You are on page 1of 25

Araling Panlipunan

Quarter 3 -
Module 1

Paglakas ng Europe
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 1: Paglakas ng Europe
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module

Author: Angeline M. Esconde


Reviewers: Norebel A. Balagulan, Phd Elvira Ruvi U. Camocamo Illustrator &
Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – AralingPanlipunan Himaya


B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

8
Araling Panlipunan
Quarter 3 - Module 1
Paglakas ng Europe
Tala ng mga Nilalaman

Paunang Salita........................................................................................................................................i
Alamin........................................................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto: ....................................................................................................................ii
Mga Icon ng Modyul na ito .............................................................................................................ii
Subukin..................................................................................................................................................... iii
Panimulang Pagtataya: ................................................................................................................... iii

Aralin 1: Pag-usbong ng Bourgeoisie, Merkantilismo, National Monarchy


Alamin............................................................................................................
1 Gawain 1: Sagutin Mo!
..............................................................................1 Suriin
.............................................................................................................1
Gawain 2: Basahin at Matuto! ...................................................................1
Pagyamanin
..................................................................................................2 Gawain 3:
Tayain Mo!................................................................................2 Isaisip
............................................................................................................4
Gawain 4: Hagdan ng Pag-unawa….........................................................4

Aralin 2: Pag-usbong ng Renaissance, Simbahang Katoliko at Repormasyon at


Kontra-Repormasyon
Alamin............................................................................................................
5 Gawain 1: Larawan Ko, Hulaan Mo! ….....................................................5
Suriin
.............................................................................................................6
Gawain 2: Basahin at Matuto! …............................................................... 6
Pagyamanin ..................................................................................................
8 Gawain 3: Tayain Mo!…. ...........................................................................
8
Isaisip ............................................................................................................
10 Gawain 4: Halina’t Ating Isipin….
.............................................................. 10

Buod
......................................................................................................................................10
Pagtatasa .............................................................................................................................
11 Susi sa
Pagwawasto............................................................................................................13
Sanggunian...........................................................................................................................1
4

Paunang Salita
Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa
pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak
ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala
ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.
Sa module na ito tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo
sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang
makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng
daigdig.

Alamin
Nagmula sa Europe ang pinakamayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang
bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa
pinakamaunlad na kontinenente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga
mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng
kasaysayan?

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Paglakas ng Europe

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Nasusuri ang pag-usbong ng:


a. Bourgeoisie
b. Merkantilismo
c. National Monarchy
d. Renaissance
e. Simbahang Katoliko
f. Repormasyon at Kontra-Repormasyon

i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul na ito


Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Isagawa Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Suriin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Pagyamanin Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isaisip Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

ii

Subukin
Panimulang Pagtataya
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.

1. Ano ang tawag nga mga mamamayan sa medieval France na binubuo ng artisan at
mangangalakal?
a. Merkantilismo
b. Panginoong may-lupa
c. Knights
d. Bourgeoisie
2. Ano-anu ang dalawang uri ng bourgeoisie?
a. Artisan at mangangalakal
b. Panginoong may lupa at karpintero
c. Mangangalakal at Panginoong may lupa
d. Wala sa nabangit.

3. Sinong manggagawa ng partikular na gamit o pandekorasyon?


a. Karpentero
b. Banker
c. Shippower
d. Artisan

4. Saan matatagpuan ang mga bourgeoisie?


a. Pantalan
b. Simbahan
c. Bahay
d. Pamilihan

5. Dito nanggagaling ang yaman ng bourgeoisie.


a. Pamilihan
b. Barter
c. Lupa
d. Industriya at Kalakalan

6. Saan nagmula ang kapangyarihan ng bourgeoisie?


a. kayamanan at pakikipag-alyansa ng hari laban sa landlord.
b. Pangangalakal sa ibang bansa
c. Pakikipag alyansa sa ibang bansa
d. Wala sa nabanggit.

7. Ano ang uri ng pamahalaan sa kanlurang Europe na kung saan ito ay nasa
pamumuno ng hari?
a. Awtoritarismo
b. National monarchy
c. Aristokrasya
d. Oligarya

iii
8. Marami ang bahaging ginampanan ng hari sa bansa, alin dito ang hindi kasali?
a. Lumakas ang kapangyarihan ng hari
b. Napalawak ang mga teritoryo
c. Nagtatag ng sentralisadong Pamahalaan
d. Nagpabaya sa mga sundalo

9. Ano ang tawag sa mga Katolikong tumiwalag mula sa Simbahang Katoliko sa Rome?
a. Knights
b. Genisis
c. Orthodox
d. Protestante

10. Anong tawag sa paraan ng pagpapatawad na ipinagkaloob ng Simbahan sa


kaparusahan ng kasalanan?
a. Indulhensiya
b. Pagpapako sa krus
c. Pagluhod sa loob ng simbahan sa isang araw
d. Pag-aalay ng tupa
iv
Aralin

1Pag-usbong ng Bourgeoisie,
Merkantilismo, National
Monarchy

Alamin
Pinaniniwalaan na sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas, ang may pinakamaliit na
bilang na porsyento ng populasyon ay ang mga mayayaman na siyang nagmamay-ari ng
malaking lupain at kumpanya. Samantala, ang masa naman ang siyang halos bumubuo sa
kabuuang populasyon na kadalasang umaasa sa mga programang inilunsad ng
pamahalaan. Datapwa’t hindi natin kalimutan na sa ating lipunan ay mayroong ding
tinatawag na middle class o mga propesyunal sa iba’t ibang larangan. Ang mga middle class
na ito sa kasalukuyan, ay kilala bilang mga propesyunal na guro, doktor, inhinyero, abugado
at iba pa. Sa Europa, sa kasaysayan, sino naman kaya ang mga middle class o
bourgeoisie? Sila ba ay ang may
lupa, propesyunal o mangangalakal? Masasagot sa modyul na ito ang katanungang iyan.
Gawain 1: Sagutin Mo!
A. Kumpletohin ang pangalan na tinutukoy. Isulat ang mga akmang letra sa patlang.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. BO__RG__OI__IE- mamamayan sa medieval France na binubuo ng artisan at


mangangalakal
2. R__PO__M__ __YO__- kilusang humihingi ng reporma laban sa pagmamalabis at
maling gawain ng Simbahang Katoliko
3. __ R __ I __ __ N- naninirahan sa nabuong pamayanan
4. I__ A__ __- dito nagpulong ang mga kinatawan ng Simbahang Katoliko upang
balangkasin at patatagin ang mga katuwaran at paniniwala ng Simbahan 5. L__ T __
E__- mongheng German na tumuligsa sa pagbebenta ng indulhensiya at naglunsad ng
Repormasyon

Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!
A. Pag-usbong ng Bourgeoisie
Iniuugnay ang terminong bourgeoisie sa mga mamamayan ng mga bayan sa
medieval France na binubuo ng mga artisano at mangangalakal. Ang mga manggagawang
may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o
pandekorasyon lamang ay tinatawag na artisano. Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila
ang mga landlord o panginoong may lupa. Bourgeoisie ang termino na ginamit upang tukuyin
ang gitnang uri ng mga tao sa France at ng iba pa pang mga bansa sa Europe.
Ang bourgeoisie sa Europe ay naging isang makapangyarihang puwersa sa huling
bahagi ng ika-17 siglo. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o
namamahala ng bangko), mga ship owner (nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing
mamumuhunan at mga negosyante.
1
Sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na
karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan (divine right) sa ika-17 at ika-18 siglo.
Halimbawa ng unibersal o likas na karapatan ay ang karapatang mabuhay ng may kalayaan.
Itinatakda ng banal na karapatan na ang hari ay hindi napapasailalim sa anumang
kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling sa diyos. Ang isang
kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad
ng konstitusyon o saligang batas ay tinatawag na konstitusyonalidad. Ang paniniwalang
liberalismo ay nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.
B. Pag-iral ng Merkantilismo
Isang sistema ang merkatilismo na ang pangunahing mga layunin ay politikal gaya ng
magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng
mga barko, at mapondohan ang kanyang hukbo. Ito din ay maging daan upang magkaroon
ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Sentral sa teorya ng
merkantilismo ang doktrina ng bullionism kung saan sa ilalim ng doktrinang ito, ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng
hangganan nito.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga
nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko na ibig sabihin ay kayang
tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang
konsepto ng paternalism na isang sistema ng pamamahala kung saan ang pamahalaan ay
namamahala na parang ama sa kanyang mamamayan.
Epekto ng Merkantilismo
Dahil sa kolonya nito sa Central at South America, yumaman ang Spain. Itinataas nito
ang butaw at dinagdagan ang mga produktong galing sa ibang bansa. Dahil ipinatupad ni
Jean Baptiste Colbert ang merkantilismo, umunlad ang komersyo sa France. Ang East India
Company ay pinahintulutan ni Queen Elizabeth I na palaganapin ang komersyo sa Asya at
kalapit-bansa sa Silangan.
Ang Navigation Acts at iba pang batas ay ipinairal upang madagdagan ang salapi at
kapangyarihan ng bansa. Nililimitahan ng batas na ito ang pagbibili ng asukal at tabako sa
England lamang na siyang dahilan na mapupunta ang tubo nito sa mga mangangalakal na
Ingles lamang.

Pagyamanin
Gawain 3: Tayain Mo!
Panuto: Sagutin ang tanong sa mga kahon. Isulat ang sagot sa ibabang bahagi ng
katanungan.

Sa
Panahong Medyebal, sino sino and Layunin ng Merkantilismo
itinuturing kabilang sa pangkat ng •
bourgeoisie?

• __________________
• _____________
__________________
__________________
• __________________
• __________________

Suriin
C. Pagtatatag ng National
Monarchy

Epekto ng Merkantilismo
2
Sa panahon ngayon, sino-sino na ang •
itinuturing na mga bourgeoisie?

__________________ •
• __________________
__________________
• __________________
• __________________
Ang pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya ay may malaking
naitulong sa paglakas ng Europe. Magunita natin na sa panahon ng piyudalismo, walang
sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari dahil siya ay itinuturing
lamang na pangunahing panginoong may-lupa.
Subalit sa tulong na mga bourgeoisie nagbago ang katayuan ng monarkiya. Unti unting
namayagpag ang hari na dating mahina ang kapangyarihan kaya ang katapatan ng
mamamayan ay lumipat mula sa panginoong may lupa tungo sa pamahalaan na may
kakayahang protektahan sila. Ang mga tao ay handang magbayad ng buwis para sa
proteksiyong ito.
Nagkaroon ng pondo ang hari, sa pamamagitan ng buwis, upang magbayad ng mga
sundalo kaya nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng
panginoong may-lupa.
Mga Dahilan ng Pagyabong ng Monarkiya
Unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng mga hari sa huling bahagi ng
Kalagitnaang Panahon habang ang mga panginoong may-lupa at ang mga maharlika ay
nawalan ng kapangyarihan.
May mga salik o dahilan sa paglakas ng monarkiyang nasyonal at paghina ng
panginoong may-lupa at ito ang mga sumusunod:
Una, ang krusada kung saan maraming mga panginoon ng may-lupa ang nahalina na
sumama sa krusada. Humina at nabawasan nang malaki ang kanilang bilang sa Europa
nang hindi na nakabalik ang mga ito sa kanilang mga estado.
Ikalawa, nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mga tagapamahala ng mga bayan at
lungsod dahil sa malawakang paggamit ng salapi at paggamit ng buwis na ibinabayad ng
mga mamamayan. Dahil dito, hindi na sila umaasa sa mga panginoong may-lupa sa
pagtatanggol ng kaharian.
Ikatlo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal at mga alipin na bumili ng
kalayaan ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may-lupa. Maliban dito, gusto
ng mga mangangalakal at ng mga alipin na mapasailalim at mapamunuan ng isang hari
kaysa sa isang panginoong may-lupa sapagkat binigyan sila ng hari ng proteksiyon,
sistemang batas, at pananalapi.
Ikaapat, ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar kung saan ang mga
mamamayan na may magkakatulad na wika ay nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging
matapat sa kanilang estado at sa hari nito.

Isaisip
Gawain 4: Hagdan ng Pag-unawa!
Panuto: Magtala ng maikling pangungusap sa bawat hagdan ng diagram ukol sa mga
kaganapan ng pagyabong sa Nasyonalismong Monarchy.
PAGTATAG NATIONAL MONARCHY

4
Pag-usbong ng Renaissance at
Aralin
Simbahang Katoliko, Repormasyon at

2
2
Kontra-Repormasyon
Alamin
Gawain 1: Larawan Ko, Hulaan Mo!

Piliin sa loob ng kahon ang pangalan na ipinapakita sa larawan. Isulat sa sagutang


papel.

Galileo Galilei Johannes Kepler Mona Lisa Madona of the

Goldfinch Desiderus Erasmus

1.

https://www.tripimprover.com/b
log/madonna-of-the-goldfinch by-raphael

https://en.wikipedia.org/wiki/Joha nnes_Kepler 4. 5.
2. 3.

https://en.wikipedia.org/wiki/Mo na_Lisa

http://www.seasky.org/space
exploration/astronomers-galileo galilei.html

https://www.biography.co m/scholar/erasmus

Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!
Pag-aralan natin sa bahaging ito ng aralin ang pagsilang ng Renaissance sa huling
bahagi ng ika-14 na siglo.
Sa Gawain 1 natin unang nakikila ang terminong Renaissance. Ito ang
nangangahulugang ‘muling pagsilang’. Sa bahaging ito any malalaman mo kung ano-ano
mga pangyayari nagpa-usbong sa Renaissance? Saan ito nagsimula? Sino-sino ang ang
sikat na personalidad sa panahong ito? Ano-ano naman ang kanilang ambag? Bakit ang
Renaissance ay isa sa mga naging dahilan sa paglakas ng Europe?

Ang Renaissance at ang Pag-usbong


Ang renaissance ay isang salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “rebirth o revival” o
muling pagsilang, muling pag-usbong, muling pagkabuhay.
Ito ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan mula 1350 hanggang 1600 AD na ang
pangunahing katangian ay ang muling pagkapukaw ng interes sa mga klasikal na kultura ng
Greece at Rome.
Dahil sa pag-unlad sa agrkultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at
pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon as Europe noong Middle Ages. Dahil
dito, lumaki ang populasyon at dumami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan
naman ng maunlad na kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga
ito bilang sentrong pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod
estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at
Genoa. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong may
lupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA-IBANG


LARANGAN A. Sa Larangan ng Sining at Panitikan

Giovanni Boccaccio-

https://en.wikipedia.
“Decameron”
org/wiki/Petrarch isandaang (100)
Francesco Petrarch- koleksyon ng mga
“Ama ng nakakatawang
Humanismo” William salaysay Desiderius

https://www.theparisreview.org/blog/2019/10/0
9/
giovanni-boccaccios-one-and-only-good-book/

Shakespeare- Ang
“Makata ng mga
Makata”

https://www.history.com/topics/briti
sh-history/william-shakespeare
Erasmus- Ang
“Prinsipe ng mga
Humanista”

https://www.biography.com/scholar/erasmus

https://www.biography.com/sc
holar/niccolo-machiavelli https://www.britannica.com/
biography/Miguel-de
Niccolò Machiavelli Cervantes
Ang may-akda ng
“The Prince” Miguel de Cervantes- Ang
may-akda ng nobelang “Don
Quixote de la Mancha”

Pintor’’,
“Perpektong
B. Sa Larangan ng Pinta Pintor”
https://www.biography.com/
news/leonardo-da-vinci
genealogy
Michelangelo
Buonarotti
unang obra
maestra ay ang
estatwa ni David
Estatwa ni David

https://www.biography.com/sc
holar/niccolo-machiavelli

Leonardo da Vinci –
https://en.wikipedia.org/wiki/
isang pintor, David_(Michelangelo)
arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero,
at pilosoper

https://www.biography.com/
news/leonardo-da-vinci
genealogy

https://www.biography.com/news/leonardo-da-vinci-genealogy
The Last Supper- Hindi malilimutang obra
Raffaello Santi or maestra ni Leonardo da Vinci
Sanzio da
Urbino- kilala
bilang “Ganap na
world/10-greatest-artworks
raphael-seraphic-genius
renaissance-ranked-1047047

La Belle
Jardinière (1507)

https://news.artnet.com/art

7
C. Sa Larangan ng Agham Gawain 3: Tayain Mo!
Nicolaus Copernicus
inilahad ang teoryang
Heliocentric: “Ang pag
ikot ng daigdig sa aksis
nito, kasabay ng ibang
planeta at umiikot din ito
sa paligid ng araw.”
https://www.britannica.com/biogra
phy/Nicolaus-Copernicus https://www.biography.com/new
s/isaac-newton-biography-facts

Sir Isaac Newton –Ang higante ng


siyentipikong Renaissance. Sang ayon sa
kanyang Batas ng Universal Gravitation, ang
bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas
ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit
nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito
ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa
https://www.universetoday.com/48756/ ang isang bagay na inihagis pataas.
galileo-facts/

Galileo Galilei - isang astronomo at


matematiko. Malaki ang naitulong ng
kanyang naimbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Pagyamanin
Mga Ambag ng Renaissance
Sining at Panitikan Pinta Agham

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Ang Repormasyon
Isang kilusang tinawag na repormasyon ang nagbunsod ng malaking pagbabago ng
tao tungkol sa relihiyon at naglalayon na baguhin ang pamamalakad sa simbahan. Ito ang
dahilan ng simula ng paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko Romano kung
saan sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon na hindi binabago ang kanilang
doktrina.
Ipinanganak noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben, Germany si
Martin Luther. Si Hans Luther, ang kanyang ama, ay isang magsasaka na
naging minero ng tanso, habang ang kanyang ina na si Margareth Linderman
ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri.
Si Luther ay isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng
https://www.britan nica.com/biograp hy/Martin-Luther
mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng
Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg na Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa
nabagabag at nagsimulang magduda nang kaligtasan… “Ang pagpapawalang sala ng
Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya” (Romans 1:17). Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa
bias at kapangyarihan ng mga relikya ay kanyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome
noong 1517.
Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam suklam na gawain ng simbahan,
ang pagbebenta ng indulhensiya na isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas
na ang grasya ng Panginoon ay maaring ipagbili o bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan
ng tao.
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng
indulhensiya, ang nagtulak sa kanya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng
Oktobre, 1517 ang kanyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Nintey-five theses).
Naging kilala sa iba-ibang bayan ng Alemanya si Luther. Nagbigay ang mga
sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang protestasyon - na siyang pinagmulan ng
salitang Protestante noong taong 1529. Sila ay nga sumasalungat sa mamamayang Katoliko
at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng
paglagda sa Kapayapaang Augsburg noong 1555 ang ilang taong alitan ng Protestante at
Katoliko Romano na humantong sa digmaany. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ng mga
hari o namumuno ang malayang pagpigil ng relihiyon ang kanilang nasasakupan.
Kontre-Repormasyon
Nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng
Simbahan bago nagsimula ang Repormasyong Protestante. Si Papa Gregory VII (1037-
1085), na lalolng kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong
pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at
nang mailaan ang buong sarli sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa pagtanggap ng mga tauhan ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin
ang Simbahang Katoliko upang harapin ang hamon ng Protestantismo. Tinawag ang
kilusang ito na Catholic Reformation o Counter Reformation na isinagawa ng Konseho ng
Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus).

Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon


Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang
17 dabataon, kung saan maraming gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga
repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Ang pangalang Martin
Luther ay naging tanyag bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa
paglaban sa
mga depekto ng Simbahan. Layunin nila na maging bukas ang Simbahan sa mga
pagbabago o reporma at hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko. Tinapatan ng Papa at
ng mga kawani ng Simbahan ang mga repormista sa pamamagitan ng Council of Trent,
Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Nagdulot ng maraming epekto ang walang humpay na bangayan at patuloy na
pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante.
Ito ay ang sumusunod:
• Mayroong dibisyong panrelihiyon kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante
samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko sa Europe;
• Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katolko na iba sa aral ni Kristo, at
iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang
Katoliko. Sila ay nagtatag iba-ibang sekta ng Protestante gaya ng Presbyterian,
Calvanism, Methodist, Lutheranism, Angelican, at iba;
• Gumawa ng aksyion ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelihiyon
na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga
tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga
repormang kanilang ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na
tumutukoy sa pagbebenta at pagbibili ng opisyo ng Simbahan at ang pagbabawal sa
pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa Simbahan;
• Nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon ang taliwas na ideya ng
dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) at;
• Ang pagpapanumbalik ng katuruang espirituwal sa Kristiyanismo, ang pagpalaganap
ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya na nagsasaad na ang
kaligtasan ay makakamit sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo at hindi sa pagsapi
sa Simbahan.

Isaisip!
Gawain 4: Halina’t Ating Isipin!
Punan ang hinihiling sa loob ng kahon.
1. Bunga ng Kontra-Repormasyon 2. Epekto ng Repormasyon
• •
• •
• •

Buod
Naniniwala ang mga Europeo na ang ginto at pilak ay makakatulong para sa kanilang
adhikain maging makapangyarihan at maunlad. Ang sistemang merkantilismo ay pang
ekonomiya na lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at
pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. Sa panahong iyon ang pera o
salapi ay higit na naging mahalaga bilang pinagkukunan ng kapangyarihan kaysa sa lupa.
Higit na marami ang iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na produkto mula sa
mga kolonya ng bansa ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo. Sa
pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong may-lupa, ang hari ang nagsilbing pinuno
at nagpatingkad sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Malaki ang ginampanan ng salapi
sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang mga mamamayan ay nagkaroon ng
pagkakataon na bilhin ang kanilang kalayaan mula sa kanilang panginoong may-lupa.
Nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin sa gawaing pang-ekonomiya sa
pagtatatag ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa
lupa kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa
lipunan.

10

Pagtatasa: (Post-Test)
Upang masubok ang iyong pag-unawa tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin
ang pagtatasa. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyan pansin ang mga
aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang
ginagamit ang Modyul na ito.

1. Ang bourgeoisie ay mamamayan ng anong bayan?


a. Bayan sa England
b. Bayan sa Spain
c. Bayan sa Medieval france
d. Bayan sa US

2. Bakit hindi nakatali ang bourgeoisie sa panginoong may-lupa?


a. Ang kanilang yaman ay nanggaling sa industriya at kalakalan.
b. Ang kanilang yaman ay buwis nga bayan.
c. Ang kanilang yaman ay mula sa mga pagtatanim.
d. Wala sa nabanggit.

3. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang emperador ang namamahala sa kapangyarihan
bilang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaanang kanyang kapangyarihan ay hindi limitado
sa pamamagitan ng saligang batas o batas.
a. Ganap na monarkiya
b. Limitadong monarkiya
c. Legal na monarkiya
d. Buo na monarkiya

4. Sino ang mongheng German na tumuligsa sa pagbebenta ng indulhensiya at naglunsad ng


Repormasyon?
a. Martin Luther
b. Marus Luther
c. Luther
d. Marthin Luther

5. Ito ay isang salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “rebirth o revival.


a. Humanism
b. repormasyon
c. renaissance
d. bourgeoisie

6. Ang bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit
nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang
isang bagay na inihagis pataas. Ito ang ______________.
a. Teoryang Heliocentric
b. Teoryang Copernican
c. Universal Gravitation Law
d. Wala sa nabangit.

7. Ang lahat ay kilala sa larangan ng agham maliban sa isa.


a. Raffaello Santi or Sanzio da Urbino
b. Nicolaus Copernicus
c. Sir Isaac Newton
d. Galileo Galilei

11
8. Ang sumusunod ay mga sekta ng Protestante MALIBAN sa isa.
a. Lutheran
b. Born Again
c. Anglican
d. Presbyterian

9. Ang sumusunod ay ang mga salik sa paglakas ng monarkiyang nasyonal at paghina ng


panginoong may-lupa MALIBAN sa isa.
a. Sumama ang panginoong may-lupa sa krusada at hindi nakabalik
b. Pagtatag ng hukbong kasundalohan ng mga tagapamanihala ng bayan
c. Ipinagbili ng mga alipin ang kanilang kalayaan
d. Pagkakaroon ng isang wika sa isang lugar at estado

10. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata?”


a. Francesco Petrarch
b. Giovanni Boccaccio
c. Desiderius Erasmus
d. William Shakespeare
12

Susi sa Pagwawasto

A 10.
D 9.
D 8.
B 7. Madona of Goldfinch
A 6. 5. Mona
D 5. Lisa 4.
D 4. Galileo Galilei 3.
D 3. Johannes Kepler 2.
A 2. Desiderus Erasmun 1.
D 1. Gawain 1 -
agtataya: P Aralin 2

Luther
5. B 8.
Italy 4. A 7.
Artisan 3. C 6.
Repormasyon 2. C 5.
Bourgeosie 1. A 4.
Gawain 1: Sagutin Mo! B 3.
A 2.
C 1.

Pagtatasa:

D 10.
C 9.

13
Sanggunian:

A. Aklat

Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

B. Mga Sanggunian sa Internet:


LRMDS, “Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal,” Accessed June 2, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6054

Slideshare.net, “Merkantilismo,” Accessed June 25, 2020, https://www.slideshare.net/


jaredram55/paglakas-ng-europe-merkantilismo-14911651

Wordpress.com, “Mga Salik sa Paglakas ng Europe,” Accessed June 25, 2020,


https://mendeleevap. wordpress.com/2013/03/13/aralin-21-mga-salik-sa-paglakas
ng-europe/

14

You might also like