You are on page 1of 2

KATASTROFI TOU THEOUS

Noong unang panahon, mayroong isang dyosa ng bulkang nagngangalang Lara sa isla ng
paraluman. Si Lara ay ubod ng ganda dahil sa kulay nitong berde dahil sa mga puno na
nakatanim sa kanyang katawan at mga hayop na naninirahan dito. Lagi siyang
nagnakahiga at natutulog ng mahimbing, binabantayan siya ng kasintahan na
nagngangalang Hydronus, si Hydronus ay diyos ng katubigan at karagatan. Siya ang taga
protekta sa kasamaan na papalapit kay Lara dahil maraming nagkakainteres na saktan at
kalbuhin ang mga puno sa katawan ni Lara. Ang nagsisilbing puso at buhay ni Lara ay
ang mahiwagang puno na nakatanim sa bandang puso nito at nagliliwanag sa kinang ang
puno. Maraming nagkakainteres na putulin ang puno  sa kadahilanang may kayamanan
itong dala kaya naman todo bantay ang kasintahan ni Lara na si Hydronus upang
maprotektahan ang kanyang kasintahan. Isang araw, sa bayan ng Tagumtig, mayroong
isang pagtitipon na naganap. Kumalat sa bayan na mayroong isang kayaman sa isla ng
paraluman at ito ang puno na nagsisilbing puso ni Lara na kung sakaling ito ay
mapasakanila, ang puno ay magiging ginto. Kaya naman nagkainteres ang mga tao sa
bayan ng Tagumtig. Nagplano at pinaghandaan nila ang paghahanap sa punong ito.
Tatlong malalaking barko ang sumugod papunta sa isla ng paraluman. Habang
binabaybay ng tatlong barko ang isla ng paraluman, Hinarap nila ang malalaking alon at
malalakas na ulan na gawa ni Hydronus. Sa tatlong malalaking barko na bumaybay sa
isla tanging dalawa lang ang nakarating sa patutunguhan dahil napataob ni Hydronus ang
isang barko. Nang  makalapag na ang mga paa ng mga tao sa isla agad na nilang
sinimulang putulin ang mga puno sa katawan ni Lara at pinagpapatay ang mga hayop na
naninirahan dito. Kinalbo nila ang kagubatan at natagpuan nila ang puso ni Lara.
Nabighani ang mga tao sa taglay na ganda ng puno kaya naman maingat nila itong
pinutol. Nang maputol na ang puno na nagsisilbing puso si Lara.  Ang diyosa na si Lara
ay nagising. Ang Bulkan ay lumuha ng kumukulong putik  at nagwawala ito sa sakit. Ang
paligid ay dumilim at tumamlay. Agad-agad naman bumalik sa barko mga tao dala dala
ang mahiwagang puno. Ang kasintahan ni Lara na si Hydronus ay galit na galit dahil sa
ginawa ng mga tao sa kanyang kasintahan. Kaya naman nagpadala siya ng sunami sa
bayan ng Tagumtum. Ang bayan ng Tagumtum ay winalis at nabura sa mapa. Ang mga
bata at matatanda ay nasawi at ang ilan ay sugatan. Ang iba naman ay nakalikas at
nakaligtas. Nang akalain ng mga nakalikas na sila'y ligtas na dahil malayo na sila sa
katubigan. Biglang umalog ang kinatatayuan nilang lugar at nabitak ang lupa at walang
sino man ang nakaligtas sa mga ito. Samantala, dulot ng malaking sunami, ang
mahiwagang puno ay nasira at tanging ang isang bunga na lamang nito ang nakasalba.
Ang bunga ng mahiwagang puno ay napadpad sa bayan ng Anglues, katabing bayan ng
Tagumtum. Isang araw, may magkasintahan ang nakakita sa nagiisang bunga ng
mahiwagang puno. Ang magkasintahan ay nagngangalang Carmelita at Crisanto, sila ay
namumuhay ng payapa at masaya. Nais nilang bumuo ng pamilya ngunit walang
kakayahan si Carmelita na magbuntis at magsilang ng sanggol, kaya naman kanila itong
idinadalangin sa diyos. Nang kanilang mapulot ang bunga ng mahiwagang puno. Labis
silang nagtataka dahil ngayon lamang sila nakakita ng ganoong uri ng bunga. Kanila
itong tinikman at itinabi nila ang mga buto ng bunga. Nang mabalitaan ng mag
kasintahan ang nangyari sa kabilang bayan at sa ginawa ng mga ito sa isla ng paraluman .
Naghinala na ang magkasintahan na ang bunga ay galing sa mahiwagang puno. Nais
nilang pumunta tumungo sa isla ng paraluman upang itanim ang mga buto ng
mahiwagang puno, ngunit tila malabo na makaapak sila sa isla ng paraluman dahil ang
bulkan ay pumuputok na tila bang si Lara ay lumuluha at ang karagatan naman ay ang
kukulay itim na tila bang may galit na namumuo. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang
magkasintahan na itanim ang mga buto sa puso ni Lara. Sila'y tumungo sa isla kahit na
ang mga alon ay matataas at ang bulkan ay pumuputok. Paulit ulit sinasagwan ni Crisanto
ang bangka na sinasakyan nila ngunit parati ring hinihila ng alon pabalik ang kanilang
bangka. Ngunit hindi nawalan ng pag asa ang magkasintahan. Nagpadala ng malakas na
bagyo si Hydronus sa pag aakalang ang magkasintahang ito ay may intensiyong saktan si
Lara. Ang bangkang sikasakyan ng mag kasintahan ay tumaob at lumubog. Kaya naman
inakala ni Hydronus na patay na ang magkasintahan. Ngunit si Carmelita ay buhay pa at
nakapunta sa isla ng paraluman. Hinanap ni Carmelita ang puso ng bulkan habang
iniiwasan ang mga bumabagsak na mainit na putik galing sa bulkan. Hindi siya sumuko
sapagkat isinugal ng kanyang asawa na si Crisanto ang buhay nito para lamang
manumbalik muli ang kapayaan ng isla. Hindi tumigil si Carmelita sa paghahanap
hanggang sa nakita niya ang pinagputulan ng mahiwagang puno. Agad itinaas ni
Carmelita ang kaliwang kamay nito na may hawak ang buto ng prutas at sinabing nais
nitong

tulungan mabuhay at manumbalik ng sigla ni Lara. Itinanim ni Carmelita ang buto sa gilid ng
pinagputulan ng puno. Ang buto ay agad na tumubo at namukadkad. Tumila ang bulkan sa
pagbuga ng mainit na putik. Ang karagatan ay kumalma at nanumbalik sa kulay nitong asul.
Ang mga punong kinalbo sa katawan ni Lara ay tumubo muli. Ang mga hayop na pinatay ay
pinalitan ng mga kahalili na hayop. Nanumbalik ang sigla at maayos na kalagayan ng
Diyosang si Lara. Labis labis na nagpasalamat ang  diyos ng katubigang si Hydronus at si
Lara na diyosa ng bulkan kay Carmelita. Nais ng dalawang diyos na gantimpalaan si
Carmelita sa kabayahihan nitong dala. Hiniling nito na mabuhay muli ang kanyang asawa na
si Crisanto. Itinupad naman ito ng dalawang diyos. Ang mahiwagang puno ay namunga ng
malaking prutas at isinambit ng diyos na si Lara ay tanggapin nila ang prutas na ito.
Tinanggap naman ni Carmelita ang prutas at kinagatan ito, siya ay nagliwanag at kuminang
na para bang diyamante, at ang kanyang tiyan ay lumobo. Agad na nagulat ang magasawang
si Crisanto at Carmelita sa nangyari dahil binigyan sila ng sanggol na matagal na nilang
hinihiling. Nagpasalamat ang magasawa dahil sa binigay na biyaya ng mga diyos.
Pinangalanan naman ang sanggol na Kardia na nangangahulugang "puso". At namuhay ang
magkasintahan ng masaya at mapayapa kasama ang kanilang anak na si Kardia.

You might also like