You are on page 1of 4

Talambuhay ni Indira Gandhi

Si Indira Gandhi ay ipinanganak noong Nobyembre 19, 1917 sa lungsod ng


Allahabad ng India. Ang batang babae ay lumaki at pinalaki sa isang pamilya ng
mga kilalang pulitiko. Ang kanyang ama, si Jawaharlal Nehru, ay ang unang punong
ministro ng India, at ang kanyang lolo ang namuno sa beterano na komunidad ng
India National Congress.

Ang ina at lola ni Indira ay maimpluwensyang mga pampulitika na sa isang


pagkakataon ay napailalim sa malubhang panunupil. Kaugnay nito, mula sa murang
edad ay pamilyar siya sa istraktura ng estado.
Ang Talambuhay ni Madre Teresa ng Kolkata
Si Madre Teresa or kilala sa tawag na Teresa ng Kolkata ay ipinanganak sa
1910 ika-10 ng Agosto. Siya ay kinilala bilang isang buhay na santo sa taglay
nitong kabutihang loob at pagtulong sa sa mga taong may mga karamdaman
at malulubhang sakit.
Ipinanganak siya at pinangalanan bilang Agnes Gonxha Bojaxhiu sa Skopje
sa Macedonia. Nag-aral sya sa Irlanda at noong sya ay 18 taong gulang ay
napagpasiyahan nyang maging madre dahil sa paniniwalang yun ang gusto
ng Diyos para sa kanya.
Pagkatapos ng ilang buwan na pagsasanay ay agad siyang ipinadala sa
Kolkata, India at doon ay pormal nyang tinanggap ang pagmamadre. Ang
Kolkota ay lugar kung saan maraming tao ang hirap, may mga sakit at
laganap ang kagutuman.
Noong 1948, itinatag nya ang samahan ng mga madre na tinawag na Mga
Misyonera ng Kawanggawa na ang layunin ay magkaisa para
makakapagbigay ng tulong sa mga maralita.
Dahil sa naipamalas niyang angking kabutihan, binigyan sya ng Gantimpalang
Nobel noong 1979.
Ngunit sa huling dalawang dekada ng kanyang buhay, nagkaroon na sya ng
ibat ibang uri ng sakit. Gayunpaman, hindi nya parin sya huminto sa kanyang
misyon at patuloy na naglakbay sa buong mundo upang magbigay ng tulong.
Isa si Prinsesa Diana sa kanyang nakausap bago sya tuluyang sumakabilang
buhay. Pagkaraan ng ilang araw si Prinsesa Diana ay pumanaw din.
Si Madre Teresa ay pumanaw sa edad na 87 sa taong 1997, ika-5 ng
Setyembre.
TALAMBUHAY NI INDIRA GHANDI
Si Indira Priyadarshini Gandhi  ipinanganak noong 19 Nobyembre 1917
Allahabad sa Pinag-isang Lalawigan, Indiyang Briton ay ang dating
Punong Ministro ng Republika ng Indiya sa tatlong magkakasunod ng
termino mula 1966 hanggang 1977 at ang ika-apat na termino mula 1980
hanggang sa kanyang pagpaslang noong 1984, sa kabuuang labing-
limang taon. Siya ang una at nag-iisang babaeng Punong Ministro.
Noong 1999, binoto siya bilang pinakadakilang babae sa na nakaraang
1000 taon sa isang botohan na ginawa ng balitang BBC. Nilagpasan niya
ang iba pang mga kilalang mga babae katulad nina Reyna Elizabeth I ng
Inglatera, Marie Curie at Mother Teresa. Ipinanganak sa
maimpluwensiyang politikang dinastiyang Nehru, lumaki siya sa isang
matinding kapaligirang mapolitika. Sa kabila ng kaparehong huling
pangalan, wala siya relasyong sa estadista si Mohandas Gandhi. Isang
prominanteng nasyonalistang pinuno ang kanyang lolo si Motilal Nehru.
Samantalang isang mahalagang pigura sa kilusang kalayaan ng Indiya at
unang Punong Ministro ng Malayang Indiya ang kanyang ama na si
Jawaharlal Nehru. Pagkatapos bumalik sa India mula sa Pamantasan ng
Oxford noong 1941, sinangkot niya ang sarili sa kilusan ng Pagpapalaya
sa India.

You might also like