You are on page 1of 4

Mater Dei College

Cabulijan, Tubigon, Bohol


A.Y. 2022 – 2023
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Baitang 10)

Pangalan: _________________________________________ Petsa: __________________


Baitang at Seksyon: __________________________________ Iskor/Marka: ____________

I. PAGPIPILIAN
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa:
a. Prostitusyon
b. Pre-marital Sex
c. Pornograpiya
d. Pang-aabusong Sexual
2. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at
mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang
gagawa nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
3. Ang mga sumusunod ay mga uri ng sexual abuse maliban sa:
a. Panghihipo
b. Pagpapakita ng ari
c. Rape
d. Paghahawak kamay ng mag-asawa
4. Ito ay tumutukoy sa mga babasahin o panooring sekswal.
a. Prostitusyon
b. Pre-marital Sex
c. Pornograpiya
d. Pang-aabusong sekswal
5. Ito ang pinakamatandang propesyon.
a. Prostitusyon
b. Pre-marital Sex
c. Pornograpiya
d. Pang-aabusong Sekswal
6. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay
empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon.
a. Whistleblowing
b. Jocose Lie
c. Lihim
d. Mental Reservation
7. Ipinagkalat ni Ben na ninakaw ng kaniyang kapit-bahay ang kanyang telepono
kahit hindi naman niya ito nakita, ito ay halimbawa ng;
a. Jocose Lie
b. Officious Lie
c. Pernicious Lie
d. Wala sa nabanggit
8. Ito ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang
pagnanakaw sa gawa ng iba maliban sa:
a. Mababang presyo
b. Anonymity
c. Madaling transaksyon
d. Hindi sistematiko
9. Sa simula ng paglikha ng Diyos, binigyan na siya ng natatanging talino.
a. Hayop
b. Halaman
c. Kalikasan
d. Tao
10. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala.
a. Kalikasan
b. Halaman
c. Hayop
d. Tao

II. TAMA O MALI (Tama 1 pt.; Mali 2 pts.)


Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at kung
MALI ay salungguhitan ang salitang nagpapamali sa pahayag at gawing tama. Isulat ang
sagot sa isulat ang sagot sa patlang.

1) Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.


___________________________
2) Ang tamang pagtatapon ng basura ay dahilan ng komersyalismo at
kinsoyumerismo. ___________________________
3) Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong mga walang permiso o ilegal
ay may malaking epekto sa kapaligiran at kalikasan.
___________________________
4) Ang maling pagtatapon ng basura at iligal na pagputol ng mga puno ay ang
dalawang suliraning nagdudulot ng polusyon. ___________________________
5) Ang asya ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang kagubatang
tropical kung saan makikita ang iba’t-ibang uri ng halaman at mga hayop na ang
iba ay dito lang talaga makikita. ___________________________
6) Ayon sa aklat ng Genesis, kabanata 1, talata 37-41, nilalang ng Diyos ang tao
ayon sa kanyang sariling larawan bilang lalaki at babae.
___________________________
7) Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita
nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera habang ang komersiyalismo
naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng
pagpapatayo ng mga gusali. ___________________________
8) Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na
maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng
tao. ___________________________
9) Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna
ang makabagong teknolohiya bago ang etika at dignidad ng tao ang talaga
namang nakatutulong sa tao. ___________________________
10) Ang lahat ng tao ay mamamayan ng iisang mundo.
___________________________

III. IDENTIFICATION
Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Isulat ito sa
patlang.

1) Ito ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa


katapat na kasarian. ___________________________
2) Ito ay nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay
nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang
nagawa. ___________________________
3) Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng
iba. ___________________________
4) Ito ay lihim na ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
___________________________
5) Ito ay tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di
kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.
___________________________
6) Ang sistemang ito ang nagbibigay sa mamimili ng komportableng paraan na
mapadali ang mga transaksiyon gamit ang online orders.
___________________________
7) Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at
katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda, programa, himig, at iba pa. ___________________________
8) Ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat. ___________________________
9) Ito ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na may
gawa. ___________________________
10) Ito ay nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. ___________________________
11) Ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling
asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa
loob ng isang samahan o organisasyon. ___________________________
12) Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
___________________________
13) Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor
sa interes o kapakanan ng iba. ___________________________
14) Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng
taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon.
___________________________
15) Ito ay kaloob sa atin ng Diyos. ___________________________

“WALANG MAHIRAP NA GAWA PAGDINAAN SA TIYAGA”


GOOD LUCK ANG GOD BLESS!!!

Cher Jhona

You might also like