog na halaman.

" SINO YAN!? ". batid ni daga

" LUMABAS KA KUNG SINO MAN ANG NARIYAN!? ". Sigaw muli ni daga habang inaabit

ang kanyang pana at palaso bilang pandepensa sa kanyang sarili. Ilang sandali lamang ay unti

unting lumitaw mula sa mga matatayog na halaman ang lalaki na nagtatago rito. Isang lalaki na

matangkad, makisig at napakamatipuno. Ito ang unang beses ni daga na makasaksi ng isang

lalaki bukod sa kanyang ama na si bathala.

" ipagpaumanhin mo binibini kung naistorbo ko ang iyong paliligo sa sapa, ako ay naglilibot

lamang upang manghuli ng mga hayop at mga prutas na pwedeng makain ". Batid ng

matipunong binata.

" Ganun ba ginoo? Kung ganun ay ipagpaumahin mo ang aking asal, nais ko lamang i depensa

ang aking sarili mula sa mga delikadong nialalang na naninirahan rito sa gubat". Tugon naman ni

daga sa binata.
Nagkatitigan ang dalawa ng ilang segundo ng magsalita ang binata.

" Binibini, ngayon ko lamang nakita ang isang tulad mo, batid ko ay isa kang dayuhan sa lugar

na ito". Ang sabi ng binata

" Oo, tama ka, dayuhan lamang ako rito sa lugar na ito at hindi kabisadi ang daan ". Tugon

naman ni daga.

Sa maikling oras ng kanilang iteraksyon ay sapat na oras na iyon upang mahulog ang dalawang

nilalang sa isa't isa

" binibini, ikaw ay may kakaibang angking kagandahan na talaga namang ikinabigahani ng aking

puso, maari ko bang malaman ang iyong ngalan ". Ani ng binata

" Daga ang aking ngalan, ikaw ginoo, ano ang iyong ngalan? "

" Ako ay nagngangalang uhab, binibini " nakangiting tugon ni uhab kay daga.

Simula ng makilala ni daga ang mortal na si uhab ay halos araw-araw na bumababa mula sa

langit si daga upang makipagkita kay uhab. Hindi rin nagtagal ay niligawan na ni uhab si daga.

Hindi na nag alinlangan si daga kung isang hamak na mortal si uhab sa kadahilanang nabigahani

na rin ang kanyang puso para kay uhab. Tila nalimutan na ni daga ang habilin ng kanyang ama

na si bathala sa kaniya bago ito maglakabay.

Ngunit isang araw, sa araw ng kanilang nakatakdang muling pagkikita ay hindi sumipot si uhab

sa kanilang tagpuan. Hindi nag isip ng kung ano man si daga at naghintay kay uhab na dunating,

ngunit nakausbong na ang buwan ay wala paren si uhab sa kanilang tagpuan. Nagumpisa nang

mabahala si daga at nag-aalala kay uhab dahil baka may nangyare nang masama sa kanyang

sintang si uhab.
Nagumpisa nang maghanap si daga kay uhap ng makarinig sya ng malakas na kamapana sa kung

saan. Sinundan ni daga ang tunog nang kamapana at napadpad sya sa isang lugar na mukhang

may pagtitipon. Pumunta si daga sa mga nagtitipon at kanyang nasaksihan doon ang pagtatapos

ng seremonyas ng kasal, at nakita ng kanyang dalawang mata si uhab sa piling ng ibang babae at

nagpakasal. Sa kalagitnaan ng palakpakan ng madla ay biglang sumigaw si daga.

" UHAB MAHAL KO! PANO MO NAGAWA SAKIN ANG GANITO!? AKALA KO BA

AKO ANG MAHAL MO!? NGUNIT BAKIT IBANG BABAE ANG PINAKASALAN MO!? ".

Sigaw ni daga habang patuloy na umaagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

" NG DAHIL SA KALAPASTANGANANG NAGAWA NINYONG DALAWA AY

MARARAMDAMAN NYONG LAHAT ANG AKING HINANAKIT AT PIGAGATI! ". Puno

ng hinanakit at pighati na tugon ni daga habang umiiyak sa harap ng tao na naroon.

Umalis at bumalik an sa palasyo si daga habang walang tigil ang agos ng kanyang luha, na

kalaunan ay naipon at dumami. Ang luha na naipon sa lupa ni daga ay mas malawak at mas

malalim pa sa sapa na nasa lupa at kulay asul tulad ng langit. Na kalaunan ay tinawag na dagat

na hinango sa pangalan ni daga at dahil sa taglay na alat nito kaya ito ay tinawag na dagat.

You might also like