0% found this document useful (0 votes)
278 views12 pages

Sample Contextualized Lesson Plan

Ang dokumento ay tungkol sa kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud. Ito ay naglalarawan kung paano ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay at kung paano ito nauugnay sa birtud bilang mga mabuting kilos na isinasabuhay upang maisakatuparan ang mga pagpapahalaga.

Uploaded by

Ana Lorena Ramos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
278 views12 pages

Sample Contextualized Lesson Plan

Ang dokumento ay tungkol sa kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud. Ito ay naglalarawan kung paano ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay at kung paano ito nauugnay sa birtud bilang mga mabuting kilos na isinasabuhay upang maisakatuparan ang mga pagpapahalaga.

Uploaded by

Ana Lorena Ramos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

CULTURE-BASED LESSON EXEMPLAR IN EsP 7

Contextualized Title:

Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Epikong Biag ni Lam-ang


by: Melandro N. Pascual

Content Standard: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga at


birtud
Performance Standard:

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga


at birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang
nagdadalaga/nagbibinata

Most Essential Learning Competencies:


Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
pagpapahalaga- EsP7PB-IIIa-9.1-9.2
I. LAYUNIN
General Objectives: Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at ang mga
tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
Specific Objectives:
a. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng Birtud at Pagpapahalaga
b. Naipadarama sa kapuwa ang mga pagpapahalagang Pilipino at mga birtud
na dapat taglayin ng isang mag-aaral
c. Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at
birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang isang Pilipino

II. PAKSANG ARALIN


Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Epikong Biag ni Lam-ang
Kagamitan: video, venn diagram, power point presentation,
projector, laptop
Integrasyon ng Pagpapahalaga: Makatao
Bagamat magkaiba, magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud. Dahil ang
pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Ang birtud ay
mabuting kilos na ginagawa ng tao upang maisakatuparan ang pinahalagahan. Dahil
may pagpapahalagang nais isabuhay, may kasabay itong paglinang ng mabuting gawa,
sa ganitong paraan magkaugnay ang Pagpapahalaga at Birtud. Sa modyul na ito
matutukoy ang kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud na dapat maunawaan at
maipamalas ng mag-aaral.

Integrasyon ng Lokal na Sagisag Kultura:


Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni
Lam-ang. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at
pruweba nito ang paggamit ng mga pangalang
naimpluwensyahan ng Katolisismo. Pambihirang bata si
Lam-ang dahil kaya na niyang magsalita at may taglay siyang
kakaibang lakas pagkasilang sa kanya. Pinaghiganti niya ang
pagkamatay ng kanyang Ama sa kamay ng mga Igorot. Bilang
isang lalaki, hinanap niya ang kanyang naiibigan na si Ines
Kannoyan at humarap sa mga pagsubok upang mahingi ang
kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang.

III. PAMAMARAAN
Paunang Pagtatasa tungkol sa aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot bago ang bilang.
____1. Ano ang Moral na Birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa
nararapatpara sa kanya sino man o anuman ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. Karunungan b. Kalayaan c. Katarungan d. Katatagan

____2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga/values?
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Valore
b. Ito ay obheto ng aling intensyonal na damdamin
c. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar at sa panahon
d. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan

____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa halagang pangkultural panggawi ang
hindi totoo?
a. Ito ay halagang nagmula sa damdamin ng tao
b. Ito ay mga mithiin na tumatagal at mananatili
c. Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, ugali o damdamin
d. Ito ay mga layuning makamit ang mga daliang pansarili o pampangkat na
tungkulin
____4. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
a. Pamana ng kultura
b. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
c. Mga kapwa kabataan
d. Guro at tagapagturo ng Relihiyon 3

____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa Birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang sariling birtud ay galing sa salitang Latin na virtue o vir
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na makamit dahil sa pagsisikap

____6. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang Tama.


a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang
ang halaga ang nasusuri kundi pati ang taong hindi tumutugon dito.
b. Napapabayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa
pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain.
c. Ang sinuman, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahan bumuo ng
kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas ng halaga.
d. Lahat ng nabanggit

____7. Si Kryshna ay nagsisimula ng magdadalaga, may pagkakataon na nagpaalam siya


sa kanyang magulang na gagabihin siya sa pag-uwi dahil may proyektong
kailangan gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Pinayagan siya ng kanyang
magulang ngunit kailangan makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito
nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang magulang. Anong
mahalagang aral ang itinuro sa kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud.
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad.
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga.
d. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad.

____8. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga


sa tahanan kung:
a. Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at mga anak.
b. Nasisiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na
naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
c. Walang sinuman sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging
maingat sa kanilang mga paghuhusga.
d. Lahat ng nabanggit

___9. Paano nagkaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?


a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng
kabutihan para sa tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang
pangkat ng tao.
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa
kanyang pag-araw-araw na buhay.

___10. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral maliban sa:
a. Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang
pangkat ng tao.
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa
kanyang pag-araw-araw na buhay.

A. Pagbabalik-aral

Panuto: Sa pamamagitan ng mga pariralang nakikita sa kahon tungkol sa Elemento


ng Epiko na tulang pasalaysay, punan ng tamang sagot na may kaugnayan sa mga
parirala.

Bilang ng pantig sa bawat


taludtod na bumubuo sa S_KA_
isang saknong

Diwa ng Tula
I_DAY_G
Magkakatunog ang mga
huling salita ng bawat
T_G_A
taludtod

Grupo ng mga taludtod


sa isang tula S_ K _ O _ G

Idyoma o di tuwirang
M_TA_AL_NG_AG_NG S_L_TA
nagbibigay kahulugan

B. Pagganyak

Panuto: Panoorin ang Epikong Biag ni Lam-ang at magtala ng mga importanteng


impormasyon tungkol sa epiko.
YouTube Link: https://www.youtube.com/watch?v=REMFZgTH9Js

Sagutin ang mga tanong:

1. Bakit pinaghiganti ni Don Juan ang kanyang mga tauhan?


2. Ano ang katangiang ipinamalas ni Don Juan sa kanyang paglusob sa Tribu ng
mga Igorot?
3. Ano ang piniling pangalan ng mismong sanggol ni Namongan?
4. Ano ang katangiang ipinakita ni Lam-ang sa kanyang paglalakbay upang makita
ang bangkay ng kanyang Ama?
5. Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang ipinakikita sa panliligaw tulad ng
ginawa ni Lam-ang kay Ines Kannoyan?

C. Paglalahad/Pagtalakay sa Aralin
Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud na
makapagbibigay sa iyo ng impormasyon, kaalaman, upang matutunan ang konsepto ng
Pagpapahalaga at Birtud.

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud


Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi ang
anumang nais ng taong makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang
pagpapahalaga at virtue.

Dahil ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao, kaya’t ayon
kay Ayn Rand, ang pagpapahalaga ay ang pinagsusumikapan ng tao na makamit. Ito ay layunin
o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao na ninanais na maisakatuparan.
Samakatuwid, ang pagpapahalaga ay tumatayong batayan, layunin at dahilan ng
pangangailangang kumilos sa gitna ng mga pagpipilian. Ang pagpapahalaga ay ang
kapangyarihan na umuudyok sa tao at ang kailangan ng tao upang mabuhay.

Ang birtud ayon pa sa kanya ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng
pagpapahalaga. Ito ang pinag-isipang paraan o hakbang upang makamit ang pagpapahalaga.
Halimbawa, ang pagpapahalaga ng isang mag-aaral sa paglinang ng kanyang karunungan, ay
nagsisikap na makamit ito. Makaranas man siya ng mga pagsubok na maaaring humadlang sa
pagkamit niya nito ay magpapakatatag siya at magpupursigi upang malampasan ang balakid na
ito. Matututuhan niyang magtimpi sa mga udyok o tukso na magpapalayo sa kanya sa pagkamit
ng pagpapahalaga. Magiging maingat din siya sa paghusga ng dapat at hindi dapat gawin upang
masiguro niya ang matagumpay na paglinang ng karunungan. Totoo din ito sa iba pang
pagpapahalagang nais nating taglayin at isabuhay, kasabay nito ang paglinang ng ating
mabuting gawi upang patuloy itong mapahalagahan. Sa ganitong paraan, nagkakaugnay ang
pagpapahalaga at birtud.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto

Ikaw, paano mo naipakikita ang pagkakaugnay ng dalawang ito?

Basahin ang ilang bahagi ng “Ang Buhay ni Lam-ang” salin sa Filipino ni Ariel Sotelo
Tabag at tukuyin kung pagpapahalaga o birtud ang ipinamamalas ng tauhan.
-------------------------------------------------------------
8
“Mahal na kabiyak, asawa kong Don Juan,
mangyari lang sana ay iyong puntahan
iyong tanim nating, puno ng kawayan
sa ating lupaing Bundok Capariaan.

9
“Gumawa ka sana ng isang balitang,
aking hihigaan matapos magsilang
sa anak na bigay ng Poong Maylalang,
handog siyang supling, di matatawaran.
10
“Mahal na kabiyak, asawa kong Don Juan,
mangyari lang sana ay iyong putulan
iyong tanim nating puno ng kawayan.”

11
Gumayak si Don Juan, nagpunta kaagad,
at nang makarating sa kaniyang pakay, ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
puno ng kawayan muna’y inikutan

-------------------------------------------------------------
23
At nang mabinyagan ang batang si Lam-ang
sa kaniyang ina’y lumapit na naman,
at may inilahad siyang katanungan:
“Inang Nagpaunan, matanong ko lamang:
Mayroon bang ama, anak mong si Lam-ang,
o anak sa labas, isang hamak lamang?

24
‘Ay, anak kong Lam-ang, sa ‘yong katanungan,
kung tungkol sa iyong amang hinahanap,
narito ka pa lang sa sinapupunan,
siya naming oras ng kan’yang paglisan,
siya ay nagtungo doon sa labanan
sa mga Igorot ng mga batekan.”

25
At sumagot naman ang batang si Lam-ang:
“Inang Nagpaunan, aking kahilingan:
anak mong si Lam-ang, sana ay payagan,
ako’y maglalakbay, hangan matagpuan ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
ang mahal kong amang aking Pinanggalingan.

-------------------------------------------------------------
38
At kaagad naman niyang nasilayan
Ang bungo ng Aman a Pinanggalingan,
Tinusok ng tagdan ng mga batekan,
At ipinagitna niyong pagdiriwang.
39
“Aking kaharap, Igorot na batekan,
naparito ako’t magtatanong lamang,
nais kong malaman, ano’ng kasalanan
niyong aking Aman a Pinanggalingan,
na kinailangan niyang pagbayaran.

40
“Kaibigan naming ang ngalan ay Lam-ang,
Kailangan lamang, iyo nang balikan,
Umuwi sa bahay na pinanaugan;
Sapagkat kung hindi, susunod ka lamang
Sa layon mong Aman a Pinanggalingan.”

41
“Aking kausap, Igorot na batekan,
Ako naman pala’y di masisiyahan,
Kung kayo rin lamang ang makakalaban:
Kung kaya, Igorot, ikaw na kapitan
Ikaw na Bumacas ang siyang pangalan, ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
Isa-isahin mona ngayon na sabihan ---

-------------------------------------------------------------

85
“Sapagkat, si Lam-ang aakyat ng ligaw,
Doon sa may bayan ng Calanutian,
Na balitang doon daw matatagpuan
Ang tirahan ni Donya Ines Cannoyan,
Na isang dalagang napakadalisay,
Panahing madeha na pangkasuotan’
Nagagamit niya’y abot hanggang siyam,
Isang gabi lamang na isang upuan.”

86
“Ay, mahal kong anak, magiting na Lam-ang,
Huwag kang magpunta, aking pakiusap
Sapagkat sa isang kagaya mong hamak
‘di magugustuahn, aking natitiyak,
Ng dalagang si Donya Ines Cannoyan.
87
“Sapagkat, maraming mga mayayaman,
May mga Kastila pa ngang nagpuntahan,
Kung kaya’t sa isang kagaya mong hamak ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
‘di magugustuahn, aking natitiyak,
Ng dalagang si Donya Ines Cannoyan.”

88
“Inang Nagpaunan, ako ay pakinggan,
Ako ay pupuntang walang alinlangan,
Anak mong si Lam-ang, aakyat ng ligaw ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
Doon sa may bayan ng Calanutian,
At aking dalangin, ako’y magustuhan
Ng dalagang si Donya Ines Cannoyan.”

-------------------------------------------------------------
141
At nang matapos lahat ng tinuran,
Nitong Donya Ines, dalagang Cannoyan,
Nagsalita naman ang mga magulang:
“Ay anak, magiting na Lam-ang,
Kung maaari lang at mawalang-galang
Ang iyo ngang pakay ay aming malaman.”

142
Ang kaniyang manok, iyong putting tandang
Ang siyang sumagot, ito ang tinuran:
“Aakyat ng ligaw ang lalaking Lam-ang
Sa inyo ngang anak na Ines Cannoyan;
Hihingiin sana, inyong kaisipan,
Sapagkat narito kaming humaharap,
Ang aming pakay, makikipag-usap
Magiging balae, siyanaming hangad.”

143
At sumagot naman ang mga magulang
Ni Ines Cannoyan, kanilang tinuran:
“ay anak, magiting na lalaking Lam-ang,
Kung sakali lamang na iyong matupad
Iyong lahat-lahat naming kahilingan ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
Mamapapangasawa, natataning anak;
Kung kakayanin mo, baka sakali lang
Pawing babanggitin naming kahilingan.
144
At sumagot naman ang manok na tandang:
“Kung iyan nga lamang, inyong kagustuhan,
Nakahanda namanang lalaking Lam-ang ____ Pagpapahalaga ____ Birtud
Na tuparing lahat, inyong kagustuhan.”

-------------------------------------------------------------
Paglinang
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagpapahalaga?


______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Bakit kailangang taglayin ito ng tao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Ano ang birtud?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Paano ito nalilinang sa tao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

E. Pagtataya

Solong Gawain

Isulat ang BATAYAN kung ang pahayagan ay Pagpapahalaga at GAWI kung ang
pahayagan ay Birtud. Isulat ang sagot bago ang bilang.

______________ 1. ‘Di mababawasa, sa aking palagay, iyong isang kubong


ating kukuhanan, nang mga pantapat sa inyong
kayamanan, upang pag-ibig kay Ines ay mapatunayan
______________ 2. “Masusunod, anak, walang pagkukulang, lahat ng tinurang
mga kagustuhan, mahal naming anak na Ines Cannoyan”.
______________ 3. “Pinakamamahal kong Ina anong kalagayan? Heto na ako,
buo’t walang kulang, nanggaling sa bayan ng Calanutian”.
______________ 4. “Siya, anak, ako’y magtatanong lamang, kamusta naman
ba ang pinanggalingan?”
______________ 5. At lumakad na nga ang buong mag-anak, at nang
makarating sa pinagkasunduan naghihintay ang magiting
na lalaking Lam-ang.
Pang-grupong Gawain.
Magsagawa ng isang maikling dula na may tagal na 2 hanggang 3 minuto ang
bawat grupo. Bubunot ang lider ng tagpuan na isasadula. Pag-usapan ng dalawang
minute at magensayo ng 3 minuto.

F. Paglalagom/Pagpapahalaga

Isulat ang pagkakamukha at pagkakapareho ng Birtud at Pagpapahalaga gamit ang


Venn Diagram

Birtud Pagpapahalaga
Pagkakatulad

Tanong:
1. Paano ipinakita ang kauganayan ng Birtud at Pagpapahalaga?
2. Bakit at bagamat magkaiba, may kaugnayan pa rin ang Pagpapahalaga sa Birtud?
IV. Pagtatasa
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud,
gamit ang pamantayan na nasa ibaba.

Kraiterya Nilalaman Organisasyon Style Mechaniks


35% 35% (Pagkamalikhain ) 10%
20%
Inaasahan Naipakita at Mahusay ang Lubos na Wasto ang
naipaliwana g ng pagkasunod- nagpapamalas ng mga ginamit
maayos ang sunod ng mga pagkamalikhain sa na salita at
ugnayan ng ideya, malinaw pagsulat ng maikling pagbabantas
konseptong at makabuluhan sanaysay at orihinal
isinulat sa ang mga ideyang
pahayag ginamit.

V. Kasunduan
Interbyuhin ang iyong Ina o Ama. Ipakwento ang kanilang pinagdaanang buhay mula
ng sila ay ikasal hanggang sa kasalukuyan. Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento
na nagpapakita ng pagpapahalaga at birtud.

Sanggunian
Alklat ng Bayan 2019. Buhay ni Lam-ang, salin ng Vida de Lam-ang na nalathala
sa El Folklore Filipino (1890) ni Isabelo delos Reyes, Editor – Junley L. Lazaga.
DepEd Order No. 12 s. 2020
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Kagamitan ng
Mag-aaral (Ikalawang Bahagi) Lungsod ng Pasig, Pilipinas, 2012, pp.5-17
National Commission for Culture & the Arts. Philippine Cultural Education
Program. Intramuros, Manila. Retrieved February 28, 2022 from
https://philippineculturaleducation.com.ph/lam-ang-hero-of-the-epicbiag-ni-
lam-ang-of-the-ilocano/
H.I. Amali , The Function of Folktales as a Process of Educating Children in the
21st Century. A Case Study of Idoma Folktales. 21st Academic Conference
Proceedings. Dubai, United Arab Emirates, 2014. Retrieved on March 16, 2021
from https://www.21caf.org/uploads/1/3/5/2/13527682/amali.pdf

You might also like