You are on page 1of 1

Konsepto ng Aralin:

Tamang Paraan ng Paghahanda ng Lupang Taniman

1. Suriing mabuti ang lupang gagamitin sa pagtatanim. Iwasang gumamit ng luwad (clay)
dahil sa ito ay malagkit at madikit lalo na kung basa kaya mahihirapang huminga ang mga ugat
ng halaman. Iwasan din ang buhangin (sand) dahil walang sustansiyang makukuha ang halaman
dito dahil ang lupang ito ay buhaghag, magaspang at hiwa-hiwalay na kung saan mabilis itong
makasipsip ng tubig ngunit ganoon din kabilis itong matuyo. Ito ang dahilan kung bakit hindi
magandang gamitin ang lupang ito kapag magtatanim. Ang pinakamainam na gamitin ay ang
(loam) dahil ito ay kumpleto sa sustansiyang kailangan ng halaman na sinasabing galing sa
pinaghalo-halong buhangin, compost at putik. 

2. Uri ng butong gagamitin: Pumili ng malusog at may magandang uri o klaseng butong
gagamitin sa pagtatanim upang hindi masayang ang oras sa gagawing pagtatanim.

3. Sapat na sikat ng araw: Isa sa pinaka-importanteng tumutulong upang makagawa ng pagkain


ng halaman ay sapat na sikat ng araw na natatanggap nito. 

4. Sariwang hangin: Tiyaking makakatanggap ng sariwa at malinis na hangin at malayo sa mga


pabrikang nagbubuga ng polusyon upang hindi mamatay ang pananim.

 5. Sapat na pagkukunan ng tubig: Tiyaking ang lugar ng pagtataniman ay may sapat na
daluyan at pagkukunan ng tubig.

You might also like